ALTHEA'S P.O.V Gabi na nang makauwi kami galing sa Mall. Matapos kasi naming maghapunan ay nagyaya si Tita na namasyal sa malapit na Mall. Pang isang buwan na yata ang binili naming damit. Napagastos pa tuloy ako ng malaking halaga para lang pagbigyan si Tita. Ayaw pa nga sana na bayaran ko ngunit mayroon naman akong sariling pera at hindi ko na inasa pa. Kahit naman sino ay hiniling na magkaroon ng anak na babae. Kung ako nga e' naghahanap ng kapatid na lalaki dahil nag-iisa lang akong anak. Paano hindi na rin kasi magkakaanak si Daddy. Kaya naman siguro ay kampanti siyang maglaro ng apoy sa iba. Naku, ang mga lalaki talaga hindi nakukuntento sa isa. Pareho lang naman ng hugis at anyo ang taglay naming mga babae. Kung ang tahong ko ay pareho lang naman ng lasa, iyon nga lang ay sa

