Chapter 12: Symptoms

2387 Words
*Joanna’s POV* Napabalikwas ako ng magising sa isang panaginip, panaginip na para bang isang katotohanan din. Ramdam ko ang panginginig ng aking katawan, pati na rin ang mabibigat kong hininga na para bang ilang milya ang tinakbo ko, kahit na isa na akong bampira eh para bang hingal na hingal pa rin ako. Napatingin ako sa paligid ko at napansin kong nasa kwarto na ko, ang kwarto namin ni Jason. Tinignan ko rin ang katabi kong bampirang lalaki, ang aking pinakamamahal na asawa, si Jason, na mahimbing pa ring natutulog sa tabi ko. Kinalma ko ang sarili ko at muling nahiga sa tabi ni Jason. Tumagilid ako at humarap sa kanya. Ipinatong ko ang aking ulo saking kamay at tinitigan lamang si Jason. Napansin kong medyo naka awang pa ang kanyang labi habang siya ay mahimbing na natutulog, hindi naman siya humihilik pero kung humilik man siya, wala pa rin namang magbabago sa pagmamahal ko sa kanya. “Mahal kong hari,” bulong ko sa kanya at hinawakan ang kanyang pisngi. Habang hinahawakan ang kanyang pisngi ay nararamdaman ko ang unti unting panlalamig nito kaya napakunot ang noo ko. “Anong nangyayari?” Tanong ko at dali daling tinanggal ang kamay ko sa mukha ni Jason. “Hmmm,” rinig kong ungol niya at napansin ko ang unti unti niyang pagdilat kaya di ko napigilang mapangiti. Nang tuluyan na siyang makadilat ay nakita ko ang pag ngiti niya. “Gising ka na pala,” sabi niya sa antok at malalim na tono. “Oo kani-kanina lang,” sagot ko sa kanya. “Bakit hindi mo man lang ako ginising?” Tanong niya sakin at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na nakatabing sa mukha ko. “Ang himbing ng tulog mo eh,” sagot ko sa kanya pero napansin ko ang pag kunot ng noo niya habang nakatingin sakin kaya nag takha na rin ako at nagsimula na namang kabahan. N-Nawawalan na naman ba ko ng kontrol? “B-Bakit? May problema ba?” Tanong ko sa kanya. “Nagpakulay ka ba ng buhok?” Tanong niya sakin na ipinagtakha ko. “Nagpakulay? Hindi naman, bakit?” Tanong ko sa kanya at bumangon na mula sa pagkakahiga, ganun din ang ginawa niya kaya pareho na kaming nakaupo sa kama. “Eto oh, bakit may puti kang buhok dito pati na rin dito, lahat ng buhok mo eh merong puting kulay sa dulo,” puna ni Jason at kinuha ang ilang hibla ng buhok ko na nag kulay puti na nga. Hindi naman ito mukhang uban kasi matingkad ang kulay nito na para bang pinagawa sa isang salon. “A-Ano ‘to?” Tanong ko rin sa kanya at tinignan ng mabuti ang mga hibla ng buhok ko. Lahat ng dulong parte ng mga buhok ko ay kulay puti na pero hindi ko naman ito pinakulayan. “Joanna, may nararamdaman ka bang pagbabago sa sarili mo?” Seryosong tanong sakin ni Jason. “Maliban dito sa buhok ko?” Tanong ko sa kanya at tumango naman siya. “Oo, maliban dun, meron pa bang ibang pagbabago, gaya ng sa mata mo o di kaya eh sa pananalita mo? Or, or pwede ring sa hugis ng katawan mo mismo,” sunod sunod niyang sabi. Sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari sakin nitong mga nakaraang araw at naalala ko ang mga biglaang pagbabago ng mata ko. “O-Oo, m-meron,” sagot ko sa kanya at nakita ko naman ang paglaki ng mga mata niya, bigla niya rin akong hinawakan sa magkabilang balikat ko. “Ano ang mga pagbabagong naranasan mo? Sabihin mo sakin,” seryosong saad niya kaya mas lalo pa akong kinabahan. B-Bakit parang nag papanic din siya? A-Ano ba ang nangyayari sakin? “Y-Yung mga m-mata ko, noong nakaraang araw na-nakita ko na,” natigilan ako sa pagsasalita. Tama bang sabihin ko sa kanya? “Na alin?” Tanong ni Jason habang nagsasalita ako. “Uhm,” nagdadalawang isip akong sabihin sa kanya. “Joanna, sabihin mo sakin lahat para matulungan kita,” seryosong sabi ni Jason sakin kaya napatingin ako sa mga mata niya at kitang kita ko dito ang sinseridad, awa, at kaunting takot. Siguro nga eh pati siya ay natatakot na rin sa akin, kahit ako din naman ay matatakot sa sarili ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa kayang kontrolin ang kapangyarihan ko. “Joanna? My queen, please, tell me,” nagsusumamong sambit niya kaya tumango ako sa kanya. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang gagawin kaya mas mabuti na ngang sabihin ko sa kanya lahat para matulungan niya ako at mas maintindihan ko pa ang nangyayari sa akin. “Nung...nung nakaraang araw, naaalala mo pa ba yung nakita mo ko sa banyo nitong kwarto natin? Yung araw na tinanong kita kung nasaan si Tita Violet kasi may pag uusapan kami?” Tanong ko sa kanya at nakita ko naman sa mukha niya ang pag iisip, siguro eh inaalala niya yung senaryong iyon. Maya maya lang din ay sinagot na niya ang tanong ko, “Oo, naaalala ko,” “Yun yung unang araw na napansin ko ang pagbabago sa mga mata ko,” panimula kong sumbong sa kanya. “Habang naghihilamos ako noon ay napansin kong biglang nag bago ang kulay ng mga mata ko. Diba ngayon kung napapansin mo eh kulay asul lamang ‘to?” Tanong ko sa kanya na tinanguan naman niya. “Nung araw na yun, nagkaroon ng mga maliliit na parang pulbos dito sa kaliwang mata ko, yung sa iris ko,” sabi ko sa kanya at tinuro ang kaliwang mata ko. Napansin ko naman ang pag tango tango niya. “At, at eto, etong kanang mata ko,” sabi ko sa kanya na para bang nag papanic na rin habang tinuturo ang kanang mata ko. “D-Dito nakita ko, merong, merong isang snowflake na nasa iris ko, h-hindi ko alam kung, kung saan galing yun or kung paano nagkaroon doon,” sabi ko sa kanya. “T-Tapos nung araw na nawala ako, lumabas ako ng palasyo nun,” sumbong ko pa sa asawa ko at pansin ko naman ang pakikinig niya ng mabuti sakin. “Napunta kasi ako sa isang parte ng gubat, tapos meron akong nakasalamuhang witch,” sabi ko sa kanya at napansin ko naman ang pag kunot ng noo niya pero di ko na muna pinuna yun at nagpatuloy sa pag kwento sa kanya. “Tapos napansin niya yung mata ko, nakita ko kung pano siya matakot sakin dahil sa mga mata ko, pati yung mga alaga niyang aso nagtakbuhan din palayo sakin. Tapos habang tumatakbo yung witch palayo narinig kong sabi niya,” pagkwento ko. “Anong sabi niya?” Seryosong tanong ni Jason sakin kaya tinitigan ko siya, mata sa mata. Matanggap mo pa kaya ko kapag nalaman mo ang ginawa ko sa ilog? “Joanna, anong sinabi sayo ng mangkukulam na yun?” Tanong muli ni Jason sa akin. “S-Sabi niya, ang mga mata ko raw ay ang mata ng elemento ng yelo,” sagot ko sa tanong niya. Hinintay ko ang magiging reaksyon niya pero wala man lang siyang sinabi sa akin, tanging pag tango lamang ang ginawad niya sakin at para bang may malalim na iniisip. “J-Jason? T-Tingin mo ba eh n-nakukuha na ng elemento ng yelo ang katawan ko? N-Nawawalan na ba ako ng kontrol?” Tanong ko sa kanya kaya agad siyang napatingin sa akin at niyakap ako ng mahigpit. “Hindi mahal ko. Hinding hindi natin hahayaang mangyari ang mga sinabi mo,” seryosong sagot sakin ni Jason at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Tumango naman ako sa kanya at niyakap din siya ng mahigpit. Sana nga mahal ko, ayokong makapanakit ng mga importante sakin. “Jason?” Pagtawag ko ng pansin niya. “Hmm?” Sagot naman niya. “Pwede mo ba akong turuang makontrol ang sarili kong kapangyarihan?” Tanong ko sa kanya. “Pero kung abala ka sa mga tungkulin mo bilang hari, ayos lang naman saking si Tita Violet na lamang ang magturo sakin,” pahabol kong saad sa kanya. “Kapag hindi ako abala sa palasyo, tuturuan kita pero habang marami akong ginagawa, sasabihan ko si tita na turuan ka muna niya,” sagot ni Jason sa akin at tumango naman ako sa kanya. Matagal din kaming nabalot ng katahimikan hanggang sa marinig ko ang tiyan niya na kumulo. “Pfft hahaha,” tawa ko sa narinig kong tunog, ang lakas kasi nito na para bang ilang araw siyang hindi kumain. “D*mn! I’m hungry,” sabi niya sakin kaya mas lalo akong natawa dahil inamin niya mismong siya nga yun. “Haha tara na kumain na tayo,” pag aaya ko sa kanya at kumalas na sa pagkakayakap. “I already have you here, Can I just eat you, my queen?” Nakangising tanong nito sakin kaya binatukan ko nga. “What the hell!?” Reklamo niya habanng hawak hawak yung ulo niyang binatukan ko. “Kamanyakan mo umiiral na naman, halika na, gutom na rin ako,” sabi ko sa kanya at sinuot na ang tsinelas ko at tsaka nag lakad na papunta sa pinto at binuksan ito, pero bago pa man ako lumabas ay nilingon ko muli siya at nakitang nakahiga na naman siya sa kama. “Kailangan mo muna kumain ng madami, baka mamaya eh hindi tayo makarami niyan,” naka ngising sabi ko sa asawa ko ng nasa may pinto na ko. Napansin ko naman ang agad niyang pag bangon at dali daling sinuot ang tsinelas niya at sa isang kurap lang ay nasa likod ko na siya nakatayo habang naka todo ngisi pa. Napailing na lang ako. Manyak talaga. Naglakad na kaming dalawa papunta sa kusina. Napansin ko ring wala nang bampira ang nagpupunta dito at madilim na din sa labas. “Anong oras na ba?” Tanong ko sa asawa kong tahimik na naglalakad sa tabi ko. “It’s past 9 pm already,” sagot niya sa tanong ko na ikinagulat ko naman. “Hala! Ang haba naman ng tulog natin kanina, baka di na ko makatulog niyan mamaya,” reklamo ko sa kanya ng makarating kami sa kusina. Kumuha ako ng isang baso at sinalinan ito ng tubig tsaka uminom. “Okay lang, magiging busy naman tayo mamaya eh,” narinig kong sabi ni Jason kaya halos masamid naman ako sa iniinom kong tubig. “G*go ka talaga,” inis na sabi ko sa kanya kaya natawa naman siya. “Basta kamanyakan ang daldal mo no?” Tanong ko sa kanya kaya mas lalo siyang natawa. “Hahaha ayos lang, ikaw lang naman minamanyak ko,” sagot pa nito at kumindat sakin. Hindi ko alam kung matatawa ba ko o maiinis sa sinabi niya pero napag isip isip ko na tama naman siya. Mas okay na nga yun kesa sa ibang babae pa siya maghanap ng init ng katawan. “Well, may point ka dun ha,” sabi ko sa kanya at tumango tango at nilagay na ang basong ginamit ko sa lamesa. Napansin ko naman ang pag lapit niya sakin at ang pag yakap niya mula sa likuran ko. “So, pwede na ba nating simulan ngayon?” Nakakaakit niyang bulong sa kanang tenga ko kaya humarap naman ako sa kanya at ipinulupot ang mga kamay ko sa leeg niya papunta sa batok niya tsaka siya hinalikan sa labi. Agad din naman siyang humalik pabalik at hinigpitan ang yakap sakin. Pinutol ko na ang halik namin pero pilit niya pa ring inaabot ang labi ko ngunit hinarangan ko na ito gamit ang kaliwang kamay ko kaya agad namang napa kunot ang noo niya kaya natawa na lang ako. “Kumain na muna tayo,” sabi ko sa kanya at kumalas na sa yakap niya. “Sige na, maupo ka na diyan, mag hahain na ko,” sabi ko sa kanya at kumuha ng dalawang plato. “Meron pa kayang ulam?” Tanong ko sa sarili ko. “Mahal na reyna, mahal na hari, magandang gabi po,” nagulat ako sa biglang nag salita kaya agad akong napalingon doon. “Ah good evening po,” bati ko rin sa babaeng bampirang taga silbi. “Ipaghahain ko na po kayo,” pag prisinta ng bampira kaya tumango na lang ako. “Sige po, salamat,” sabi ko sa kanya at naupo na sa tabi ni Jason habang hinihintay na matapos mag hain yung babaeng bampirang taga silbi. Nang matapos na siya ay nilagyan ko na ng kanin ang plato ni Jason tsaka nilagyan na din siya ng ulam. “Buti na lang tinirhan pa nila tayo ng ulam no?” Sabi ko sa kanya habang kumukuha ng ulam. “Yeah and I guess si mom ang nag patabi nito,” sagot ni Jason habang kumakain. “Tingin ko din eh,” segunda ko sa kanya at kumain na kaming dalawa. Tanging tunog lang ng mga kubyertos ang naririnig dito sa kusina. Halos mag kalahating oras din kaming kumain hanggang sa matapos na kaming dalawa at hinugasan ko na ang mga pinagkainan namin tapos si Jason eh naka upo lang habang pinapanuod akong naghuhugas ng mga plato. Di rin naman nagtagal ay natapos na akong maghugas kaya naglakad na kami pabalik sa kwarto namin. Nang makarating kami sa tapat ng pinto ay natigilan ako sa paglalakad dahil sa may naramdaman akong presensiyang nakatingin sakin ngayon. “Babe? Are you okay?” Tanong ni Jason kaya napalingon ako sa kanya. “Uhm sandali lang ha may titignan lang ako,” sabi ko sa kanya at nagtungo na sa isang pasilyong papunta sa may veranda. Pagkarating sa veranda eh wala naman akong nakitang nilalang na nandito kaya inilibot ko ang paningin ko sa paligid pero wala na ang presensyang naramdaman ko kanina. “Hey, okay ka lang ba?” Tanong ni Jason na sumunod pala sa akin kaya nilingon ko siya at niyaya na pabalik sa kwarto namin. “Yes, akala ko lang kasi,” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng maisip kong huwag na lang sabihin kay Jason ang naramdaman ko kanina. “What?” Tanong ni Jason kaya tumingin ako sa kanya at ngumiti. “Wala, halika na,” pag aaya ko sa kanya at pumasok na sa kwarto namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD