Chapter 11: Dream or Reality?

2426 Words
*Joanna’s POV* Pagkabalik namin sa palasyo ay agad kaming sinalubong nila mom at Tita Violet. “Joanna! Are you alright?” Tanong ni mom sakin pero di ko na siya sinagot, ni hindi na rin ako tumingin pa sa kanila at nagdire-diretso na ng lakad papunta sa kwarto namin ni Jason. “Joanna, iha, we’re here to help you,” pahabol na sabi ni mom sa akin ng nasa hagdan na ako, tumingin ako sa kanya. “Babe, everything will be alright,” sabi ni Jason na nakatayo na pala sa tabi ko kaya napatingin naman ako sa kanya. Sana nga Jason, sana nga kasi pagod na ko, physically and mentally, pagod na ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. “Magpapahinga na ko,” sabi ko na lang sa kanila at umakyat na ng hagdan. Nararamdaman ko pa rin ang titig nilang lahat sakin pero hindi ko na sila pinansin pa at dire-diretso na lang naglakad papunta sa kwarto namin ni Jason. Pagkarating sa kwarto namin ni Jason ay pumasok na ako agad at sinarado ang pinto. Pagkasara ng pinto ay napasandal na lang ako dito at napatingala na lang sa kisame nitong kwarto namin. Habang nakatingin sa kisama ay naalala ko na naman ang nagawa ko sa ilog at napansin ko na lang ang pagtulo ng luha ko mula sa mga mata ko kaya dali dali ko itong pinunasan at tinignan ang kinatatayuan ko. Tinitigan kong mabuti ang paligid ng silid na ito, inobserbahan ko kung meron bang namuong yelo o niyebe sa paligid. Habang iniinspeksyon ko ang paligid ay nararamdaman ko rin ang sarili kong nanginginig, pinipilit ko rin ang sarili ko na huwag umiyak. Huwag naman, please huwag sana mangyari ang nangyari sa ilog dito sa palasyo. Ayoko, nandito ang mga mahal ko sa buhay. Nandito si Jason. Mga ilang minuto ko pang inobserbahan ang paligid at napansin kong wala namang namuong yelo o niyebe. Napahinga ako ng malalim, para akong natanggalan ng tinik sa lalamunan, “Salamat naman,” bulong ko sa sarili ko. Umayos na ko ng tayo at maglalakad na sana papunta sa kama ng marinig kong muli ang boses ng elemento ng niyebe, “Masyado ka yatang kampante,” “Tumahimik ka! Pagod na akong isipin pa ang lapastangang kagaya mo, elemento ng niyebe kaya tumahimik ka na!” Sigaw ko rito at tinakpan ang mga tenga ko. “Hahaha wala kang magagawa sa akin Joanna, kahit na anong gawin mo ay hinding hindi mo ako maiaalis sa katawan mo, dahil parte na ito ng iyong tadhana,” sabi nito na ipinagtakha ko. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. “Ano ang ibig mong sabihin?” Tanong ko sa kanya. “Hahaha mukhang wala yatang nababanggit sayo ang iyong pinakamamahal na asawa?” Sagot nito sa tanong ko na mas lalo pang nagpagulo sa utak ko. “Ano bang pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan,” sabi ko sa elemento ng niyebe pero wala na akong narinig ni isang salita mula sa kanya. “Sh*t! Anong ibig mong sabihin?” Tanong kong muli pero wala pa rin akong sagot na nakuha mula dito. “Joanna?” Biglang tawag ni Jason mula sa labas ng pinto at kumatok ng tatlong beses kaya dali dali ko namang inayos ang sarili ko at pinunasan ang mga mata ko, sinigurado ko ring wala nang marka ng luha sa aking pisngi. Nang masigurado kong okay na ang lahat ay tsaka ko lang binuksan ang pinto. “Hey,” bati niya sakin ng nakangiti at pinilit ko rin ang sarili kong ngumiti sa kanya pabalik. “Pasok ka,” sabi ko sa kanya at pumasok naman siya agad. “Are you okay?” Tanong ni Jason pero tumalikod na ako sa kanya at naglakad papunta sa kama namin. “Gusto ko na magpahinga,” sabi ko sa kanya at nagtuloy na sa paglalakad papuntang kama nang bigla akong makaramdam ng yakap mula sa aking likuran at siniksik ang kanyang ulo sa pagitan ng aking kaliwang bahagi ng leeg. “Everything will be alright,” bulong ni Jason sa aking kaliwang tenga tsaka hinalikan ako sa pisngi. Sana nga Jason, sana nga maging okay na ang lahat. Sana nga makontrol ko na ang kapangyarihang meron ako at sana, sana hindi ko kayo masaktan. Tumango na lang ako sa kanya at sinabing, “Gusto ko na magpahinga,” “Sige pero magbihis ka muna bago ka mahiga sa ating kama,” sabi niya at tinanggal ang pagkakatali ng cloak na sauot suot ko pa pala. Ni hindi man lang ako nakapag bihis simula ng makapasok ako dito nang dahil sa sobrang pag iisip. Nang matanggal na niya ang pagkakatali ng cloak ko ay hinubad niya na ito sa akin at ipinatong sa isang upuan. Naglakad na rin ako papunta sa walk-in-closet ng kwartong ‘to tsaka nag bihis, nagpalit lang ako ng isang pajama at isang sleeveless na pang itaas. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng walk-in-closet at nakita si Jason na nakahiga na sa kama namin. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay lumingon siya sakin at ngumiti. “Come here,” sabi niya kaya lumapit naman ako sa kanya at nahiga na sa kanyang tabi, gusto ko sana siyang yakapin pero kinakabahan ako na baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya. Napansin niya siguro ang pag aalinlangan ko kaya kinuha niya ang kanang kamay ko at pinulupot ito sa bewang niya. “It’s okay. Your power will not affect me,” sabi niya kaya kahit papano ay nabawasan ang iniisip ko. Sana nga Jason hindi kita masaktan dahil hindi ko alam ang magagawa ko sa sarili ko kapag nangyari yun. “Go to sleep, my queen,” bulong ni Jason sakin kaya mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya at isiniksik pa ang sarili ko sa kanya, ipinatong ko rin ang ulo ko sa kanyang dibdib habang siya naman ay sinusuklay ang aking buhok gamit ang kanyang kanang kamay. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito, yung wala akong iniisip na problema, basta kasama ko lang ang lalaking mahal ko, masaya na ‘ko. “Ang saya nga ng sitwasyon niyo ngayon,” narinig ko na namang komento ng elemento ng niyebe kaya napaismid na lang ako. “Tsk,” sabi ko pero di ko na lang siya pinansin at pinikit na lamang ang aking mga mata. “Hindi mo ba siya tatanungin?” Tanong ng elemento ng niyebe kaya muli ay napadilat ako. Tatanungin? Tungkol saan? “May nais kang malaman, diba?” Sabi ng elemento ng niyebe na para bang may pinapaalala sakin kaya napaisip na naman tuloy ako hanggang sa maalala ko ang sinabi niya kanina. “Hahaha wala kang magagawa sa akin Joanna, kahit na anong gawin mo ay hinding hindi mo ako maiaalis sa katawan mo, dahil parte na ito ng iyong tadhana,” Oo nga pala, itatanong ko nga pala ang tungkol dun kay Jason. “Jason?” Tawag ko sa aking asawa at tumingala sa kanya pero tulog na pala siya, “Naunahan mo pa ‘kong makatulog ha,” mahinang bulong ko sa kanya at hinawakan ang pisngi niya, malamig ito pero normal lamang iyong dahil isa siyang bampira. Pinagmasdan ko pang maige ang kanyang mukha. Napakaswerte ko talaga at ikaw ang naging asawa ko, napakagwapo at matipuno, maginoo pa, minsan may pagkabastos pero pwede na. Hindi ko mapigilang mapahagikgik sa naisip ko. “Tama ka, napakakisig talaga ng iyong asawa,” narinig ko muli ang boses ng elemento ng niyebe at di ko napigilan ang sarili ko na mapa irap dahil sa sinabi niya. “Oo naman at akin lang yan,” sagot ko rito gamit ang aking isipan. “Haha sa ngayon, sayo muna siya pero sa oras na tuluyan ka nang manghina, magiging akin na rin siya pati na ang buhay na meron ka,” seryosong sabi nito sakin kaya hindi ko maiwasang mag init ang aking ulo. “Hinding hindi ako makakapayag na makuha mo siya o ang buhay ko,” seryosong saad ko sa elemento ng niyebe. “Haha tignan natin kung mababago mo ba ang tadhanang nakalaan para sayo,” makahulugang sabi nito na mas lalo pang nagbigay sakin ng palaisipan. “Ano na namang ibig mong sabihin?” Tanong ko sa elemento ng yelo gamit ang isip ko pero wala na akong nakuhang sagot mula sa kanya. Naiinis ako kapag ginagawa niya yan, yung bigla na lang magpaparamdam pero kapag ako na ang may itatanong, bigla na lamang siyang mawawala at hindi na magpaparamdam pa. Naramdaman ko ang pag higpit ng yakap ni Jason sakin kaya napa angat muli ang tingin ko sa kanya. Jason, pinapangako ko sayo, gagawin ko ang lahat para makontrol ang kapangyarihang ipinagkaloob sa akin. Hinawakan kong muli ang mukha niya at niyakapa siya ng mas mahigpit. Ipinikit ko na rin ang aking mga mata para makapag pahinga na. Makalipas ang ilang oras ng pag tulog ay muli akong nagising, pero ang ipinagtatakha ko lang eh bakit gawa na sa kahoy ang kisame namin at tsaka bakit parang ang tigas naman ng hinihigaan ko, hindi ganito ang kwarto namin ni Jason. “Gising ka na pala, mahal ko,” narinig kong sabi ng isang lalaking may puting buhok. Ibinuka ko ang bibig ko para tanungin kung sino siya pero iba ang lumabas sa bibig ko. “Mahal ko, magandang umaga,” bati ko sa kanya, pero hindi yun ang gusto kong sabihin. “Nais mo na bang kumain? Halika, bumili ako ng sariwang paneya sa bayan,” pag aaya nito at muli ay sinubukan kong magtanong kung sino siya pero hindi bumubuka ang bibig ko, para bang may sariling isip ito na hindi ko makontrol. “Yan ba ang paborito ko?” Tanong ko sa lalaki. “Oo mahal kong Sethia,” sagot nito sakin? Sethia? Sino yun? Hanggang ngayon eh nagtatakha pa rin ako pero isa lang ang sigurado ako, itong katawang ginagamit ko ngayon, hindi ito ang katawan ko, maaaring nasa isang panaginip ako kaya ganito ang nangyayari. Inilibot ko ang paningin ko sa bahay kubong tinitirhan ko ngayon at nakita ko ang isang maliit na salamin sa tabi ng bintana kaya tumayo ako at naglakad papunta dito. Pagkalapit sa salamin ay kinuha ko ito at tinignan ang repleksyon ko. Tama nga ang hinala ko, nasa isang panaginip lamang ako, dahil hindi ko nakikita sa salamin ang sarili kong repleksyon, kundi ang repleksyon ng babaeng nagmamay ari ng katawang ‘to. Meron siyang brown na buhok na parang kakulay ng tsokolate, straight na straight ang buhok niya at meron siyang bangs na tumatakip sa noo niya. Kulay tsokolate rin ang kulay ng mga mata niya. Meron siyang maliit pero matangos na ilong at maninipis na labi. Maputi rin siya na katulad saming mga bampira kaya alam kong bampira siya. Naramdaman ko ang isang yakap mula sa aking likuran. “Napakaganda mo talaga mahal kong Sethia,” puri