THREAT

1990 Words
ISANG linggo na ang lumipas magmula na mangyari ang aksidente kay Ken. Unti-unti na ring bumalik lahat ng ala-ala niya. Detalyado. Mula nang ihatid niya ang nakatatanda niyang kapatid sa airport, paghabol sa kaniya ng dalawang itim na kotse, at ang pagbangga niya sa trailer truck. "Ano nga? Bakit mo nga kasi ako iniligtas?" Hanggang ngayon ay kinukulit pa rin niya si Alpha. Hindi kasi sapat sa kaniya ang naging sagot nito kaya ngayon ito siya araw-araw niyang kinukulit ang binata. "I've already answered that." Sagot ni Alpha habang nakatukod ang dalawang kamay sa mesa. Umupo si Ken kaharap ni Alpha at dumampot ng yougurt biscuit sa tray. Sarap na sarap talaga siya sa biscuit na ito kahit ilang beses na niya itong natikman. "Ano? Yung sinabi mo na, you are my responsibility. I have the duty to protect you." Panggagaya niya sa tono ng pagkakasabi ni Alpha. Napailing naman ang binata sa pagiging childish nito. "D'yan ka na nga." Alam niyang wala na naman siyang mapapala dito. Dumampot muna siya ng tatlong pirasong biscuit bago tumayo. Sakto naman na dumating si Eryx. "Hey lovers!" Makulit na bati ni Eryx pagkalapit nito. May dala-dala itong malaking paper bag ng groceries. "Lovers my ass!" Tuluyan na umalis si Ken. Nakasalubungan niya si Bronx at Seth. Narinig rin niyang nagtanong si Eryx kay Alpha kung anong nangyari sa kaniya. Pumasok si Ken sa kwarto at direktang dumapa sa kama. He opened his cellphone. Agad na nagpop out sa screen niya ang chat head ni Justin. "Sh*t!" Mura niya nang maalala ang pinag-usapan nila ni Justin. Magkikita nga pala sila ngayon para puntahan si Christin, matalik nilang kaibigan at kababata nila. Birthday kasi nito ngayon at gusto sana nilang sorpresahin. Nireplyan niya muna si Justin at agad bumangon para mag-asikaso. "Where are you going?" Tanong ni Alpha pagkalabas niya sa kwarto. He rolled his eyes. Here we go again. Ngumiti siya ng malapad. "Sa labas lang." Sagot niya at akma ng lalabas ngunit mabilis siyang nahawakan sa braso ng binata para pigilan. Napahinga siya ng malalim at malapad na namang ngumiti sa kaharap. "Did I say yes?" Napapikit siya sa sinabi ni Alpha upang ikalma ang kaniyang sarili. Konti na lang talaga at ipapatapon na niya ito sa Mars. Paano ba naman kasi sa t'wing nagbabalak siya lumabas ay pinipigilan siya nito. Nakakalabas nga siya pero nakabuntot naman ito sa kaniya. Kapag wala siya ay maalin naman sa tatlo ang nagbabantay sa kaniya. Gusto na nga niya umuwi sa condo niya pero hindi siya pinayagan ng mga ito dahilan na rin ng nangyaring aksidente sa kaniya bukod pa dun may nagtatangka rin sa buhay niya. Mahal pa niya ang buhay niya kaya hindi na siya nagmatigas pa at dito na lang muna nagstay. Provided rin naman nila ang kailangan niya kaya okay lang sa kaniya. Ang ipinagtataka lang niya bakit may nagtatangka sa buhay niya? Sa pagkakaalam niya hindi naman gaano kayaman ang pamilya niya - may maliit lang naman na negosyo ang pamilya niya at nagtatrabaho abroad ang magulang at kapatid niya. Pero ngayon ang pinoproblema niya ay kung paano siya makakalabas at mapapapayag si Alpha. "Justin and I were just going to a friend's house. It's her birthday today so we wanted to surprise her." Paliwanag niya pero sa loob loob niya ay nagdadasal na siya na sana ay payagan siya nito. Nagpuppy eyes na rin siya dito. Sana lang ay effective ang pagpapacute niya. Napansin niyang tumaas lang ang kilay ni Alpha kaya mas nagpacute pa siya. After a few seconds, "Okay." Napigil niya ang kaniyang hininga. Nakaramdam siya ng saya at excitement. "Pero kasama kaming apat." Napanguso siya. "Bakit kailangan nyo pa sumama?" Lukot ang mukha na tanong niya. Napansin niya sina Bronx, Seth, at Eryx na kanina pa pala nanonood sa kanila. "Mamili ka, hindi ka lalabas o isasama mo kami?" Napairap siya. Ano pa nga bang magagawa niya? "Fine!" Pagsuko niya. Isang kotse lang ang sinakyan nilang lima. Si Seth, Bronx, at Eryx sa backseat habang siya naman ay sa passenger seat. Si Alpha na ang nagmaneho ng kotse. Hindi maimagine ni Ken na nakabuntot na naman sa kaniya ang apat kaya ang tangi lang niyang nagawa sa buong byahe ay bumusangot at magmasid sa labas. Naririnig niya na nagkukulitan ang tatlo sa likod pero hindi niya pinansin. Nababad trip pa rin siya. Thirty minutes bago nila narating ang meeting place nila ni Justin. Isa itong chinese restaurant na madalas nilang kinakainang tatlo nina Christin. Pagkapark ay agad siyang bumaba sa kotse at naunang naglakad papasok sa resto. Napansin naman niya na sumunod sa kaniya ang apat. Nang tuluyan na silang nakapasok sa loob. Agad inilibot ni Ken ang kaniyang paningin upang hanapin ang kaibigang si Justin. Hindi rin kumawala sa kaniyang mga mata ang konting pagbabago sa lugar. Nagkaroon siguro ng renovation ang resto dahil lumawak ang espasyo nito at nadagdagan ang mga tables and chairs na gawa sa kawayan. Mas dumami rin ang tao na nagpupunta dito. Nang matagpuan ng paningin ang hinahanap ay agad siyang lumapit dito. "Sorry I'm late." Sabi niya sa kaibigan bago tumingin kay Alpha at sa tatlo pa. Sinisisi niya ang mga ito kung bakit siya nahuli. "Naku Ken okay lang!" Sagot nito pero ang tingin ng kaibigan ay nasa apat. Napailing siya. Justin is also bisexual. Ang kaibahan lang nilang dalawa ay lantad ito. "Sino sila?" Turo nito sa apat. "Hi I'm Eryx." Ngumiti si Eryx at cool na iniabot ang kanyang kamay. Sa apat ay ito ang hyper at pinakafriendly. Nakatitig lamang si Justin habang iniaabot ang kamay ni Eryx. Sino ba naman ang hindi mapapatitig dito? Ngiti pa lang nakakalaglag panty na dagdag mo pa ang kaputian nito. "I'm Seth." Seth just wave his hand. Nang may tumakip na buhok sa kaniyang mata ay sinuklay niya ito pataas. Sanhi para mapaangat ng konti ang suot nitong t-shirt at makita ang ilang bahagi ng abs nito. Napatakip sa kaniyang bibig si Justin. He's hot! Parang pinagpawisan siya sa sandaling pangitaing iyon. "Bronx." Kinindatan niya si Justin sabay ngiti. Napailing si Ken ng mapansin na mas pinawisan ng husto ang kaibigan. Kahit kailan talaga napakarupok nito. "Alpha." Malamig naman na wika ni Alpha. Napairap si Ken sa inasta nito. "Ay ang lamig naman nun." Ang tinutukoy ni Justin ay ang pagpapakilala ni Alpha. "Saan mo nabingwit ang mga boylet na yan?" Bulong ni Justin kay Ken pero rinig naman ng lahat. Hindi niya alam kung masasabi pa bang bulong iyon. Binatukan niya ang kaibigan and mouthed 'ang landi mo'. "Anong oras dadating si Christin?" Pag-iiba niya. "On the way na raw sya teka tawagan ko muna ulit kayo muna bahala dyan." Pagkalis ni Justin ay umupo silang lima. Mabuti na lamang ay agad niyang nasabihan si Justin na magdagdag ng apat pang dining plates and cutlery para sa apat. Nakasettle na lahat hinihintay na lang nila si Christin. "Ano ba bakla? Bakit may patakip-takip ka pang nalalaman? Madapa lang talaga ako kakalbuhin talaga kita sinasabi ko sayo!" Bulyaw ni Christin kay Justin habang nakatakip ng panyo ang mga mata nito. Inaalalayan naman siya ni Justin patungo sa pwesto nila. "1...2...3!" Inalis ni Justin ang panyong nakapiring kay Christin. "SURPRISE!!!" Sigaw ni Justin at Ken. Nakisigaw na rin si Bronx, Eryx, at Seth maliban kay Alpha na tahimik lang na nanonood. Nagulat si Christin at napaiyak. "Hala! Bakit may paganito?" Iyak tawang sabi nito. "Happy Birthday!" Bati ni Ken bago tumayo at niyakap ang kaibigan. Bumati rin sa kaniya ang apat na lalaki. Pagkatapos ng batian ay nagpakilala naman ang apat kay Christin. Katulad ni Justin ay humanga rin ito sa angking kagwapuhan ng apat pero mas nagkakuha sa kaniya ng pansin ay si Eryx. Hindi niya magawang alisin ang paningin dito. Sa kalagitnaan ng kasiyahan ay nadistorbo ang pagsasaya ni Ken ng tumunog ang messenger ringtone niya. Pagkabukas niya ng cellphone ay bumungad sa kaniya ang chat head ni Mr. Phantom. Napakunot ang