Prologue
"Miss President, okay na 'yong sound system. So far, ready na lahat," saad ng Vice President niya na si Jonas.
Tumango si Avionna saka nilagyan ng marka ang kaniyang checklist. "Okay. Re-check everything again for the last time. Magsisimula na ang event after 15 minutes," aniya saka nilingon ang isa pang miyembro ng student council na katabi niya. "Aileen, make sure that all of the students are on their respective classrooms. Gusto ni Madam na walang pakalat-kalat," utos niya.
Umalis agad ang dalawa para sundin ang mga iniutos niya. Inayos niya ang eyeglasses niya saka binuksan ang cellphone upang i-check ang gc nila para sa event na 'yon. She has to make sure that everything will go perfectly.
The event is a thanksgiving party for the people who donated to their school. Malalaking tao ang mga 'yon at mataas ang expectation ng president ng school sa kaniya. Kapag may kapalpakan na nangyari, siya ang malalagot dahil siya ang president ng student council.
She never failed in doing her task and she must keep up with that standard.
"Hi, Miss Pres. Magsisimula na ba?" rinig niyang saad ng bagong dating.
She sighed then glanced at Phoebe, her secretary and also her closest friend. "Late ka na naman. Sabi ko 'di ba, dapat maaga ka because I need your help."
Phoebe pouted. "Sorry na. Late ako nagising." Yumakap pa ito sa braso niya.
Avionna shook her head. "Everything is already fine so I guess, okay lang." Nagkibit-balikat siya.
Her bestfriend giggled then nudged on her. "Ano? Ano'ng balita? Na-hire ka na?" tanong nito.
Agad pinanlakihan ni Avionna ng mata ang kaibigan.
"Shhh, baka may makarinig," bulong niya.
Umirap si Phoebe. "As if naman mage-gets nila. Ikaw naman, kabado much! So, ano nga, na-hire ka na ba? Have you checked the website?"
Umiling siya. "I don't know. Naging busy ako masyado. Wala rin namang notification."
"I-check mo ngayon! Dali," utos ng kaniyang matalik na kaibigan. "Kinita ako kagabi ng master ko, ayon, ang dami ko na naman pera. May pambili na naman ako ng luho ko," dagdag ni Phoebe saka humagikhik.
"Ano'ng ginawa niyo?"
Lumaki ang ngiti ng kaibigan. "Date and... more!" Phoebe gave her a knowing look as she stressed the last word.
Napalunok si Avionna at lalong bumigat ang pakiramdam. Phoebe enjoys the job. Ang sitwasyon niya naman ay iba. Napilitan siyang mag-apply doon no'ng nakaraang araw sa desperasyon para makakuha ng malaking halaga. Pero bawat segundo, sa tuwing naiisip niya ang posibilidad na ma-hire siya nang tulad sa master ni Phoebe, parang gusto niyang umatras.
But everytime she remember that she needs a huge amount of money for her youngest brother, she has to forget that thought.
"Check mo na!" pamimilit pa sa kaniya ulit ng kaibigan.
Binuksan niya ang cellphone at bubuksan na sana ang mobile data ng ngunit dumating bigla ang professor na may hawak sa kanilang student council. Agad niyang ibinulsa ang cellphone.
"Late ka na naman Phoebe, hindi na ako natutuwa," saad ni Miss Plaridel paglapit na paglapit sa kanila.
Agad naman nagdahilan ang kaibigan niya. Nagpaalam si Avionna nang mapansin ang oras. Magsisimula na ang event kaya kailangan na siya.
Abalang-abala siya habang ginaganap ang event. Maya't maya ang check niya para masiguro na maayos ang flow ng event. Nang ipinakilala na ang mga nag-donate, sumilip siya para manood sandali. Doon ay nakita niya ang mga mukhang mayayaman na tao. She clapped her hands as they went to the stage one by one.
"Miss Marjorie Lyn Evangelista."
"Mrs. Violet Bautista."
"And Mr. Maliq Andreas Morgan!"
Nanlaki ang mata niya nang makita ang huling tinawag. Nakita niya na 'yon sa front page ng isang magazine na ang topic ay tungkol sa bilyonaryo na bachelor sa bansa. Mangha siyang napatitig sa binata.
Ang gwapo-gwapo niya sa magazine pero walang-wala pa pala 'yon sa personal as if the picture didn't give enough justice. Naka-suot ito ng suit and tie. Ang postura ay napakaganda at hindi rin madamot ang lalake sa pagngiti. And the most attractive feature in him is his pair of green eyes.
"Grabe 'no? Super gwapo, mayaman, tapos mabait pa," komento ng katabi niya na si Aileen.
Avionna just nodded. Nabasa niya sa memo na si Maliq Andreas Morgan ang pinaka-VIP sa mga bisita dahil ito ang pinakamalaki ang donasyon.
"Alam niyo ba na karamihan naman sa mayayaman pang-front lang ang donation? Barya lang 'yan sa yaman nila. Nagpapabango lang madalas," kontra naman ni Jonas saka siya sinulyapan. "Crush mo rin, Ionna?" tanong sa kaniya.
Avionna shook her head. "Hindi. I'm just thankful for their help," sagot niya, nanatiling nanonood sa event.
"Ano ka ba, Jonas? Hindi naman agad nagkaka-crush 'yan si Avionna. Masyado kasing seryoso sa buhay 'yan," singit ni Phoebe.
Napangiti lang si Avionna saka nilingon ang mga kasama niya. "Thank you so much everyone. Job well done. It seems like everything is going as planned," saad niya saka muling nilingon ang stage.
"Siyempre, ang galing mo kaya mag-lead at siyempre, magaling din lahat ng nasa student council," ani Aileen.
Avionna chuckled then glanced at them. She showed two thumbs up.
Maayos nga ang naging takbo ng event. Nang matapos ay dumiretso ang mga panauhin sa office ng president ng school. Naiwan naman silang student council para magligpit sa stage ngunit pinatawag din sila sa office kaya agad silang tumungo ro'n.
"Gusto nila kayo makita. They really love the event pati ang food na pina-ready niyo," salubong sa kanila ni Miss Plaridel na mukhang proud na proud sa kanila.
Her members giggled excitedly. Napangiti na rin si Avionna lalo na nang makita na inaasar ng ibang officer si Phoebe na wala naman ambag.
"Pinagtutulungan ako, Miss President, oh!" hingi ng tulong ni Phoebe sa kaniya saka lumabi.
Natahimik na sila nang nilapitan na sila ng mga panauhin. Dahil nasa dulo siya ay nahuli siya. Pinagmasdan niya ang pag-congratulate ng mga visitors sa mga kapwa officer niya. Avionna smiled because she felt proud for their team.
But her smile vanished when she noticed that someone is staring at her intently. Titig na titig sa kaniya si Maliq Andreas Morgan na para bang kinikilala siya nito kahit si Jonas pa ang kaharap. Napatikhim siya at inayos ang salamin dahil sa pagkailang.
"You're the president of the student council, right? I heard a lot about you. They say that you're a beauty and brain and seeing you right now, I believe them! Congratulations for the job well done!" bati sa kaniya ng ginang na nasa harap niya.
Avionna can still feel the stare but she forced herself to focus to the woman in front of her. She smiled warmly. "Thank you so much, Maam. We also appreciate your kindness to our school. Your donation helped a lot of students here and I am one of them. Thank you for helping us to reach our dream."
Napalunok siya nang malalim nang mapagtanto na papunta na sa kaniya ang binata. He stared at her intently when he stopped in front of her. Ang bilis ng kabog ng dibdib niya dahil sa halong kaba at pagkailang. Hindi niya alam bakit siya kinakabahan pero kahit sino naman siguro ang titigan ng lalake sa harap niya ay kakabahan. His green eyes are so intense.
"I am—"
"Avionna Emily Escalante, right?" Inunahan siya ng binata habang titig na titig sa kaniya.
Napakurap si Avionna. Paano nito nalaman ang buong pangalan niya? Did the President introduce her to him? That might be the case.
Pilit siyang napangiti. "Thank you for helping our school, Sir—"
"You're a student here?" tanong nito.
She nodded. "I am a scholar here. Thanks to the people like you who donated, I'm able to study without any problem," aniya. Mabuti at nakapagsalita pa siya nang diretso kahit naiilang siya nang sobra.
Tumango ang lalake saka siya nginitian. "You're welcome. See you soon," saad nito sunod ay nilampasan siya.
Naiwan siyang tulala sa kinatatayuan niya, mabuti na lang huli na 'yon.
"Ano'ng sabi sayo? Bakit parang natatae ka?" tanong ni Phoebe?
Avionna snapped back in reality. Umiling siya at hindi na nagsalita. Bakit gano'n ang asta ng binata? Grabe makatitig sa kaniya na para bang hindi 'yon ang unang beses na nakita siya. Weird din ang huli nitong sinabi. See you soon? Ano'ng ibig sabihin no'n?
She inhaled sharply then fished her cellphone from her pocket. Tinignan niya ang oras. Binuksan niya ang mobile data niya para tignan kung nag-chat sa kaniya ang pinagbilinan niya na magbantay sa bunso niyang kapatid na nasa hospital.
Nag-update lang sa kaniya na kumain ang kapatid niya. Nagpasalamat siya at sinabi ang oras ng pagpunta niya roon mamaya.
Papatayin niya na sana ang mobile data nang mapansin ang isang notification 2 hours ago. Nanlaki ang mata niya sa nakita. Para makasiguro ay pinuntahan niya ang website. Doon niya nakita na sa ilalim ng pangalan niya ay 'hired' na ang status.
Napalunok siya nang malalim at muling kumalabog ang puso. Pinindot niya ang details no'n at umawang ang labi niya nang mabasa ang pangalan ng nag-hire sa kaniya.
'Maliq Andreas Morgan'