Chapter 2

1096 Words
ALTHEA'S P.O.V Matapos namin maiayos ang paghiga ni Nanay Nelia ay pinag-uusapan namin ni Alili ang tungkol sa aking pag-iiba ng katauhan. Nakikinig naman si Nanay na nakahiga sa kama. "Ano ang pwede nating baguhin sa anyo mo?" tanong ni Alili habang minamasahe ang ina. "Ano kaya ang maganda Li?" balik kong tanong sa kanya. "Hmm.... Magtransform ka na lang kaya na isang nerd tapos old fashion lady. 'Yong makaluma ang dating," aniya. "Okay! Paano ko naman gagawin iyon? May mapasukan kaya akong trabaho kapag ganoon na ang itsura ko?" kunot noo kong tanong. "Huwag kang mag-alala Thea may mga luma akong damit na tinago sa baul. Pwede mo itong magamit at hindi na kailangang bumili," presenta naman ni Nanay. "Talaga po!" Namilog ang mga mata ko sa tuwa dahil sa sinabi ni Nanay. Mas mapadali para sa akin ang pag-iba ng anyo. Malamang ay pinapahanap na ako ni Daddy ngayon. "Naku Nay! Talagang prenesenta mo pa ang mga luma mong damit eh' panahon pa iyon ni Magellan," natatawang sabat naman ni Alili. "Hoy Alili! Kung makalait ka naman wagas," singhal nito kay Alili. "Tama na nga po iyan! Okay lang po Nay gagamitin ko ang mga iyan," awat ko sa dalawa. Baka kasi kung saan naman humantong ang kanilang usapan. Kahit luma na ang mga iyon ay okay lang, basta makatulong sa akin para mag-iba ng anyo at hindi makilala ng kahit sino. "Kailangan natin pumunta ng salon para ipakulot ang tuwid mong buhok," ani Alili. "Okay sige." Tumango-tango ako sa kagustuhan ni Alili. Parang naiisip ko na ang magiging kalalabasan ng anyo ko. "Saan naman ako papasok ng trabaho Li kung ganoon ang aking ayos?" tanong ko. "Hindi ba't naghahanap ng katulong si Ma'am Ana?" tanong naman ni Nanay Nelia. "Oo nga pala! Okay lang ba sayo ang maging katulong?" tanong naman ni Alili. "Okay lang basta ikaw ang kasama ko," agad ko namang sagot. Wala akong alam sa trabahong iyan ngunit handa naman akong matuto. Kaagad kaming nagtungo ni Alili sa kalapit na Mall para mamimili ng iba pang kakailanganin sa pagbabago ng aking anyo. Kailangan ko itong gawin para tuklasin ang kalaguyo ng aking ama. Hindi ako papayag na wasakin niya ang pamilya na meron ako. Nang matapos kaming namili ni Alili ay nagpaalam ito na pupunta lamang sa palikuran. Habang ako'y naghihintay kay Alili ay nakita ko si Daddy na papasok sa Mall. Nagmadali akong lumayo sa aking kinatatayuan. Tinungo ko ang kaliwang side ng Mall kung saan malayo sa aking ama. Tatawagan ko na lang si Alili kapag nakaiwas na ako kay Daddy. Sa aking pagmamadaling makatago ay hindi ko inaasahan na sa bigla kong pag-ikot ay may makasalubong ako at tuluyang bumangga. Pinikit ko ang mga mata at ramdam kong nakalapat ang aking ulo sa isang malambot na dibdib. Ang aking dalawang kamay naman ay nakahawak sa malalabot na bagay. "Unan ba ito?" tanong ko sa sarili. Pinisil-pisil ko pa ito para tiyakin kung tama ba ang naiisip. Ngunit may kakaiba akong naririnig. Parang t***k ng puso na malakas ang kabog. "Sh*t! Bitawan mo iyan!" galit niyang sigaw. Napukaw ang aking himahinasyon at naimulat ang mga mata. Parang ang lapit ng boses na aking narinig. Hindi pa rin ako gumalaw bagkus nakiramdam muna ako sa paligid. Nanatili ako sa ganoong posisyon. Dahan-dahan ko naman inaangat ang aking ulo para tingnan ang kung sino ba itong nabangga ko. Nang tumama ang aking mata sa mga tingin na nag-aapoy sa galit. Ngunit ang kanyang mukha ay parang isang anghel na bumaba sa lupa. Parang Barbie ang kagandahan. Mapupula ang labi at makinis na mukha. "Bitiwan mo o hindi!" singhal niya. Bigla akong napatingin sa dalawang kamay ko na nakahawak sa malaki at maumbok niyang dibdib. Ang awkward ng dating ko dahil kababae kong tao ay hawak-hawak ang dibdib ng kapwa ko babae. "Ngee...Malakas kong bulalas at itinago ang aking mga kamay sa likuran. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Ang tangkad niya at sexy. Mahaba ang buhok at may magandang mukha, ngunit ang kakaiba ay ang kanyang hinaharap. Masyado itong malaki na parang hindi na yata normal. Tunay ba kaya ang kanyang dibdib? " "Tomboy ka ba?" mataray niyang tanong. "Hindi ah! Hindi ko sinasadyang mabunggo ka," depensa ko naman. "Eh' bakit hawak-hawak mo ang dibdib ko?" Nilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko. Para bang nanunudyo ito porket malaki ang kanyang hinaharap. Hindi naman ako nagpatinag at hinarap siya ng taas noo. "Ang sabi ko hindi ko sinasadya kaya pasensya kana," sagot ko naman. "Barbie Que nandito ka lang pala!" Bigla akong kinabahan sa boses na aking narinig. Pamilyar ito sa akin at kilalang-kilala ko ito. Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses. Nang makita ko ito ay halos tumalon sa tuwa ang aking puso. "Hi Alfie." Kumaway-kaway pa ako na parang bata ang reaksyon. Ngunit parang wala lamang sa kanya ang pagbati ko. "Hello!" walang gana niyang tugon. Nawala ang ngiti sa aking labi nang lapitan siya ng nagngangalang Barbie. Lumingkis ito sa mga braso ni Alfie na parang ahas. Nakaramdam ako ng konting kirot sa puso. Mabuti pa ang ibang babae ay nahawakan siya. Ako itong matagal na siyang kakilala ay kahit dulo man lang ng kanyang daliri ay hindi ko nagawa. "Babe, hinipuan ako niyan sa dibdib pero okay lng. Baka naiingit lang siya siguro sa meron ako," malandi nitong sabi kay Alfie. "W-What?" sabay naming sambit ni Alfie. Nagpabaling-baling ang tingin ni Barbie sa amin. Mukhang nagtataka na ito kung bakit magkakakilala kami ni Alfie. "Teka nga lang! Magkakakilala ba kayo?" pagtatakang tanong ni Barbie. "Ah... Lets go," yaya ni Alfie sa kanya. Hindi niya sinabi ang tungkol sa amin. Tinalikuran niya ako at hindi man lang tinapunan ng tingin. Namuo ang aking mga luha at handa na itong bumagsak ngunit pinigilan ko ito. "Wait!" tawag pansin ko sa kanila. Agad naman silang napalingon sa akin. Deretso kong tinitigan sa mata si Alfie. Hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw niya sa akin. May ganda naman akong ipagmalaki. "Kaya ba ayaw mo sa akin dahil mas malaki ang kanyang hinaharap?" Binaling ko ang aking mga tingin sa dibdib ni Barbie. Alam kong maraming kalalakihan ang may gusto sa malaking dibdib. Hindi naman maliit ang hinaharal ko. Hindi ko lang maunawaan kung ano ba ang ayaw niya sa akin. "Ewan ko sayo! Ano bang pinagsasabi mo!" kunot noo niyang tugon. Tuluyan na silang lumayo sa akin. Naiwan akong hawak-hawak ang dibdib. Siguro nga ito ang kapalaran ko. Hintayin ko na lang ang taong para sa akin, kung hindi man kami ni Alfie ang nakatadhana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD