Chapter 15: Qui Particularum

2406 Words
*Kinabukasan* Nagising ako ng maramdaman ko si Jason na tumayo mula sa pagkakahiga sa kama. “Hmm, gising ka na? Ang aga pa,” garalgal ang boses ko habang nagrereklamo sa kanya ng nakapikit pa rin. “I have to. Just continue sleeping, I love you,” sabi ni Jason at hinalikan ako sa pisngi. “I love you too,” antok na sagot ko sa kanya at dahil antok pa ko eh muli akong nakatulog. *Jason’s POV* The next morning, I woke up and saw my queen lying beside me, sleeping soundly while her right arm is circling around my waist. Seeing her face every morning is one of the best moments of my life. “I love you so d*mn much my queen, Joanna,” Bulong ko sa kanya at hinawi ang ilang hibla ng buhok niya na tumatabing sa mukha niya. Habang pinapanuod ko lang siyang matulog ng mahimbing sa tabi ko ay napatingin ako sa naka awang niyang labi. Hindi ko mapigilan ang sarili kong nakawan siya ng halik habang siya ay natutulog. “Hmm,” ungol niya at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sakin kaya napangiti na lang ako. I am willing to give you all I have, including my own life just to spend my whole life with you. Habang nakatingin sa napakagandang mukha ng natutulog kong asawa ay may narinig akong katok sa pinto kaya lumingon ako dito. “What?” Tanong ko sa nilalang na kumatok sa pinto, bumukas naman ito at agad pumasok ang kapatid ko. “Good morning!” Masigla niyang bati pero sinamaan ko agad siya ng tingin kaya agad naman siyang napangiwi at bumulong ng “Sorry.” “What?” Tanong ko sa kanya. “Tawag ka ni mommy,” sabi ni Jasmine at sumilip sa natutulog na si Joanna. “Tulog pa siya?” Tanong ni Jasmine. “Obviously,” malamig kong sagot sa kanya. “Aww sige na nga mamaya na lang. Sige kuya, labas na ako,” sabi niya at kumaway na palabas. Pagkalabas niya ay dahan dahan niya ring sinarado ang pinto. Dahan dahan na rin akong bumangon para hindi magising si Joanna sa tabi ko kaso mukhang hindi yata ito umubra dahil nagising pa rin siya. “Hmm, gising ka na? Ang aga pa,” sabi ni Joanna na halatang antok pa rin kaya napangiti na lang ako. “I have to. Just continue sleeping, I love you,” sabi ko sa kanya tsaka hinalikan siya sa pisngi niya. “I love you too,” garalgal pa ang boses niya ng nag salita siya at maya maya lang ay nakatulog ng muli. “Sleepyhead,” natatawang bulong ko tsaka siya muling hinalikan sa pisngi. Inayos ko na rin ang kumot niya at tsaka nag tungo sa banyo para maligo. Pagkatapos maligo ay agad na din naman akong nagbihis at di na nag abala pang suklayin ang buhok ko, sinigurado ko lang na tuyo na ito. Lumapit akong muli sa natutulog kong asawa at hinalikan siyang muli sa ulo. “I can’t get enough of you my queen, I love you so much,” bulong ko sa kanya at hinalikan siya sa naka awang niyang labi tsaka na ako dahan dahang lumabas ng kwarto. Diretso lang akong nag lakad papunta sa silid ni Jasmine, hindi ko pala naitanong sa kanya kung nasaan ang ina namin. Pagkarating sa harap ng pinto ng kwarto ng kapatid ko ay agad na akong kumatok ng tatlong beses at maya maya lang din ay bumukas na ang pinto ng silid niya. “Oh hi kuya, ba’t ka nandito?” Tanong niya sakin. “Nasaan si mom? Sabi mo pinapatawag niya ko,” tanong ko sa kanya. “Ha? Hindi ko ba nasabi sayo kanina? Nandun siya sa opisina niya,” sagot nito sakin. “Ah sige kuya alis ka na baka hinahanap ka na ni mom eh,” sabi niya na para bang nagmamadaling paalisin ako sa silid niya kaya nag takha naman ako. “May tinatago ka ba?” Tanong ko sa kanya at pansin ko naman agad ang pagka balisa niya kaya mas lalo akong nagtakha. Tinulak ko siya papasok sa kaarto niya at pumasok din ako sa loob. Inilibot ko ang paningin ko sa loob kung meron ba siyang tinatago dito pero wala naman. “Ano ba yan kuya!” Reklamo niya. “Ano yung tinatago mo?” Tanong ko sa kanya. “Wala, okay?” Sabi niya at pinakita pa sakin ang dalawa niyang kamay. Tinitigan ko siya ng seryoso at pinanlakihan niya lang ako ng mata. “Fine. I’ll go ahead,” sabi ko sa kanya at naglakad na palabas ng kwarto niya. “Finally,” rinig kong bulong niya pero di ko na lang pinansin at nag tungo ma sa opisina ni mom. Matatagpuan ang opisina ni mom sa tabi lang din ng silid niya, nasa ikatlong palapag ito ng palasyo. Pagkarating sa opisina niya ay kumatok na ako. “Come in,” rinig kong sagot ni mom sa loob kaya pumasok na ko. “Good morning mom,” bati ko sa kanya at humalik sa pisngi niya. “Good morning too, my son, where’s your wife?” Tanong niya. “She’s still asleep,” sagot ko sa kanya at naupo sa upuan sa harap niya. “Have you had your breakfast yet?” Tanong niya ulit. “Not yet mom, I’ll wait for Joanna to wake up and then I’ll dine with her,” sagot kong muli. “So mom, why did you summon me?” Tanong ko naman sa kanya. “It’s about the incident in the library,” panimula niya kaya agad akong napa upo ng maayos. “Did you find out who the culprit is?” Tanong ko pero umiling lang siya. “Not yet, pero,” sabi niya na ipinagtakha ko. “Pero?” Tanong ko. “Tinanong ko na kasi ang mga kawal natin na nag babantay sa labas ng silid aklatan natin, pati na rin ang mga kawal sa mga daanan papasok at palabas ng palasyo kung meron ba silang napansing kahina hinalang nilalang na pumasok sa loob ng library,” sabi ni mom kaya mas nakinig pa ko ng mabuti sa sinasabi niya. “Pero wala daw silang napansing kahina hinalang nilalang, tanging mga taga silbi at mga bampira lamang ang nakita nilang pumasok sa loob ng silid aklatan, kasama na doon ang asawa mo,” sabi ni mom sakin. “Then, ibig mo bang sabihin mom eh merong traydor sa loob ng palasyo?” Tanong ko sa kanya. “That’s exactly what I’m thinking,” pag sang-ayon niya sakin. “Are you suspecting someone?” Tanong ko. “Hindi ko alam anak, nais ko mang maiwasan ang pagsususpetya sa mga kasamahan natin dito eh hindi naman maaari dahil kailangan nating mahanap ang responsable sa pagkasunog ng silid aklatan. Masyadong madami ang mga librong nasunog dahil sa kagagawan ng nilalang na yun,” sabi ni mom at hinilot ang kanyang sintido. “Mom, don’t push yourself too hard, I will take care of it,” I said and walk out of her room. Lumakad ako diretso sa library at nakita ko doon sila ni Andrew, Rence at Nicolo na nag uusap sa isang gilid. “Siguro dapat natin palagyan ng camera dito no?” Narinig kong sabi ni Nicolo. “Camera? For what?” Singit ko sa usapan nilang tatlo. “Uy tol nandiyan ka pala,” bati ni Nicolo sakin at tumango naman sila Rence at Andrew kaya tumango lang din ako sa kanilang tatlo. “Yung camera na katulad dun sa mundo ng mga tao, yung nilalagay nila sa sulok ng bahay nila,” sabi naman ni Rence. “You mean, CCTV Cameras?” Tanong ni Andrew kay Rence. “Oo! Oo yun nga, sa pagkaka alam ko pwede raw yun mag record ng video eh,” sabi ni Rence. “Ano sa tingin mo Jason? Okay ba yun?” Tanong ni Andrew sakin. “That’s fine with me however I think this CCTV will require an internet connection and we don’t have enough signal here,” sagot ko sa kanila na tinanguan naman nilang tatlo. “I’ll go ahead,” pag papaalam ko sa kanila at pumunta na ko dun sa dulong bahagi ng silid aklatan, dito kasi pinaka halata yung sunog na bahagi ng silid aklatan kaya panigurado dito nagsimula ang sunog. Hanggang ngayon kitang kita pa rin sa dingding ang itim sa dingding na bunga ng sunog kagabi. Tinignan ko ang mga estante ng libro kung meron bang naiwang bakas ng nilalang kagabi. “Tol anong hinahanap mo diyan?” Narinig kong tanong ni Rence kaya nilingon ko siya at kasama niya pa rin sila Andrew at Nicolo. “Clues,” maikling sagot ko sa tanong niya. “Clues? Eh tol puro naman sunog ang mga libro dito eh,” rinig kong reklamo ni Rence pero di ko na lang siya pinansin pa. “Tumulong ka na lang sa paghahanap,” rinig kong saway ni Nicolo sa kay Rence at kasunod nun ang reklamo ni Rence ng, “Aray!” Tinignan ko na bawat sulok ng mga estante dito pero wala pa rin akong mahanap na pruweba o marka man lang ng nilalang. “Jason,” biglang tawag sakin ni Andrew kaya tumingin ako sa kanya na may hawak hawak na isang piraso ng papel. “Look at this,” sabi niya kaya lumapit ako sa kanya at tinignan yung hawak niya. Isa itong papel na may guhit ng mga bahay at sapa sa gitna. “Ano to?” Tanong ko sa kanya. “I don’t know pero ang nakakapag takha lang ay bakit hindi ito nasama sa sunog kagabi?” Tanong niya na ipinag takha ko rin. “Baka nilipad lang yan ng hangin mula dun sa kabilang parte ng silid aklatan?” Patanong na suhestiyon ni Rence. “Siguro nga nakaipit kasi ito kanina dito sa paanan ng estanteng ito,” sagot ni Andrew at tinuro ang estante sa kanan niya. “Akin na, ibabalik ko dun sa ibang libro sa kabila,” pagprisinta ni Nicolo pero pinigilan ko siya. “Sandali, akin na yan,” sabi ko at binigay naman agad ito ni Andrew. “Ako na ang bahala dito, puntahan niyo na lang si Tita Violet, baka may alam siya sa kung anong nangyari dito,” sabi ko sa kanila at napansin ko naman ang mga nagtatakhang ekspresyon ng mga mukha nila pero di ko na iyon pinansin pa at bumalik na sa paghahanap ng kung ano mang kasagutan sa mga tanong namin. Kahit na isang palatandaan lang sana para malaman namin kung ano o sino ang may kagagawan nitong sunog. Habang naglalakad at nag tititingin sa sulok ng mga estante ay may nakita akong isa pang maliit na piraso ng papel. “Ano to?” Pabulong na tanong ko sa sarili ko tsaka kinuha ang papel. Merong maliliit na letrang nakasulat dito. Pinasingkit ko ang mga mata ko para maaninag ng maayos ang nakasulat dito. Qui Particularum “Qui particularum? Yun ang mga kriminal na nilalang ah,” nabulong ko sa sarili ko. “Sila ba ang may kagagawan nito?” Tanong kong muli sa sarili ko pero alam kong wala akong makukuhang sagot kaya naman ay ibinulsan ko na ang papel na may guhit ng mga bahay pati na rin ang maliit na papel na nakita ko sa sulok ng isang estante. Dali dali akong naglakad palabas ng silid aklatan at nag tungo sa opisina ni mom. Pagkarating doon ay agad na akong kumatok ng tatlong beses pero walang sumagot kaya binuksan ko na lang ang pinto at pumasok sa loob. Nadatnan ko si mom na nakatungo sa lamesa niya. “Mom?” Pag tawag ko ng pansin niya pero hindi pa rin siya nagigising. “Mom?” Tawag kong muli at hinawakan ang kamay niya at doon lamang siya nagising. “Hmm huh? Oh anak nandiyan ka pala,” sabi niya at inayos ang buhok niyang nagulo mula sa pagkakayuko. “Mom, I think I found some clues,” sabi ko sa kanya at agad namang napa kunot ang noo niya. “What do you mean?” Tanong niya. “Here,” sagot ko sa kanya at pinakita ang mga papel na nakita ko kanina sa silid aklatan. Kinuha niya naman ito at tinitigan ng mabuti, sinuot niya na rin ang kanyang salamin para mabasa ng mabuti ang nakasulat sa papel. “Qui particularum? Hindi ba’t nakakulong na sila?” Tanong ni ina sa akin. “Yes mom but I don’t know if the security is good enough to contain all of them,” sagot ko sa kanya. “It better be,” seryosong sagot niya naman. “Mom, sa tingin ko eh kailangan naming icheck ang Taboo Forest kung meron bang nakabukas na lagusan doon para na rin mapuntahan na rin natin ang sa looban nito,” suhestiyon ko sa kanya na tinanguan naman niya. “Mabuti pa nga anak, isama mo na rin ang ibang prinsipe,” sabi ni mom af tumango naman ako sa kanya bilang sagot. “Sige po, aalis na kami sa lalong madaling panahon,” sabi ko sa kanya at tumayo na mula sa pagkaka upo. “Son,” pagtawag muli ni mom kaya napalingon akong muli sa kanya. “Yes mom?” Tanong ko. “Huwag mo munang sasabihin ang tungkol dito sa mga mate niyo,” seryosong sabi niya. “Bakit? Hindi ba nila dapat malaman ‘to?” Tanong ko sa kanya. “Basta. Mas makakabuti para sa kanila na hindi na malaman ang tungkol sa qui particularum,” sagot niya sa tanong ko, kahit na medyo nagtatakha ako sa sinabi niya ay tumango na lamang ako sa kanya at tuluyan na ngang lumabas ng kanyang opisina. Pagkalabas ng opisina ni mom ay nagulat ako sa boses na bigla kong narinig. “Jason?” Pagtawag sa akin ng mahal kong asawa. “Gising ka na pala mahal ko. Magandang umaga,” pagbati ko sa kanya tsaka siya hinalikan sa kanyang labi. “Good morning din, uhm,” sabi niya “Bakit?” Tanong ko. “Ano yung qui particularum?“ 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD