"How is he?" Tanong ni Orthros, ang consigliere ng Royal Eagle Mafia, ang grupong pinaglilingkuran ng Phoenix gang.
Ang Royal Eagle Mafia ay organisadong grupo na ang pangunahing gawain ay panatilihin ang katahimikan sa mundo. Ito ang mafia na katulong ng gobyerno upang hulihin ang mga sindikatong gumagawa ng iligal na gawain at transaksyon.
Ang consigliere [kawn-see-lye-re] naman ay ang taong pinagkakatiwalaan ng Boss at pinupuntahan para humingi ng payo o impormasyon tungkol sa samahan, operasyon, o negosyo. Itinuturing din siyang napakalakas sa command heirarchy dahil siya ang third in command.
"He's doing fine consigliere." Magalang na sagot ni Kaiser habang nakayuko. Ikiniyom niya ang kaniyang kamao nang maalalang muli ang nangyari kay Ken hanggang ngayon ay sinisisi niya parin ang kaniyang sarili. Nangako siya dito na poprotektahan niya ito pero hindi niya nagawa iyon.
"I'm glad that he's okay, Alpha." May pagkasakrastiko sa mga salitang binitawan ng consigliere habang nakangising nakatitig kay Kaiser. Huminga siya ng malalim at pinilit na kinalma ang sarili. Isang tapik mula sa likuran ang natanggap niya kay Seth upang sabihin na wag na lang niya itong pansinin. Ngunit nawala ang pagtitimpi niya ng magsalitang muli ang consigliere, "Kailangan ko na bang maghanap ng bagong magbabantay sa kaniya?" Ngumisi ito.
"People can have their opinions about everything in the world, but people's opinions end where my nose starts." Makahulugan niyang sabi kay Orthros at malamig na tumitig dito. Ramdam ng lahat ng taong nandito sa conference room ang tensyong namamagitan sa dalawa. "No one can dictate to me how long I can protect Ken. No one else!" Paninigurado niya.
"Orthros!" Mabilis na tumayo ang lahat ng marinig ang boses na iyon nang kakapasok na babae. Sabay sabay silang yumuko bilang paggalang. Diretsong nagtungo ang babae sa unahan ng silid at umupo katabi ni Orthros. Pagkaupo ng babae ay sumunod namang umupo ang lahat. "Ken is doing fine now so stop blaming Alpha for what happened. Just like you, he also didn't like what happened." Pagkasabi ng mga salitang iyon ng babae sa consigliere ay bumaling naman siya kay Alpha.
"Don't mind him Alpha." Inirapan ng babae si Orthros, "Wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari kay Ken, wala kang kasalanan. Ang mahalaga ay iniligtas mo sya. Thank you for saving him, Kai." Ngumiti ito sa kaniya.
"Can we start?" Pagpuputol ng consigliere sa pag-uusap ng dalawa. Tiningnan siya ng masama ng babae. Kahit kailan talaga ay kontrabida ito. Noon pa man.
"Ehem." Bronx cleared his throat to get their attention as well as everyone present inside the conference room. He opened the projector and tap the enter button of his laptop. Bumungad agad ang imahe ng itim na singsing na pagmamay-ari ng Dark Raven. "Dark Raven involved in a broad spectrum of illegal activities. These include murder, extortion, corruption of public officials, gambling, infiltration of legitimate businesses, labor racketeering, loan sharking, tax fraud schemes and stock manipulation schemes." Ipinakita niya ang iba't ibang imahe na nakuha ng kanilang magagaling na spy. Napansin niya na mayroong pagtataka sa lahat. Nagtataka sila kung saan niya nakuha ang mga impormasyon at mga larawan sa pagkakaalam nila hindi niya mapasok pasok ang data ng Dark Raven. Ngumisi siya, "Base sa mga hitsura nyo alam ko na nagtataka kayo kung saan ko nakuha ang mga impormasyon na ibinahagi ko sa inyo. Nung una ay nahirapan din akong pasukin ang kanilang files dahil sa napakalakas na seguridad nito pero hindi ko ito tinigilan hanggang sa napasok ko na ang kanilang secret dark files. Alam ko na rin kung saan sila nagkukuta." Pagpapaliwanag niya.
"Brain bukod sa information na yan, nakita mo ba kung sino ang boss ng organization na yan?" Seryosong tanong ng babae. Brain meaning utak ng grupo.
"Underboss, so far that's what I'm working on. They don't have much information about the people in their organization." Tumango tango ang babae. "And aside from that nang ihack ko ang account ni Ken nakita ko na may natanggap syang threat bago nangyari ang gunshot." Kumunot ang noo ni Alpha. Napasinghal din ang babae.
"So, you mean everything is connected? Maaaring Dark Raven ang nagbigay ng threat kay Ken at maaring ito rin ang bumaril sa kanya." May halong inis at galit sa mga salitang iyon ni Alpha.
"Yes Alpha at base sa cctv footage sa parking lot ng resto hindi si Ken ang target kundi ikaw, Kai." Everyone gasped in the conference room. "Ken saved you." Napapikit si Alpha ng marinig iyon. Nagngangalit na ang kaniyang mga kalamnan.
"So, what's our plan now?" Tanong ni Seth.
"Let's wait for Uno's decision." Sagot ng consigliere.
"Orthros is right let's wait for Uno's decision before we take action." Pagsang-ayon ng babae. "Meeting adjourne!" Tumayo ang lahat at sabay sabay na yumuko. "Kai can we talk?" Hinintay ng babae na makalabas lahat bago siya nagsalita. "Can I ask you a favor? I'm saying this not your Underboss but as your bestfriend." Napaluha na ang babae. Hinawakan niya ang kamay ni Kaiser. "Please take care of Ken. Alagaan mo ang kapatid ko."
"Jane," Huminga ng malalim si Kaiser, "You know that I love your brother. No matter what, I will always care for him. Since the day I saw him I made the decision to spend every single moment of the rest of my life loving him. Kaya wag kang mag-alala dahil aalagaan ko talaga sya." Pinunasan ni Jane ang luha sa kaniyang magkabilang pisngi bago tumawa. Napapailing na lang sa kaniya si Kai dahil hanggang ngayon ay iyakin pa rin ang kaibigan.
"Sorry." Ngumiti si Jane at inayos ang sarili. "Babalik na ulit ako sa Thailand. Ikaw na ang bahala sa kapatid ko." Tumango lamang si Kai bilang sagot.
Pagkalabas ng kompanya ay agad umalis si Kaiser pauwi sa condo unit nya. Pagkagamot kay Ken sa hospital ay ipinalipat niya rin ito sa kaniyang unit. Sigurado kasi siyang ligtas ito dito at mas mababantayan.
Pagkarating sa condo ay nadatnan niyang nanonood si Eryx sa laptop niya. Ito ang inutusan niyang magbantay kay Ken habang wala siya. Napailing siya nang madatnang itong nanonood ng porno.
Hindi siya nito napansin kaya hinayaan na niya. Dumiretso siya sa kwarto kung saan nakahiga si Ken. Maraming aparatus ang nakakabit sa binata. "Hindi ka halatang masungit kapag tulog ka dahil sa amo ng mukha mo pero mas gugustuhin kong makita kang nagsusungit kesa makita ang kaamuhan ng mukha mo." Umupo si Kaiser at hinawakan ang mga kamay ni Ken.
"Alam mo bang gusto kong magalit sayo dahil sa ginawa mo pero hindi ko magawa? Makita lang kita nawawala na agad." Tumulo ang luha ni Kaiser habang halik halik ang kamay ni Ken. "Bakit mo kasi ginawa yun?" Tanong niya kahit alam niyang hindi sasagot ang kausap.
Bumaling si Kaiser sa drawer niya. Kinuha niya ang maliit na box doon. Kulay kahel ito na tila nagbabagang apoy. Binuksan niya ito at inilabas ang singsing. It is gold Phoenix Firebird red carbon fiber tungsten ring. Kinuha niya iyon sa loob ng box at isinuot kay Ken. "Take this ring as my promise. I will protect and care for you no matter what happen." Hinalikan niya ang singsing bago hinalikan sa noo si Ken.
"I love you, My Luna."