ALTHEA'S P.O.V
Maaga akong nagising kinabukasan at naligo para muling ayusin ang sarili. Nais kong ipaghanda ng almusal si Alfie. May mga almusal akong alam na gusto niyang kainin dahil nakasama ko siya noon sa Malaysia.
Tulog pa si Alili nang bumangon ako. Paano kasi ay kailangan kong mag-ayos sa pagkukubli ng mukha ko. Ang hirap pala kapag nagtatago ka at kailangan mong mag-ingat pati sa pananamit ay tiniis kong suotin ang damit ni Nanay Nelia.
Paglabas ko ng banyo ay napansin kong tulog na tulog pa rin si Alili. Hindi man lang niya narinig ang kaluskos ko. Nakanganga pa at tulo laway pa sa sarap ng tulog. Kung sakaling may langaw lang sa loob ng aming silid ay tiyak na pasok na pasok ito sa kanyang bunganga.
Napailing na lang ako at saka iniwan siya sa silid. Nagtungo ako sa kusina para ihanda ang mga kakailanganing sa pagluluto. Pagdaan ko sa sala ay napatingin ako sa malaking orasan na nakakabit sa itaas ng malaking television. Nanalaki ang mga mata ko nang makitang alas dos y medya pa lang ng umaga.
Ang buong akala ko ay alas singko na ng umaga dahil gising na gising na ang diwa ko. Tuloy pa rin ako sa kusina para ilabas ang frozen na iluluto ko, para mamayang 6 am ng umaga ay malambot na.
Sa paglalakad ko patungong kusina ay may narinig akong kaluskos. Agad kong kinuha ang walis tamboo na nakasabit sa likod ng pinto. Baka kasi daga o magnanakaw ang nariyan. Madilim ang kusina at tanging ilaw sa labas ang pumasok sa salamin na bintana.
Nagkubli muna ako sa gilid ng pintuan at pinapakiramdaman lamang. Naririnig ko ang tunog ng baso kaya hindi ko mapigilan ang silipin kung sino ang nasa kusina.
Isang tao ang nakita ko at nakasuot ng jacket at naka-hood pa. Nakatalikod siya sa akin kaya naman hindi ko maaninag ang mukha. Biglang pimasok sa isipan ko na baka magnanakaw ito dahil naka-hood na tila kinukubli ang mukha.
Humigpit ang hawak ko sa walis tamboo na hawak ko. Kahit maliit lang ang kahoy nito at kaya pa ring makasakit sa magnanakaw. Aba'y napasok pa kami ng magnanakaw at dito pa sa kusina ang tungo. Baka naman nauhaw at nais uminom.
Hindi ko binuksan ang ilaw para hindi siya maalarma sa pag-aatake ko. Marahan akong humakbang papalapit sa kanya at walang tumpik-tumpik na pinalo ang kanyang puwet pati na rin sa binti, para hindi kaagad makatakbo.
"Aray! Aray!"
Nagtatalon siya sa sakit sa paghampas ko. Nabitawan niya ang isang inumin at tumalsik pa sa mukha ko ang inumin. Doon ko naamoy ang fresh milk na hawak ng lalaking naghihiyaw sa sakit.
"Sh!t Who are you?" galit na tanong nito.
Nahimasmasan rin ako ng marinig ang boses ng lalaki. Dali-dali kong binuksan ang ilaw at doon nakita ang galit na mukha ni Alfie. Nagkalat ang gatas sa sahig
"Ikaw?" gulat niyang sambit nang makita ako.
"Bakit ka kasi nandito at hindi mo binuksan ang ilaw? Ang akala ko naman ay magnanakaw dahil ang magnanakaw lang ang mahilig sa dilim," palaban kong wika.
Kasalanan naman niya dahil hindi niya binuksan ang ilaw at nakajacket pa siya na nakatakip sa ulo. Kahit sino naman ay maalarma kapag nakakita ng ganitong tao.
"Bweset naman oh' nabasa tuloy ako! Imbes na iinom ako ng gatas para makatulog ay lalo lamang nawala ang antok ko. Ikaw na ang maglinis diyan nakakainis!" nagdadabog siyang tinalikuran ako.
"Sir sorry!" pahabol ko pang wika.
Natulala tuloy ako at sa akin pa sinisi ang lahat. Hindi alam na may ugaling bugnutin itong mahal ko. Pasalamat siya at mahal ko siya kung hindi nakakatikim na siya sa akin ng armalyt ko.
Mabuti na lang at mahina ang pagkapalo ko sa kanya. Natatawa akong napailing sa nangyari. Kung alam ko lang na siya iyon ay sana tinakot ko na lang.
Agad kong nilinis ang nagkalat na gatas sa sahig. At pagkatapos ay nilabas ko ang nais kong lutuin para sa kanya. Kailangan kong bumawi dahil sa pagkakahampas ko.
Muli akong bumalik sa silid nang matapos kong linisin ang kusina. Nahiga akong muli dahil ang haba pa ng oras na itutulog ko. Pati tuloy ako ay nawala ang antok.
Humagikhik ako ng maalala ang aming tagpo ni Alfie sa kusina. Hindi ko maiwasang matawa dahil sa kalokohan niya. Iinom lang ng gatas ay gusto pa mag-ala ghoster.
Dahil sa hindi ako makatulog ay muli akong lumabas sa silid ang nagtungo sa kwarto ni Alfie. Sisilipin ko lang siya kung nakatulog ba. Ngunit napahinto ako at napalingon sa kusina. Hindi siya nakainom ng gatas dahil sa naabutan ko siya at pinagpapalo. Kaya naisipan kong dalhan siya ng gatas.
Nilagay ko sa maliit na tray ang fresh milk at umakyat sa taas. Bilang bawi na rin sa nagawang kasalanan. Pagdating ko sa kanya silid ay agad akong kumatok. Mahina lang para naman hindi siya magulat.
Marahan akong kumatok at sa huli ay nilakasan ko ng kaunti. Ngunit walang sumagot ang nagbukas ng pinto. Idinikit ko ang tainga sa pinto para pakinggan sa loob kung tahimik.
Naririnig ko ang boses niyang kumakanta ngunit napakalalim. Kaya naisip kong na lang na buksan ang pinto kahit hindi ko alam ang kanyang ginagawa sa loob. Lakas loob na papasok sa silid ni Alfie kahit mapagalitan pa.
Pinihit ko ang siradora at sinilip siya sa loob. Hindi na ako nag-aalangang pumasok nang marinig siya sa banyo. Marahil ay naliligo dahil nakabukas ang shower. Marahan lang ako na humakbang papasok para walang mailihhang ingay.
Nilapag ko sa kanyang lamesita ang dalang gatas. Napadako naman ang tingin ko sa kanyang damit na nakapatong sa ibabaw ng kama. Lumapit ako at natuksong inamoy-amoy ang damit niya. Hinalikhalikan pa na pawang totoong tao ang kayakap. Mapapasana all ako sa ginawang kalokohan.
Awkward talaga ang galaw ko. Niyakap ko ang kanyang damit dahil hindi ko naman siya nayayakap. Iniimagine ko na lang na siya ang nakayakap ko. Tila ayaw kong bitawan ang damit nito.
Ngunit bigla akong nagulat ng marinig ang biglang pagbukas ng pinto. Agad kong nabitawan ang kanyang damit at kumaripas sa pagtakbo palabas. Hindi ko naisara ang pinto dahil sa pagmamadali.
Ayaw kong maabutan niya ako at tiyak na magagalit siyang nakita akong muli pagkatapos ko siyang palu-paluin sa puwet. Nagtatakbo ako pababa ng hagdan at mabuti na lang wala akong suot sa paa na tsinelas. Walang ingay, mas mainam.
Hingal na hingal akong pumasok sa aming silid ni Alili. Para akong nagmarathon ng isang daang kilometro. Naglabasan rin ang butil-butil kong pawis.
Biglang napadilat si Alili sa panay na buga ko ng hangin. Daig ko pa ang nag-ehersisyo sa madaling araw. Tila naalimpungatan pa si Alili nang makita ako.
"Thea, anong nangyari sayo?" gulat niyang tanong.
"Bakit Li?"
Nagkunwari akong walang alam para hindi na hahaba ang usapan. Hindi ko muna sasabihin ang nangyari sa kusina.
"Wala lang Li, nanaginip ako ng masama," tugon ko dito.
"Naku, huwag mo na isipin iyan at matulog ka na muli. Mahaba pa ang oras. Surado ako mapupuyat ka niyan," aniya sabay talukbong ng kumot.
Napangiti na lang ako sa kanya. Walang alam sa kaganapan na ginawa ko. Muli kong pinatay ang ilaw at nahigang muli. Baka nga mapuyat ako at hindi ko magawa ng maayos ang trabaho kinabukasan.