Chapter 3

1147 Words
ALTHEA'S P.O.V Nakasimangot akong nakaharap sa salamin habang inaayusan. Aabutin ako ng gabi sa pag-aayos ng aking mukha. Nagpalagay ako ng fake na nunal sa gilid ng aking ilong. Pinakapalan ko rin ang aking mga kilay at nagpalagay ng bangs at pinakulot ang buhok. Umuwi muna si Alili para makapagluto ng hapunan. Hindi ako nakahuma sa naganap kanina sa Mall. Talaga nga'ng walang pagmamahal si Alfie sa akin. At mas ginusto ang babaeng malaki ang dibdib. Sa laki ng dibdib parang jumbo na papaya na ito. Napatitig naman ako sa baklang nag-aayos sa akin. May dibdib din ito na gaya ng babae, kung tutuusin eh' lalaki pa rin ito. "Gurl, bakit gustong-gusto ng mga lalaki ang malaking dibdib ng isang babae?" tanong ko sa bakla. "Ha? Bakit niyo po naitanong 'yan Ma'am?" balik tanong niya sa akin. "Kasi may kaibigan ako at ginusto niya ang babaeng mala-papaya ang dibdib," sagot ko naman. "Ganito daw po kasi 'yan Ma'am, ang mga lalaki gusto yan ng mga malalaking dibdib, dahil kapag nalunod daw sila ay may puno ng papaya silang makakapitan," natatawang tugon nito. Natawa naman ako sa sinabi ng bakla, ang akala ko naman ay seryoso ang kanyang sasabihin. "Ma'am maiba naman tayo ng usapan. Bakit kailangan mong magpalit ng anyo? Ang ganda mo kaya, Chinita, maputi, cute," tanong niya. "Hay naku! Sa ganda kong ito ay ayaw ng lalaki sa akin. Kaya pinili ko na lang maging pangit at manang ang dating baka sakaling matutunan niya akong mahalin," walang buhay kong sagot. "Ahm... Magtanim ka kaya ng papaya Ma'am," tudyo nito. "Huh! Ano naman ang kinalaman ng papaya sa usapan natin," pagtataka kong tanong. Tumawa siya nang malakas at napagtanto ko namam ang ibig niyang sabihin. Nakitawa na lamang ako. Sinundo naman ako ni Alili at nagdala siya ng malaking t-shirt para isapaw sa hapit kong damit. Baka kasi may makakita sa amin sa labas at magtaka kung bakit ang aking mukha ay nerd ngunit seksi ang kasuotan. Pag-uwi namin ng bahay ni Alili ay nagulat naman si Nanay Nelia. Pinagmasdan niya akong maigi. Malaki ang pinagbago ng aking transformation dahil kahit Nanay Nelia ay halos hindi makapaniwala. Napapailing ito na nakatitig sa akin. "Thea ikaw na ba 'yan? Ang pangit mo na! Ano ba ang ginawa sayo ng bakla?" tanong ni Nanay. "Okay lang po ito Nay, para magmukhang totoo," sagot ko naman. "Maghapunan na tayo para makapagpahinga na. Maaga akong papasok bukas sa trabaho para maabutan ko si Ma'am Ana at ipagpaalam kita Thea," ani Alili. Napag-usapan na namin ni Alili na ako ang makakasama niya sa pinapasukang bahay. Ipapakilala niya akong pinsan na galing sa probinsiya. Nagkataon na naghahanap ng dagdag katulong ang kanyang amo. Dahil ang sabi ay umuwi na raw ang dalawang anak nito na galing ibang bansa. Kinabukasan ay maagang umalis si Alili naiwan muna ako sa bahay na kasama si Nanay Nelia. Ang sabi ni Alili kapag pumayag ang kanyang amo ay susunduin niya ako. Pagkatapos kong maligo ay inihanda ko na ang sarili. Sa mga lumang damit ni Nanay ay napili ko ang mga mahahaba. Aabot hanggang bukong-bukong para hindi makita ang mapuputi kong balat. Mahahaba rin ang manggas para tiyak na hindi ako pagdududahan. Sinuot ko na ang isa sa limang damit na napili ko. Kulay itim ang napili kong suotin sa araw na ito. Nakaharap ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Para naman akong natakot sa anyo ko, dinaig ko pa ang mangkukulam sa ayos. Makapal ang kilay, may bangs, nunal at salamin. Tinawagan ako ni Alili na mamayang hapon na lang dawa ko sinduin dahil hindi pa umuwi ang bunsong anak. Kaya naisipan ko na lang muna gumala sa Mall para hindi mainip. Pagkalabas ko ng silid ay nasa kusina si Nanay nagluluto ng tanghalian. Nais kong magpapaalam sa kanya na lalabas lang muna ako habang wala pa si Alili. Sakto naman at napalingon siya. "Sus maryosep santisema!" bulalas ni Nanay. Napahawak pa ito sa kanyang dibdib. Nagtataka naman ako kong bakit ganoon na lamang ang kanyang reaksyon. "Naku Althea! Palitan mo ang iyong damit," utos nito. "Ha? Bakit po Nay?" "Nakakatakot ka! Para kang pupunta ng halloween," ani Nanay. Dahil kakatapos lng ng halloween kaya sinunod ko ang utos ni Nanay. Nagpalit ako ng damit ang pinili ko ang kulay puti. Baka sakaling okay na ito. Lumabas akong muli sa kwarto at ipinakita kay Nanay ang suot ko. Ngunit nanlaki ang kanyang mga mata nang masilayan ako. "Mahabaging panginoon patawarin mo ako," muling bulalas ni Nanay nang makita akong muli. "Bakit po? Hindi pa rin ba maganda?" inosente kong tanong. "Diyos ko Thea aatakihin ako sa puso kapag ganyan ang makita ko kapag gabi na. Mukha kang white lady sa suot mo." Napapailing ito at nasapo ang noo. Nakangisi naman akong nakatingin kay Nanay na gulat sa nagiging anyo ko. Nagpalit na lamang akong muli at inayos ko na baka matakot ang magiging amo ko. Baka mamaya ayaw na akong tanggapin. Hinintay ko na lang si Alili at hindi ko na itinuloy ang gumala sa Mall. Matapos ang mahabang paghihintay ko kay Alili ay dumating rin ito. Agad kaming umalis para hindi gabihin sa byahe. Kahit hindi naman gaanong malayo ngunit matrapik na kapag hapon. Alas otso na nang gabi kami nakarating sa bahay ng kanyang amo. Ang sabi ni Alili ay mamayang hating gabi pa raw ang kanilang uwi. May dinaluhang party daw ang mga ito. Kaagad kaming nagtungo ni Alili sa kanyang silid para ihatid ang mga dala kong gamit. Pagkatapos naming maghapunan ay nagpahinga na kami dahil wala naman ang aming mga amo. Bandang alas dos ng madaling araw ay nagising ako. Nararamdaman ako ng pagka-uhaw. Lumabas ako ng aming silid at tinungo ang kusina para uminom ng tubig. Akmang babalik na ako sa aming silid ay nagulat ako sa isang lalaki na nakatayo sa hamba ng pintuan. Namilog ang kanyang mga mata na nakatiitig sa akin. "Alfie?" pabulong kong sambit. "Mommy! Mommy! May multo sa kusina." Nagtatakbo itong nagsisigaw sa kanyang ina. Sa kaba ko ay nagmadali akong bumalik sa aming silid. Kaagad kong ginising si Alili. Dahil hindi ko alam kung nananagginip lang ba ako. Bakit ko nakita si Alfie dito?" "Li.... gising!" pukaw ko sa kanya na mahimbing na natutulog. "Oh bakit?" inaantok niyang tanong "Kanino itong bahay na pinagtatrabahuan natin?" taranta kong tanong. "Sa amo ko," wala sa sarili niyang sagot. Naku naloko na! Lalo akong kinabahan nang hindi ko maka-usap ng maayos si Alili. "I mean anong buong pangalan ng amo mo?" muli kong tanong. "Ana Sebastian," sagot niya habang ang mga mata ay nakapikit. "A-Ano?" Ibig sabihin bahay ito nina Alfie. OMG! Destiny ba ito?" Hindi ko ito inaasahan na makasama si Alfie kahit palihim lang basta makita ko lang siya araw-araw. Isang matamis na ngiti ang kumawala sa aking labi...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD