ALTHEA’S P.O.V Tala!” Dumadagundong na tawag ni Alfie sa akin habang pababa ito ng hagdan . Nagtataka lang ako kung ano ang minamadali niya sa pagbaba at ako kaagad ang naisipang tawagin. Napatitig naman si Alili sa akin ng may kasamang panunudyo. “Oh’ ayan hinahanap ka ng papa mo!” wika ni Alili sabay sundot sa aking tagiliran. Lumapad naman ang ngiti ko ngunit bigla na lang ito napawi nang maalala ko na si Tala na pala ang pagkatao na dinadala ko at hindi kay Althea. “Pahamak ka talaga Li!” “Ay sus…kunwari ka pa gusto mo naman eh!” Patuloy nito sa panunudyo sa akin dahil nakita niya kung paano kami naging sweet ni Alfie sa isa’t isa. “Naku, ibubuking mo talaga ako ng maaga kapag ganyan ka!” reklamo ko naman. “Puntahan mo na at baka may ipag-uutos lamang!” ani Alili na pinagtulak

