Chapter 2

1272 Words
Pinuntahan siya ni Phoebe sa hospital nang mismong gabi na 'yon para doon sila mag-usap. Inasikaso rin nito ang resume niya na need niyang ipasa sa main office nito na ayon sa kaibigan niya, sekreto ang lugar na 'yon. "Pagpunta mo ro'n bukas, may assessment lang. Tapos aalamin nila BMI mo at vital statistic. May clinic din do'n para i-check up ka." Kumunot ang noo ni Avionna. "Check up?" Ngumisi si Phoebe. "Siyempre, they need to make sure na wala kang sexually transmitted diseases." Napakurap siya ang umiling. "Pero never pa naman akong nagkaroon ng s****l activity," bulong niya, iniiwasan na may makarinig sa usapan nila. Ni halik nga ay wala pa. Umirap ang kaibigan niya. "Kailangan pa rin! Basta, sure ako na makakapasa ka agad do'n." Napabuntong-hininga siya at nagsimula na naman na magdalawang-isip. Napatingin siya sa kamay niya nang makita ang inilapag ni Phoebe sa palad niya. "Oh, ayan, Miss Pres. Pambayad mo sa mga need bayaran." Napalunok siya saka tinignan ang kaibigan. "Phoebe, masyado 'tong malaki." Natawa ito saka umirap. "Maliit lang 'yan 'no! Sige na, huwag mo ng tanggihan." Tipid na napangiti si Avionna. "Salamat. Madalas mo na nga ako ilibre sa pagkain sa school, tapos ngayon, binigyan mo pa ako nito." Binilang niya ang mga papel na pera na binigay sa kaniya. Malulutong pa 'yon at halatang bago. Nanlaki ang mata niya. "20 thousand? Phoebe, ang laki nito. Bawasan mo." Tinawana siya ng kaibigan saka umiling. "Tumigil ka nga. Kunin mo na 'yan lahat. Libre mo na lang ako soon kapag na-hire ka na." Hindi na napigilan ni Avionna ang sarili at niyakap niya na si Phoebe. "Salamat. Ang laking tulong nito lalo na naubos na ang ipon ko rito pa lang sa hospital." Nang lumayo siya sa kaibigan ay mukha pa itong mangha na mangha. "Wow, it's nice na niyakap mo ako. You rarely show your emotion!" Malungkot siyang napangiti sa kaibigan. "Malaking bawas sa problema ko 'to. Hayaan mo, babawi ako sayo." Malaki ang ngiti na pumalakpak nang mahina si Phoebe. "Oh, sige na. Bukas habang inaasikaso mo ang application mo, ako ang magbabantay rito kay Arvin. Aabsent ako bukas." "O-okay lang ba?" nahihiyang tanong ni Avionna. Agad na tumango ang kaibigan niya. "Siyempre naman. Wala naman akong ambag sa klase!" Sinundan niya 'yon ng halakhak. "Nga pala, pinapasabi ni Jonas na huwag ka na mag-alala sa event. Kaloka, kahit andito ka, pinipilit mo pa rin tumulong para sa event. Mag-focus ka raw dito!" "Hindi ko kasi mapigilan. Basta babawi ako, baka makapasok na ako sa Huwebes kaya makakatulong pa ako kahit papaano kasi Biyernes pa naman ang event," ani Avionna. Magbabayad siya sa kapitbahay nila na mapagkakatiwalaan niya para bantayan ang kapatid niya. "Hay naku, ang kulit mo, Miss Pres!" ---- Maagang bumalik ang kaibigan niya na si Phoebe sa hospital para bantayan ang kapatid niya. Binigyan pa siya ng 1k para allowance niya raw sa araw na 'yon. Laking pasasalamat niya talaga sa matalik niyang kaibigan. Ang laki ng tulong nito sa kaniya, mula noon hanggang ngayon. Pagdating niya sa highest floor ng sinasabing building ni Phoebe ay hinarang siya ng guard. Sinabi niya ang ibinilin sa kaniyang secret password saka ipinakita ang printed na Q.R code na iniscan ng guard. Sobrang discreet ng dating ng office dahil nga sekreto lang ang existence ng website na 'yon. "Good morning, welcome! You're Miss Avionna Emily Escalante, right?" bati sa kaniya ng receptionist. Napakaganda nito at maayos na maayos ang postura. Tumango siya bilang sagot. Dinala siya ng receptionist sa interview room. Doon ay may naghihintay sa kaniya. Agad na nagsimula ang interview na mabilis niyang naipasa. Ang mga sumunod na proseso ay katulad nga sa sinabi ni Phoebe. Kinuha ang height at timbang niya pati na rin ang vital statistic. Nagkaroon din ng check-up. Ang huli ay kinuhaan siya ng picture. Barefaced iyon para makita ang natural na ganda ng aplikante. "Pakitanggal ng salamin, Miss Avionna," saad ng photographer. Agad niya 'yon sinunod. Malabo ang paningin niya pero nakikita pa rin naman niya ang paligid. Tumitig siya sa camera at pinangiti siya. "You have a really pretty face," komento ng photographer habang pinapakita sa kaniya ang mga kuha niya. Hindi niya magawang mangiti sa komento nito nang maalala kung para saan 'yon. Labag talaga sa loob niya ang ginagawang pag-apply pero wala siyang choice. Dahil kahit magtrabaho siya nang masigasig, hindi pa rin matutustusan ng mga 'yon ang lahat ng kailangan niyang gastusan. Kailangan niya nang mabilis na pagkukunan ng malaking halaga dahil hindi makapaghihintay ang lahat ng bayaran niya, lalo na ang kapatid niya na kailangan nang maraming medikasyon. "Just wait for our email if you passed or not. Within 24 hours lang 'yon. If you didin't receive anything from us, it means that you fail. In case you receive one, magkakaroon ka na ng access sa website and you just have to wait na may mag-hire sayo." Tumango si Avionna. "Okay, thank you," aniya at tuluyan ng umalis. Habang naglalakad ay ang dami niyang iniisip. Malala ang dilemma niya. Parang gusto niyang hindi siya pumasa para hindi matuloy ngunit kung gano'n, wala siyang pagkukuhaan ng malaking halaga ng pera. Ang natatanging magagawa niya ay hilingin na mapunta siya sa client na companion lang ang hanap. Dumiretso na lang siya sa grocery. Pamasahe lang niya ang magagastos niya sa ibinigay ni Phoebe na allowance sa kaniya kaya naisipan niyang bumili ng mga pagkain. Mabuti sila ni Arvin ay may stock ng mga pagkain dahil dinalhan sila ni Phoebe ngunit ang dalawa niyang kapatid sa bahay ay wala. Pagtapos niya ay lumabas na siya ng grocery store. Binilang niya ang halos puro barya na lang niya na pera. Masyado yata siyang nag-enjoy sa pamimili para sa dalawa niyang kapatid. Napaangat siya ng tingin nang mapansin ang lalake na nakasandal sa isang kotse. Naka-sunglasses ito at sumbrero, akala mo ay celebrity na nagdi-disguise para hindi pagkaguluhan. Nakatitig ang lalake sa kaniya. Hindi kaya... Kumunot ang noo niya nang hindi man lang ito natinag kahit nahuli niya ng nakatingin sa kaniya. Nginitian siya ng lalake. Napalinga siya sa paligid niya dahil baka hindi siya ang tinutukoy nito ngunit siya lang ang naroon. Umakto itong lalapit sa kaniya kaya napaatras siya. Nakaramdam siya bigla ng kaba dahil nasa may likod sila ng grocery, doon sa parking lot. Wala masyadong tao. Sa laki ng lalake, wala siyang laban doon kung sakaling may masama itong pakay. "Miss—" Nakita niyang may bubunutin ito sa tagiliran. Nanlaki ang mata niya at lalong napaatras. Pinigil niya magpakita ng labis na takot at pilit na pinatatag ang loob. "W-wala na akong pera. Napamili ko na para sa mga kapatid ko. Pamasahe ko na lang 'to. Wala kang makukuha sa akin." Pinakita pa niya ang mga barya na hawak. Natigilan ang lalake at bahagyang napanganga. Tinuro nito ang sarili. "Me? Do you think I'll rob you?" tanong nito, halatang fluent sa English. Kumunot ang noo ni Avionna at bahgyang kumalma. "Bakit parang bubunot ka ng baril?" Hindi niya makita nang buo ang ekspresyon nito dahil sa suot na salamin at sumbrero na halos takpan na ang buong mukha. "What the hell? Kukunin ko ang cellphone ko so I could have your number," saad nito saka mahinang humalakhak. Ipinakita pa sa kaniya ang cellphone na galing sa bulsa nito. Napatuwid ng tayo si Avionna saka bumuntong-hininga. "Sorry I misjudged you," aniya at tinalikuran na ang lalake. "Wait, Miss, can I—" Umiling siya kahit nakatalikod at dire-diretso ng umalis. Grabe ang kaba na naramdaman niya. Akala niya ay mapapahamak pa siya. Hindi pwede na mapaano siya dahil kawawa ang tatlo niyang kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD