ALTHEA'S P.O.V Palinga-linga ako at mataman na tiningna at bawat building kung ano ang mayroon. Nagkahilira naman ang mga fast-food chain sa gilid dahil maraming tao ang pumapasok sa banda rito. Ngunit napansin kong maraming nakapila sa bakery. Masarap siguro ang kanilang tinapay dito. Lumapit ako sa isang Ale na nakapila. "Ate, ano po ba ang pinipilahan niyo diyan?" seryoso ko namang tanong. "Hot pandesal," sagot naman dito. "Masarap ba ang pandesal nila, kasi ang haba ng pila?" muli ko pang tanong. "Oo, sobrang masarap, malambot, malasa at masustansiya pa dahil may halo siyang malunggay," aniya. Napaisip naman ako. Parang mas maganda kapag ito na lang ang dadalhin ko kay Alfie. Hindi naman pipila ang mga tao kapag hindi masarap ang isang bagay. "Ate, magkano ba ang isa at