noo niya. He tapped the chat head at ganoon na lamang ang gulat niya ng makita kung anong laman ng mensahe nito. Puro larawan niya nung oras na siya ay maaksidente. Imahe ng kaniyang wasak na kotse, imahe niya na nasa loob ng kaniyang sasakyan na duguan, at larawan niya habang buhat buhat siya ni Alpha. Maya-maya ay may bagong mensahe na naman na nagmula pa rin dito ang dumating sa kaniya. Mga larawan naman niya mismo dito sa restaurant. Mabilis niyang inilibot ang kaniyang paningin at hinanap ang kaparehong lalaki na nakita niya noon ngunit bigo siyang makita ito. "What do you want from me?" Nanginginig ang mga kamay niya habang hawak-hawak ang cellphone niya. "I WANT YOU TO DIE!" Muntikang mabitawan ni Ken ang kaniyang cellphone ng mabasa ang mensaheng iyon. Tila nakaramdam siya ng takot. Huminga siya ng malalim upang ikalma ang kaniyang sarili ngunit hindi sapat iyon para ibsan ang kaniyang kaba. Kung joke lang ito, hindi ito magandang biro. "Ken parang namumutla ka?" Mabilis niyang itinago ang kaniyang cellphone at ibinaling ang tingin kay Justin. Pinilit niya ang kaniyang sarili na ngumiti. Napansin niyang nakatingin silang lahat sa kaniya. "Okay lang ako, medyo masama lang ang pakiramdam ko." Sagot niya. "Ken if you're not alright you can go now." Nag-aalalang sabi ni Christin. Ngumiti naman si Ken. He was very fortunate to have such a friend like them. He smiled back. "Let's go!" Inalalayan siya ni Alpha. Nagdecide na maiiwan muna ang tatlo kasama si Justin at Christin. Itutuloy nila ang selebrasyon. Pagsakay sa kotse ay iniisip pa rin ni Ken ang natanggap niyang mensahe sanhi para mapansin ito ni Alpha. "Kanina ka pang tulala. Anong iniisip mo?" Mababakas mo dito ang pag-aalala. "I'm alright, I just want to take a rest." Ngumiti siya bago isinandal ang ulo sa window shield ng kotse. "Alpha pwede bang sa condo ko muna ako umuwi?" Alpha nodded before starting the car. Ilang distansya lang naman ang layo ng condo niya sa resto kaya mga bente minuto ay nakarating na sila agad. Tahimik lang ang naging byahe nila. Tila ay nawalan siya ng gana magsalita. Pagkapasok sa loob ng condo ay agad siyang humilata sa kama niya. How he missed his bed so badly. Kinuha niya ang Stitch pillow niya para yakapin ito, "I miss you Stitchy." Sabi niya habang nakapikit hindi alintana na nakangiti na palang nagmamasid sa kaniya si Alpha. "Ehem," nagmulat ng mata si Ken. Nakalimutan niyang may kasama nga pala siya. Umupo siya habang yakap yakap pa rin ang unan niya. "Aalis na ako sigurado ka bang okay ka lang dito?" Pagpapaalam ni Alpha. Tumango si Ken ngunit nung akmang aalis na si Alpha ay mabilis nito hinawakan ang kanang braso nito. Pinigilan niya ito. "A-Alpha." Utal niyang tawag sa binata. Humarap sa kaniya si Alpha. Nakatungo lamang si Ken parang nakaramdam siya ng hiya, "Can you please stay with me?" Lakas loob niyang sabi. Sa totoo lang simula nang maaksidente siya ay lagi na lang siyang nakakaramdam ng takot lalo na kapag mag-isa siya. Mabuti na lamang ay nandiyan lagi si Alpha para sa kaniya. Hindi pa man niya masyadong kilala ang lalaki ay magaan na ang loob niya dito at komportable siya kasama ito. Hinawakan ni Alpha ang baba ni Ken at dahan dahang pinatunghay ito. Kitang kita niya ang pamumula ng mukha ni Ken. Ilang segundo niya itong tinitigan sa mata, pababa sa matangos nitong ilong, at sa mapupula nitong mga labi. Parang bumilis ang t***k ng puso ni Ken. Ito na ba ang nangyayari sa mga napapanood niyang BL series kapag hahalikan na ng leading man ang bida? Maya-maya ay unti-unti ng inilalapit ni Alpha ang mukha niya sa mukha ni Ken sanhi para mapapikit ito at lalong bumilis ang t***k ng puso niya. "Hindi mo kailangang makiusap para manatili ako, dahil kahit hindi mo sabihin mananatili ako sa tabi mo." Sabi ni Alpha bago pisilin ang ilong niya. Nagmulat siya at tiningnan niya ito ng masama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD