Chapter 7

2013 Words
~(VIEN YSABELLE ESQUIVEL POV) "Ano? Gusto mo balikan natin 'yung tatlong pangit na 'yon? Igaganti kita!" ani Felix habang naka-pamaywang sa harap ko. "Hayaan mo na... let karma do its job." "Anong hayaan ha? Sumusobra na sila. Pati 'yang si Ms. Mercy, hindi bagay sa kanya ang pangalan niya dahil wala siyang ka-mercy mercy!" Nagpatuloy ako sa pagkuha ng slice ng cake. Dumarami na ang customers kaya naman tumigil na muna kami sa kwentuhan ni Felix. Alam ko na nagagalit ito sa nangyari. Ayos na sa akin na alam kong hindi ko sila hinayaang saktan lang ako. Nang matapos ang duty naming dalawa, sabay na kaming lumabas ng coffee shop ni Felix. "Vien, pasensya kana ha... gipit rin talaga ako ngayon, bukas nga hindi ko pa alam kung anong ipakakain ko sa pamilya ko, alam mo naman nakaasa lang rin sa akin ang mga 'yon, 'yung perang kinita natin sa palengke dagdag lang para sa dialysis ni tatang." I nodded. "I understand, Felix... susubukan ko na lang makiusap kay Ms. Mercy." "Sasamahan kita! Baka mamaya, mapagtulungan ka na naman do'n. Aba, hindi ako papayag." Napangiti ako nang bahagya rito. Kahit papaano, kahit busy siya madalas kapag may oras siya ay hindi niya rin ako pinapabayaan. We just really have to understand each other. Parehas namin kailangan ng pera. Hinayaan kong samahan ako nito sa apartment. Katulad dati ay nakiusap na naman ako kay Ms. Mercy but this time mukhang wala na talaga itong planong pagbigyan pa ako. "Ms. Mercy... please just let me get my things..." "Ay, hindi! Bakit mo kukuhanin? Magbayad ka muna ng utang mo!" "Ms. Mercy, madaling araw ho nagsisisigaw kayo," ani Felix. "Paano nga, madiling araw nambubulabog kayo!" "Sige na ho, oh. Kukuhanin lang po 'yung mga gamit, hindi naman po kayo tatakbuhan nitong si Vien." "Mabuti na 'yung nakakasiguro. Bayad bago kuha ng gamit. Alam ko na 'yang mga gan'yang modus, hindi na 'yan gagana sa akin." "Ang sama naman talaga ng ugali ng matandang 'to," mahinang bulong ni Felix. "Ano?" tanong ni Ms.Mercy. "Ah, wala. Ang sabi ko ho ang ganda ng pangalan niyo. Bagay na bagay sa inyo." "Please... Ms. Mercy. Nasa mga gamit ko po kasi 'yung mga litrato ko kasama sina Nani at Tati. Baka ho kahit... kahit iyon na lang po ang makuha ko..." Tiningnan ako nito at tinaasan ng kilay. "Hindi." "Aba naman talaga, Ms. Mercy. Grabe naman ho!" ani Felix. "Litrato na lang ipagkakait niyo pa, dapat po madam ang tawag sa inyo ng mga tenants niyo. Madamot!" Nakaramdam ako ng pag-iinit ng mga mata. "Hoy, dahan-dahan ka sa pananalita mo, ha." "Ma-da-mot..." "Gusto mo talagang makatikim baklita ka..." Akmang sasampalin nito si Felix pero marahan kong kinuha ang braso nito. "Please... Ms. Mercy. I promise I will pay you..." "Sinabi nang hindi!" nilayo nito ang braso sa akin pero pilit ko pa rin itong hinawakan. "Ilang beses mo na ba 'tong ginagawa sa akin? Lagi ka na lang hindi nagbabayad ng upa! Mayayaman na nga ang kliyente mo hindi ka pa magawang dalhin sa mamahaling apartment!" "Ms. Mercy, nakikiusap po ako—" "Don't beg." Napatigil ako sa narinig kong tinig. Sabay-sabay kaming napalingon rito. Nakita ko ang madidilim na mga mata ni... Kazter. "Ay, afam..." bigkas ni Felix. Humakbang ito palapit sa amin at diretsong tumingin kay Ms. Mercy. "How much is her debt?" Kazter asked coldly. "F-Five thousand..." sagot ni Ms. Mercy habang nakatingala rito. Kumuha ng pera si Kazter sa wallet niya at inabot iyon kay Ms. Mercy. Akmang kukuhanin iyon pero binagsag ni Kazter ang pera. "Aba..." ani Ms. Mercy. "You want money? Pick it up," muling bigkas ni Kazter. "S-Sino ka ba?" tanong ni Ms. Mercy. "His boyfriend." Napalunok ako sa sinabi nito. Hindi ko na nagawang tumutol dahil kinuha nito ang braso ko at hinila ako papasok sa loob ng sasakyan niya. Napanganga na lang si Felix habang nakatingin sa sasakyan nito. "You don't have to do that..." mahinang sabi ko habang nasa kalagitnaan ng byahe. "Bakit hindi?" "I can... I can handle it." "You will live in my house." Agad akong napatingin rito. "A-Are you out of your mind?" "Where are you going then?" "K-Kahit saan..." Nakita kong humigpit ang kapit nito sa manibela. "Mas gusto mong pumunta sa lugar na hindi mo alam, kesa sumama sa taong matagal mo nang kilala, Vien..." Pakiramdam tumayo lahat ng balahibo ko nang tawagin nito ang pangalan ko. "Bakit?" tanong nito. Muli akong tumingin sa daan. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. "Hindi mo ako kailangang isipin." "I'm already thinking of you each day," malamig na sabi nito. Nakaramdam ako ng pag-iinit ng mga mata. "I will keep my promise even you didn't keep yours." "Ibaba mo ako sa tabi..." Nagpatuloy ito sa pagmamaneho na tila walang naririnig. Ilang sandali bago ako muling nagsalita. "Kazter, ibaba mo ako sa tabi." Itinabi nito ang sasakyan sa isang gilid at bumaba ng sasakyan. Halos mapatalon ako sa lakas ng pagkakasara nito sa pintuan ng sasakyan. Binuksan nito ang pinto ng passenger seat at hinila ako palabas. Kahit nalalabo ang paningin ko, kita ko matalim na tingin nito sa akin. "What the heck is wrong with you?" he asked agitatedly. Nanatili akong nakatingin rito. Pakiramdam ko lalong pinipilas ang dibdib ko because looking at him pakiramdam ko ang dami nang nagbago. Nagtangis ang mga bagang nito. "Nandito ako! Nandito!" she shouted at me. Hindi ako nakasagot agad. Nanatili akong nakatingin sa mga mata nito na nakita ko ng halo-halong emosyon. It was like... he was frustrated... like he cared so much for me. "Bakit ngayon lang?" I asked at naramdaman ko ang pagbagsak ng mga luha ko. Nakita ko ang pamumula ng mga mata nito. "I was never gone, Vien. Nandito ako. You will never be alone anymore." Bumuhos ang mga luha ko at hindi ko napigilang humikbi. Kinuha nito ang braso ko at kinulong ako sa mga bisig niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Simula noong mga bata pa kami, sa kanya ko lang gustong humikbi. Sa kanya ko lang gustong sabihin ang laman ng isip at puso ko kasi alam ko kahit tama o mali ako para sa kanya o sa iba, alam ko nand'yan siya para kampihan ako. Para ipagtanggol ako. Alam ko noon kahit anong mangyari hindi niya ako iiwang mag-isa. Kahit saan ako magpunta, mahahanap niya ako. Kahit gaano karaming luha ang lumabas sa mga mata ko he would wipe those away and he would to everything to make me feel better. I wanted to cry more dahil sa ilang taon nawala 'yon... nawala 'yung taong naging sandalan ko noon. Nawala sina Nani at Tati sa akin at pati siya nawala. Pakiramdam ko mahabang taon akong nag-isa. Mahabang taong kailangang kong umiyak nang patago dahil alam kong walang may pakialam at walang pupunas ng luha ko kung hindi ako lang. Hinayaan kong mailabas ko ang mga luhang matagal kong inipon. Few moments had passed, sumama na rin ako rito. Napatingin ako sa loob ng bahay nito nang makarating kami. I was... amazed. Napaka-laki ng bahay nito. I really didn't expect na ganoon na ito kayaman ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko gustong sumama sa kanya... Siguro dahil hindi ko matanggap, hindi ko matanggap na hindi na kami parehas. Malayong malayo na siya at ayokong isipin niya pa ako dahil unang una... ako ang sumira sa pangako naming dalawa. Ako ang umalis... "Ihahatid ka ng katulong sa silid mo," bigkas nito. Tumingin ako sa kulay itim na mga mata nito. Sandali lang iyon dahil tumalikod rin ito sa akin at nagsimulang humakbang palayo. Mayroon din namang katulong ang lumapit sa akin kaagad. Mahaba-haba rin ang nilakad namin bago kami makarating sa isang malaking silid. "Ma'am, ito na po ang silid niyo. Tawagan niyo lang ho kami, kung may kailangan pa kayo." "Thank you... please... don't call me ma'am." "Hindi po maaari, ma'am. Kailangan po naming magbigay galang sa mga guests." Sadali akong napatitig rito. "U-Uhm, m-may iba pa ba siyang dinala rito?" "Kayo po ang unang babaeng dinala rito ni Mr. Jardaleza. Ang tinutukoy ko hong guests ay ang mga business partners niya." Marahan akong tumanago. "Salamat." Bahagya itong yumuko at umalis na rin ng silid. Muli akong napatingin sa buong silid. It was huge. Pwede na rin iyong maging isang buong bahay sa laki. Magaganda ang mga gamit sa loob at tila ba mamahalin ang mga iyon. Very manly na tingnan ang buong silid pero masarap iyon sa mga mata. Bagay na bagay ang mga puti ay itim na gamit sa black and white rin na kulay ng pader. Maliliwanag rin ang mga ilaw sa silid at malinis na malinis ang loob. Para bang wala akong makakapang kahit anong alikabok sa loob. Humugot ako ng malalim na hininga. Bukas na bukas, iisip agad ako ng paraan kung paano makakabayad sa kanya at kung saan ako pwedeng humanap ng murang malilipatan. Inayos ko ang mga gamit ko sa napaka-laking closet. Halos wala lang ang mga gamit ko kung titingnan doon. Tila halos wala akong nailagay. Wala rin naman akong masyadong gamit. Karamihan ng pinapangpasok ko sa opisina ay galing sa ukay-ukay. Sa coffee shop at sa bar naman ay may sarili kaming uniforme. Hindi ako bumibili ng damit lalo na kung hindi ko kailangan. Gusto kong ipunin ang bawat sentimo. Gusto kong gamit ang pera sa mas mahahalaga pang bagay. The bathroom was huge too. Halos kasing-laki ng bathroom ni Xander. Kumpleto ang mga gamit doon. It also looked modern. Halos salamin lang ang walls. Maraming mga gamit, maraming iba't ibang klaseng tuwalya at iba't ibang klaseng sabon. May isang oras pa ako pero kahit subukan kong matulog sa malaki at malambot na kama hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay hindi ako sanay dahil nakakatulog man ako sa ibabaw ng kama ni Xander, hindi rin ako nagtatagal doon. I just felt the bed was not for me. Hindi ako bagay doon. Lumabas ako ng silid. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lang uminom ng tubig dahil kanina pa ako nakakaramdam ng uhaw. Nakarinig ako ng ingay kung saan, para bang tunog ng kaldero o ng mga kubyertos. Sinundan ko lang ang tunog hanggang sa makita ko ang kusina. Nagpatuloy ako sa paghakbang pero napatigil rin ako agad nang makita ko ang lalaking nakatayo sa sink, he was cooking something. Hindi ko alam kung bakit hindi ako naka-galaw agad. Maybe because... he was not wearing a shirt on or... even an apron while cooking something. Hindi ko naiwasang tingnan ang magadang katawan nito na tila alaga ng gym. The Kazter I knew... really changed a lot. I never imagined that he would grow almost perfect. Parehas lang kaming mukhang ulikba noon sa Santa Clara pero kahit ganoon lagi pa rin kaming nanalo bilang muse at escort sa loob ng classroom. Kahit bata pa kami noon, marami na rin ang nagkakagusto rito. Ano pa ngayon na halos narito na ang lahat. Nag-anagat rin ako ng tingin rito pero napalunok ako nang makita kong nakatingin ito sa direskyon ko. Sa mga mata ko. I tried to read something from his eyes pero wala akong nakita doon. Hindi na ito katulad noon na pinapakita sa akin kung anong laman ng mga iyon. "Do you need something?" tanong nito na walang kahit anong emosyon sa tinig... just like... Xander. Hindi ko alam kung nasanay lang ako kay Xander na walang emosyon kaya ganoon na rin ang tingin ko rito o sadyang katulad lang ito ni Xander. "N-No..." I said stuttering. Pakiramdam ko hindi ko kayang tagalan ang mata nitong nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit tila nakaramdam ako ng panic. "G-Good night," iyon na lang ang nasabi ko at tinalikuran na ito. Nagpatuloy ako sa paghakbang habang naalala kong... naghahanap pala ako ng tubig. Hindi ko alam kung bakit hindi ko na gusto pang bumalik roon. Tiniis ko na lang ang panunuyot ng lalamunan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD