Nagising bigla si Lucille sa ingay ng baby nila, kahit antok na antok pa ay sinubukan niyang bumangon, pero bago pa siya maka baba sa kama, naka bangon na si Lincoln at dali daling pumunta kung saan natutulog ang baby nila. “Let me, love. May trabaho ka pa mamaya” sambit ni Lucille pero umiling lang si Lincoln. “I already informed my secretary, tatlong araw akong walang pasok, kaya let me carry our daughter.” nakangiting sambit ni Lincoln at pinatahan ang bata. “Palagi ka nalang hindi pumapasok Lincoln” sambit ni Lucille, ngumisi lang si Lincoln. “Tinatapos ko agad ang mga trabaho sa kumpanya para hindi ako pumasok, at kung may mga emergency meetings, I already talked to my secretary about it, so no worries love.” nakangiting sambit ni Lincoln, ngumiti si Lucille at muling humiga a

