4 a.m nang tumunog ang alarm ng cellphone ni Avionna. She immediately stood even she's still very sleepy. Kailangan kasi niya maghanda para dahil papasok pa siya pati ang dalawa niyang nakababatang kapatid na lalake. Nag-set siya ng panibagong alarm para sa dalawa at inilagay 'yon sa uluhan nila. Sunod ay pinuntahan niya ang bunso niyang kapatid at dinama ang noo.
"Sana hindi ka na magkalagnat ulit," bulong niya at napabuntong-hininga.
Pabalik-balik kasi ang lagnat ng bunso nilang lalake. Bukas pa niya mapapacheck-up dahil Sabado bukas at wala siyang klase. She fixed the comforter on his body before leaving the room.
Nagsaing na agad siya ng kanin na para sa umagahan at baon nilang apat. 'Yung bunso kasi ay kinder na kaso sunod-sunod ang absent dahil laging nagkakasakit. Kaya iniiwan niya na lang muna sa kapitbahay at pinapabaunan na lang ng mga pagkain para hindi naman nakakahiya. Tapos nag-aabot siya ng pera bilang kapalit sa pag-aalaga sa kapatid niya. Kapag tapos naman ng klase ng dalawa niyang kapatid ay kukunin na ang bunso at sila na ang mag-aalaga.
Nagluto na rin siya ng ulam nila. Ilang minuto bago mag 5 a.m, nagising na si Alvin, ang kapatid niyang sumunod sa kaniya.
"Kumain ka na, nahanda ko na ang pagkain at gatas mo. Tapos kapag nagising si Avian maya-maya, ipaghanda mo rin siya ha? Pagkatapos ko maligo, ikaw naman," aniya.
"Opo, ate," sagot nito habang papungas-pungas pa.
Grade 6 na ito kaya nakatutulong na kahit papaano sa kaniya sa gawaing bahay. Responsable rin at talagang maasahan. Next to Alvin is Avian who is currently on the third grade. Mabait din naman at hindi pasaway. Kahit papaano ay tumutulong na rin sa bahay, bata pa man ang edad.
Binilisan niya ang pagligo at agad nagsuot ng kaniyang uniform. Kailangan niya pa asikasuhin ang tatlo niyang kapatid. Pinabayaan muna niya ang towel sa ulo at dumiretso na sa kusina. Naabutan niya na inaasikaso ni Alvin si Avian. A smile curved in her lips as she approached her siblings.
"Sige na, ako na ang magtitimpla ng gatas niya. Maligo ka na," aniya. Tumango ito at agad na kinuha ang inihanda niyang uniform nito kaninang galing siya sa trabaho.
Habang kumakain ang kapatid ay nag-ayos na siya. Nagligpit na rin siya para mamaya pag-uwi ng mga kapatid niya ay wala masyadong kalat. Half-day lang kasi ang pasok ng dalawa habang siya ay hanggang alas-tres tapos didiretso siya sa trabaho niya. Call center agent siya at labis siyang nahihirapan dahil katiting na lang ang pahinga niya pero kailangan niya kumayod.
She has a lot of responsibilities. Isa siyang estudyante, president ng student council sa school, ate, at empleyado. Lahat 'yon ay solo niya. Labis ang bigat ng mga gawain niya at dumagdag pa ang pagiging magulang sa tatlong nakababatang kapatid.
Anim na buwan na ang lumipas simula nang mamatay ang Mama at Papa niya sa isang aksidente. Now, she's acting as the mother and father to her three younger brothers. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na magluksa. Wala siyang panahon para doon dahil sadyang kay rami ng naiwan na responsibilidad sa kaniya.
"Arvin, gising na ikaw..." marahan niyang hinaplos ang mukha ng bunsong kapatid. Nagmulat ito ng mata at inaantok na tumitig sa kaniya. Ngumiti si Avionna. "Kumusta ang pakiramdam mo?"
"O-okay lang po," bulong ng limang taon niyang kapatid.
Inalalayan niya ito na umalis sa kama saka inakay patungong kusina. Naabutan niya na tinutulungan ni Alvin si Avian na magsuot ng uniform. Nakaligo na ang dalawa pareho.
Inasikaso niya ang bunso nila sunod ay nilinisan ang katawan gamit ang bimpo at maligamgam na tubig.
"Alvin paki-double check no'ng mga nilagay kong baon sa bag niyo if nailagay ko talaga," aniya habang binibihisan si Arvin.
"Okay naman po, Ate."
"May project ba kayo o bayaran, Alvin? Avian?" tanong niya sa dalawa.
"Wala pa po pero magkakaroon daw po kami project," ani Avian.
"Ako, Ate, may educational tour daw kami pero sabi ko hindi ako sasama," ani Alvin.
Nilingon niya si Alvin at napabuntong-hininga. "Gusto mo sumama?"
Agad umiling ang kapatid niya. "Hindi po, Ate. Mahal din kasi."
Napailing si Avionna. "Hindi, hindi problema 'yon Alvin kasi gagawan ko ng paraan ang mga bayaran pero... ayaw ko sana dahil alam mo naman na—" Huminga siya nang malalim at malungkot na napangiti, hindi maituloy ang sinasabi.
Sa bus namatay ang mga magulang nila kaya takot siya na sumakay sila sa gano'ng sasakyan. She has now fear riding one and she can't risk losing one of her brothers. Hindi niya na kakayanin.
"Ayoko rin naman, Ate. Mas gusto ko rito sa bahay, makikipaglaro na lang ako kay Arvin at Avian." Malaki ang ngiti na ipinakita ni Alvin.
Ngumiti si Abionna sa kapatid saka hinaplos ito sa ulo. "Salamat, Alvin. Ikaw rin, Avian, salamat sa pagtulong kay Ate. Huwag ka mag-alala sa project mo, sabihin mo lang sa akin kung ano ang bibilhin."
Sinigurado ni Avionna na maayos ang lahat sa bahay bago sila umalis. Dala-dala na rin niya si Arvin para idaan sa kapitbahay nila. Mabuti na lang maaga ito nagigising dahil may karinderya ito sa bahay.
"Ate Berna, may gamot po si Arvin sa bag niya. Pakipainom po sa kaniya mamaya."
Tumango ang ginang at nginutian siya saka kinuha si Arvin at ang bag nito. "Sabi ko naman sayo huwag mo na padalhan ng pagkain si Arvin, marami naman dito."
Ngumiti siya. "Naku, matakaw kasi 'yan, baka malugi ka po. Nga po pala, gano'n pa rin. Pupunta po si Alvin dito mamaya para kumuha ng ulam nila para sa tanghali at gabihan. Babayaran ko po mamayang madaling araw pag-uwi ko," aniya.
She kissed her youngest brother before they left. Si Avian naman at Alvin ay pinasakay niya sa tricycle na maghahatid sa kanila sa school na malapit lang sa kanila. Siya naman ay sa jeep sasakay, 20 minutes ang biyahe. 6:30 naman ang simula ng klase nila.
She's greeted by a lot people as she graced towards her classroom. Dahil siya ang presidente ng student council, kilala siya nang halos lahat ng estudyante.
"Good morning, Miss President!"
Avionna smiled a bit. "Good morning," bati niya pabalik.
Third year college na siya kaya mas mabigat na ang mga gawain sa school ngunit sadyang magaling, matalino, at advance ang kakayahan niya kaya nakakaya niya ang lahat ng 'yon.
"Hi, Miss Pres! May tulog ka ba?" bungad sa kaniya ng matalik niyang kaibigan na si Phoebe.
Avionna nodded. "Meron, three hours." Umupo na siya sa kaniyang seat at agad naman tumabi sa kaniya ang kaibigan na nag-aalala ang ekspresyon.
"Keri pa ba? Masyado ka ng pagod. Baka isang araw, mag-give up 'yang katawan mo."
"Kaya ko naman and I take vitamins," sagot ni Avionna saka inilabas ang libro niya para mag-advance reading sa lesson nila sa araw na 'yon habang wala pa ang professor.
"Hindi naman sapat 'yon, 'no! Alam mo tanggapin mo na lang 'yong invitation ko sayo sa Seductress. Malaki ang pera do'n, hindi pa makakain halos lahat ng oras mo!" mariin na saad sa kaniya ni Phoebe.
She immediately shook her head. No'ng nakaraan pa siya inaakit ni Phoebe na mag-apply sa Seductress, kung saan ito nagta-trabaho.
Ayon sa kaibigan niya, isa 'yon exclusive website na ang may access ay mga mayayaman na lalake. Doon, maraming magagandang babae ang naka-post ang picture tapos pipili lang ang lalake kung sino ang gusto niyang i-hire. Either naghahanap sila ng companion, girlfriend, o bedwarmer.
Avionna can't take that kind of job. Sana ay kung may option na for companion lang ang availability niya ay baka pwede pa, kaso wala silang control doon. The money you could get is promising. Ang isang buwan niyang sahod sa pagiging call center agent ay pwede niyang kitain do'n ng isang meeting lang sa magha-hire sa kaniya ayon sa sinabi ni Phoebe. Masyadong malaki ang maitutulong no'n sa kaniya lalo na't pagod na pagod na siya ngunit hindi niya talaga kaya.
"Hindi na. Salamat, Phoebe."
"Hindi ka ba napapagod sa tambak na gawain mo? Naiisip ko pa lang ang mga responsibility mo, napapagod na ako. Salute naman ako sayo Avionna pero baka mapaano ka pa niyan."
Tinitigan niya ang kaibigan saka nginitian. "Salamat sa pag-alala pero okay lang ako," aniya.
'At isa pa, nakatutulong din ang lahat ng responsibilidad ko para makalimutan ko ang sakit at lungkot,' dagdag niya sa isip.
Kinakailangan niya maging matatag para sa kapatid niya dahil siya na lang inaasahan ng tatlo.
"By the way, Miss President, 'yong event, next week na 'yon, 'di ba?" tanong ni Phoebe.
Avionna nodded. May event silang gaganapin next Friday bilang pasasalamat sa mga taong nag-donate nang napakalaking halaga sa school nila at bilang presidente ng student council, siya ang inatasan na manguna sa pag-aasikaso no'n. Last week sila nagsimula sa paghahanda no'n.
"Galing, hindi nakalimutan! Ako nga na halos walang ginagawa, nakalimutan ko na!" Humagikhik si Phoebe.
"I have a checklist," tanging sagot ni Avionna.
"Proud ka pa, secretary ka pa man din!" singit ng isa nilang kaklase, sagot sa huling sinabi ni Phoebe.
Hinayaan na ni Avionna na magbangayan ang dalawa at nagbasa na lang ng lesson nila.
----
Abala si Avionna magbasa habang kumakain ng lunch niya sa canteen nang biglang nag-ring ang kaniyang cellphone. Hindi niya pa 'yon napansin agad dahil tutok siya sa pagbabasa.
"Pres, may tumatawag sa'yo," puna ng Vice President niya na si Jonas. Sabay-sabay silang kumakain ng officers ng student council dahil nagkaroon sila ng meeting.
"Oh, thank you," aniya at tinigil ang ginagawa saka kinuha ang cellphone niya. Nang makita na ang kapitbahay nilang si Berna ang tumatawag ay kinutuban agad siya. "Ate? Napatawag ka?" aniya.
"Avionna, sinugod namin si Arvin sa hospital! Ang taas ng lagnat sobra, nagkumbulsyon!"
Nanlaki ang mata niya. "Pupunta ako Ate. Saang hospital?"
Agad nag-alala ang mga kasama niya ngunit halos wala ng marinig si Avionna. Niligpit niya ang mga gamit niya at sinuksok sa bag niya nang natapos ang tawag.
Nilingon niya si Phoebe na nag-aalala rin ang ekspresyon. "Phoebe, pakisabi sa prof natin na umuwi ako, sinugod sa hospital ang bunso namin." Tinignan niya si Jonas. "Jonas, please—"
"Ako na ang bahala, Ionna. Sige na, umalis ka na. Mag-ingat ka."
"Pres, ingat ka ha," paalala ng iba pa niyang kapwa officer.
Hindi na siya nakasagot at malalaki ang hakbang na naglakad paalis ng canteen. Lakad-takbo ang ginawa niya palabas ng campus. Dahil college na siya, hindi na strikto ang guard sa paglabas niya ng school. Agad siyang sumakay sa jeep patungo sa hospital na pinagdalhan sa kapatid niya.
Sa biyahe ay pumikit siya at tahimik na nagdasal. Sinisisi niya ang sarili niya na pinatagal pa niya ang pagpapa-check up sa kapatid. Sabado kasi bukas kaya ro'n lang siya may oras ngunit heto na, may masama ng nangyari sa kapatid niya.
Pagdating na pagdating sa hospital ay agad niyang hinanap ang kapatid niya. Sinalubong siya ni Berna ngunit hindi niya na halos pinansin at dumiretso sa kapatid niya na nakahiga sa hospital bed, may mga nakakabit na sa katawan. Suminghap siya at agad hinalikan ang kapatid na walang malay.
"Sinat lang kanina tapos biglang tumaas kaya pinahiga ko muna siya. Tapos saglit lang ako napalinga, pagtingin ko, nanginginig na siya!" alalang-alala na saad ng ginang.
Marahan niyang hinawakan ang maliit na kamay ng kapatid saka tiningala ang ginang. "Salamat sa pagdala sa kaniya, Ate Berna. Ano'ng sabi ng doktor?" kalmado niyang tanong.
"Kailangan daw nila mag-run ng mga test dahil may napansin sila kay Arvin. Dito raw muna dapat ang bata."
Mariin siyang pumikit at pilit na kinalma ang sarili. Pagmulat niya ay sinulyapan niya ang kapatid. "Nasa bahay na po sina Avian at Alvin?" tanong niya, nanatili ang tingin kay Arvin.
"Oo. Huwag ka mag-alala, inasikaso sila ng binata ko," sagot ng ginang. "Gusto nga sumama ni Alvin, iyak din nang iyak si Avian kasi nakita niya na nanginginig si Arvin no'ng sinakay namin sa tricycle."
Napasinghap ulit si Avionna at tila kinukurot ang puso niya dahil sa mga kapatid niya. Hinawakan siya sa balikat ng ginang saka nag-aalala itong tumingin sa kaniya.
"Alam mo, ayos lang umiyak, hija," saad nito.
Umiling si Avionna saka pilit na ngumiti. "Ayos lang po ako. Pwede po ba umuwi muna ako saglit para magbihis at maasikaso ang mga kapatid ko? Pagbalik ko po pwede na kayo umuwi, ako na ang bahala rito."
Malungkot ang mga mata ni Berna na tumitig sa dalaga. Alam nilang mga kapitbahay nito kung gaano kahirap ang sitwasyon ni Avionna. Hinahangaan nila ang lakas ng loob ng dalaga ngunit naawa sila at nag-aalala dahil kahit kailan, hindi man lang ito umiyak simula nang mawala ang mga magulang. Naiipon lang sa dibdib nito ang lahat ng nararamdaman.
"Sige, Avionna. Huwag ka mag-alala."
Ngumiti nang tipid si Avionna. "Maraming salamat. Ate Berna."
Pag-uwi niya ay nag-aalalang sumalubong sa kaniya ang mga kapatid niya na inalo niya muna lalo na ang mas nakababata na si Avian.
"Okay na si Arvin, wala kayong dapat ipag-alala." Niyakap niya ang bata saka hinimas ang likod nito. Tinignan niya si Alvin na tila nagpipigil ng emosyon. Napangiti si Avionna saka hinaplos ang pisngi ng kapatid. "Hindi kami rito makakatulog ni Arvin mamaya. Bantayan mo si Avian ha. Make sure din na naka-lock ang pinto at walang maiiwan na nakasaksak maliban sa electricfan niyo sa kwarto bago matulog. Understand, Kuya Alvin?" marahan niyang tanong.
Agad na tumango ang kapatid. "Opo, Ate Avionna. Huwag ka mag-alala, kaya namin ni Avian dito. Atsaka bukas naman ang karinderya nina Ate Berna magdamag, bantay do'n asawa at mga anak niya kaya safe kami kasi babantayan din nila ang bahay natin."
Napangiti ulit si Avionna. Hinalikan niya ang dalawa bago binitbit ang bag na hinanda niya para sa kanilang dalawa ni Arvin.
"Aalis na ako. Uuwi rin agad ako kapag may pagkakataon. Marunong ka magsaing sa rice cooker, Kuya Alvin, 'di ba? Make sure na kumain kayo sa tamang oras."
"Ate, ako po bahala. Si Arvin na lang isipin mo. Sana pag-uwi mo dala mo na siya."
"Sana nga."
Bago tuluyang umalis ay sinabihan niya ulit ang pamilya ni Berna tungkol sa mga naiwang kapatid niya. Doon kasi sila pinakamalapit at sila rin ang pinakamabait sa kanila. Palibhasa'y bestfriend ng yumao niyang ina.
Kinausap niya rin ang Team Leader niya sa trabaho para magsabi na hindi siya makakapasok dahil sa emergency. Nadagdagan ang problema niya nang sabihin nito na hindi siya pwedeng mag-absent nang matagal, kung hindi ay aalisin siya. Ngunit ano ang magagawa niya, siya lang ang meron ang mga kapatid niya. Nakakahiya rin na laging maaabala ang kapitbahay niya dahil sa hindi niya magampanan ang pagiging ate niya.
"Salamat, Ate Berna. Ako na po ang bahala rito," aniya nang makarating.
Akala niya ay isang araw o dalawa lang ang itatagal niya roon ngunit inabot siya ng apat na araw. Nagising naman ang bunso nila ngunit labis ang panghihina nito at lumala pa ang sakit na nararamdaman.
Bago siya kinausap ng doktor ay hindi maganda ang pakiramdam niya at nakumpirma niya ang hinala pagkatapos ng pag-uusap. Hindi pa siya nakakakalma sa masamang balita ay tinawagan pa siya ng strikto niyang team leader para sabihin na inalis na siya sa trabaho. Idagdag pa ang pagtawag kahapon ni Berna na dumating na ang bills nila sa kuryente at tubig pati ang pangungulit ng nautangan nila noon para sa panggastos sa pagpapalibing sa Mama at Papa niya.
Napahilot siya sa sentido saka inayos ang salamin niya sa mata. Wala na siyang ibang maisip kung hindi ang tawagan ang pinakamatalik niyang kaibigan.
Binuksan niya ang cellphone at agad na may tinawagan.
"Miss Pres? Ano, kumusta? Na-miss ka na ng mga professor nila. Wala ng nagre-recite!" bungad nito.
"Phoebe..." seryoso niyang saad.
"Bakit? Ano ang nangyari, Avionna?" tanong nito, napansin ang bigat sa boses niya.
Napalunok si Avionna saka nilingon ang kapatid niyang natutulog. Napapikit siya nang mariin. Pagmulat niya ay pinuno niya ng determinasyon ang dibdib.
"May cancer ang kapatid ko..." mahina niyang saad.
Narinig niya ang pagsinghap ng kaibigan sa kabilang linya.
"Phoebe, turuan mo ako paano mag-apply sa trabaho mo."