Hindi niya mapigilang matulala habang tinititigan ang website sa kaniyang cellphone. Ni hindi niya inaasahan na ganoon kabilis siyang maha-hire. Nalilito rin siya kung dapat ba siyang matuwa o hindi. Idagdag pa ang katotohanan tungkol sa kung sino ang nag-hire sa kaniya.
"Miss Pres? Okay ka lang ba? Super tahimik mo since kaninang natapos ang event," puna ni Phoebe.
Nag-angat ng tingin si Avionna sa kaibigan. "Hired na ako," mahina niyang turan.
Wala na ang mga kasama nila dahil pinabalik sa classroom nila samantalang ang dalawa ay pinagpahinga ng professor nila kaya pinili nilang manatili sa office nilang mga Student Council.
"H-ha? Talaga?" Nanlaki ang mga mata ni Phoebe at agad lumapit sa kinauupuan niya. "Patingin ako ng nag-hire sayo!" dagdag nito.
Napatayo si Avionna at idinikit sa dibdib ang cellphone, ayaw ipakita sa kaibigan ang detalye ng nag-hire sa kaniya.
"Huwag mo na tignan, Phoebe," aniya.
Lumabi ang kaibigan. "Sige na, patingin! Titignan natin kung pogi."
Mariin na umiling si Avionna. "Hindi! Hindi. M-matanda na."
Nahinto si Phoebe at napangiwi. "As in uugod-ugod?" tila dismayado nitong saad.
Agad siyang tumango at ni-lock ang kaniyang cellphone. Ayaw niyang ipaalam kung sino ang nag-hire sa kaniya lalo na't kabibisita lang ng lalake kanina sa school nila. May tiwala naman siya kay Phoebe pero sa 'di niya alam na dahilan, ayaw niyang ipaalam na ang panauhin nila kanina na si Maliq Andreas Morgan ang naka-hire sa kaniya.
"Paano 'yan? Okay ka lang ba?" Hinawakan siya ni Phoebe sa balikat at nag-aalala siyang hinaplos. "Ready ka ba? Naku, ang malas mo naman agad. Napunta ka agad sa super matanda," ani Phoebe.
Kinagat ni Avionna ang labi saka muling umupo. "I have no choice. Pinasok ko 'to," aniya saka inayos ang salamin sa mata.
Tinapik-tapik siya ni Phoebe. "Huwag ka mag-alala. Tutulungan na lang kita maghanda once na mag-meet na kayo for the first time, okay?" nakangiti na saad na kaibigan.
Galing sa school ay dumiretso siya sa hospital para bisitahin ang bunsong kapatid. Bumili rin siya ng mga prutas bilang pasalubong.
"Niña, salamat sa pagbabantay," aniya sa dalagang kapitbahay nila. Inabutan niya ng pera ang babae.
"Walang anuman, ate. Text mo na lang ako kung need ulit ako rito. Pupunta agad ako, wala naman kasi akong ginagawa sa bahay."
Nakangiti siyang tumango saka pinanuod ang pag-alis ng dalaga.
Okay lang naman iwan sana si Arvin dahil may mga kasama ito sa kwarto, tanging kurtina ang pagitan. Kaso ay ayaw niyang matakot at malungkot ang bunsong kapatid kaya kapag nasa school siya ay pinababantayan niya sa kapitbahay nila. Pagkatapos ng klase ay siya naman ang magbabantay magdamag. Minsan ay uuwi siya sa bahay nila sandali para asikasuhin din ang dalawa pang kapatid.
Malapit naman ng i-discharge si Arvin tapos babalik-balik na lang sila for medication and check-up kaya kaunting sakripisyo na lang.
"Ate, kailan ako uwi?" tanong ni Arvin.
Nahinto si Avionna sa pagbabasa ng kwento sa kapatid. Hinaplos niya ang pisngi nito saka marahan na nginitian. "Malapit na, bunso. Kaya magpalakas ka para mas mapalapit pa."
Tumango ang bata. "Miss ko na sina Kuya Alvin at Avian."
"Miss na miss ka na rin nila. Magpagaling ka na, ha?" Hinalikan niya sa noo ang bata.
Kinabukasan ay wala siyang pasok kaya umuwi muna siya para dumalaw sa bahay nila. Pinapunta niya ang kapitbahay para bantayan si Arvin. Naabutan niya si Alvin na naglilinis ng bahay habang si Avian ay nagsasagot ng mga homework.
"Ate! Kumusta po?" Pinagbuksan siya ng pinto ni Alvin.
"Mabuti naman, Alvin. May dala akong pagkain dito. Kumain na ba kayo?"
"Opo, Ate. Binigyan na kami ni Ate Berna ng champorado kanina."
Kumain lang siya ng breakfast saka dumiretso na sa kwarto nila para gumawa ng assignments at project niya sa school. Kailangan niya matapos lahat ng 'yon within the day para mabigyan ng oras ang mga kapatid.
Naputol ang concentration niya nang tumunog ang kaniyang cellphone. Binuksan niya ang text na dumating mula sa isang unknown number.
"This is me, Maliq. Let's meet tonight. I'll send you the details."
Kumalabog ang dibdib niya sa kaba. Ito na 'yon, magsisimula na ang trabaho niya.
Mariin siyang pumikit at hinilot ang sentido niya. Pinilit niya ang sarili na kumalma. Ngunit kahit anong pilit niya na huwag isipin masyado ang mangyayari ay binabalot pa rin siya ng kaba.
Nag-send siya ng mensahe kay Phoebe nang maalala niya ang bilin nito na sabihan siya kapag first meet na para tulungan siya sa paghahanda. Habang naghihintay ng sagot ay paikot-ikot siya sa loob ng kwarto.
"Ate, ayos ka lang ba?"
Nilingon niya si Alvin na takha ang ekspresyon habang pinapanood siya. Pilit siyang ngumiti.
"Okay lang ako, Alvin."
Nilapitan siya nito saka huminto sa harap niya. Noon lang napansin ni Avionna na nagsisimula ng tumangkad ang kapatid niya. Nagsisimula na nga pala ang puberty nito. Hindi magtatagal ay siya na ang titingala sa nakababatang kapatid dahil siguradong matangkad ito. Sa dami ng responsibilidad niya ay nakakalimutan niya minsan na lumalaki na ang mga kapatid niya.
"Nalaman ko kay Ate Lilibeth na inalis ka na raw sa trabaho niyo. Workmate mo po siya, 'di ba?" Nag-aalala ang tinig ni Alvin habang nakatitig sa kaniya. "Maghanap na kaya ako ng trabaho, Ate? Kahit kargador sa palengke. Tumatanggap sila ng menor do'n. Para makatulong ako sa pera natin."
Marahas na umiling si Avionna saka hinawakan sa magkabilang balikat ang kapatid.
"Alvin, huwag kang mag-alala. Huwag mo isipin ang pera. May trabaho na ulit ako, okay?" marahan niyang saad. "Ang gusto ko, tumutok ka lang sa pag-aaral at pagbabantay kay Avian. Ako ang bahala sa lahat ng gastusin."
Kumunot ang noo ng kapatid. "Sigurado ka po, Ate? Ano pala ang trabaho mo?"
Napakurap si Avionna at hindi agad nakasagot, kapagkuwan ay pilit na ngumiti. "Call center agent pa rin ako, ibang kompanya lang," aniya. Malalim siyang napalunok dahil sa pagsisinungaling niya.
Iyon lang ang naisip niya. Hindi naman niya kayang sabihin ang totoo.
"Talaga po? Kaya po ba no'n ang gastusin natin kay bunso pati na rin sa mga nautangan natin?"
Agad siyang tumango. "Oo, huwag ka na mag-alala. Remember, magaling ako kaya mas marami akong incentives. Huwag mo ng isipin ang mga bayaran natin. Responsibilidad ko 'yon."
Naghanda siya ng pagkain para sa mga kapatid niya pati na rin para sa bunso nila na nasa hospital. Pinadala niya na lang 'yon sa magbabantay roon. Nag-asikaso lang siya ng sarili bago umalis at tumungo sa mall kung saan sila magkikita ni Phoebe.
"Halika, aayusan kita!" bungad agad sa kaniya ng kaibigan pagkakita nila sa food court ng mall.
Kumunot ang noo niya. "Ha?" Naguluhan siya nang makita ang mga make-up na inilabas ni Phoebe. Buong akala niya, ang paghahanda na gagawin nila ay mga tips at information na sasabihin sa kaniya.
"Bilis!" Hinila siya nito sa kamay at pwersang pinaupo. "Hindi ko na kakapalan make-up mo kasi masyado ka ng maganda. Isuot mo muna 'to. May grado 'yang mga contact lense na 'yan, pinagawa ko pa."
Napangiwi siya, hindi naman halata na handang-handa ang kaibigan niya. Tinulungan siya nito isuot ang contact lense. Clear lang 'yon at may grado kaya kitang-kita pa rin ang itim na itim niyang mga mata. Maluha-luha pa siya habang suot iyon. Hindi siya sanay sa suot sa mata ngunit laking ginhawa naman na nakakakita siya nang malinaw na walang salamin.
"Cool tone na blush at lipstick tapos gloss lang. Neutral colored na eyeshadow then winged eyeliner. Bongga na 'to," ani Phoebe habang nilalagyan siya ng kolorete sa mukha. "Lugay mo rin buhok mo, lagi kang naka-ponytail eh."
Hindi na siya kumontra sa kung anuman na ginagawa ni Phoebe.
"Ano ang gagawin ko?" halos bulong na tanong niya.
Nginisihan siya ng kaibigan. "Just be pretty and nice. Mas okay na performance, mas malaking pera." Kinindatan pa siya nito.
Nakagat niya ang labi at bumuntong-hininga.
"Ayan, tapos na. Grabe, sobrang ganda mo talaga, Avionna!"
Itinapat sa mukha niya ang salamin. Tama, ang ganda nga niya. Na-emphasize ang bilugan at itim na itim niyang mga mata dahil sa eyeshadow. Mas buhay na buhay rin ang mukha niya sa tulong ng blush-on at lipstick niya. Bagay na bagay ang kulay ng mga 'yon sa mapusyaw niyang balat. Malaki rin ang pagbabago sa aura niya kapag nakalugay ang mahaba niyang buhok.
"Isuot mo 'to, go! Punta ka na sa cr," utos ni Phoebe saka iniabot sa kaniya ang bag na may dress at sandals.
Sinunod niya na lang 'yon at nagbihis nga. Naiilang man dahil pinagtitinginan siya sa loob ng women's comfort room ay pinagmasdan pa rin niya ang sarili sa harap ng salamin. Kulay red na two piece dress iyon, halter ang pang-itaas at ang palda naman ay abot ilang inches ang taas sa tuhod.
Halos hindi niya makilala ang sarili.
Ang sling bag niya lang ang pinadala sa kaniya ni Phoebe. Ayaw pa ipadala sa kaniya ang eyeglasses niya pero pinilit niya dahil hindi siya mapalagay na hindi niya 'yon dala kahit pa nakasuot naman siya ng graded na contact lense.
Sinundo siya ng isang itim na sasakyan mula sa harap ng mall. Sinigurado niya pa na 'yon nga ang magsusundo sa kaniya ayon sa detalye na ipinadala sa kaniya ni Maliq Andreas Morgan.
Pinipisil-pisil niya ang mga daliri habang nasa biyahe. Lalong lumalakas ang kalabog ng t***k ng kaniyang puso habang papalapit sa condo tower na paroroonan.
"Tara po, Ma'am."
Sinamahan siya ng driver hanggang sa elevator at ito pa ang pumindot ng button patungo sa penthouse na nasa pinakatuktok ng higanteng condo tower. Halos hindi na makahinga si Avionna sa kaba. Pakiramdam niya ay nasa lalamunan niya na ang kaniyang puso.
"Narito na po tayo," ani ng driver na nagdala sa kaniya sa penthouse.
Pagbukas ng elevator ay may hallway at nag-iisang pinto. Ang lalake ang nag-ring ng doorbell saka ito nagpaalam na sa kaniya kaya naiwan siya mag-isa sa harap ng pinto.
Mahigpit siyang humawak sa strap ng sling bag niya lalo na nang tumunog ang pinto, hudyat na may nagbukas nito. Nang tuluyan na 'yon na bumukas ay sumalubong sa kaniya ang dibdib ng isang lalake.
Naka-suot ito ng puting longsleeve polo, hindi nakabutones kaya lantad ang matipuno na katawan ng lalake. Napatingala siya para makita ang mukha nito at naabutan niyang pinagmamasdan siya nito mula ulo hanggang paa. Napalunok siya, hindi pa rin makapaniwala na ang lalake nga na 'yon ang nag-hire sa kaniya.
"Good evening," malamig na bati nito sa baritono na boses.
Pinuno niya ng lakas ng loob ang dibdib.
"Good evening, Sir," aniya.
Tumaas ang kilay nito sunod ay tumaas ang sulok ng labi. Napakurap si Avionna nang makatitigan niya ang berdeng-berde na mata ng binata.
"Come in," saad nito saka siya tinalikuran.
Huminga siya nang malalim saka sumunod sa lalake. Isinara niya ang pinto at nagpatuloy sa paglalakad. Luminga siya para pagmasdan ang loob ng penthouse. Minimalist lamang ang designs at talagang napaka-manly.
Dumiretso sila sa may dining area, kalapit lang ng kitchen. Sa mesa ay may nakahandang pagkain. Naroon din ang bukas na laptop ng lalake, mukhang may tinatapos pa na trabaho.
"Let's eat," aya ng lalake.
Gutom si Avionna pero hindi niya alam kung may gana pa siyang kumain. Wala siyang nagawa kung hindi umupo sa katapat na upuan ng lalake. Inilagay niya ang bag sa kaniyang hita nang makaupo at tinitigan ang pagkain. Steak iyon na may kasamang mashed potato. Sa hiwalay na plato ay may pasta rin.
Sinalinan ng lalake ang wine glass niya ng wine.
"I'm sure you already know me. Nasa school event niyo ako no'ng nakaraan."
Napaangat siya ng tingin at tumango ngunit tutok ang mata ng lalake sa pagkain.
"Yes, Sir."
Nakuha niya ang atensyon ng lalake. Tinaasan siya ng kilay nito. "I don't appreciate you calling me sir," ani ng binata habang malamig na nakatitig sa kaniya. "Call me by my name."
Napakurap si Avionna saka tumango. Naalala niya bigla ang sinabi ni Jonas na ang pagtulong ng mayayaman ay palabas lang. No'ng nasa school kasi ay napaka-approachable ng dating ng binata ngunit ngayon ay masyadong initimidating. Ibang-iba sa nakita niya noon. Tama nga ba ang kaibigan niya?
"Okay... Andreas," halos ibulong niya 'yon.
Sumimsim ang lalake sa kaniyang wine ngunit nanatili ang titig nito sa kaniya. Nang natapos ay ibinaba nito ang baso saka pinagsiklop ang mga palad.
"So, you're a student but you are in the website. I heard that you're academically excellent. It makes me curious how a remarkable student like you entered such work. It's just so... ironic."
Pilit nilunok ni Avionna ang pagkain at hindi na napigilan ang sarili na sumimsim sa wine. Gumuhit ang init sa kaniyang lalamunan. Tinapatan niya ng titig ang binata.
"I badly need the money," diretsong sagot niya.
Tumango ang lalake. "I pay a lot so you need to make it worth every cent. I am a businessman, I don't waste money. Make it worth it, Avionna," mariin na saad ni Andreas saka sinenyasan siya na kumain na.
Nanlamig ang dibdib ni Avionna at pinilit ang sarili na kumain. Pakiramdam niya ay alam niya na ang susunod na mangyayari. Sunod-sunod ang pagsimsim niya sa wine. Kahit natapos na siya kumain ay nagsalin pa siya ulit sa wine glass niya at dinamihan pa 'yon. Kailangan niya ng lakas ng loob.
"Are you done?" tanong ni Andreas habang pinagmamasdan siya.
Pulang-pula na ang pisngi niya at mapungay na ang mga mata. Nilagok niya ang natitirang wine sa baso niya saka tumango.
Nilapitan siya ng binata saka kinuha ang bag niya at hinawakan siya sa kamay. Nagpatianod lang siya sa hila nito at dinala siya sa kwarto.
Umupo si Andreas sa dulo ng kama habang siya ay naiwan na nakatayo sa harap nito. Tinititigan lang siya nito, hinihintay ang susunod niyang gagawin.
Wala siyang idea ngunit tila wala na rin ang hiya at pag-aalinlangan sa katawan niya dahil sa dami ng nainom niya na wine. 'Yon din ang unang beses na nakainom siya ng inumin na may halong alcohol.
"Are you just gonna stand there?" tanong ng lalake.
Tinitigan ni Avionna si Andreas. Dim ang ilaw sa kwarto ngunit kitang-kita niya pa rin ito. Yumuko siya at inabot ang labi ng binata. Pumikit siya nang mariin saka sinubukan itong halikan. Ni wala na sa isip niya na 'yon din ang unang halik niya.
She tilted her head and nibbled his lower lip. Pinagapang niya ang mga daliri sa panga ng lalake saka marahan 'yon na hinaplos-haplos.
Andreas hissed then cursed under his breath when he felt her light kisses. Tila may kuryente na gumapang sa mukha niya patungo sa batok. Hindi na niya napigilan na ipulupot ang braso sa bewang ng dalaga at hinila ito palapit pa sa kaniya. Sa unang pagkakataon, tila nawalan siya ng kontrol sa sarili.
"F-ck, you don't even know how to kiss," he whispered with his husky voice. Nilayo niya ang mukha at tinitigan ang dalaga na mapungay ang mga matang nakatitig sa kaniya, lasing sa halik at wine. "Open your mouth," gigil niyang utos na agad nitong sinunod. Agad niya itong inatake ng halik. He tasted the wine in her mouth and her natural sweet smell began to intoxicate him.
Lalo pa niyang hinila palapit sa katawan niya ang dalaga. Nakaluhod na ang magkabilang tuhod nito sa kama habang nasa kandungan niya.
Napakapit si Avionna sa mga braso ni Andreas nang inatake siya nito ng malalalim na halik. Lalong uminit ang pakiramdam niya at nawala na ang kahit anong inhibisyon sa katawan niya. Kumawala ang munting ingay sa mga labi niya nang maramdaman ang dila ng binata sa kaniyang bibig. Ang isa rin nitong kamay ay hinahaplos nang may gigil ang ibat-ibang parte ng kaniyang katawan.
"Andreas..." bulong niya. Sinubukan na sumagot sa mga sabik na halik ng binata ngunit ano nga ba ang laban ng baguhan na tulad niya sa eksperto nitong mga halik?
Tumayo si Andreas habang buhat si Avionna saka siya ipinahiga sa kama. Pumaibabaw ang binata sa kaniya habang nananatili ang kanilang labi sa isa't isa. Lumayo ito saglit para tuluyang alisin ang suot na polo ngunit hindi nito inalis ang titig sa kaniya. Nang matapos ay agad siyang sinibasib muli ng halik na nagsimula ng bumaba patungo sa kaniyang leeg.
Mariin na napapikit si Avionna at hindi na mapalagay sa kakaibang sensasyon na nararamdaman. Bago iyon para sa kaniya at kailanman ay hindi niya pa nararanasan. Napahawak siya sa buhok ni Andreas, nalilito kung nais ba niyang tumigil ito o magpatuloy.
Gumapang pa ang halik nito pababa sa kaniyang dibdib. Hindi ito nakuntento kaya nagsimula na si Andreas na hubarin ang halter top ng dalaga. Mabilis iyon at sabik, walang nais sayangin na segundo. Nang matanggal na ang damit ay agad niyang pinaulanan ng halik ang makinis na balat ni Avionna. Sunod-sunod ang ingay na umalpas sa labi ng dalaga. Pinilit niyang imulat ang mata para panoorin ang ginagawa sa kaniya ni Andreas.
Nakita niya ang paghawi nito sa suot niyang bra. Nang magtagpo ang paningin nila ay umangat si Andreas para halikan siya habang ang kamay ay humahaplos sa kaniyang dibdib.
Andreas closed his eyes tightly when he heard her soft moans and groans. Inilayo niya ang mukha sa dalaga saka tinitigan ito. He caressed her chest fondly. Nakagat niya ang labi at inilapit niya ang kaniyang bibig sa tenga nito.
"I'm gonna fck you so hard tonight," gigil niyang bulong kay Avionna.