Chapter 8

1553 Words
Nang makainom si Barbie ng gamot na binigay ni Alili ay saka lamang siya nakapagpahinga ng pabalik-balik sa banyo. Hindi na namin sinabi na nahaluan ang juice ng formula na sana ay gagamitin ni Alili para sa kanyang buhok. Makalipas ang isang oras ay nagpasya si Alfie na ihatid si Barbie pauwi. Gabi na rin kaya naman minabuti niyang ihatid ang haliparot na kaibigan ba niya o kasintahan. Whatever they're relation ay hindi pa rin ako sususko hanggang hindi pa kasal si Alfie. Lihim akong sumunod sa kanila sa labas. Ngunit bago ako sumunod ay dinampot ko ang basurang nasa plastic bag. Sakaling mahuli nila ako ay mayroon akong idadahilan. Dumaan ako sa likurang bahagi at doon sila tinatanaw. Ngunit nagtaka ako dahil hindi naman sila sumakay sa kotse at bagkus ay lumabas ng gate. Patuloy ko silang sinundan dahil nabuhay na naman ang curiosity ko sa katawan. Nangangati ako sa tuwing hindi ko napagbigyan ng sarili sa mga nais matuklasan. So, lumabas din ako ng gate at palinga-linga ako nang hindi na sila makita. Paikot-ikot ako sa kalsada hanggang sa marinig ang malanding boses ni Barbie na humahagikhik. Mula sa bahay ni Alfie ay pangatlong bahay sa harap sila pumasok. Marahil ay ito ang bahay ni Barbie. Lumapit pa ako roon at hindi maawat ang kuryosidad kong alamin ang katotohanan. Kaya naman pala close itong dalawa dahil magkapitbahay lang pala ang mga ito. Sa ninanais kong makita qy umakyat pa ako sa bakod ng gate. Nakakadiri lang hawakan ang bakal dahil kinakalawang na ito. Kahit malamlam lang ang liwanag ay nakikita ko ang lumang bahay ng mga ito. May kalakihan ngunit luma na, marahil ay hindi na nila pinapaayos. Bahagya akong napaakyat para lang makita sila sa loob. Ngunit nahirapan ako dahil sa suot kong saya. Pinilit ko pa ring umakyat kahit hirap. Sa sobrang pagnanasa ko ay sumabit ang suot kong saya. Nadulas rin ang kaliwa kong paa at sa hindi inaasahan ay sumabit ako sa bakal. Natusok sa nakausling bakal ang bandang likuran ng saya ko. Pinilit kong tanggalin ang saya ko na sumabit ngunit nahirapan ako. Kailangan kong umakyat muli para madali kong matanggal ang saya sa bakal. Tulo-tulo na ang pawis ko sa lintik na kabaliwan kong ito. Sana ay hindi na lang ako umakyat nang sa gano’n ay hindi ako nagkakaproblema sa pagbaba mula sa gate na kalawangin. Kung gaano ka ganda ng mukha ni Barbie ay siya rin ka pangit ng gate nila. Gusto ko mang manghingi ng tulong kay Alfie ngunit mapapagalitan lang ako no'n kapag nakita niya akong naririto sa harap ng bahay nina Barbie. Palinga-linga ako at baka mayroong taong makakatulong sa akin. Ngunit may sasakyan akong nakitang paparating. Nakakahiya dahil para akong paniki na kalambitin sa gate. Ang mas nakakahiya at malas na gabi ay ang huminto ang sasakyan sa harap ng gate. Isang malakas na busina ang narinig ko. Sa gulat ko ay napabitaw ako sa pagkakahawak at bumagsak sa semento. Natuluyang napunit ang sayang suot dahil sa bigat ng katawan ko. Nagkikislapang bituin ang nakita ko nang maramdaman ang sakit sa pagbagsak ko. "Hoy, ikaw sino ka? Magnanakaw ka ano?" mataray nitong tanong. Hindi pa ako nahimasmasan ay pinilit kong tumayo. Buong lakas ko namang hinarap ang babae, ngunit napadako ang mata ko sa kanyang suot na kagaya ng tabas sa suot ni Barbie. Malaki rin ang hinaharap kagaya rin kay Barbie. Napatanong tuloy ako sa sarili kong magkamag-anak ba sila dahil sa halos magkaparehas ng hugis ng katawan at kasinlaki ng dibdib. "H-Hindi, napasilip lang ako dahil naghahanap ako ng basura. Kung baga nangangalakal ako," pagdadahilan ko pa. Dinampot ko ang plastic ng basura na kanina ko pa bitbit. Mabuti na lang at magamit ko ito na idadahilan. "Walang basura dito, alis!" pagtataboy nito. Umigting ang panga ko at matapobre ang babaeng ito. Porket nakasakay sa magarang kotse at hitik sa alahas ang katawan. Wala akong imik na tumalikod sa kanya ngunit nang humarap ako sa kotse ay nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako magkakamali sa plate number nito at ang lalaking nasa driver seat ay ang aking... aking ama. "Daddy?" Sambit ko na hanggang sa isip lamang. Hindi ko naman magawang lapitan at kausapin siya sa ganitong anyo. So ito na ba ang kalaguyo niya? "Honey sino ba 'yan?" pasigaw nitong tanong sa babae. Doon ko nakumpirma mismo sa kanyang bibig ang tawagan ng dalawa. Tila may magandang resulta ang pagbabalatkayo ko dahil nakita ko na mismo sa personal ang babaeng haliparot. At pati ba naman ang Daddy ko ay mahilig rin sa malaki... Urggg..." "Wala Hon, isang basurera lang," tugon naman niya kay Daddy. "Hoy ikaw umalis ka na rito sa pamamahay ko!" muli niyang pataboy sa akin. Kinukumpas pa niya ang mga kamay sinyales na pinapaalis na ako. Bukod pa doon ay ang pandidiring reaksyon. Ang sarap ihampas sa kanya ang dala kong basura para malaman niya kung gaano ako kagalit sa kanya. Dahil sa kanya ay umalis ang Mommy at ayon hindi ko na alam kung saan nagpunta. Natigilan ako ng maalala ang huling salita niya. Ibig sabihin ay bahay niya itong bahay ni Barbie? So, ibig sabihin ay magkamag-anak nga sila. "Kung maka-hoy ka naman wagas. Aalis ako kahit hindi mo na ipagtabuyan. Sana matetano ka sa kalawangin mong bahay," galit kong ganti. Dali-dali akong umalis at nagkubli sa poste ng hindi na siya nakatingin sa akin. Nais ko pa silang pagmasdan kahit sa malayo lang. So, I'm hitting two birds in one stone. Kaano-ano kaya ni Barbie ang babaeng iyon? Pareho silang maganda at natitiyak kong iisang dugo lamang ang dumadaloy sa kanila ugat. Binuksan ng babae ang gate at saka lamang siya bumalik kay Daddy sa kotse. Nagbukas naman si Daddy ng bintana at doon ay ipinasok ng babae ang kanyang ulo. Naghalikan ang dalawa na tila gutom. Ang tagal nilamg naghalikan na siya namang kinainisan ko. Dumampot ako ng bato at binato ang kotse ni Daddy. Hindi man lang sila nahihiya na maaaring may makakita sa kanila na mga kapitbahay. Nang matamaan ko ang kotse ni Daddy ay saka lamang sila humiwalay. Nauntog pa ang ulo ng babaeng sa biglaang pagkalas nito kay Daddy. Galit siyang palinga-linga sa paligid na hinahanap ang bumato sa kanila. Sa liit ng katawan ko ay hindi ako nahirapang ikubli ang sarili sa isang poste ng kuryente. "Sh!t!" bulalas niya. Sumenyas naman si Daddy na pumasok na siya sa gate kaya naman sinunod niya ito. Gusto ko pa sana siyang batuhin dahil nilalandi niya ang Daddy ko. Nang makaalis si Daddy ay saka lamang ako bumalik sa bahay. Hindi ko na hinintay si Alfie dahil sa natuklasan. Dahil na rin sa pagnanais ko ay may mga bagay akong natuklasan at mas napapalapit pa ako sa mga taong nais kong tuklasin. "O' saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap at hindi man lang kita mahagilap," wika ni Alili. Napatitig pa siya sa akin na pawisan at sabog ang buhok. Nilapitan niya ako at pinaikot. Mula sa likuran ay sinuri niya ang damit kong napunit. "Sa labas Li, sinundan ko si Alfie ang si Papaya," tugon ko naman. "Huh? Ikaw talaga kapag nahuli ka ewan ko lang sayo. At isa pa bakit punit ang damit mo sa likuran?" Bahagya akong napatawa sa kalokohang nangyari sa labas. Pati ako ay tiningnan ang punit na damit. Doon ako mahinang humagikhik dahil sa laki ng tabas sa saya ko. "Sa kakasilip ko sa kanila ni Alfie ay sumabit itong mahaba kong saya kaya iyan napunit," nakanguso kong tugon. Napailing-iling siya na nag-aalala. Ngunit mas matuwa siya kapag nalaman niyang kapitbahay lang paka namin ang babaeng nais kong malaman. "Kaya ko namang mag-ingat Li, ngunit guess what?" "What?" takang tanong ni Alili. "Alam mo bang nakita ko si Daddy kanina sa labas. At alam mo bang nakaharap ko ang babaeng kalaguyo niya." "And then!" "Bakit ba parang kalmado ka lang diyan? Hindi ka man lang nagulat sa sinabi ko!" Nag-iinarte pa ako sa harap ni Alili kasi naman hindi man lang siya nagulat. Para kasing hindi siya interesadong malaman. "Naku Althea, nagsisimula na naman ang pagka-childish mo!" natatawang tigon ni Alili. Nagpatuloy ako sa pagkwento sa kanya. Sinimulan kong muli nang makita si Daddy sa labas ng bahay ni Barbie. "Ang ibig sabihin ba niyan ay magkamag-anak ang dalawa?" Doon sa parteng iyon ay nagulat si Alili. Pareho naming hindi inaasahan na sa ilang hakbang lang ay makikilala namin ang kalaguyo ni Daddy. "I think so! Kaya naman ikinatuwa ko ito para hindi na ako mahirapan pa hanapin siya." "Oo tama ka at kapag bumalik si Barbie dito maaari mo siyang utuin para mas makilala mo sila," suhestiyon naman niya. Napatango ako kay Alili dahil may punto ang kanyang sinabi. Iyon ay pagplanuhan kong gawin sa susunod. Alam kung hindi ako mabibigong alamin mula kay Barbie at nagawa ko na ring mauto ito. Malalaman ko rin at mapatunayan kay Daddy na mali siya sa piniling tao. Ipinagpalit niya kami sa mga taong hindi niya kilalang lubusan. "So, anong plano mo ngayon? Hindi ka ba muna uuwi?" tanong ni Alili. "Alamin ko muna kay Barbie para mas marami akong malalaman sa kanila. Para malaman ko rin ang pakay ng babaeng iyon." Muling napatango si Alili sa akin, alam naman niyang hindi ko ikapapahamak kaya wala siyang pagtutol sa mga naisin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD