Sa normal na gabing nagdaan sa mga oras na to ay mahimbing na dapat akong natutulog, ngunit ngayon paano?, kaya isang plano ang nabuo sa aking isipan, Papasukin ko ang silid ni papa! Kaya't pumanhik na ako, nasa tapat na ako ng pinto ngunit nagtatalo pa ang kagustuhan ko na malaman kung ano ang meron sa loob kung kaya bawal ako pumasok ng wala si papa o ang sundin ang habilin ni papa na wag papasok ng wala siya, sa huli ang una rin ang nasunod. Dahan dahan ang pag bukas ko ng seradora, malinis naman ang loob may malawak na kamang nakabalot sa puti na sapin, may 6 na unan, may lamesa sa gilid at isang upuan, lumapit ako sa napakalaking larawan ni papa at mama na nasa bandang taas ang headboard, hanggang sa bumaba ang tingin ko sa picture frame sa lamesa na naka taob, Nanlaki ang aki

