ALAS syete y media na ng umaga nang magising si Ken. Pagkamulat ay agad hinanap ng paningin niya si Alpha. Sa sofa ito nahiga kaya nang hindi niya ito makita ay agad siyang bumangon.
Lumabas siya ng kwarto. Pagkabukas pa lamang ng pinto ay sumalubong na agad sa kaniya ang masarap na amoy nagmumula sa kusina. Parang nakaramdam siya ng gutom.
Pagkarating sa kusina ay naabutan niya si Alpha habang nagluluto. He's topless at tanging apron lang ang suot nito. Pinagmasdan niya ito ng ipang segundo.
"Kailangan talaga kapag nagluluto ka walang damit?" Nakangiting sabi ni Ken habang nakakrus ang kamay at nakasandal sa door jamb. Mabilis na lumingon sa kaniya si Alpha. Sinalubong agad siya ng ngiti nito.
"Oh Ken kanina ka pa ba jan?" Nakangiting wika ni Alpha bago ibalik ang atensyon sa kaniyang ginagawa.
"Me-dyo." Sagot ni Ken bago naupo.
Nang matapos na ang ginagawang agahan ni Alpha ay inihain na niya ito sa mesa, "Avocado toast with egg for our breakfast." Daig pang isang chef si Alpha sa inaasta nito. Nang makita at maamoy ng malapitan ang ginawa nitong agahan ay agad siyang dumampot ng isa at tinikman ito.
"You know what? Sometimes simple is just better and..." Napahinto siya nang magtanggal ng apron si Alpha sanhi para lumantad na naman ang maganda nitong katawan. Hindi niya mapigilang hindi mapatitig dito. "Delicious." Sabi niya habang nakatingin pa rin sa katawan ni Alpha.
"Masarap talaga yan." Ngumisi si Alpha. Pakiramdam ni Ken ay nag-init ang magkabilang pisngi niya kaya agad niyang iniiwas ang paningin.
"A-Ang i-ibig s-sabihin ko ay itong tinapay." Utal niyang pangangatwiran.
"Tinapay din naman ito ah pandesal nga lang." Makulit na sabi ng binata. Tiningnan siya ng masama ni Ken.
"F*ck you!" He cursed sanhi para mapahalakhak ng tawa si Alpha. Umirap lamang si Ken.
"What do you plan to do today?" Pag-iiba ni Alpha bago nagtungo sa refrigerator at kinuha ang peanut butter and banana smoothie na ginawa niya. Umupo siya sa upuan kaharap ni Ken.
"I like to watch movie." Iniabot ni Alpha ang baso ng smoothie kay Ken, "Pero dito lang sa bahay. Ikaw, may gagawin ka ba?" Tanong niya bago sumimsim sa straw. Nagkunwaring nag-iisip si Alpha.
"Wala naman." Umiling-iling na sagot nito. Napatango naman si Ken sa naging sagot nito.
"Alam ko na manood na lang tayo ng BL series." Nakangiting wika ni Ken nang makaisip ng pwede nilang panoorin. Napakunot ang noo ni Alpha. "Boy's love series yun pero ewan ko lang kung magugustuhan mo yun." Paliwanag ni Ken ng mapansing wala itong idea sa BL na sinasabi niya. Napanguso siya. Hindi niya rin kasi sigurado kung trip nito ang mga ganoong palabas knowing na straight na lalaki ito.
"Sige panoorin natin yan." Parang nagkaroon ng enerhiya si Ken sa narinig.
"Talaga?" Tumango lamang ang binata.
"But I'm going to take a shower first." Hyper na tumango si Ken. Tumayo naman si Alpha para magtungo sa banyo. Parang batang excited na nagtungo si Ken sa sala upang iset up ang tv niya. Mabilis lang naman ang ginawa niyang pagset up dahil ikakabit lang naman ang lan wire sa likod ng tv.
Habang naghihintay sa sofa ay hinanap na niya agad sa youtube ang Bl series na papanoorin nila. He typed '2gether the series', ayon kasi sa mga post sa sss ay maganda daw ang story nito at trending sa buong Pilipinas.
"Ken!" Tawag ni Alpha mula sa kwarto. Napakunot ang noo ni Ken.
"Oh? Anong problema mo?" Sigaw din niyang sagot habang tutok pa rin ang tingin sa screen ng tv.
"Can you come here for a moment?" Agad siyang tumayo at nagtungo sa kwarto ngunit nang nasa pintuan pa lamang siya ay mabilis siyang tumalikod.
Naabutan kasi niya si Alpha na hubad at tanging towel lang ang nakatakip sa ibaba nito. Bagong ligo kaya medyo gulo pa ang buhok nito. "Magdamit ka nga!" Bulyaw ni Ken.
"Yun na nga ang problema e'. Manghihiram sana ako ng damit or short at extra underwear na rin." Wika ni Alpha bago umupo sa kama habang pinupunasan ang kaniyang buhok. Pakiramdam niya ay nag-init na naman ang pisngi niya ng marinig ang salitang 'underwear'.
Walang tingin-tinging nagtungo si Ken sa kaniyang cabinet. Kumuha siya ng damit, boxer at underwear. "Okay lang bang boxer na lang? Wala kasi akong short e at y-yang u-underwear na yan sayo na yan, bago pa yan." Nahihiyang sabi ni Ken habang nakapikit. Napapailing na lang si Alpha sa inasta nito. Pagkaabot ng kailangan ng binata ay patakbong nilisan ni Ken ang kwarto niya.
Napahinga siya ng malalim nang makarating sa sala. Itinodo rin niya ang aircon dahil pinagpapawisan din siya.
"Yan ba ang papanoorin natin?" Tumalon mula sa likuran ng sofa si Alpha at naupo sa sofa katabi ni Ken. Nagdekwatro pa ito habang ang dalawang kamay ay nakapatong sa backrest ng sofa. Para naring nakaakbay ang kaliwang kamay nito kay Ken.
"Oo maganda daw yan sabi sa mga post sa facebook." Sagot ni Ken at pinindot ang play button, "Wag ka ng maingay magsisimula na." Pangunguna niya. Hindi naman nagsalita si Alpha.
Habang kilig na kilig si Ken sa panonood ay siya namang panay iling ni Alpha. Masyado kasing nadadala si Ken sa emosyon ng series. Minsan ay nahahampas pa nito ang braso niya tapos sinasabayan pa ng hiyaw nito.
"What would you like to eat for dinner?" Alpha asked. Kakatapos lang nilang panoorin lahat ng episodes ng '2gether the series' nang hindi nakakapagtanghalian. Yung tirang avocado toast lang ang kanilang kinain.
"Sa labas na lang tayo kumain late na para maggrocery pa tayo tapos magluluto ka pa." Suhestyon ni Ken na sinang-ayunan naman ni Alpha.
Sakay ng kotse ay pumunta sila sa malapit na restaurant. Mas pinili nilang sa isang pinoy resto kumain para maiba naman. Nagsasawa na kasi sila kakachinese restaurant.
Napahanga ang dalawa sa desinyo ng resto pagkapasok sa loob ng resto. Halos lahat yata ng gamit dito mapa-upuan man o lamesa ay yari sa mahogani. Pilipinong Pilipino.
Naghanap sila ng bakanteng pwesto. Pagkakita ay agad silang nagtungo at nagtawag ng waitress. Inabutan agad sila ng menu.
"Feeling ko masarap ang sinigang at daing na bangus, sa tingin mo?" Wika ni Ken habang sinusuri ang ibang ulam na nasa menu, "Sawa na kasi ako kakakarne." Dagdag pa niya na sinang-ayunan din ni Alpha.
"Miss two orders of milkfish in tamarind broth and dried milkfish." Ani ni Alpha sa waitress. Napatawa si Ken.
"Alam mo ang arte mo! In-english mo pa talaga e' sinigang at daing lang din." Sabi nito bago muling tumawa.
"Para sosyal din." Napakamot ng ulo si Alpha.
"How about your drinks po sir?" Tanong ng waitress habang hawak-hawak ang kapirasong papel at isang ballpen habang nakatitig kay Alpha.
"Water na lang please." Si Ken na ang sumagot sa waitress. Napairap pa siya sa kadahilanang kung makatitig ito sa binata ay daig pang kakainin ng buhay. Pagkaalis ng babae ay tiningnan niya ng masama si Alpha.
"Oh bakit ganyan ka kung makatingin saken?" Painosenteng tanong ni Alpha habang nakangisi. Hindi siya sumagot.
Mga ilang sandali pa ay dumating na rin ang order nila. Tahimik lang ang naging dinner nilang dalawa. Hindi nagsasalita si Ken dahil nababadtrip pa rin siya sa waitress kanina na hanggang ngayon ay tinititigan pa rin si Alpha. Kung minsan pa ay nagpapapansin pa ito.
"Konti na lang dudukutin ko na ang mata niya." Inis na sabi ni Ken habang ini-slice ang dried fish sa plato gamit ang kutsara niya.
"Easy babe! Wag ka na magselos." Ngising-ngising wika ni Alpha.
"Babe your face! Kapal mo hindi ako nagseselos. Naiirita lang ako dun sa babae!" Itinuro ni Ken ang babae gamit ang tinidor. Napatawa ang binata sa inakto nito.
Hanggang matapos ang dinner ay kinukulit ni Alpha si Ken na nagseselos sa waitress. Naabot iyon hanggang sa parking lot. "Ang kapal mo talaga sabi na ngang hindi ako nagseselos!" Pahiyaw na sabi ni Ken walang pakialam kung sino mang makarinig sa kanila.
Mabilis siyang isinandal ni Alpha sa pinto ng kotse at iniharang sa gilid niya magkabilang kamay nito. Inilayo niya ang mukha sa binata nang mapansing inilalapit nito ang mukha sa kaniya. "Kung hindi ka nagseselos bakit ka naiinis sa waitress na yun?" Napapitlag siya ng maramdaman ang mainit na hininga nito na tumatama sa tainga at leeg niya. Bumilis na naman ang t***k ng puso niya.
Huminga ng malalim si Ken. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili niya. Haharapan na sana siya kay Alpha nang mapansin niya ang pulang linya na nakasentro sa may likuran ni Alpha. Napakunot ang noo ni Ken at inaninag kung saan ito nanggaling.
Napalaki ang mata niya nang tuluyan niya itong nasilayan. Isang lalaki ang nakatayo di kalayuan sa pwesto nila at nakatutok ang baril sa likuran ni Alpha. Nakasuot ito ng itim na sobrero, mask, at itim na leather jacket. Pamilyar sa kaniya ang pananamit nito.
Mabilis na pinaikot ni Ken si Alpha nang mapansing kakalabitin na ng lalaki ang gatilyo ng baril para magkapalit sila ng tayo.
"Ken!" Parang nagslowmo ang paligid nang maramdaman ni Ken ang mainit na balang tumama sa kanang dibdib niya.
'Mr. Phantom' banggit niya sa isipan.
Mabilis siyang sinalo ni Alpha nang matumba siya. Umupo si Alpha sa semento habang yakap-yakap siya. Nagulat ito sa pangyayari. Habol hininga siyang tumingin kay Alpha. "S-Sorry." Nahihirapang sabi ni Ken bago ngumiti at hinaplos ang pisngi ni Alpha. Umubo siya ng dugo kasabay ng pagpatak ng kaniyang luha.
Nakaramdam siya ng panghihina. Gusto na niyang matulog. "Ken wag na wag kang pipikit please! Dadalhin kita sa hospital!" Agad binuhat ni Alpha si Ken at isinakay sa loob ng kotse, "Ken wag ka ngang pipikit sabi e!" Saway ni Alpha nang mapansing pumipikit pikit si Ken. Pinaharurot ni Alpha ang sasakyan.
Maya-maya ay napamura si Alpha nang biglang mawalan ng malay si Ken, "F*ck Ken!" Tumulo ang mga luha ni Alpha. Hinawakan niya ang kamay ni Ken. "Ken please, lumaban ka!" Pakiusap ng binata.