ng lalaki sa babaeng yakap niya, sa babaeng sinasaniban ko ngayon pero hindi ko kayang kontrolin ang katawan at isip ng babaeng ‘to. Tanging nakikita, naririnig at nararamdaman ko lamang ang mga nangyayari sa kanya. Humarap ang babae sa lalaking may puting buhok at hinawakan ito sa pisngi. Masasabi kong may itsura ang lalaki. Maliban kasi sa maputi niyang buhok ay meron din siyang makakapal na kilay na para bang idinrawing, meron rin siyang matangos na ilong at makapal na labi. Nakikita ko rin ang kulay ng kanyang mga mata at yun ay kulay asul. “Tila yata’y mas lalo kang nahuhumali sa akin mahal ko,” nakangiting sabi ng lalaki na ginantihan naman ng tawa ng babae. “Sobra mahal ko, ngunit sa ngayon ay gutom ang tanging aking nararamdaman kaya’t maaari na ba tayong kumain?” Mapagbirong sabi ng babae na tinanguan naman ng lalaki pero napatigil ito sa paglalakad ng may makita ito sa labas ng bintana at para bang agad siyang kinabahan at nabalisa. “Mahal ko? Anong problema?” Tanong ng babaeng si Sethia. “Mahal ko nandito na sila! Natunton na nila tayo! Kailangan na nating umalis dito ngayon din!” Nagmamadaling sabi ng lalaki habang kinukuha ang isang espada at ang iilang gamit kasama na ang isang maliit na bag ng ginto. “Huh?” Nagtatakhang tanong ni Sethia pero agad na ako o ang katawan ni Sethia ay agad na hinila ng lalaki papunta sa isang pinto sa likod ng bahay kubo. “Bilis mahal ko takbo! Hindi nila tayo maaaring maabutan, paghihiwalayin nila tayo,” sabi ng lalaki habang tuloy tuloy pa ring hinihila ang katawan ni Sethia. Hindi ko maintindihan! Bakit sila tumatakbo? Sino ang humahabol sa kanila? Bakit sila paghihiwalayin? At sino ang lalaking ito? Bakit, bakit nararamdaman ko sa kanya ang presensya ni Jason? May pagkakahalintulad silang dalawa pero meron rin namang pagkakaiba. Hindi ko maintindihan. Jason! Ikaw ba yan? Mga salitang gusto kong sabihin pero hindi lumalabas sa bibig ko. Maya maya lamang ay nakarating kami sa isang bangin. Eto yung bangin kanina, kung saan ako nakita nila Jason. “Hanggang diyan na lang kayo mahal kong reyna,” narinig kong sabi ng isang lalaki sa likuran namin kaya agad akong lumingon at nakita ko ang isang lalaking may itim na buhok. Nakasuot siya ng armor at may hawak hawak na espada, meron rin siyang kasamang mga kawal. “Halika na’t umuwi sa palasyo natin mahal kong reyna,” sabi ng lalaking may itim na buhok. “Hindi! Hindi ako sasama sayo! Hindi kita mahal!” Sigaw ni Sethia. “Mahal kong reyna alam mong labag ito sa nais ni Luna! Kaya sumama ka na sakin at iwan mo na ang lalaking yan!” Sigaw ng lalaking may itim na buhok pero umiling lamang si Sethia habang nasa likuran siya ng lalaking bampira na may puting buhok. “Hinding hindi ko ibabalik sayo si Sethia, wala akong pakialam kung magalit man si Luna sa amin, basta susundin ko ang puso ko,” seryosong saad ng lalaki sa harapan ko. “Kung ganoon, tanggapin niyo ang sumpang igagawad sa inyo ni Luna!” Sigaw ng lalaking may itim na buhok. “Luna nais kong sila ay iyong isumpa! Kailanman ay hindi sila magiging masaya!” Sigaw muli ng lalaki. “Parusahan ang taksil na reyna! Sinusumpa kong hinding hindi mo makakamit ang kaligayahang ninanais mo kasama ang lalaking yan!” Sigaw muli nito. “Ut malediceret tibi: et mors omnia enim aeternum!!!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD