ALTHEA’S P.O.V Nang manghingi ng juice si Barbie ay tinawag ko si Alili upang utusan ito na pagbigyan ng maiinom ang dalagang may taglay ng kakatihan sa katawan. Nagkataon naming may nagawa na akong softdrink na hinaluan ng ginayat na apple fruit. Mayroon kasi akong naiisip tungkol doon kaya naman iyon ang ipapainom ko sa kanya. Of course iinom din ako para naman hindi halata. Nagkataon namang napatingin si Alili sa amin kaya kinawayan ko siya para lumapit sa amin. Nakakatuwa lang full support naman itong kaibigan ko. Alam niya rin kung paano magpanggap sa harap ng lahat na hindi kami magkakakila. “Ma’am, may ipag-uutos ka ba?” kalmadong tanong ni Alili. “Ahm yes, maaari mo ba kaming bigyan ng maiinom? ‘Yong malamig para mapawi ang aming uhaw ni miss Barbie!” nakangiti kong utos na

