Chapter 4

1708 Words
ALTHEA’S P.O.V Maaga kaming nagising ni Alili, kahit na hindi ako masyadong nakatulog nang malaman na nasa bahay pala ako nina Alfie. Mukha umaayon sa akin ang pagkakataon na mapalapit sa kanya, nang sa gano’n makasama ko siya. Kahit hindi man niya alam na ako ito at least makikita ko siya araw-araw. Nasa kusina si Alili at naghahanda ng pagkain ng aming mga amo. Habang ako nama’y nagwawalis sa koridor. Tulog pa ang buong mag-anak dahil umaga na rin sila umuwi. Habang ako ay nagwawalis sa tapat ng kwarto ni Alfie ay may isang maliit na kahon akong nawalis. “Ano kaya ito? Wala namang sulat sa labas ng karton. Ibinulsa ko ito at nagpatuloy na lamang sa aking ginagawa. Pumunta ako sa likurang bahagi ng bahay at nandoon na si Alili nagsasampay ng mga damit. Naalala ko ang box na nadampot ko kanina. Binuksan ko ito at nakakunot ang noo ko sa bagay na aking nakita. Ano ba kaya ito? “Ano 'yan Tala?” tanong niya sa akin. Tala, ang napagkasunduan namin na itatawag sa akin, para hindi gaanong nalalayo sa tunay kong pangalan. “Hindi ko rin alam Li!" Napapailing akong sumagot sa kanya. Kahit ako ay walang kaalam-alam sa bagay na ito dahil pangalan lamang ang nakalagay. Pati na rin ri Alili ay nabuhay ang curiosity dahil pareho naman naming hindi alam ang bagay. “Bigyan mo nga ako ng isa at sisidlan ko ng tubig para kasing balloon ito,” ani Alili. "Para ka namang bata na maglalaro ng baloon na may tubig," pagbibiro ko pa dito. "Hayaan mo na at ibabato ko ito sa driver mamaya kapag inaasar ako no'n," aniya. Nilamanan nga ng tubig ni Alili ang bagay na parang balloon. Nang may laman na ito ay unti-unting pumorma ang balloon. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang kabuuan nang mapuno ito ng tubig. “Yakss… Eww…” Napangiwi ako at medyo na naiilang sa nakita. Pormang-porma ang p*********i ng lalaki sa bagay na iyon. Doon ko napagtantong condom pala ang pinaglaruan ni Alili. "Itapon mo yan Li!" Tinapik ko pa sa kanyang kamay. Sinipat-sipat pa naman ni Alili ang bagay na iyon at bigla na lang siyang napahiyaw. “Ayyy…. ang talong ni Juan,” bulalas ni Alili. Nais ko sanang matawa sa bagay na iyon. Ang buong akala ko ay pareho kaming inosente ngunit nang aming makita ang hulma nito ay nabuhay ang aming pagkahenyo sa kalokohan. Nagbungisngisan kami ni Alili sa likod ng bahay. Ngunit bigla akong napatigil nang maalala kung saan ko ito napulot. “Kanino galing 'yan?” tanong ni Alili sa akin. Hindi agad ako nakasagot dahil iniisip ko ay kay Alfie ang bagay an' yan. “Hoy! Huwag ka maingay, hinaan mo lang ang boses mo at baka may makarinig sa atin," awat ko pa sa kanya. “Saan mo nakuha ‘yan ha?" pagtatakang tanong ni Alili. “Condom yan Li, at nadampot ko yan sa tapat ng kwarto ni Alfie,” sagot ko naman. “Huh? Ibig sabihin si Alfie ang gumagamit niyan?” Bigla naman akong nasaktan do'n sa tanong ni Alili. Hindi ko alam na mapaglaro pala si Alfie sa mga babae. So, hindi na virgin ang lalaking gusto ko? “Aba’y ewan ko! Malay ko sa amo mo,” nakasimangot kong sagot. Nakaramdam ako ng konting paninibugho dahil hindi ko alam na nakikipagsex pala si Alfie sa iba. Baka ang hingad na papaya ang kaharutan niya. Ang Barbie na ‘yon ay tutuhugin ko talaga at matuluyan na maging barbecue sa akin. “Hey! Bakit bigla kang natahimik diyan?” untag sa akin ni Alili. “Huh! W-Wala may naisip lang,” sagot ko. “Ikaw ha! May kailangan kang ipagtapat sa akin." Hinawakan ni Alili ang aking balikat at seryoso itong nakatitig sa akin. May mga katanungan ang kanyang titig na nais niyang sagutin ko. “Ang alin Li?” inosente kong tanong. “Naku! Huwag ka na magkunwari pa. Si Alfie ba ang lalaking sinasabi mong malamig pa sa ilong ng pusa ang pakikitungo sayo?” Agad nahalata ni Alili ang lihim kong pagtingin kay Alfie. Madali akong magalata sa mga kinikilos ko at hindi ko naman iyon pinagkaila. “Sshh….” Huwag ka nga maingay sabi eh!” Tinakpan ko ang kanyang bibig at baka talaga ay mayroong makarinig sa ami. Ayaw ko lang malaman nila ang tunay kong pagkatao. Gayong hindi ko pa nabuking ang kalaguyo ni Daddy. “Oh’ siya mamayang gabi na lang natin pag-usapan iyan,” aniya sabay talikod. Dion ako nakahinga. Masyado pang maaga para malaman nilang ako si Althea. Hindi pa tapos ang misyon ko sa pagbabalatkayo. “Halika na at tulungan mo akong maghanda ng mesa at mamaya’t maya ay magsibabaan na ang mga iyon para mag-almusal. Agad naming hinanda ang kanilang almusal. Naunang bumaba ang mga magulang ni Alfie. At ilang sandali naman ay sumunod sina Alfie at ang kuya niyang si Andrie. Ang guwapo talaga ng dalawang ito lalo na ang lalabs Alfie ko. Napangiti akong sinisilip silang nag-uusap. “Tala, halika rito at ipakilala kita sa mga amo natin,” sigaw ni Alili habang abala sa pagsisilbe sa kanila. Hindi kasi kami nagkita kahapon dahil inumaga na sila ng uwi galing party. Inayos ko muna ang sarili bago tinungo ang dining table kung saan sila naghihintay sa akin. Nang makalapit ako ay agad na tumitig sa akin ang ina ni Alfie. Napangiti pa ito at hindi man lang natakot sa anyo ko. “Good Ma’am and Sir,” bati ko sa kanilang lahat nang makalapit. “Ah… Ma’am, Sir, siya po si Tala ang pinsan ko galing probinsiya. Pagpasensyahan niyo na ang kanyang anyo at pananamit, talagang nakaugalian niya na po iyan,” ani Alili sa kanila. “It’s okay Alili,” agad na sabat ni Ma’am Ana. Tumango-tango lang ako sa kanilang harapan. Si kuya Andrie naman ay parang kinakabisado ang buo kong pagkatao. Hindi ko inaasahan na ngingiti siya sa akin. “Hi Tala, welcome to our house,” ani kuya Andrie. Sinulyapan ko si Alfie na walang paki-alam sa paligid. Ni hindi man lang ako sinulyapan. Kapag naubos ang pasensya ko sayo Alfie gagayumahin talaga kita para tumirik ang iyong mata. Napahagikhik ako ng hindi ko sinasadya dahil sa naiisip. Napatingin naman silang lahat sa akin. Sa wakas ay inangat din ni Alfie ang kanyang tingin sa akin. “Whoa! Akala ko kagabi nananaginip ako sa nakita,” sabi nito na itinuro ako gamit ang kutsara na kanyang hawak. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ng kanyang ina. “Siya ‘yong nakita ko na multo sa kusina,” sagot nito sa ina. “Grabi ka naman kung makatingin sa akin! Multo talaga! Ganoon na ba ako ka pangit?” sabat ko naman. “Ay… Oo este hindi pala!” nalilito niyang sagot. “Nakakasakit ka naman ng damdamin,” sabi ko na humaba ang nguso. “Naku! Ang ganda-ganda mo nga eh! Ngumiti ka nga para lalo ka gumanda,” pambobola pa nito kahit ang totoo hindi naman. Ngumiti nga naman ako at sinunod ang sinabi niya na wala sa sarili. Ngunit bigla siyang napasign krus nang makita ang malapad kong ngiti. “Pusang gala kuya! Sirang-sira na ang araw ko,” sabi nito kay kuya Andrie. Nang maalala ko at may pinagawa pala ako sa ngipin para hindi mahalata ng sinuman na ako si Althea. Natatawa na lamang si kuya Andrie sa kanya. Binaling niya ang kanyang tingin sa akin na nakakunot ang noo. Ako naman ay nakangiti pa rin na deretso ang tingin sa kanya. “A-Ah…Ms. Tala paki tikom na lang ng bibig mo baka pumasok ang langaw, imbes na totoong Tala ang makikita ko ngayong araw baka maging talagim sa malas,” anito. Biglang napawi ang ngiti sa aking labi dahil sa kanyang sinabi. Natatawa lamang ang kanyang mga magulang sa naging reaksyon nito. Naalala ko ang bagay na napulot ko kanina. Lumapit ako sa kanya at ibinigay ang maliit na karton. Hindi na ako nagslita pa nang pinatikom niya ang bibig ko. “Ano yan?” pagtataka niyang tanong. “Napulot ko iyan sa harap ng iyong pinto at sa palagay ko ay sayo iyan,” sagot ko. Agad naman niyang kinuha at tiningnan ang laman ng kahon. Nagulat pa siya ng makita ito. “Hindi akin ‘yan,” mariin niyang tanggi. Ipinagtulakan niya kay Kuya Andrie ang kahon. Tila ba diring-diri siya sa bagay. "Baka naman sayo ‘yan kuya?” baling tanong nito sa nakakatandang kapatid. “Ano ba ‘yan? Akin na nga, patingin!” sabi nito sabay hablot sa kapatid ang maliit na kahon. “Hindi rin akin 'yan. Baka naman kay Daddy ‘yan,” suhestyon naman ni Andrie. “Ano ba ‘yang bagay na pinagpasa-pasahan niyo?” tanong naman ng kanilang ama. Ibinigay naman ni Andrie sa kanilang ama para makita nito ang nilalaman. Medyo natawa pa ang mga ito sa ama. “Susme meryosip! Hindi rin sa kin ‘yan!” tanggi rin ng kanilang ama. “Hey! Baka naman sayo iyan?” tanong ni Alfie. “Luh! Okay ka lang? Paano naman magiging akin ‘yan eh wala naman akong ganyang bagay. Saan ko naman isusuot yan sa daliri ko?” nakakaloko kong tugon. Agad akong nagpaalam sa kanila at halos hindi ko na mapigilan ang sarili at natatawa ako sa aking sinabi. Nakasalubong ko naman ang sinasabi ni Alili na Driver. Humahangos ito at para bang may hinahanap. “Ah… Ms. sabi ni Alili ikaw daw nagwalis kanina. May nakita ka bang maliit na puting kahon?” tanong niya. “Opo, sayo pala ‘yong condom?” deretsahan kong tanong. “Ah... Eh… Oo, nasaan na pala ang con-" Hindi na niya binanggit pang muli at bumuntong hininga na lamang ito. “Nandoon po kay Sir, binigay ko sa pag-akalang sa kanila iyon,” sagot ko naman. Sinamahan ko na lamang si Alili sa kusina at tinulungan sa mga gawain. Hindi ko akalain na sa unang araw pa lang ng aming pagsasama ni Alfie sa iisang bahay ay para na kaming aso at pusa. Paano ba kaya sa darating na mga araw?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD