ALTHEA'S P.O.V HAPON na at kailangan ko nang umalis sa bahay. Magdadala na lang ako ng ibang damit pamalit sa anyo kong ito. Mas maigi na mauna ako doon para naman hindi ako mahirapan na ayusin ang sarili. "Tala hindi ka pa ba aalis? Anong oras na baka maunahan ka ng mga iyon!" "Alas tres pa lang kaya Li, saka malapit lang naman ang labasan dito. Kapag nakaayos na ako ay saka ko na lang tatawagan si Kuya Andrie," wika ko pa. "Mabuti ng mauna ka kaysa mahuli. Siya nga pala susunduin kita mamaya para pagtakpan ang paglabas mo dito sa bahay. Nag-aalala ako baka mahuli ka ng dalawa nating amo," ani Alili. "O' siya sige na nga! Abangan mo na lang at tatawag ako bilang hudyat na patapos na kami," bilin ko sa kanya. "Okay bye!" Nagmamadali na akong umalis para mauna ako sa restauran

