Chapter 27: Search

2448 Words
*Joanna’s POV* Hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin ako sa nakita kong ekspresyon sa mukha ni Jason kanina at mas dumagdag pa sa isipin ko ang sinabi ni Elizabeth kanina, yung tungkol sa totoong kapalaran ng prinsesa ng niyebe. Tapos idagdag mo pa ang kamay kong humahapdi dahil sa nangyari kanina, para kasi akong nakuryente sa isang bagay na hindi ko nakita kanina tsaka yung bagay na yun eh parang hinigop ang lahat ng lakas ko kaya naman ngayon ay naka higa lamang ako dito sa kama. Napabuntong hininga na lamang ako at natulala na lamang sa kahoy na kisame hanggang sa may marinig akong mga katok sa pinto. “Jo? Si Catliya ‘to, may dala akong pag kain,” narinig kong sabi ni Catliya sa kabilang parte ng pinto pero hindi ako sumagot bagkus ay ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at nag kunwaring natutulog, hinayaan ko siya pumasok sa kwartong ito at naririnig ko ang mga hakbang niya at ang pag patong ng isang metal na bagay sa lamesa. “Jo tulog ka ba?” Tanong ni Catliya pero di pa rin ako sumasagot at nag papanggap pa ring tulog. “Haays, sige mag pahinga ka na muna, basta pag labas ko kumain ka na ha,” sabi ni Catliya at naramdaman ko na rin ang mga yapak niya palabas hanggang sa marinig ko na lang ang pag sarado ng pinto ng kwarto ko kaya idinilat ko nang muli ang mga mata ko at tumingin sa lamesa. Ang kaninang bakanteng lamesa ay napapatungan na ngayon ng isang tray ng pag kain, merong isang plato ng kanin, ulam na hindi ko alam kung ano ang tawag pero mukhang masarap naman dahil mabango ang amoy nito, isang bowl ng soup na gawa sa kahoy, isang baso ng tubig at isang pares ng kutsara’t tinidor. Mukha itong nakakatakam pero wala talaga akong gana, siguro masyado na akong stress nitong mga nakaraang araw kaya pati ang pag kain ko ay apektado na rin kaya rin siguro ako mabilis manghina. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at sa tingin ko naman ay kaya ko nang bumangon mula sa pagkaka higa kaya pinilit ko ang sarili kong makatayo at maka upo papunta sa upuan sa harap ng lamesa para kahit papano ay makakain pa rin ako kahit na wala akong gana, kailangan kong mag palakas kung talagang gusto kong matutunan ang pag kontrol sa kapangyarihang ipinagkaluob sa akin tsaka para maka balik na rin ako sa palasyo ng mas maaga. Kinuha ko ang kutsara at tinidor, kahit na medyo masakit pa rin ang kanang kamay ko ay tiniis ko ito para makakain lang. Inuna kong kainin ang soup na nakalagay sa kahoy na mangkok, masarap ito kahit na tanging sabaw lamang ang laman nito. Sunod ko namang kinain ang kanin at ang ulam, kada gagamitan ko ng pwersa ang kanang kamay ko ay napapangiwi na lang ako sa sakit pero tinitiis ko na lang para makakain. Tuloy tuloy lang ako sa pag subo ng pagkain hanggang sa maubos ko na ‘to, kahit papano ay naramdaman ko naman na ang sarili kong lakas na paunti unting bumabalik kaya siguro kailangan ko na lang ng kaunti pang pahinga para maibalik na ng tuluyan ang lakas ko. Dahan dahan ako ulit tumayo at nag lakad pabalik sa kama tsaka nahiga muli dito, ipinikit ko ang mga mata ko at sa sandaling iyon ay nakita ko ang mukha ng mahal kong asawa, kaya hinayaan ko na lang muna ang sarili kong balutin ng antok para kahit papano, kahit sa panaginip man lang ay kasama ko si Jason. *Third Person’s POV* Mahimbing nang nakatulog sa kanyang silid ang reyna, si Joanna, habang ang ibang prinsesa naman ay nakaupo sa dalawang mahabang upuan na gawa sa kahoy sa salas ng bahay na kanilang tinutuluyan. “Kelan kaya tayo makakabalik sa palasyo?” Tanong ni Neca sa mga kaibigan nitong nakatulala lang din kagaya niya, hindi kasi nila alam kung ano ang gagawin nila. “Hindi ko alam kung kelan pero kung gusto niyo pwede naman kayong mauna nang bumalik doon,” sagot ni Andrea sa tanong ni Neca. “Basta hindi ko iiwan si Joanna, lalo na ngayon at may pinagdadaanan siya,” dagdag pa nito. “Pero bakit hindi na lang siya mag sanay dun sa palasyo, malaki naman ang espasyo dun tsaka at least nandun sila ni Jason, may makakatulong sa kanya in case man na mawalan siya ng kontrol,” sabi ni Rhoda pero umiling naman si Andrea. “That’s exactly why she decided to leave,” sabi ni Andrea sa kaibigan kaya nag tatakha naman itong tumingin sa kanya. Napabuntong hininga na lang si Andrea. “Umalis si Joanna kasi takot siyang makapanakit pa ng ibang nilalang, lalong lalo na tayo at ang asawa niya. Kahit na sabihin pa nating pinoprotektahan din tayo ng mga elementong taglay natin ay mas makapangyarihan pa rin yung kay Joanna lalo na ngayon at hindi niya pa alam kung pano kontrolin ang kapangyarihan niya so hindi niya alam kung gano ba talaga kalakas ito, pero napansin niyo naman siguro diba nung nangyari yung aksidente, sa hangin pa lang na kapangyarihan ni Joanna talsik na tayo, siguro kung di tayo protektado ng mga elemento natin, baka natulad na tayo dun sa kaawa awang bampirang nabalot ng yelo at namatay,” seryosong saad ni Andrea sa mga kaibigan nito at tumango tango din sila ni Neca at Rhoda sa kanya. “Gusto niyo na ba bumalik sa palasyo?” Tanong ni Catliya kanila Rhoda at Neca. “Uhm, gusto ko na sana” sabay na sambit ng dalawa. “Pero di ko naman kayang iwan si Joanna ng mag isa,” sabay ulit nilang sabi kaya nag katingin silang dalawa at natawa ng mahina kaya napangiti naman sila Andrea, Catliya at Eryell. “So ano na ang plano?” Tanong ni Eryell sa ibang prinsesa. “Sa ngayon hayaan na lang muna natin si Joanna na makapag pahinga,” sabi ni Andrea. “Kayo? Di ba kayo mag papahinga muna?” Tanong ni Andrea sa mga kaibigan at sabay sabay naman itong umiling. “Tanghali pa lang naman eh, sakto sa siesta,” sabi ni Andrea pero umiling lang ulit ang ibang prinsesa. “Sige kayo ang bahala. Titignan ko lang muna si Joanna, baka gising na siya eh,” sabi ni Andrea. “Sige, mag huhugas na lang din muna ko ng pinag kainan,” sabi ni Catliya at tumayo na din tsaka nag lakad papuntang kusina. “Sige Cat, dito na lang muna kami,” sabi ni Rhoda kay Catliya. “Sige, sige,” sabi ni Catliya habang nag lalakad papuntang kusina. Sa kabilang dako naman ay nakapasok na si Andrea sa kwarto ni Joanna at nakita niya na mahimbing nang natutulog ang bunso sa kanilang anim. Lumapit si Amdrea kay Joanna at inayos ang pagkakapatong ng kumot nito sa kaibigan. Napatingin siya sa mga kamay ni Joanna na mag kahawak, partikular na nakahawa ang kanang kamay nito sa palasingsingan nito sa kaliwang kamay kung nasaan nakasuot ang singsing nila ng asawa nito. Napangiti na lang si Andrea sa kaibigan kasi alam nitong mahal na mahal nito si Jason at ganun din naman si Jason sa kaibigan nito. Don’t worry Jo, kapag naging okay na ang lahat, mag kakasama na din kayo ng asawa mo, kaya gagawin ko din ang lahat para matulungan ka kasi ako ang bestie mo eh. Napatingin si Andrea sa lamesa sa loob ng kwarto at nakita niya ang pinagkainan ni Joanna na wala ng laman kaya niligpit na lang ito ni Andrea at dinala sa kusina kung nasaan si Catliya na nag huhugas ng plato. “Eto pa Cat,” sabi ni Andrea at binigay ang pinagkainan ni Joanna kaya napalingon naman sa kanya si Catliya. “Inubos niya?” Tanong ni Catliya. “Oo,” nakangiting sagot ni Andrea. “Buti naman,” sabi ni Catliya at kinuha ang tray ng pinagkainan ng kaibigan nila at tsaka ito hinugasan kaya umalis na si Andrea sa kusina at nag tungo sa kwarto niya. Kung ang mga prinsesa ay nag papahinga na muna sa kani-kanilang silid ay siya namang ikinagulo ng mga prinsipe sa palasyo. “Tol, ano may balita na ba kayo?” Tanong ng kanina pa palakad lakad na si Rence sa kay Nicolo na kakarating lang sa palasyo. “T*ng*na! Wala pa rin!” Inis na sagot ni Nicolo sa kaibigan. “Langya naman oh! Saan ba sila nag punta?” Naiinis na ring sambit ni Aldrin na napahilamos na lang ng palad niya habang naka upo sa sofa. “Sure ba kayo tinignan niyo lahat ng sulok ng hilaga?” Tanong ng nakatayo sa gilid ng sofang inuupuan ni Aldrin na si Kevin kay Nicolo na nagulo na lang ang buhok sa stress na dinaranas. “Oo tol, ginamit ko na nga pati ang kakayahan kong makapag basa ng isip eh kaso wala talaga, ni hindi ko malocate yung isip ni Eryell,” inis na ding sagot ni Nicolo kay Kevin na napayuko na lang. Naupo na din si Nicolo sa tabi ni Aldrin. “Saan pa ba sila pwedeng mag punta?” Tanong ni Rence sa mga kaibigan. “Bakit di natin subukan sa mundo ng mga tao?” Tanong ni Andrew kaya napatingin naman sa kanya ang mga prinsipe. “Pwede rin pero tol delikado tayo dun sa umaga, sa gabi na lang tayo mag hanap dun,” sabi ni Nicolo sa kaibigan nito pero nagulat na lang sila ng biglang tumayo si Jason na kanina pa tahimik at nakatulala na nakikinig sa kanila habang naka upo sa isa pang sofa. “Jason san ka pupunta?” Tanong ni Andrew sa kaibigan nito pero ni hindi man lang siya nito nilingon at nag tuloy tuloy lamang sa pag lalakad paakyat ng hagdan. “Saan pupunta yun?” Tanong ni Rence. “I think pupunta siya sa mundo ng mga tao, kasi kung wala dito sila ni Joannac, for sure dun lang din naman sila pupunta eh,” sagot ni Kevin sa kay Rence. “Ngayon? Eh umaga pa sa mundo ng mga tao, masusunog ang balat niya doon,” sabi ni Kevin. “Kailangan natin siyang pigilan,” sabi ni Andrew sa mga kaibigan nito kaya agad na silang pumunta sa kwarto ng kanilang hari gamit ang kanilang bilis bilang mga bampira. Pagkarating sa tapat ng kwarto nila Joanna at Jason ay nadatnan na lang nilang nakabukas na ang pinto nito at walang kahit sino ang nasa loob. “Sh*t! Umalis na siya!” Sigaw ni Andrew kaya dali dali silang tumakbo papunta sa portal. Binilisan nila ang pag takbo gamit ang kanilang bilis bilang bampira hanggang sa makarating na sila sa portal. “Tutuloy ba tayo?” Nag aalalang tanong ni Rence. “Kailangan nating pigilan ang hari, baka may mangyaring masama sa kanya dun o mas malala pa eh kung siya mismo ang mag dala ng panganib sa mga mortal,” sabi ni Andrew kaya sunod sunod na silang pumasok sa portal. Pag kalabas ng portal ay agad silang nakaramdam ng matinding silaw sa sinag ng araw sa mundo ng mga mortal. “T*ng*na!” Sigaw ni Nicolo habang nakapikit at tinakpan niya ng kamay niya ang kanyang mga mata kaso ramdam niya na rin ang unti unting pagkasunog ng kanyang balat dahil sa araw kaya tumakbo siya kaagad kung saan merong lilim, sumunod din naman sa kanya ang iba pang prinsipe. “Argh! Ang sakit sa balat,” reklamo ni Kevin habang tinatapik tapik ang bahagi kamay niyang humahapdi dahil sa pagka paso. “Tara na hanapin na natin si Jason,” sabi ni Andrew at tumakbo papasok sa mansyon na headquarters din ng mafiang kinabibilangan nila Joanna. “Mga mahal na prinsipe?” Narinig nilang tawag ng isang lalaki kaya napalingon sila dito at nakita nilang nag lalakad papalapit sa kanila si Yashida, ang master sa headquarters nila Joanna at ang nag palaki sa mga prinsesa at reyna. “Yashida, nandito ba ang hari?” Tanong ni Andrew sa matandang lalaki kaya nagtatakha naman itong tumingin sa kanila. “Ang hari? Hindi ko alam na pupunta siya dito at hindi ko pa siya nakikita dito,” sagot ni Yashida sa mga prinsipe. “Baka wal,” hindi na natuloy ang sasabihin ni Rence ng may nag sisisigaw na lalaking mortal ang papalapit sa kanila. “Master! Master! Master!” Sigaw ng lalaki at ng makarating ito sa tabi nila Yashida at mga prinsipe ay agad nitong sinabi ang balitang kanyang dala, kahit na hinihingal ito ay pinilit niya pa ring makapag salita. “M-Master, ang...ang hari, n-nandito ang hari,” hinihingal na sabi ng lalaki. “Saan?” Tanong agad ni Nicolo. “D-Doon po,” sagot ng lalaki at itinuro ang daan kung saan siya kanina tumatakbo kanina. “Ituro mo samin ang daan papunta doon,” sabi ni Aldrin sa lalaki kaya tumango naman ito at nag simula na tumakbo ulit pabalik sa pinanggalingan niya, sumusunod naman sa kanya ang mga prinsipe hanggang sa makarating sila sa isang parking lot. “Saan?” Tanong ni Andrew. “Nandito po siya kanina eh,” sabi ng lalaki. “Patay na kapag nakalayo yun,” sabi ni Kevin. “May nawawala bang sasakyan?” Tanong ni Andrew kaya tinignan nila ang paligid pero wala namang nawawalang sasakyan. “Hindi pa yata siya umaalis dito,” sabi ni Aldrin at nag tingin tingin sa paligid. “Argh!” Narinig nila ang reklamo ng isang lalaki sa sulok kaya agad nila itong pinuntahan at doon nila nakita si Jason na nakasandal sa gulong ng isang sasakyan habang hawak hawak ang kanang kamay nito at ang kaliwang kamay naman nito ay unti unting natutuklap ang balat dito dahil nakaupo ito sa lugar kung saan nasisinagan siya ng araw. “Mahal na hari!” Sigaw ng mga prinsipe at agad tinulungan si Jason. Nang matapat ang mga prinsipe sa init ng araw ay nakaramdam din sila ng hapdi sa kanilang likuran at sa iba pang parte ng kanilang katawan pero tiniis nila ito at inunang matulungan ang kanilang hari. Itinayo nila ito at tinulungang makalakad papunta sa loob ng headquarters, pero habang sila ay papunta sa lilim ng headquarters ay pati ang mga prinsipe ay nakaramdam ng matinding panghihina, hudyat na alas dose na ng tanghali sa mundo ng mga mortal. Sa sobrang panghihina ay natumba na rin ang mga prinsipe kaya naman ay agad na nag tawag ng tulong ang lalaking miyembro ng mafia para mabuhat ang mga bampira papasok sa loob ng headquarters.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD