Chapter 26: Uiolare Et Frangere Morsu

2502 Words
*Joanna’s POV* Pina upo kami ng babaeng sinasabi nilang pinaka matanda dito pero kung titignan siya physically ay hindi naman siya mukhang matanda. Nang maka upo na kaming anim sa sahig dahil walang upuan dito kaya naka palibot na lang kami sa lamesang bilog ay walang nag sasalita sa amin kaya naman ako na ang unang nag tanong. “Uhm bakit mo kami pinapunta dito?” Tanong ko sa babae. “Bago ko po sagutin ang iyong katanungan mahal na reyna, nais ko po munang ipakilala ang aking sarili,” sabi nito kaya tumango na lang ako sa kanya. “Ako si Elizabeth Von Victoria De Hunter,” pag papakilala niya sa sarili niya. Pero ano daw? Hunter? “Hunter?” Nag tatakhang tanong ko sa kanya. “Opo mahal na reyna, pinsan ko po ang dating reyna, ang lola ng lola ng ina ng iyong asawa,” sagot nito sa katanungan ko. “Ibig sabihin, isa ka ding maharlika?” Tanong ko sa kanya. “Kalahati po mahal na reyna,” sagot niya kaya mas lalo akong naguluhan. “Nag taksil po kasi ang dating hari, ang aking ama, sa kanyang reyna at ako po ang bunga ng pag tataksil na iyon,” dagdag niya at kahit na naguguluhan pa din ako ay tumango na lamang ako sa kanya. “Alam ko pong naguguluhan pa rin kayo pero hindi na po importante ang tungkol sa akin,” sabi niya at seryosong tumingin sakin. “Ang mas importante po ay ang tungkol sa inyo, lalong lalo na ang tungkol sa iyo, reyna Joanna,” sabi ni Elizabeth. “Paano mo nalaman ang aking pangalan?” Tanong ko sa kanya. “Matagal ko na pong alam mahal na reyna, simula po noong pinakilala kayo ng mahal na hari sa buong kaharian,” sagot niya kaya tumango ako sa kanya. “Alam ko pong marami kayong katanungan sa ngayon ngunit may kailangan po muna kayong malaman,” sabi ni Elizabeth. “Ano naman iyon?” Tanong ni Andrea. “Ang tunay na rason kung bakit kayo dinala dito ng mga almas azules,” sabi ni Elizabeth. “Natatandaan niyo po ba kung ano ang itsura ng nilalang na nag dala sa inyo dito?” Tanong ni Elizabeth. “Oo, mga nilalang na maliliit na kulay asul, para silang mga kaluluwang lumulutang sa lupa pero hindi sila nakakapag salita,” sagot sa kanya ni Eryell at tumango naman si Elizabeth. “Ibig sabihin naganap na nga ang unang parte ng aking pangitain sa panaginip,” narinig namin sambit ni Elizabeth. Anong ibig niyang sabihin? “Teka,yung sinabi mo, almas azules? Yun ba ang tawag sa mga nilalang na iyon?” Tanong ni Neca at tumango naman sa kanya si Elizabeth. “Ano ang ibig sabihin nun?” Tanong ni Catliya sa kanya. “Mga asul na kaluluwa ng mga sinaunang prinsesa ng niyebe,” sagot ni Elizabeth sa tanong ni Catliya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Elizabeth. “Ang lahat ba ng mga prinsesa ng niyebe kapag namatay na ay...nagiging almas azules?” Tanong ko kay Elizabeth kaya napunta naman sakin ang pansin niya. “Opo, mahal na reyna,” sagot niya sa tanong ko. “I-Ibig sabihin, hindi lang ako ang naging vessel ng elemento ng niyebe?” Tanong ko kay Elizabeth na nag tatakhang naka tingin sa akin. “Ve..sel?” Nag tatakhang tanong ni Elizabeth. “Ah ang ibig kong sabihin ay katawan na ginamit ng elemento ng niyebe,” dagdag ko kaagad para maintindihan niya. “Ahh opo, marami pa po ang mga nilalang na naging sisidlan ng elemento ng niyebe,” sagot ni Elizabeth sakin kaya napatingin ako kanila Andrea. “Pwede mo bang sabihin sakin ang lahat ng alam mo tungkol sa elemento ng niyebe?” Tanong ko kay Elizabeth at tumango naman siya. “Kung iyon po ang iyong nais mahal na reyna, ngunit,” sabi ni Elizabeth na nag dadalawang isip kung sasabihin niya ba sakin o hindi ang nais niyang sabihin. “Ngunit ano?” Tanong ko sa kanya. “Ngunit hindi po magandang balita ang iyong malalaman mahal na reyna, kailangan mo pong maging matatag para iyong tuluyang maintindihan ang maaaring mangyari,” sabi ni Elizabeth kaya nakaramdam ako ng kaunting kaba pero kailangan ko ng kasagutan, kailangan kong malaman ang mga nangyari sa mga sinaunang prinsesa ng yelo para matutunan ko ring kontrolin ang kapangyarihan ko. “Kakayanin ko, basta ba’t sabihin mo lang sakin ang lahat ng nalalaman mo,” sabi ko sa kay Elizabeth at tumango naman ito. “Masusunod po, mahal na reyna,” sabi nito. “Mabalik tayo sa rason ng pag dadala ng mga almas azules sa inyo dito, sila ang,” hindi na natapos ang sinasabi ni Elizabeth ng biglang pumasok dito sa loob ang matandang lalaki kanina. “Maior natu, paumanhin sa aking pangangambala sa inyong pag pupulong ngunit merong nangyayari ngayon sa labas ng kagubatan,” sabi ng matanda kaya napatingin ako kanila Andrea at pareho lang kaming anim na nag tatakha sa kung anong nangyayari sa labas. “Tayo na,” sabi ni Elizabeth at ipinikit ang kanyang mga mata. Maya maya lamang ay unti unti na siyang lumulutang paangat hanggang sa muli niyang idilat ang kanyang mga mata at doon ko lamang napansin ang lumiliwanag na bilog sa gitna ng kanyang noo. Tumayo na rin kaming anim at sumunod sa kanila ni Elizabeth at ng matandang lalaki. “Saan tayo pupunta?” Tanong ni Eryell. “Sa dulo ng lupang kina sasakupan namin, sa dulo ng kagubatang ipinagbabawal,” sagot ni Elizabeth. “Yun ba ang tawag niyo sa Taboo forest?” Tanong ni Neca sa kanila Elizabeth. “Tabo? Hindi ko po alam ang katagang iyan mahal na prinsesa ngunit ang totoong pangalan po nitong kagubatan ay uiolare et frangere morsu,” sagot ni Elizabeth sa tanong ni Neca. “Mas lalong gumulo,” narinig kong bulong ni Neca kaya napa tawa na lang ako ng mahina. Tuloy tuloy pa rin kami sa pag lalakad at may mga nakakasabay na rin kaming bampira na papunta rin sa dulong bahagi ng kagubatan. “Madami pala sila dito,” puna ni Rhoda sa mga nakakasabay na rin namin mag lakad. “Opo madami po kami dito dahil ilang dekada na din kaming nakaku~ nakatira dito,” sabi ni Elizabeth kaya napatingin ako sa kanya. “Bakit di kayo lumalabas?” Tanong ko sa kanya. “Hindi kami maaaring lumabas dito,” sagot ng isang babaeng may pulang buhok, siya yung kasama ni Ken kanina doon sa may ilog. “Uhm bakit hindi pwede?” Tanong ko sa kanya. “Bakit hindi mo itanong sa asawa mo?” Sagot niya sakin at nauna nang mag lakad. Halata ko sa boses niya ang inis at galit pero hindi ko lang alam kung bakit. Dahil sa binanggit ng babaeng may pulang buhok ay muli ko na namang naalala si Jason. Kamusta na kaya siya? Panigurado nakita niya na ang letter na sinulat ko sa notebook. Miss na miss na kita mahal ko, sana mapatawad mo ako sa pag alis ko ng walang paalam. “Joanna,” napatingin ako kay Andrea at kita ko sa mukha niya ang pag aalala. “Okay lang ako,” sabi ko na lang sa kanya at pinilit ngumiti. “Okay daw pero bakit ka umiiyak?” Tanong niya sakin at pinunasan ang luhang pumatak sa pisngi ko kaya agad ko namang pinunasan ang pisngi ko at ang mga mata ko at tahimik na lang na nag lakad. Sumusunod lang ako sa kanila at hindi na muling nag salita pa. “Jo? Gusto mo ba munang mag pahinga doon sa kwarto mo?” Tanong ni Catliya sakin pero hindi ko na lang siya pinansin pa at nag lakad na lang. Napansin kong nag kukumpulan na ang mga nilalang sa unahan namin kaya nag takha naman ako. “Nandito na tayo,” narinig kong sambit ni Elizabeth. “Mag bigay daan sa Maior natu, mga mahal na prinsesa at mahal na reyna!” Sigaw ng matandang lalaki na kasama namin kanina kaya agad namang napalingon sa amin ang mga nilalang na nag kukumpulan sa harap namin at nang makita nila kami ay tumabi naman agad sila at yumuko. Naunang mag lakad si Elizabeth papunta sa harapan kesa samin kaya sumunod na lang kami sa kanya at tsaka namin nakita mga nag kalat na mga kawal mula sa palasyo ng pamilya Hunter. “Joanna,” tawag sakin ni Andrea pero di ko siya pinansin. P-Pinapahanap ba kami ni Jason? Nandito din ba siya? “Mahal na reyna?” Tawag sakin ni Elizabeth pero ni isa sa kanila ay wala akong pinapansin. Nag lakad ako palapit sa mga kawal pero parang hindi nila ako napapansin o nakikita man lang pero naririnig ko sila. “Nasubukan niyo na bang tignan sa timog silangan?” Tanong ng isang kawal. “Hindi pa po pero mag tutungo po kami doon kaagad,” sagot ng isa pang kawal. “Siguraduhin niyo na mahahalughog niyo ang buong lugar,” sabi ng kawal na parang lider ng pangkat nila. “Kailangan nating mahanap ang mga prinsesa, lalong lalo na ang mahal na reyna para sa ating hari!” Sigaw nito. “Masusunod po!” Sigaw din pabalik ng mga kasama pa nitong kawal. Tama nga ko. Pinapahanap ako ni Jason. Humakbang ako muli palapit pero natigilan ako sa pag lalakad ng may makita akong bampirang paparating, naka sakay ito sa isang kabayo at ng malapit na ito sa lider ng mga kawal ay bumaba ito mula sa kabayo at nag lakad palapit sa kawal. Mahal ko! “Nahanap niyo na ba siya?” Tanong ni Jason sa lider ng mga kawal. “Paumanhin mahal na hari ngunit hindi pa po namin natatagpuan ang mahal na reyna,” nakayukong sagot ng kawal. “Pwes maghanap pa kayo!” Sigaw ni Jason sa kawal at agad naman itong tumayo ng maayos at nag simula na ding mag hanap ulit. “Jason!” Tawag ko sa asawa ko. *Third Person’s POV* Ilang beses nang sinisigaw ni Joanna ang pangalan ng kanyang asawa pero hindi siya nito marinig o makita man lang. Hindi dahil sa bulag o bingi ito, kundi dahil sa inilagay na rehas sa paligid ng Taboo forest. Ang rehas na ito ay hindi nakikita o nahahawakan ng mga nilalang mula sa labas ng kulungan nito, ang tanging nakikita nila ay mga mayayabong na puno at halaman, mga normal na senaryo sa loob ng isang kagubatan pero ang hindi nila alam ay nasa loob na pala sila ng isang salamangka na nag bibigay ng isang ilusyon sa kanila para hindi pumasok pa sa kakahuyan, tanging sa bukana ng kagubatan lamang sila makakapasok at mag mula doon ay makakaramdam na sila kaagad ng takot at matinding panganib sa gubat, kaya rin ito tinawag na Taboo forest, ipinagbawal na ng mga naunang nilalang ang pag punta dito dahil sa panganib na kanilang nararamdaman at sa maaaring makamtan ng mga nilalang na pupunta dito ngunit hindi alam ng mga prinsesa na ang sa loob ng rehas na ito ay matatagpuan ang mga nilalang na matagal na itinakwil ng lahi nila dahil sa isang pag kakamali. “Jason!” Sigaw muli ni Joanna at humakbang palapit sa asawa niya, aabutin niya na sana ito ngunit nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang kamay ng mahawakan niya ang rehas ng kagubatan. “Ah!” Sigaw ni Joanna at hinawakan ang kanyang kanang palad na namumula at humahapdi. “Mahal na reyna!” Sigaw ni Elizabeth at dinaluhan si Joanna. “Mahal na reyna, huwag niyo pong hahawakan ang rehas,” sabi ni Elizabeth pero hindi nakikinig si Joanna sa kanya, nakatingin lamang ito sa asawa nitong nakatayo sa harapan niya habang naka yuko at halata sa mga mata nito ang lungkot, matamlay rin itong nakatayo at para banag hindi alam kung ano na ang gagawin. “Joanna, mahal ko, nasan ka na ba?” Narinig ni Joanna na bulong ni Jason sa hangin. “Nandito ako mahal ko, patawad pero hindi pa tayo maaaring mag kita, patawad pero sana kayanin mo,” bulong ni Joanna sa hangin. “Jason, may nahanap na ba sila?” Tanong ng kakarating lang na si Aldrin at kasunod naman niya sila ni Andrew, Rence, Kevin at Nicolo. Hindi sumagot si Jason sa kaibigan at alam na nila ang ibig sabihin nito, hindi pa rin nahahanap ang mga mate nila. “Mahal na hari, pinapatawag po kayo ng inyong ina,” sabi ng isang kawal na kakarating lamang, hindi siya pinansin ni Jason. “Mahal na hari,” hindi na natapos ang sasabihin ng kawal ng sumigaw na si Jason sa kanya. “Oo narinig ko kaya tumahimik ka na!” Sigaw ni Jason kaya natahimik naman ang paligid. Nag lakad na si Jason pabalik sa kabayong sinakyan niya kanina at umalis na sa lugar na iyon. “Jason, patawad,” bulong ni Joanna sa hangin habang ang mga luha sa kanyang mga mata ay tuloy lamang sa pag patak. “Joanna, tara na mag pahinga ka na muna, tsaka gamutin na muna natin yang kamay mo,” sabi ni Andrea at pinilit ang kaibigang lumakad palayo sa rehas. “Silas, ihatid mo sila sa kanilang tahanan at siguraduhing magagamot ang mahal na reyna,” utos ni Elizabeth sa matandang lalaking may mahaba at puting balbas. “Masusunod, Maior natu,” sagot naman ng matanda dito. “Tayo na po kamahalan,” sabi ni Silas sa mga prinsesa at sa reynang patuloy pa rin sa pag hikbi. Nag lakad na sila muli pabalik sa bahay kung saan sila kanina nagising habang nangunguna sa pag lalakad si Silas at naka sunod naman sa kanila sila ni Ken at ang babaeng may pulang buhok. Pag karating sa bahay ay agad nang binuksan ni Silas ang pinto at pumasok na sila sa loob papunta sa silid ni Joanna. Pagka pasok sa loob ng silid ay pinaupo nila si Joanna sa kama. “Akin na po muna ang iyong palad mahal na reyna,” sabi ni Silas kaya iniabot naman ni Joanna ang kanyang kanang kamay na namamaga at namumula sa sakit pero hindi niya ito maramdaman dahil mas nananaig ang sakit sa kanyang dibdib ng makita ang asawa kaninang sobrang nalungkot sa kanyang ginawang pag lalayas. Pag katapos gamutin ang kanyang kamay ay nahiga na agad sa kama si Joanna ng walang kinakausap ni isa sa kanila. “Nasa labas lang kami Jo ha, kung may kailangan ka sabihan mo lang kami,” sabi ni Andrea sa kaibigan nito pero di man lang ito lumingon sa kanila kaya lumabas na lang silang lahat at hinayaan si Joanna na mag pahinga pero ang totoo ay pinipigilan lang ni Joanna ang sariling umiyak pang muli, hindi niya alam pero sobra siyang nasaktan sa nakitang sitwasyon ng asawa niya. I’m sorry Jason, I’m sorry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD