Chapter 6

2610 Words
~(VIEN YSABELLE ESQUIVEL POV) Katulad noon, pagkatapos sa opisina dumiretso na ako sa coffee shop. "Wala kang pasok kay Mr. Dela Vega hindi ba dapat nagpapahinga ka?" tanong ni Felix. "Kailangan ko ng pera." "Pera, pera na naman. Wag mo nang intindihin 'yung gown. Ayos lang 'yon. Maganda naman ang pagkakapunit ni Mr. Dela Vega. Siguradong mairarampa pa." Bumuntong hininga ako. It was really what I needed. Kung walang pera, hindi ako mabubuhay. Sa mundong 'to, maraming tao ang handang gawin ang lahat para sa pera. In my case, I don't need a lot of money, I just need enough money para magpatuloy mabuhay. Bumaling ako rito. "Salamat, Felix." "Hmm, hayaan mo na tulong ko na 'yon sa'yo. Alam mo naman 'yun lang din ang maitutulong ko. Gusto man kitang tulungan pero alam mo naman ang sitwasyon ko, hirap din ako ngayon." Ngumiti ako rito. "It's already a big help. Kung wala ka hindi ko alam kung saan ako kukuha ng mga susuotin ko. Don't worry about me. I can handle myself." Kinuha ko ang list ng mga orders and started making them. "Ano ba naman kasi 'yang si Mr. Dela Vega, wala man lang pa-evening gown. Kuripot. Ano na lang ba naman 'yung kahit mag-almusal ka sa mansion niyang pagkalaki-laki, hindi ba? Para naman hindi mo ba problema ang pagkain mo." "He won't give something for free unless it's already 8 pm in the clock." Pag ganoong oras na, all foods were free. Matatapos lang kapag tapos na rin ang serbisyo ko sa kanya sa buong gabi. "Bakit hindi ka mag-uwi? Take out ganern." Tinawanan ko ito. "Malapit ko nang gawin." Kinuha na ni Tan ang tray nang matapos ako sa presentation ng coffee, kinuha na rin nito ang kay Felix. Tiningnan ko ang ilan pang orders. "Alam mo feeling ko hiyang ka kay Mr. Dela Vega, glowy pa rin ang skin. mo, dai! Kung ang iba nanunuyot ikaw mukhang dilig na dilig, mumshie." Naiiling na tiningnan ko ito. "Ano bang akala mo? Every night he's having s*x with me?" Tinaas nito ang isang kilay. "Hmm, hindi ba?" "No..." sabi ko at binaling ang tingin ko sa kape. Minsan may iba siyang lakad. Minsan may kasama siyang ibang babae. Minsan naman he just wanted to take a shower and sleep. Minsan he just wanted to read a magazine o kaya naman ay gusto lang nitong mag-stay sa opisina niya sa bahay. Kapag wala itong interes ay hinahayaan rin ako nitong umalis ng maaga. Bawat araw iba't iba ang mood nito at parati ko iyong kailangang aralin at sundan. Kahit papaano ay nagsasanay na rin ako sa iba't ibang mood nito. "May raket ako para sa'yo bukas." "Legal?" Hinampas nito ang kamay sa ere. "Oo naman, ano ka ba! Praning?" Pinagtawanan namin ang isa't isa. Oo nga't kailangan ko ng pera pero gusto ko pa ring makaipon sa tamang paraan at legal na paraan. Tama na ang pagiging escort ko kay Xander. Kasalanan ko na iyon kay Nani at Tati at ayoko nang dagdagan pa. Kahit wala na sila, I felt like they were still watching me. I didn't want to disappoint them more. Kung nasaan man sila ngayon, gusto kong maging masaya pa rin sila with each other's arms. Kinabukasan, madilim pa, sumama na ako rito sa palengke. Sinamahan ko itong magtinda ng mga gulay at isda. Maaga pa pero halos maubos na ang tinda naming dalawa. "Bili na kayooo!" sigaw ni Felix. "Ang gulay at mga isda namin sariwang sariwa! Hindi kayo magsisisi, isang kagat busog agad!" Napangiti ako rito. Kahit kailan ay hindi talaga ito nauubusan ng energy. "Hay nakoooo! Ang ingay-ingay. Mang-aagaw ng mga customer!" bigkas ng isang ginang sa kabilang puwesto. "Oo nga! Kebago-bago akala mo kung sino. Palibhasa nagdala ng babaeng maputi! Sigurado naman pumiti lang sa sabong perla!" sabi ng isa pang ginang sa katapat naming puwesto. Kahit hindi kami tingnan ng mga ito ay halata namang kami ang tinutukoy ng mga ito. Nilagay ni Felix ang mga palad sa baywang at tumingin nang pailalim sa ginang na nasa tapat namin. "Kami ba ang pinaparinggan mo Aling Bilen?" tanong ni Felix. "Naku! Hindi ah!" sarkastikong sagot ng ginang. "Para lang ho sa kaalaman mo, makinig ho kayong mabuti ha? Ang kutis ng babae dito sa tabi ko, hindi gawang sabong panlaba! Alam mo kung anong sabon nito, huh?" Nanatiling nakaturo sa akin si Felix. "Safeguard!" I knew he was still chill kaya hindi ko na lang ito inawat. Pinigilan ko na ring matawa rito because it was inappropriate to laugh. Matanda pa rin ang kaharap nito. "Perla! Perla! Palibhasa, Aling Bilen ang shampoo mo tide bar at ang sabon mo sa katawan Ariel 8 pesos sachet!" Nagtawanan ang ilan pang tindera sa paligid sa sobrang lakas ng boses ni Felix. "Ketanda-tanda niyo na ho, ma-issue pa rin kayo. Malapit na po kayong kunin ni lord pero hanggang ngayon wala pa rin ho akong naririnig sa inyong maganda. Baka gusto niyo hong magmumog ng holy water baka sakali hong tanggapin kayo ni Lord sa kaharian niya." I entertained the customer habang abala pa rin ito sa pakikipagtalo. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagbaling nito sa kabila. "At ikaw, Aling Linda. Ano pinagsasabi mo d'yang maingay ako? Aba, syempre! Palengke ho ito! Anong hong gusto niyo? Mag-prayer meeting tayo rito? Ang sakit niyo po sa Fallopian tube, sa totoo lang. Kaloka ho kayo. 'Yung anak mo nga maingay do'n sa kabilang kanto keaga-aga kumakanta sa videoke! Binabasa na nga ang lyrics sa screen ganito pa kumanta, I know wanna do this anymerrr I know wanna be the reason byyy! Muntik na hong mag-collapse si Rihanna nang malaman niyang naiba na ang lyrics ng kanta niya! Lingong lingo ho makasalan tayong lahat!" "Hayaan mo na," mahinang sabi ko kay Felix. Pinigilan ko pa rin ang matawa rin kahit tumatawa na ang customer. "Kainis," anito at muling nagpagpag ng paninda. Bahagya akong napangiti rito. Inabot ko sa isang customer ang isang plastic. "Salamat po," nakangiting sabi ko rito. "Salamat rin, ganda, magaganda nga ang gulay niyo. Dito na ako bibili madalas." "Ay nako, sige ho, ma'am. Kaya lang ho sa lunes hanggang sabado ang lola ko ho ang tindera niyo, sa linggo naman ho, ang magagagandang mukhang to." Ngumiti ang customer rito. "Sige ho, una na ako, salamat po." Maaga rin kaming lumabas ng palengke ni Felix dahil maaga kaming nakaubos. Nagtatalon ito sa harap ko hawak ang kamay ko. "Waaah! Napaka-suwerte mo talaga, Vien! Sana tuwing linggo ganito ang kita nating dalawa." Ngumiti ako rito. "Sana nga..." "Uuwi na ako, ikaw?" "Sa Line's club, baka may mga plato pa silang hindi nahuhugasan tsaka baka pwede na rin akong maging waitress do'n ngayong gabi." "Hay nako, napaka-sipag mo talaga. Minsan ipahinga mo rin 'yang sarili mo, ha? Masama 'yong lagi kang pagod." "Sige na, umuwi kana baka hinihintay kana ni lola ngayon." "Sige na nga," anito at bineso ako. "Mag-ingat ka ha." Muli akong kumaway rito nang lingunin pa ako nito Nagpunta agad ako sa Line's club. Ang sabi ng manager wala pa silang hugasin pero pwede ko nang linis ang mga restrooms bago magbukas ang bar ng alas-cuatro. Hindi ko ininda ang sakit ng balakang ko habang naglilinis ng restroom. Pagdating ng alas-cuatro naligo na ako at nagpalit ng damit para makapag-serve na sa mga customers. Marami pa ring nagtatanong kung pwede akong i-table kahit obviously ay waitress lang ako doon. Kasundo ko na rin ang ilang waiter at waitress kahit tuwing lingo lang ako nakaka-pasok sa kanila kaya naman kahit papaano hindi ako natatakot na bigla na lang may humablot sa akin. Nakaramdam na ako ng antok nang makabalik ako sa apartment, pahiga pa lang ako sa kama tumunog na ang alarm ng cellphone ko senyales na kailangan ko ng magbihis para pumasok sa kompanya. Humugot na lang ako ng malalim na hininga at dumiretso na sa banyo. Hindi pa ako natatapos maligo ay may kumakatok na sa pinto. "Hoy Vien, bilisan mo d'yan anong petsa na," sabi ng isa sa mga kasamahan ko sa silid. Si Joy, kung hindi ako nagkakamali sa tinig nito. Muli akong bumuntong hininga. Binilisan ko na lang ang paliligo at lumabas na rin ng banyo. Kahit papaano, nakuha kong makatulog sa bus papunta sa X Dela Vega Company. The company was manufacturing different furniture that only rich people could afford. The cheapest furniture they sell was worth 1 million. Kahit ganoon kamahal, malaki pa rin ang sales ng company. Marami pa ring gustong bumili ng furniture. Maganda naman ang quality ng mga iyon. Siguro ay ang brand lang din ang mahalaga sa mga buyers. Isa pa, parang barya lang naman sa mga ito ang isang milyon. As usual, umuusok na naman ang ilong ni Sabrina dahil hindi ko ginawa ang pinapagawa niya. Mayroon pang naiwang trabaho na pinapagawa sa akin ni Xander noon at hanggang sa hindi iyon natatapos, hindi ako pwedeng gumawa ng kahit ano pang trabaho. I knew Xander well. Ang trabaho ay trabaho para rito. He hated excuses. Kapag nagtanong ito, I should answer. No... not just answer, I should give him the answer he needs and wants. "Balita ko nga may kasama na namang ibang lalaki nung isang gabi." Narinig kong sabi ng isa sa mga katrabaho ko. Si Andi. "Ang landi landi talaga," sabi pa ni Meri. Nagpatuloy ako sa pagsusulat at hindi na pinansin ang mga ito. Alam ko naman kung kanino nila nakukuha ang mga tsismis na iyon. Hangga't hindi ako napupuno at hindi ako sinasaktan ng mga ito, walang dahilan para pumalag ako. After all, alam kong walang kakampi sa akin sa buong building. Everyone hated me kahit ginagawa ko nang mabuti ang trabaho ko at kahit hindi sila nakakarinig sa akin ng kahit anong salita. As usual, mag-isa akong kumain ng tanghalian. Nilabas ko ang dala kong sardinas na madalas na nilang pagtawanan noon pa. I had learned to ignore them. Hindi ko kailangang tumulad sa kanila dahil malaking halaga pa ang kailangan kong bayaran kay Xander. Ang mahalaga sa akin, nakakain pa rin ako sa buong araw. Pagkatapos ng duty ko sa coffee shop, umuwi na rin ako ng apartment. Katulad dati, kinapa ko sa taguan ko ang perang naiwan ko pero napatigil ako nang hindi ko na iyon makapa doon. Muli ko iyong pinilit kapain pero wala talaga iyon doon. Bago ako nagsimulang mag-panic. Hinanap ko iyon sa buong bed ko hanggang sa nagsimula nang gumising ang mag kasamahan ko sa silid. "Uhm, Joy, nakita mo 'yung... 'yung pera ko?" I asked. Kumunot ang noo nito. "Anong pera? Pinagbibintangan mo ba ako?" "No... I'm just asking you wala kasi sa lalagyan ko." Simula nang ma-holdup ako isang gabi na pauwi ako, lagi ko nang iniiwan ang pera ko sa apartment. "Baka maman nilagay mo kung saan o kaya nagastos mo sa ibang bagay." Taas kilay na sabi ni Dara. "Sigurado ako, iniwan ko ang pera dito." "So... pinagbibintangan mo kami gano'n?" tanong ni Nancy. "Imposibleng mawala na lang ang pera. Tayo-tayo lang ang nandito," I said. "Alam mo, bintangera ka talaga ano? Noong nakaraan na nawalan ka ng pera pinagbintangan mo rin ako, ngayon si Joy naman ang pagbibintangan mo?" tanong ni Dara. "Why do you sound so defensive? Nagtatanong lang ako." "Alam mo, sumusobra kana eh," ani Nancy at kinuha ang braso ko. "Ano ba?" Binawi ko ang braso ko rito. "Dahil lang kung kani-kaninong mayaman ka nagpapa-kama at nagpapa-kamot lumalaki na 'yang ulo mo pati 'yang butas ng—" I slapped Joy. Bumiling ang mukha nito sa lakas ng sampal ko. Hindi ko lang napiglan ang sarili ko dahil sumusbora na ang mga ito. Ilang buwan na akong nagtititis sa mga ugali nila. Nagtangis ang bagang nito at mabilis hinila ang buhok ko. Pinilit kong kumawala rito pero pinagtulungan nila akong tatlo. Natigil lang ang mga ito nang dumating si Ms. Mercy. "Anong nagyayari rito? Tingnan niyo ang mga gamit nagkanda-basag basag na!" "Si Vien ho kasi Ms. Mercy, pinagbibintangan kaming nagnakaw ng pera niya," ani Nancy. "Ano na naman ba ang pakulo mo, Vien? Paulit-ulit na lang ang issue mo. Sa tuwing magbabayad kana ng upa lagi ka na lang nanakawan ng pera. Noong nakaraan na-holdup ka, ngayon naman ito. Kung hindi ka ba magbabayad lumayas ka na sa apartment na 'to dahil dagdag ka lang sa gastusin ko sa tubig at kuryente!" Lumapit ito sa akin at kinuha ang braso ko para hilahin ako palabas ng apartment. Halos mabuwal ako sa lakas ng pagkakatulak nito sa akin sa kalsada. "Hindi mo makukuha ang mga gamit mo hangang hindi ka nagbabayd ng utang! Jusko, Vien! Dalawang buwan na ang utang mo sa akin!" "M-Magbabayad naman ho ako..." "At kailan pa? Pag maputi na ang mata ko? Sige na, umalis ka na at hindi ko hahayaang umuwi ka rito nang mautuo ka!" I begged at her kahit kumuha lang ng damit ngunit hindi ako nito hinayaan. I found myself sobbing at park malapit sa apartment habang nakaupo sa swing doon. Pinunasan ko ang mga luha ko. Nalalasahan ko rin ang dugo sa ibabang labi ko. Ang tanong ko noon, tanong ko pa rin hanggang ngayon... bakit ba ang unfair ng mundo? Bakit lahat na lang ng masasamang bagay nangyayari sa akin? Bakit ba lagi na lang nagyayari sa akin 'to? Naging masama ba ako? May nagawa ba akong malaking kasalanan para mangyari sa akin lahat ng 'to? I just missed Nani and Tati kaya hindi ko napigilang humikbi. Napatigil lang ako nang maramdaman kong may taong tumayo sa harapan ko. Nakaramadam agad ako ng takot dahil baka masamang tao iyon pero nakaramdam rin agad ako ng gaan ng kalooban nang makita ko ang dalawang ares ng mga matang iyon. "K-Kazter? Sandali itong hindi nagsalita at nanatiling nakatingin sa akin. Mabilis ko namang hinawi ang mga luha ko. "Pares?" tanong nito. Sumama ako rito sa kanto kung saan may nagbebenta ng pares. Wala akong ganang kumain but I still tried para hindi na nito makita ang lungkot sa mga mata ko. Tahimik lang kaming dalawa. Nobody dared to talk. Hindi ako sanay sa pagiging tahimik nito dahil kilala ko itong maingay at puno ng kuweto noong mga bata pa kami. Hindi ko alam kung bakit tiningnan ko ito. I was caught off guard. Nakatingin rin ito sa akin na walang eksrepsyon nag mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kung ano sa dibdib ko. Kahit walang emosyon doon, pakiramdam ko ay nakauwi na ako. Ilang taon ko rin itong ginustong makita. Hindi ko alam kung gaano katagal nakatingin sa isa't isa. Akmang hahawiin nito ang dugo sa ibabang labi ko pero bahagya ko iyong iniwas sa kanya. "I'm fine..." Naiwan sa ere ang kamay nito. Still, hindi ko pa rin ito nakitaan ng emosyon. I felt like... he really changed. "Salamat... Kailangan ko nang pumasok sa trabaho," sabi ko rito. Tumayo na ako pero hindi ako nakahakbang agad dahil narinig koi tong nagsalita. "I will see you again." Sandali lang akong huminto at nagpatuloy na rin sa paghakbang. Nagsimula kong lakarin ang bahay ni Felix nagbabaka-sakaling may mahiram akong damit rito para makapasok ng opisina. Tinuyo kong mabuti ang mga luha sa mga mata ko. Ianyos ko rin ang buhok kong nagusot. Sa araw-araw iyon ang kailangan kong gawin, dahil sa buhay na meron ako, talo ang mahina. Talo ang luhaan. I always have to fight for my life dahil walang ibang lalaban para sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD