CHAPTER 00. THE NEWSPAPER CLUB.
***
Warning: Mispelled words and incorrect grammars ahead. Read at your own risk. I will edit it soon when I have free time. Thank you.
***
CHAPTER 00. THE NEWSPAPER CLUB.
I came back with my senses when I heard the school bell ringing loudly and the wide view of the school field outside greeted me once again. Sa sobrang boring nang sinasabi ng classroom adviser namin ay hindi ko namalayang lumilipad na pala ang isipan ko kung saan-saan at nakatingin sa labas ng bintana ng aming classroom na nasa aking kaliwa.
"That's all for today. Class dismissed."
Bumalik ang tingin ko sa harapan. Our classroom adviser was already packing her things and left the class afterwards. Sinundan ko naman siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Hindi pa rin tumitigil sa pag-iingay ang school bell sa labas.
Kaagad namang nag-ingayan ang mga kaklase ko. Ang iba ay lumapit sa mga kaibigan nila at masayang nag-uusap. Ang iba naman ay lumabas na rin ng classroom. Tahimik na pinagmamasdan ko naman ang naiwang kaklase ko sa classroom.
Tatlong linggo na ang lumipas simula nang pumasok ako rito sa Sinclair High. Noong unang araw ko rito ay nagpakilala sa akin ang mga kaklase ko at sinubukang maging kaibigan ko. They were all smiles and excited to see someone new. They tried to become my friend but I shrugged them off and I was really uninterested. I don't want to associate myself with them. I don't want friends. Anong makukuha ko sa kanila? Father taught me never to trust someone easily.
When they talked to me, I will let them talk but it was too boring so I will just leave them without saying a word. Kaagad na mawawala ang ngiti nila sa akin at sisimangot. Minsan ay maririnig ko sa kanila kung gaano raw ako ka-bastos. I mean, who wants to hear them talking nonsense things? Definitely not me.
At ngayon naman ay wala na silang paki-alam sa akin. I prefer this way. I just want a peaceful highschool life. I want them to treat me like I don't exist. A nobody in the class. The new student who lives alone on a big old house where it stands in the middle of the forest.
And I can always hear them talking to me and saying how rude I am. Talagang sinasadya nila na paringgan ako dahil napakalakas ng boses nila at napakasama ng tingin sa akin. Hindi naman big deal para sa akin ang mga sinasabi nila.
"Halos isang buwan na pala na hindi pumapasok si Francheska. Wala pa rin ba tayong balita sa kaniya?"
"Wala pa rin. What happened kaya sa kaniya, ano?"
"Nag-aalala na ako sa kaniya. Baka napaano na siya. She's too wild. Parang isang wild animal na nakatakas sa cage niya."
I don't want to hear them talk but I can't help it especially how loud their voices are. Sobrang lapit nila sa pwesto ko kaya maririnig ko talaga sila.
"Hindi naman ito ang first time na umabsent siya ng ganito katagal. Kaya lang ay hindi natin alam ang reason kung bakit palagi siyang absent."
"Oo nga. Even our classroom adviser don't know the reason behind it. At nakapapagtataka lang ay hind siya na-e-expel sa school sa dami ng absences niya. Napaka-unfair."
"Tapos babalik siya na parang wala lang."
Francheska Florence Gracia. That was the name that I always hear in this class. Tuwing uwian ay palagi siyang pinag-uusapan ng mga kaklase naming mga babae. Hindi ko pa siya nakikita dahil tatlong linggo pa ang nakalipas nang pumasok ako sa classroom na ito at halos isang buwan na rin siyang absent.
At dahil palagi siyang pinag-uusapan ay na-cu-curious na rin ako sa kaniya. Marami na akong naririnig tungkol sa kaniya na hindi maganda. That she is unstable. That she can't control her emotions. That she acts like a child.
But her classmates still care for her.
"Roseanne." A very familiar voice called my name. I was spacing out again. "Roseanne."
"I heard you." I looked at her, annoyed. "You don't have to call my name. Twice." I added. It was Franciel Monteverde. The representative of this class. Kipkip niya sa kaniyang dibdib ang makapal na journal.
"A-ah. Y-yes. S-sorry." She lowered her head. Namumula ang pisngi niya sa sobrang hiya.
I cleared my throat. "What do you want?"
"Na-naalala mo ba ang sinabi ko sa-sayo last week? P-pwede ko bang makuha ang hinihingi k-ko?" Nauutal na sabi ni Franciel sa akin at nasa sahig pa rin ang tingin.
"What? I don't understand you. You keep on stammering." I commented and hissed.
"The slip. I n-need it now. Pasahan na next week sa class masterlist at sayo na lang ang kulang. You still need to show me the slip." Ah. I remember it now. Hinihingi niya pala sa akin ang club slip.
"Nakalimutan ko." I simply said. "I still don't have it." Bored na bored na dagdag ko naman. "What are you going to do now? I can't show you mine because I don't have the slip." Ngumisi ako. Pinatong ang braso ko sa lamesa at pinatong naman ang ulo ko sa kamay.
Alam ko kung gaano ka-strikto ang school na ito sa rules nila. Minsan ay nasasabi ko na mali siguro itong napasukan ko. Na hindi ito isang school at isa itong rehabilition center sa daming school rules. Hindi ko makakalimutan ang pakiramdam kung gaano kabigat ang rule book nang binigay nila ito sa akin.
Pasalamat sila at hilig ko ang pagbabasa ng libro kaya kahit tinalo pa ang encyclopedia sa kapal ay binasa ko lahat ng nakasulat pagkatapos ay sinunog sa inis.
Franciel stared at me. Matagal din siyang nakatitig sa akin. May namumuong luha sa mga mata. "I-if I passed the masterlist late and lacking, the student council will be mad. A-and I don't want them getting mad."
I rolled my eyes. "Iiyak ka talaga? Sa harapan ko?" I exhaled sharply and looked outside where the school field is.
May naglalaro ng soccer doon at mga estudyanteng sumisilong sa malaking punuan sa tabi pero mas nakakaagaw-pansin ang nag-iisang napakalaking puno sa itaas ng burol na hindi kalayuan sa school building namin. I tried to go there once pero napansin ako ng school guard. He warned me not to go there because it was against the school rules. At dahil matigas ang ulo ko ay pumunta pa rin ako at hindi naman ako nahuli. I smirked. Proud na proud sa ginawa ko.
I love breaking the rules. Rules are meant to be broken after all.
"It-it's because they are really scary when they get mad." At nagawa pa niyang sumagot.
Bumalik ang tingin ko sa kaniya. "And it's part of the school rules. Atsaka, nag-aaral ka na rito kaya kailangang sundin mo ang school rules. And if you want to break the rules here, 'wag mo akong idamay. Break every rules here, just don't break what's part of my role as your classroom representative dahil hindi lang ikaw ang manangot, ako rin."
I was speechless. Talagang wala akong masabi sa dami nang sinabi niya.
Nanatili ang tingin ko sa kaniya. Her eyes are different from earlier. Franciel wasn't scared anymore and she voiced out her thoughts well. Walang utal at walang pagdadalawang-isip. Natauhan naman siya at napaiwas ng tingin sa akin. Nahiya kaagad at natakot sa magiging reaksyon. Hindi niya binaba ang kaniyang tingin katulad nang napapansin ko sa kaniya.
She amuses me sometimes. May mga araw na talaga na ang tapang niya pero mas maraming araw na mas inuuna siya ng hiya. Lalo na kapag kakausap niya ang mga kaklase namin sa harapan.
What she just did really made me smile. Mabuti na lang at nasa kabila ang tingin niya dahil mapapansin niya ang ngiti ko.
"Pfft." Tinakpan ko ang aking bibig. Nanlalaki ang mga mata na bumalik ang tingin niya sa akin at nagtatanong kung bakit ganoon ang naging reaksiyon ko. I stood up and wore my school bag. "Fine. I will look for some clubs to join."
I turned my back at her. I was about to take my first step when Franciel said something.
"Okay lang kahit isang club ang salihan mo. Basta may maipakita kang club slip sa akin." Paalala niya sa akin.
Heh. Alam ko naman iyon. I read the school rule book. Ako lang ata ang natapos basahin ang libro. Sigurado ako na halos lahat ay hindi binasa ang nakasulat.
I gave her a lopsided smile as I looked over my shoulder to look at her. "Okay."
Her face lit up and let out a smile. "Th-thank you, Roseanne."
I rolled my eyes. "Whatever."
I left the class after our small talk. Ngayon ay nandito na ako sa unang palapag ng main school building. Nandito kasi ang school bulletin board. This is where they post school news, upcoming events and invitations. And it also have the list of existing clubs here in Sinclair High.
The list was too long. F-uck. Bakit sobrang dami? At wala man lang nakakuha ng pansin ko. Some are weird. Some are decent but boring. But most of them are questionable. And this school have 35 school clubs. What the h-ell? Where should I start? Sumasakit na ang ulo ko. Hindi pa nga ako nagsisimula.
Should I try the literature club? Or the painting club? Oh! There's a nap club here. Ibig-sabihin ba ng club na ito ay para lang sa mga gusto matulog? Why did the school let some of the clubs to exist? Halatang ginawa lang para magkaroon ng club at maraming mapagpipilian ang mga estudyante rito. Napaka talaga ng school na ito.
Habang abala ako sa pag-iisip kung anong club ang unang pupuntahan ko ay may tumabi naman sa akin. Her presence caught my attention because she was too loud. Her things that she was carrying was too loud. Pabagsak pa niya itong nilagay sa sahig ang dalang gamit. Tiningnan ko siya dahil istorbo siya sa pag-iisip ko. But she was too busy posting some posters on the small spaces left of the bulletin board on her side while humming.
Umatras siya ng kaunti upang tingnan ang kabubuan at ngumiti habang nakatingin sa dinikit niyang poster sa bulletin board.
"There! Cute!" Pumapalakpak siya sa kaniyang ginawa.
Tiningnan ko naman ang poster niya.
**
We are looking for club members!
Join the NEWSPAPER CLUB!
(◠ᴥ◕ʋ)
**
Pfft. Ano itong nakikita ko sa pinakaibaba ng poster? Sa sobrang colorful ng poster niya ay hindi ito bagay sa club na ini-introduce niya. It was too exaggerating. No one will definitely be interested to join. Titingnan pa lang nila ang kabubuan ng poster ay mapapangiwi na sila sa sobrang daming glitters nito at hindi na nila babasahin ang nakasulat. But still that something at the end was too cute. Kung titingnan ay parang nakakindat na aso ang ginawa niya.
She looked at me. "You." Tinuro niya ako. She flashed a sweet smile. "Are you interested to join? Kanina pa ka nakatingin sa poster na ginawa ko. Ang cute, no?" She asked me and her eyes sparkled.
"Interested? I was just looking." Salita ko naman. "But if you want me to join your club, how would you pursue me?" I challenged her. Halata kasi sa kaniya na desperada na siya. I just need a little push to confirm.
"Hmm." She held her chin. "Because my club is fun." Ngumiti siya sa akin.
"It's a newspaper club. Anong fun ang pinagsasabi mo?" I crossed my arms. Hindi natuwa sa naging sagot niya.
My father used to work as a journalist. And I love to read his works in a newspaper from the agency he was working with. Father mainly talked about murders and crimes. It was very fun to read. But this is a school. Anong fun ang pinagsasabi niya?
"You just wrote boring school news over and over again." I added. "Anong nakakatuwa doon?" I raised an eyebrow.
Wala naman siyang maisagot. May gusto sanang sabihin pero kinagat niya ang kaniyang ibabang bibig.
"You should join my club because you can have free access to everything here in school!" Sinabi pa niya.
"I paid for all the school facilities here. I think, that's enough already." I shrugged. "I have access to almost everything too. The library. The computer laboratory. The lounge area."
"--- and we can stay late here!" She cut me off.
"Bakit, ang ibang clubs ba, hindi?" That made me confuse. "Ano iyon, favoritism?"
"Oo. Hindi mo alam? My club is special. And my club have the school forum too." Ngayon naman ay sobrang proud niyang magsalita.
Kung naalala ko sa school rule book ay walang maiiwang estudyante sa school campus kapag 9 PM. Dapat lahat ay nakalabas na at walang matitirang tao sa school maliban sa mga school guard. Pati nga mga teacher, pinagbabawal maglagi sa school ng 9 PM.
And every school rules doesn't state the reason why. Basta iyon ang rules na dapat sundin.
"What's that?"
"Hindi lang paggawa ng school news at pag-print ang ginagawa ng club ko. My club have this online forum where the students can use with their internet. Hindi lang sa papel namin nilalagay lahat ng balita, pati na rin sa internet using the online forum." She put her hands on her hips, boasting her school clubs. Taas-noo pa siya pagkatapos.
"Ah, really." Okay. Not really special. But it was time for me to say it to her. "You keep on saying my club not our club. Ikaw lang mag-isa sa newspaper club, ano? Am I right?" I asked her.
Nagulat naman siya sa sinabi ko.Nanlalaki ang mga mata at parang na-estatwa na sa kaniyang kinatatayuan. I continously nodded my head because I was right all along. "That's why you are desperate." I said.
I heard a sniff. Nang bumalik ang tingin ko sa kaniya ay umiiyak na siya.
"Waaa." And she let out a loud cry. "Kailangan ko talaga ng club members sa newspaper club. I received a notice from the student council last week. Ang sabi doon ay mawawala ang club ko kung hindi ako makakahanap ng dalawa pang members. The rules state that for a school club to continue on existing, we need at least two members. And no one in this school are interested to join." Lumapit siya sa akin at umiyak nang napakalakas.
Tinakpan ko ang magkabilang tenga at napangiwi. I distanced myself because she was too loud that my eardrums can't handle it.
"Ang OA mo naman." I said, irritated. Can I just slap her? I should slap her loud mouth.
Suminghot siya. "Newspaper Club is very special to me! Kung mawawala ito, patayin niyo na lang ako!" At sumigaw na naman siya. "Just let me die!"
"See? Napaka-OA." Kalmado pa rin ako pero masasampal ko na itong nasa harapan ko.
Nakuha niya ang atensiyon ng ibang tao na nandito sa first floor ng main school building. Nagsimula ang bulong-bulungan ng mga tao sa paligid.
"Can you please stop?"
"I badly need club members! Please, join my club! Please! Titigil ako, sumali ka lang sa club ko!"
"F-fine! Fine! I will consider it! Just stop!"
Kaagad naman siyang tumigil. "T-talaga?!" Pinunasan niya ang luha at sipon ng kaniyang panyo at nang matapos ay may kinuha siya sa dalawang malaking plastic envelope na nilagay niya sa sahig. She handed me a card.
Kinuha ko naman ito.
Rosetta Eira Langnar. Newspaper Club Leader. What a weird name.
At sa likod ng card ay ang contact number at kung saan ang club member niya. 6th floor. Last room. Sa pinakadulo. Ang alam ko ay walang pumupunta doon dahil may gumagala raw na multo tuwing gabi. Ang sabi pa ay ang multong gumagala raw doon sa 6th floor ay nananakit ng tao at pumapatay daw kung ginagalit. Natawa nga ako nang marinig iyon sa mga kaklase ko at tiningnan lang nila ako.
And just like her poster, napaka-exaggerated ng pagkakagawa niya ng card. Ano ba naman iyan. Someone here doesn't know how to do art and styles.
"Kaya siguro walang interesado sa club mo dahil nasa kinatatakutan na spot ang club room mo." I said. Ang tingin ay nasa hinahawakang card pa rin.
"Ha?" She blinked. "Oo nga, eh." Ngumiwi siya. "Are you scared of ghosts?"
"No. Ghosts are completely harmless." Mas matakot ka sa tao. Hindi mo alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nila. Baka biglang sasaksakin ka nito sa likod balang-araw na walang pasabi. O baka walang salitang babarilin ka sa ulo.
I shook my head. Ano na naman itong tumatakbo sa isipan ko.
"That's good to hear." She smiled for the last time. She reached for her things and carried it with her. "Aasahan kita, ha! What do you like to drink?"
"Why do you ask?" My forehead knotted.
"Para ipaghahanda kita. Dadating ka, hindi ba?"
I rolled my eyes. "Okay na sa akin kahit ano. Basta walang lason."
"Okay. See you." And she winked at me and left.
What was that? Ang wild naman ng babaeng iyon. I decided to keep her card. Hindi naman sa naaawa ako sa kaniya kaya pag-iisipan ko na sasali sa club niya pero naalala ko ang Papa noong nabubuhay pa siya at ang trabaho niya.
Newspaper Club. Bumalik ang tingin ko sa poster. I should consider this club too. Bumalik ang tingin ko sa mga listahan ng school club. Hinahanap ang Newspaper Club sa listahan.
Ah. There.
Bakit hindi ko kaagad ito napansin nang tumitingin ako kanina? Weird.
"What's with this poster?" Narinig ko na nagsalita ang isang estudyante sa mga kaibigan niya. She was pertaining to the poster that the girl posted on the bulletin board. "Ang weird." She laughed. Tinanggal niya ito. She crumpled the paper and threw it somewhere. Tumawa rin ang mga kaibigan niya.
What the hell? She left with her friends and was still laughing. Sinundan ko naman sila ng tingin.
See. I was right. No one will be interested to join because of her poster. It was weird and exaggerated.
Tumingin ako sa wristwatch ko para i-check ang oras. 5:45 PM. Maaga pa naman, hindi ba? I should check the literature club first and the painting club. Hindi naman ako mahihirapan sa pag-uwi nito mamaya. At wala namang naghihintay sa pag-uwi ko.
END OF CHAPTER 00.
TO BE CONTINUED ON CHAPTER 01.