"Alvin, pupunta lang ako saglit sa computer shop, ha? May gagawin lang akong assignment," paalam niya sa kapatid niya habang itinatali ang buhok niya.
"Hindi pa rin gumagana ang cellphone mo, Ate?" tanong ng kapatid niya.
"Hindi pa rin, eh. Ilang araw na 'to, baka wala na talagang pag-asa. Sira na," sagot ni Avionna sa malungkot na tono.
Nanghihinayang siyang bumili agad ng bago kaya nagbaka-sakali siya na gumana pa 'yong cellphone niya kaso ilang araw na niyang sinubukan buksan, wala talaga. Doon pa naman siya gumagawa ng assignments na documents tapos mahalaga na meron siya no'n for communication sa school.
Naglakad siya palapit sa pinto at binuksan 'yon para umalis na. Bahagyang nanlaki ang mata niya nang makita na may naglalakad palapit sa bahay nila. Nakasuot pa ito ng puting longsleeve polo, necktie, at itim na slacks, halatang galing sa trabaho.
"A-Andreas..." mahinang aniya.
Ang mga kapitbahay niya ay nakikiusyuso na agad sa 'di kalayuan. Agaw-pansin ang pagdating ng binata dahil nga sa postura nito at sa nakahintong luxurious car.
Tinitigan siya ni Andreas habang palapit sa kaniya. Niluwagan pa nito ang necktie na nasa leeg. Naramdaman ni Avionna ang pagsiksik ng dalawa niyang kapatid sa tabi niya.
"Ate, may foreigner! Kilala mo?" tanong ni Alvin.
Si Avian naman ay napasinghap. "Boyfriend mo, Ate Avion?"
Inayos niya ang salamin sa mata at humakbang palapit kay Andreas.
"A-anong ginagawa mo rito?" mariin na bulong niya at napalinga. Ang mga kapitbahay niya ay halos mabali ang leeg kakasilip.
"Why are you ignoring my texts and calls? Naka-off ang cellphone mo," sagot ni Andreas habang malalim ang titig sa kaniya.
"Sira ang cellphone ko."
Umigting ang panga ng binata."Then you should buy one or dapat sinabi mo sa akin," iritadong saad nito.
Nakagat niya ang labi at marahan na tinulak si Andreas palayo sa kaniya nang mapagtanto na halos magkadikit na silang dalawa.
"Sige na, alam mo na ngayon. U-umalis ka na," aniya. Tatanungin niya pa sana kung paano nito nalaman ang bahay niya ngunit naalala niya na may copy nga pala ito ng details niya sa Seductress.
"Ate, foreigner 'yan?" Lumapit na ang dalawang kapatid niya, hindi na mapigilan ang curiosity.
Yumakap sa bewang niya si Avian habang nakasilip sa lalake.
"Ang pogi ng boyfriend mo, Ate."
Tumaas ang kilay ni Andreas habang tinitignan ang dalawang bata na lalake.
"Mukha naman matanda," komento naman ni Alvin.
Nanlaki ang mata niya saka sinulyapan ang kapatid at pinandilatan ng mata. Nang tignan niya si Andreas ay mukha ng masama ang mood.
"Where are you going, by the way?" tanong nito.
"Uh, sa computer shop. Gagawa ako ng assignment kaya, sige na. Umalis ka na," pagtataboy niya rito. Ang dami ng nakatitig sa kanila.
Tinalikuran siya ni Andreas at lumakad paalis. Nakahinga siya nang maluwag. Buti na lang mabilis itong sumunod.
Akala niya ay aalis na ang binata ngunit tila may kinuha lang ito sa loob saka bumalik palapit sa kaniya. May dala na itong laptop. Nang makalapit ay inabot iyon sa kaniya.
"Use this instead but I have to wait you finish because my works are there. Let's go inside your house," ani Andreas saka siya nilampasan, inunahan pa siya papasok sa bahay nila.
Bahagyang nanlaki ang mata niya. "Andreas!" pagtawag niya rito ngunit dire-diretso lang ito.
Sumunod siya papunta sa loob kasama ang mga kapatid niya. Pagpasok nila ay naabutan niya ang pagtingin ni Andreas sa paligid bago umupo sa sofa.
Nang mahagip siya ng paningin nito ay sinenyasan siya na umupo sa tabi nito. "Come here, do your assignment beside me."
Si Alvin ay napangiwi sa tila bossy na ugali ng binata. Pinagkrus niya ang braso habang tinitigjan si Andreas. Si Avian naman ay tila tuwang-tuwa, dahan-dahang umupo sa tabi nito.
"Foreigner ka ba?" tanong nito. "Understand me?" dagdag pa nito.
Tinignan ni Andreas ang bata. "I can speak Tagalog." Pinagmasdan niya ang mukha ni Avian sunod ay sinulyapan si Alvin na nasa tabi ni Avionna bago siya tinignan. "Your brothers?"
Tumango si Avionna. "Oo."
"Malaki ang pagkakahawig niyong tatlo," komento ni Andreas saka tumutok sa hawak na cellphone.
Napailing na lang si Avionna sa ikinikilos ng binata. Umupo siya sa couch ilang hakbang ang layo sa lalake saka nagsimulang gumawa ng assignment sa laptop ni Andreas. Si Alvin naman ay tumabi na rin sa binata. Napaggigitnaan na ito ng dalawang bata ngayon.
"Boyfriend ka ni Ate Av o manliligaw?" tanong ni Alvin.
"Alvin..." May warning sa tono ng boses ni Avionna nang tawagin niya ang kapatid.
"I'm her boyfriend," tila wala lang na sagot ni Andreas.
Napasinghap ang dalawang bata habang si Avionna ay napahilot sa sentido. Nanggugulo lang ito.
"Ilang taon ka na po? Parang ang tanda mo sobra kumpara sa Ate namin," ani Alvin.
Marahas na napalingon si Avionna sa gawi ng tatlo. Akala niya ay naka-move on na ro'n ang kapatid niyang si Alvin. Napakakulit talaga nito kapag ginanahan.
Tila na-offend ang hitsura ni Andreas. Kumunot ang noo ng binata. "I'm not old. I'm just 28."
Humagikhik si Avian, napatakip pa sa bibig. "Ay, si Ate Avion ko, mag-22 pa lang sa November, eh. Matanda ka po."
Lalong sumama ang ekspresyon ni Andreas na tila hindi matanggap ang komento ng dalawang bata. Nilingon siya ng binata habang kunot ang noo.
"Kapatid mo ba talaga ang dalawang 'to?" tanong ni Andreas.
"May isa pa kaming kapatid," ani Alvin.
"What?"
"Kaso tulog si Arvin," ani Avian.
Magsasalita pa sana si Andreas ngunit may kumatok sa pinto. Takhang napatingin do'n si Avionna. Tumayo si Andreas at tinawag ang dalawa niyang kapatid kaya silang tatlo ang lumapit sa pinto. Pagbukas no'n ay delivery rider ang naroon, naghatid ng maraming pagkain.
"Sir Maliq Andreas Morgan po?" tanong nito.
"Yeah," tanging sagot nito.
Tumulong si Alvin sa pagdala no'n sa loob habang si Avian naman ay tuwang-tuwa. Hindi makapaniwala si Avionna na nag-order pala ito ng pagkain.
Abala na ang dalawa niyang kapatid na kumain nang lumapit sa kaniya si Andreas. Huminto ito sa harap niya kaya tumingala siya.
"Do you need help?" tanong nito sa kaniya.
Walang imik siyang umiling. Nagkibit-balikat si Andreas saka lumapit sa may cabinet kung saan naka-display ang lahat ng certificates, trophies, at medals niya. Sa laki no'n ay kulang pa rin para magkasya lahat ng 'yon kaya ang iba ay maayos na nakadikit sa pader. May mga kasama rin 'yon na pictures niya sa mga competition na sinalihan niya.
"I understand now why the president of your school is proud of you..." saad ni Andreas habang nakapamulsa at nagsimulang basahin isa-isa ang mga naroon. "You're such an excellent student."
Nakagat ni Avionna ang labi at tumutok na sa laptop sa harap niya. "Thank you," tanging nasabi niya.
Nang matapos siya sa assignment ay sinend niya na 'yon sa sss ng professor niya.
"Andreas, ito na. Thank you so much," aniya.
Tumango ang binata. "Kumain ka na." Inilahad nito ang pagkain na nasa center table sa sala nila.
Tinignan niya si Andreas. "Ikaw? Hindi ka kumain," puna niya.
"I'm full. I need to leave now."
"Kuya, salamat po sa food," ani Avian.
"Salamat po," saad din ni Alvin.
Tumango lang si Andreas sa mga kapatid niya at naglakad na patungo sa pinto. Sumunod si Avionna para ihatid siya sa may labas. Napansin niya ang sunod-sunod na pagtingin ni Andreas sa relo.
"May lakad ka ba?"
"I have a meeting. Medyo male-late na ako," sagot nito sa kaniya.
"Uh, pasensya ka na. Dapat sinabi mo, pwede naman kasi na sa computer shop ako gumawa," aniya.
Sinulyapan siya ni Andreas saka tinaasan ng kilay na tila hindi nagustuhan ang sinabi niya. Huminto sila sa harap ng kotse nito.
"Salamat ulit, Andreas pati na rin sa food," aniya.
Hinawakan siya ni Andreas sa braso saka marahan siyang hinila palapit. Akmang lilinga siya para tignan kung may tao sa paligid ngunit yumuko na ang binata kaya naglapit ang mukha nila. Pinatakan siya nito ng mabilis na halik sa labi.
"I was worried sick when I wasn't able to contact you. Huwag mo ng ulitin," bulong ni Andreas.
Napalunok si Avionna. "H-hindi ko alam. Nasira nga kasi ang phone ko."
Tinaasan lang siya ng kilay ni Andreas bago muling nagsalita, "May darating dito mamaya. Accept it. i got to go."
WALA siyang ideya kung ano ang sinasabi nito na darating. Naisip niya nga na baka pagkain na naman. Nang may kumatok sa pinto ay sinilip niya muna sa butas. Kumunot ang noo niya nang makita na ang driver na nagdadala sa kaniya sa penthouse ni Andreas ang naroon.
"Good evening po. Bakit ho?" takhang tanong niya matapos itong pagbuksan.
Papapuntahin ba siya sa penthouse? Hindi pwede. May pasok pa siya bukas.
"Good evening, Miss Avionna. Ito po." Inabot sa kaniya ng lalake ang isang malaking paperbag. Pagtanggap niya ay medyo mabigat iyon kaya nagtakha siya.
Magtatanong pa sana siya kaso nagpaalam na agad ang driver at umalis na. Isinara niya ang pinto saka umupo para tignan 'yon. Nanlaki ang mata niya nang makita ang mga nasa loob. Isa-isa niya 'yon kinuha mula sa paperbag.
May malaking tablet, cellphone, at laptop. Lahat ng 'yon ay latest na mga model ng pinakamahal at sikat na brand ngayon sa market. Awang ang labi niya at natulala sa mga gadget na naroon.
Napansin niya ang maliit na sticky note kaya kinuha niya 'yon at binasa ang nakasulat.
'My number is already on your new phone. Text me once you receive these things.'
Binuksan niya ang phone at nanibago pa dahil sa ibang-iba 'yon sa android phone niya. Tulad ng sinabi ni Andreas, ando'n nga ang number nito, nag-iisa sa contacts niya.
'Thank you, Andreas pero sobra-sobra naman 'to.'
Pinindot niya ang send matapos magtipa.
'No problem,' tanging sagot nito sa kaniya.
Napailing-iling si Avionna. Ang mahal ng mga binigay sa kaniya ni Andreas, sobrang mahal. Wala na lang talaga para sa binata ang gumastos basta-basta.
KINABUKASAN, pagdating sa school ay sinalubong agad siya ni Phoebe. Dumiretso sila sa office nilang mga student council dahil may meeting daw.
"Miss Pres, may important announcement sa gc. Wala ka pa rin bang cellphone?" tanong nito sa kaniya saka bahagyang napangiwi.
Inayos ni Avionna ang eyeglasses niya. "Meron na. Hindi lang ako nakapag-open," aniya. Kailangan niya na lang i-log in ang account niya.
"Buksan mo na. Tungkol sa event."
Tumango siya. Tumayo si Phoebe at pumunta sa may desk para kunin ang kailangan niya. Kinuha ni Avionna ang phone niya at patago 'yon na ginamit. Ito lang ang problema, maiilang siya na gamitin dahil kapag makita ng iba ang phone niya, tiyak na maiintriga sila dahil ang mahal-mahal no'n.
Binuksan niya ang account niya at binasa ang messages. Focus na focus siya roon kaya naman napaigtad siya nang biglang magsalita si Phoebe.
"Wow! Oh my gosh! Wow! That's their latest phone, 'di ba? Magkano 'yan? 'Di ba almost one hundred thousand?!" Nanlalaki ang mata na saad ni Phoebe saka napapaypay sa sarili.
Agad niyang hinila paupo si Phoebe. Mabuti na lang silang dalawa pa lang ang naroon.
"Huwag ka maingay," mahina niyang saad.
"OMG! Bigay 'yan sayo ng client s***h master mo?" mariin nitong bulong, tila gigil na malaman ang totoo.
Tumango si Avionna. Napapapaypay lalo sa sarili si Phoebe.
"Shet! So, big time pala talaga? Sino ba 'yan? Grabe. Binibigyan ka pa ba ng bonus o 'yan na lang binigay sayo? Kasi akin, isa-isa lang. Either cash or luho ko! Sino 'yan?"
Nakagat ni Avionna ang pang-ibabang labi. Iba pala talaga si Andreas, masyadong galante. Maliban sa binibigay sa kaniyang pera na malaki rin ang halaga, binigyan pa siya ng gadget na hindi lang isa, kung hindi tatlo!
"A-ayon pa rin," tanging nasabi niya.
Napapadyak si Phoebe. "Grabe, sabihin mo na name para ma-search natin."
Inagaw sa kaniya ng kaibigan niya ang cellphone saka tinignan ang bawat sulok no'n habang tila nagniningning ang mga mata.
"This is my dream phone! Ito kaya i-wish ko next time? Kaso baka naman ilang buwan akong walang cash no'n?" Napalabi si Phoebe saka tumingin sa kaniya. "Ang ganda ng phone mo, Avionna!"
Sabay silang napalingon nang bumukas ang pinto ng office at pumasok si Jonas. Hindi nakaligtas sa mga mata nito ang cellphone niya na inabot na sa kaniya ni Phoebe. Umiwas ng tingin ang lalake saka tumiim-bagang.
"Good morning, Vice Pres!" bati ni Phoebe.
Hindi ito umimik at dumiretso lang sa desk. Napabuntong-hininga si Avionna. Hindi pa rin talaga siya pinapansin nito.
Hindi niya maiwasan na makaramdam ng kaunting lungkot dahil kaibigan niya si Jonas kaya kahit papaano ay naaapektuhan siya sa pag-iwas nito sa kaniya.
Nag-meeting lang sila saglit. Babalik na sana sila sa kaniya-kaniya nilang classroom matapos ang meeting nang biglang dumating si Madame Hani kasama si Andreas. Agad nagtagpo ang mga mata nila habang umuupo ang dalawang bagong dating.
"Hello, guys. How's the plan? Complete na ba?" tanong ng president ng school. "Kasama ko si Mr. Morgan."
"Good morning, Madame President and Sir Morgan," bati nila.
Naramdaman ni Avionna ang pagsiko sa kaniya ni Phoebe. "Grabe, ang hot talaga ni Mr. Morgan, 'no? Buti na lang madalas siyang pumupunta rito, lagi ko nakikita."
Hindi umimik si Avionna at sumulyap lang siya sa kaibigan. Sa school nila, hindi lang si Phoebe ang tuwang-tuwa tuwing bumibisita ang binata. Sa taglay nitong kakisigan, ang daming nahuhumaling. Ang lakas pa sobra ng dating.
"Maybe Miss Avionna Emily could share it to us," ani Andreas na nagpabigla sa kaniya.
Napakurap siya at napaayos ng salamin, hindi inaasahan na kakausapin siya nito sa harap nang marami. Ngumiti naman si Madame Hani saka siya tinanguan.
Tumayo si Avionna saka inilibot ang tingin sa mga naroon. Naabutan niya si Jonas na tila masama ang mood, nakatiim ang bagang saka siya inismiran. Pilit niya 'yon na isinawalang-bahala.
Inilahad niya ang plano nila para sa event. Ilang beses pa siyang nautal nang mapansin na titig na titig sa kaniya si Andreas habang pinaglalaruan nito ang sariling labi. Sa tuwing napapatingin siya sa pwesto nito ay may munting ngisi na guguhit sa labi.
"That's a good plan, right, Mr. Morgan? What do you think?" Nakangiting saad ni Madame Hani.
Tumango si Andreas. "Yes, but I would like to talk with you later, Miss Avionna Emily. Nag-iisip pa ako ng suggestions ngayon so let's talk later," sabi nito sa kaniya habang pilit na ginagawang seryoso ang ekspresyon.
Tumango si Avionna ngunit sa loob niya ay pakiramdam niya, palusot lang ito ni Andreas.
"Talk to him, Avionna, okay? Mr. Morgan is an excellent businessman so he has a lot of idea that could surely help you and the group!" ani ng president ng school.
Umalis na ang members ng student council kaya naiwan sila ni Andreas sa office kasama ang president ngunit nagpaalam din ito agad dahil may kailangan daw asikasuhin. Silang dalawa na lang ang naroon.
May maliit na ngisi si Andreas habang nakatitig sa kaniya. Magkatapat sila ng upuan at ang mahabang mesa ay nasa pagitan nila.
"So, what are your suggestions, Sir?" magalang na tanong ni Avionna at inihanda ang notebook niya.
Pinagsiklop ni Andreas ang palad saka nag-lean sa kaniya nang kaunti.
"It's better if you just live in my place, that's my suggestion," saad nito. "Then I can assign a nanny for your younger brothers. Sa penthouse kita para palagi kitang makita at..." Gumuhit ang maliit na ngisi sa labi nito.
Napabuntong-hininga si Avionna. "Andreas, I'm serious. Nasa school tayo," aniya.
Tumaas ang kilay ng binata saka naging seryoso ang mukha. "And I'm serious, too. It's making me inpatient that I have to wait until weekend so I could have you. Kapag nasa penthouse kita, everyday, you're with me."
Umiling lang siya. Ayaw niya no'n. Hindi pwedeng maiwan niya nang tuluyan ang mga kapatid niya.
Inabot ni Andreas ang kamay niya at hinaplos-haplos iyon.
"Come on, Avionna. Try to consider it," aniya habang abala sa pagguhit ng kung anu-ano sa palad niya gamit ang hintuturo.
Biglang bumukas ang pinto kaya agad binawi ni Avionna ang kamay niya mula kay Andreas. Si Jonas ang dumating at ang tingin nito ay nasa pwesto kung saan naroon ang kamay nilang dalawa kanina.
"May kukunin lang ako," saad nito at dire-diretso na pumunta sa desk niya.
Kabado naman si Avionna na sinundan ng tingin si Jonas habang si Andreas ay tila walang pakialam kung nahuli man sila.
NAG-CHECK siya ng mga gc for the last time bago matulog in case na may mga biglang announcement. Nag-reply lang din muna siya ng mga message sa kaniya, mostly tanong mula sa mga kapwa estudyante niya. Io-off na sana niya ang data nang may nag-pop up na notification na agad niyang binuksan.
Galing 'yon sa website ng school nila. Matapos mag-loading ay dumiretso iyon sa freedom wall kung saan anonymous na nakakapag-post ang mga student ng school nila kaya naman mostly ay love confessions lang ang naroon. Nakuha lang ang attensyon niya ngayon dahil sa header nitong post na 'BLIND ITEM'.
Curious siya kaya binasa niya ngunit halos mayanig ang pagkatao niya nang matapos ang pagbabasa. Ang daming comments agad sa ilalim ng post kahit ilang minuto pa lang 'yon.
Paulit-ulit niyang binasa 'yon. Umawang ang labi niya at nanginig ang kamay habang kumakalabog nang malakas ang puso niya.
'Sino itong babaeng schoolmate natin na may koneksyon sa isang rich man? Kapalit ng luho at malalaking halaga ng pera ay ang katawan niya? Clue: A.'