Natatawa rin ako kapag naalala ko na pinagtawanan ako nila nanay at Jen, pero ako seryoso sa ginagawa ko.. Kaya ngayon aanihin ko na! Matingkad ang pagkaka kulay violet ng talong na tanim ko. Ang pechay naman Malalaki ang dahon at mataba ang tangkay. Habang nag-aani ako, may face towel akong nakita na nakaharang sa aking mukha. Kaya inangat ko ang aking ulo, ang Kasintahan ko pala, naka ngiti sa akin Habang pinupunasan niya ang mukha. " Ang dami ng talong at pechay, anong gagawin mo diyan baby? " " Hindi ko rin alam " Nakayuko na sagot ko. " Sasabihan ko si nanay na ipamigay na lang dun sa gate sa guard house, para kapag may dumaan, pwede sila kumuha, Gusto ko lng naman kasi talaga mag-ani, hindi ko naman akalain na ang sampo na Puno ng talong ay napakarami ng ibu

