ALTHEA'S P.O.V KAGANAPAN SA BAHAY NG MGA LEE. Masarap ang tulog ni Yna nang iwan siya ni Clarence sa silid nito. Dahil sa pagod ay hindi na niya namamalayan ang nagaganap sa paligid. Ngunit nagising ang kanyang diwa sa mga maliliit na gumagapang sa buo niyang katawan. Tila ayaw pa niyang idilat ang mga mata dahil sa antok. Subalit ginagambala ang kanyang pagtulog dahil sa mga gumagapang na kung ano sa kanyang katawan. Umikot siya sa kabilang side dahil pakiramdam niya ay guni-guni lamang. Napadilat siya sa sakit na nararamdaman. Kasabay pa ang maliliit na gumagapang hanggang sa loob ng kanyang damit. "Ouch... Ouch... ang sakit!" sigaw niya. Lalo siyang nagpanik nang makita ang malalaking alimango na nakabuka ang sipit. Ngunit hindi niya matatagalan ang sakit sa kanyang daliri s

