ALTHEA'S P.O.V Nag-uungot ako sa higaan. Hindi ako makagalaw, at bigla akong napadilat. Isang madilim na silid. Palinga-linga ako sa paligid at wala akong makitang tao. Nasaan ba ako? Nakagapos ang aking mga paa. "Putik ka Alfie isusumbong talaga kay Tita Ana, huwag ka magbiro ng ganito!" natatakot kong sigaw. Ngunit walang sumagot sa akin. Kinapa ko ang kama. Alam kong natulog akong muli ngunit nasaan ba ako? " "Huwag kayo magbiro sa akin ng ganito, sasamain talaga kayo sa akin!" pagbabanta kong sigaw. Biglang bumukas ang ilaw. Nagulat ako sa paligid. Isang lumang silid at puro sapot ng gagamba ang nasa kisami. Nakaupo ako sa naninilaw na puting kama. "Ewww...yack kadiri naman. Nasaan ba kasi ako. Hindi naman ito bahay nina Alfie dahil ang pader ay lumang-luma na at nakakatakot. P

