ALFIE'S P.O.V Nasa hapag-kainan ang magkapatid para sa hapunan. Madalas silang dalawa ang magkakasama kapag nasa ibang bansa ang mga magulang. Nakasanayan na nila ang ganoong set up mula pa sa Malaysia. Pero ang dalawa ay mayroon pagkakaiba. Si Andrie ang namamahala ng kanilang factory na sumusuply sa buong bansa. At si Alfie naman ang kanyang kahalilli sa pagpatakbo. Bago pa lamang sa ganitong kalakaran si Alfie kaya minsan ay nagkakaroon siya ng kaunting lapses sa mga ginagawa. "Nasaan na pala ang bweseta mo?" tanong ni Andrie. "Kanina pa umuwi," sagot ko naman. "Ikaw tigil-tigilan mo ang pakikipagmalapit diyan sa pamilyang 'yan!" mariing saad ni Kuya. "What's wrong with them kuya? Dinaig mo pa sina Mommy at Daddy kung makapagbawal sa akin!" Sa hindi ko mapigilang emosyon ay tahas

