ALTHEA'S P.O.V Napuno ng usok ang buong bahay sa ginawa naming kalokohan namin ni Alili. Ilang sandali pa ay pumasok si Nanay Nelia na natataranta. "Oh' Diyos ko ang bahay ko masusunog!" hiyaw nito. Magsisisgaw na sana siya ng sunog sa mga kapitbahay nang niyakap namin ni Alili para hindi na lumala ang kalokohan naming dalawa. "Nay... Nay, huminahon ka!" awat naman ni Alili sa ina. Nakikiawat na rin ako para lalong maniwala si Nanay. Ayaw na naman namin palalain ang kalokohan. Tiyak na malaking gulo ito. "Anong ibig niyong sabihin?" pagtatakang tanong ni Nanay. "Wala po iyon, nagsiga lamang kami ni Alili. Pwede po bang samahan mo na lang kaming mananghalian at nagwawala na ang aking bulate sa tiyan," wika ko naman. "Naku, kayo talagang mga bata ang pasaway!" ani Nanay kasaba

