ALTHEA'S P.O.V Sa pagnanais kong lumaki ang hinaharap sa paningin ni Alfie ay pinagkait pa sa akin kahit panadalian lang sana. Nang maamoy ng aso ang pandesal na nasa aking dibdib ay sinunggaban ako nito at dahil malaki ang awang sa bandang dibdib ng suot kong dress ay ginalugad ng aso ang pandesal sa loob ng aking bra. Nagsisisgaw ako ng malakas sa takot nang sapilitang dukutin ng aso ang pandesal na nasa loob ng bra ko. Hindi ko na alam kung saan ko ibaling ang ulo para lang jumawala sa asong pinagnanasaan ang fake kong dibdib. "Max si Dambo baka lapain si Althea!" sigaw ni Alfie. "Dambo! Dambo, that's enough!" Sapilitang hinila ng lalaki ang aso. Ngunit pagtingin ko sa aking harap ay gutay-gutay na ang bra ko. Napatakip aka bigla lalo at nasa harapan ang dalawang lalaki. Napa

