Chapter 14: Burning Library

2249 Words
*Third Person’s POV* Sa kalagitnaan ng gabi ay mahimbing na nagpapahinga ang mga nilalang na naninirahan sa palasyo ng mga hunter. Wala silang kaalam alam na meron na palang isang nilalang ang nakapasok sa kanilang kaharian at diretso lamang itong nakapasok sa kanilang silid aklatan kung saan matatagpuan ang mga librong naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa kanilang pamilya at sa iba’t ibang nilalang na matatagpuan sa kanilang mundo. Tanging mga huni ng lobo lamang ang naririnig sa gabing iyon ng bigla na lamang nabulabog ang lahat nang makarinig sila ng isang pagsabog mula sa loob ng palasyo. Dali daling nagtakbuhan ang mga bampirang taga silbi at mga kawal ng pamilya Hunter sa kung saan nanggaling ang pagsabog at nadatnan na lamang nila ang silid aklatan nila na umaapoy na at malaki na ang sunog sa loob. Sinubukan ng mga taga silbing bampira na apulahin ang apoy sa pamamagitan ng tubig mula sa banyo at gripo pero masyado nang malaki ang apoy at hindi na kaya ng iilang timba at drum ng tubig. Maya maya lamang ay nag datingan na rin ang mga maharlika. “Anong nangyari!?” Sigaw ni Josephine, ang ina ng hari na si Jason. “H-Hindi rin po namin alam kamahalan, nagising na lamang po kami ng may marinig kaming pag sabog,” sagot ng isang babaeng taga silbi sa dating reyna. Tumingin si Josephine sa nasusunog na silid aklatan. “Nasaan sila Andrew at Rence?” Tanong ni Josephine. “Tita nandito po kami,” sagot ni Aldrin na katabi naman si Rence. “Kaya niyo bang kontrolin at patayin ang apoy?” Tanong ni Josephine sa dalawa. “Susubukan ko po tita,” sagot naman ni Rence sa kanyang tiyahin at tsaka itinuon ang kamay sa apoy sa loob ngunit hindi niya maapula ang apoy, kaya niya lang itong kontrolin para di na mas lalo pang kumalat ang apoy pero maliban doon, wala na. “Mom, what happened?” Tanong ng kakarating lamang na si Jason kasama ang kanyang reyna, pareho silang dalawa na nakasuot ng robe, pareho kasi silang walang saplot ng mangyari ang pagsabog kaya naman ay dali dali silang nagsuot ng undergarments at nag suot na lamang ng robe tsaka lumabas. “Nasusunog ang silid aklatan natin anak,” sagot ni Josephine sa tanong ng anak niya. Lumingon kaagad si Jason sa kaibigan nito at sinabing, “Andrew, use your powers,” utos ni Jason sa kaibigan. “Jason, you know that I can’t make water out of nowhere,” sagot ni Andrew dito kaya naman ay agad siyang sinamaan ng tingin ni Jason. “Then use the water around us,” seryosong utos ni Jason. “M-Mahal na hari, nagawa na po namin iyong pero masyado pong malaki ang apoy kaya hindi po namin naapula agad,” sagot ng isang babaeng taga silbi kaya siya naman ang sinamaan ng tingin ni Jason, agad namang humakbang palayo ang kawawang bampira dahil sa takot. “Rence!” Sigaw ni Jason sa nananahimik na si Rence. “Sinubukan ko na kontrolin yung apoy para di na ito kumalat pero di ko yan maaapula,” sagot ni Rence kay Jason habang naka angat pa rin ang kanang palad nito sa loob ng silid aklatan. “Teka, susubukan namin,” sabat naman ni Andrea at hinila si Catliya na kakarating lamang papunta sa loob ng nasusunog na silid aklatan. “Uy teka, anong gagawin ko?” Tanong ni Catliya kay Andrea. “Kontrolin mo gamit ang kapangyarihan mo,” sagot ni Andrea sa tanong ni Catliya. “Sigurado ka ba?” Tanong ni Catliya muli. “Diba nag sanay na tayo,” sagot ni Andrea kay Catliya kaya tumango naman ito agad at ipinikit ang mga mata para makapag-focus sa pagkontrol sa apoy. Inangat ni Catliya ang mga kamay niya paharap sa nasusunog na silid habang si Andrea naman ay nakapikit na nakayuko. “Anong ginagawa nila?” Tanong ni Joanna kay Rhoda habang hawak hawak ng mahigpit ang robe na tanging tumatakip sa katawan niya. “Susubukan daw nilang gamitin yung kapangyarihan nila para mapatay yung apoy,” sagot ni Rhoda kay Joanna nang hindi lumilingon. “Alam nila kung paano kontrolin ang kapangyarihan nila?” Hindi makapaniwalang tanong ulit ni Joanna sa kaibigan kaya napalingon na ito sa kanya. “Eh kasi,” natigilan si Rhoda sa pag sasalita ng mapansin ang suot suot ng kaibigan at agad niya itong tinaasan ng kilay. “Ba’t ganyan lang ang suot mo, hindi ba nakapag laba ang mga maid dito?” Tanong ni Rhoda kay Joanna. “Uhm, ano kasi,” paputol putol na sagot ni Joanna na para bang hindi komportable sa isasagot kaya agad namang napangisi si Rhoda ng maisip nito ang rason kung bakit tanging robe lamang ang suot ng kaibigan. “Ahh mukhang naistorbo din yata kayo nung pagsabog,” sabi na lang ni Rhoda habang natatawa kaya agad naman siyang hinampas ni Joanna sa balikat. “Aray ha,” reklamo naman ni Rhoda at hinimas yung balikat niyang hinampas ni Joanna. “Sagutin mo na lang yung tanong ko,” inis na sabi nito sa kaibigang natatawa pa rin. “Hindi pa masyado pero lagi kaming nag sasanay nitong mga nakaraang araw,” sagot ni Rhoda kay Joanna na tinanguan naman ni Joanna. *Joanna’s POV* Nagsasanay sila? Ba’t di ko alam yun? “Ba’t di niyo ko sinabihan?” Tanong ko kay Rhoda na nanunuod kanila Andrea at Catliya. “Eh kasi busy ka sa pagbabasa ng sandamakmak na libro na pinapabasa sayo ng asawa mo,” sagot niya sakin ng hindi lumilingon. Oo nga pala, ang dami ko nga palang mga binabasa nitong nakaraang araw. “Tsaka saan pala kayo nag sasanay?” Tanong kong muli sa kay Rhoda. “Dun lang sa project room na ginawa natin,” sagot niya sakin at nanuod na ulit sa kanila Catliya at Andrea. Tumingin din ako sa kanila at naalala ko yung mga librong pinapapabasa sakin ni Jason. Teka, yung mga libro! Di ko pa tapos basahin ang mga librong pinapabasa sakin ni Jason. “Jason pano yung mga libro? Hindi pa ko tapos sa pagbabasa ng mga yun,” sabi ko kay Jason na nakatayo sa likuran ko. “Tsaka hindi ko pa kasi nasisimulan yung about sa history ng Venandi,” dagdag ko pa. “Huwag mo na muna isipin yun, kailangan nating maapula agad ang apoy para maisalba ang iba pang mga librong nakatago sa loob ng silid aklatan,” seryosong sagot ni Jason sakin kaya tumango na lamang ako sa kanya at tumingin sa kanila Andrea at Catliya na nakatalikod sa amin ngayon. Kitang kita ng mga mata ko kung paano naipon ang apoy sa gitna ng silid aklatan. “Anong nangyayari?” Tanong ko. “Kinokontrol ni Catliya yung apoy papunta sa gitna,” sagot ni Rhoda kaya tinignan ko si Catliya at napansin ko ang buhok niya na para bang nagbabaga. Tumingin naman ako kay Andrea at nakita ko sa paanan niya ang maliit na kumpol ng tubig na unti unting lumalaki at dumadami. “Saan galing yung tubig?” Tanong ko ulit kay Rhoda. “Kay Andrea, ewan ko nga rin kung saan niya kinukuha yang tubig eh, basta kusa na lang itong lumalabas sa katawan niya,” sagot ni Rhoda sakin. I-Ibig sabihin kaya na nga talaga nilang kontrolin ang kapangyarihan nila? Paano kaya nila nagawa yun ng ganun lang kabilis? Baka pwede akong mag paturo sa kanila kung paano ko kokontrolin ang kapangyarihan ko ng sa gayon ay hindi na ko makapanakit pa ng kahit na sino o anong nilalang dito. Itinuon ko ang pansin ko sa kay Catliya at nakita ko ang pagsiklab ng apoy sa dulo ng kanyang mga buhok na para bang sinindihan ito, habang nasusunog ang dulo ng kanyang buhok ay pansin ko rin ang paglapit ng apoy sa kanya na para bang hinihigop niya ito. “Cat!” Sigaw ko ng dumampi na sa kamay niya ang apoy pero hindi man lang siya nasusunog o naiinitan. “Shhh Jo, huwag kang maingay baka di makapag focus yan,” saway ni Eryell sakin na nakatayo sa harapan ko kaya napatingin naman ako sa kanya, tinignan ko rin si Neca na nakangisi pa sa tabi ni Eryell habang pinapanuod ang mga kaibigan namin. Ibinaling ko naman ang tingin ko kay Andrea. Nakita ko ang pagtulo ng tubig mula sa kanyang buhok papunta sa sahig. Maya maya lamang ay wala na ang malaking apoy sa gitna ng silid aklatan pero meron pa ring mga maliliit na apoy sa mga estante ng mga libro at meron ding mga nagbabaga pang parte ng estante dahil gawa lamang ito sa kahoy. Mula sa kinatatayuan namin ay kita ng mga mata ko kung paano umangat ang tubig sa paanan ni Andrea at naghiwa hiwalay ito papunta sa mga maliliit na apoy at nagbabaga pang estante upang tuluyan na ngang maapula ang apoy dito sa silid aklatan. “Wow,” nasambit ko na lamang ng dahil sa pagkamangha sa ginawa ng mga kaibigan ko. Lumingon na samin sila Andrea at Catliya ng nakangiti. “Tagumpay,” sabay nilang sabi pero maya maya lamang ay sabay din silang nahimatay pero agad din naman silang sinalo nila Andrew at Rence. “Anong nangyari?” Tanong ko sa kanila. “Hindi pa kasi sila masyadong sanay sa paggamit ng kapangyarihan nila kaya masyado silang napagod at nahimatay,” seryosong sagot ni Rence sa tanong ko. “Tita dadalhin na muna namin sila sa mga kwarto nila,” sabi naman ni Andrew kay mom na nakatayo sa kaliwa ko. Tumango naman si mom sa kanilang dalawa kaya agad nang binuhat nila Andrew at Rence sila Andrea at Catliya. “Kunin niyo ang mga librong hindi pa tuluyang nasisira at ilagay ito sa isang silid muna,” pagbibigay utos ni mom sa mga taga silbing nakatayo sa likuran namin. “Magtalaga ng mga kawal sa paligid ng palasyo, walang lalabas o papasok hangga’t hindi pa nalalaman kung ano ang pinagmulan ng sunog,” utos naman ni Jason sa mga kawal na agad namang sumunod sa kanya. “Sige na Joanna, bumalik na kayo sa inyong silid at magpalit na kayo ng matinong kasuotan,” sabi naman sa akin ni Tita Violet at doon ko lang naalala na hindi pala ako nakapag suot ng damit, tanging undergarments at robe lang ang suot ko ngayon. “S-Sige po,” sagot ko sa kanya at tumakbo na papuntang kwarto namin ni Jason gamit ang bilis ko bilang bampira. Nang makapasok na ako sa silid namin ay sinarado ko na ang pinto at nilock ito dahil magbibihis na ako pero may isang tinig ng babae akong narinig. “Reyna Joanna, tanging ikaw na lamang ang makakatulong samin,” “Sino yan?” Tanong ko kaagad ngunit wala namang sumagot. Tinignan ko na rin sa labas ng bintana pero wala namang kung sino ang nasa labas. Sino yun? Anong tulong ang sinasabi niya? Habang nag iisip ako dito ay bigla na lamang may kumatok sa pinto kaya agad kong binuksan ‘to. “Hey, are you okay?” Tanong ni Jason sakin ng makapasok siya sa kwarto namin. “Y-Yes,” sagot ko sa kanya at tumungo na sa walk in closet namin. “You don’t have to change, you know,” rinig kong sabi ni Jason. “Tse!” Sigaw ko sa kanya pabalik at narinig ko na lang ang tawa niya. Nasunugan na nga kami at lahat lahat tapos kamanyakan pa rin ang iniisip. G*go talaga eh. Pagkatapos kong mag bihis ay kumuha na rin ako ng isang sweatpants para kay Jason tsaka ako lumabas ng walk in closet. “Here,” sabi ko at inabot kay Jason yung sweatpants na kinuha naman niya agad. “Thanks,” sabi niya na tinanguan ko lang. Nahiga na ako sa kama namin habang siya ay nag susuot pa ng sweatpants niya, pagkatapos ay nahiga na rin siya sa tabi ko kaya agad akong sumiksik sa kanya at pinatong sa dibdib niya ang ulo ko. “Jason?” Tawag ko sa asawa ko. “Pano nasunog yung library? May gasera ba dun?” Tanong ko kay Jason at tumingala sa kanya. “Walang gasera doon, hindi ko rin alam ang nangyari pero sigurado akong hindi titigil sila ni mom at tita Violet sa pag-iimbestiga tungkol sa nangyari,” sagot ni Jason sa tanong ko. “Kung walang gasera dun, pano nagsimula yung sunog?” Tanong ko ulit. “Hindi ko rin alam mahal kong reyna,” sagot niya sakin at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Iniisip ko pa rin kasi talaga kung paano nag simula yung sunog. Kung walang gasera doon sa library, edi ibig sabihin meron talagang gumawa nun? Pero kung meron man, sino? Sino ang may intensyong gawin yun? “Stop worrying about the incident my queen, just go to sleep,” bulong ni Jason sakin. “Unless you want to continue what we were doing before the accident happened,” dagdag niya kaya hinampas ko naman siya agad sa dibdib. “Matulog ka na nga, pagod na ko eh,” sabi ko sa kanya at pinikit ang mga mata ko pero narinig ko naman siyang natawa. “Alright alright,” sabi niya at hinalikan muli ang ulo ko. Nang dahil sa sobrang pagod at antok na rin ay agad kaming dalawa nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD