“Mommy, is this fine?” nakangiting tanong ni Eiresaina habang inaayos ang lamesa. “Yes baby, double time. Baka dumating na ang daddy mo, mahuli pa tayo” nakangising sambit ni Lucille habang inaayos ang mga pagkain na niluto niya. “Hindi po kaya mag tataka si daddy mommy?” nag tatakhang tanong ni Eiresaina kay Lucille. “Hindi naman anak, kinausap ko si tito Kairos mo, kaya paniguradong mag tatagal siya roon.” nakangiting sambit ni Lucille at inalala paano niya nagawang paalisin ng bahay si Lincoln para hindi niya makita ang ginagawa nila ngayon. Flashback Maagang nagising si Lucille dahil sa iyak ng bunsong anak nila kaya bumangon na ito para kunin ang bata at nag punta na sila sa sala at tinawagan ni Lucille ang kaibigan niyang si Summer. “What's your plan? I know it's Lincoln'

