Chapter 30: Passed Out

2444 Words
*Third Person’s POV* Rinig na rinig sa buong kagubatan ang sigaw ni Joanna kaya naman ang lahat ng nilalang sa loob ng ipinagbabawal na gubat ay nagising mula sa kanilang pag tulog, pati na rin ang mga prinsesa kaya dali dali silang nag punta sa kwarto ni Joanna at napansin nilang wala ang kaibigan dito kaya agad silang lumabas ng bahay. Pag kalabas nila ay nakita nila ang iba pang nilalang na lumabas din sa mga tahanan nila, napansin din nila si Ken na tumatakbo papunta sa kanilang lima. “Nasan si Joanna?” “Nandiyan ba ang mahal na reyna?” Magkasabay na tanong nila Ken at Andrea sa isa’t isa. “Hindi ko po alam,” “Wala siya dito,” mag kasabay din nilang sagot sa tanong ng isa’t isa. “Maior Natu! Maior Natu!” Narinig nilang lahat na sigaw ng isang tigreng nag sasalita, lalaki ang boses nito kaya naman alam kaagad na lalaki ito. Agad na lumapit si Elizabeth, ang Maior Natu, sa tigreng sumisigaw. “Ano ang nangyari?” Tanong ni Elizabeth habang lumulutang papalapit sa kanilang lahat lalo na sa mga prinsesa. “Nakita ko po ang mahal na reyna,” sagot ng tigre ng makalapit ito kay Elizabeth. “Saan? Anong nangyari sa mahal nating reyna?” Tanong ni Elizabeth na narinig naman ng mga prinsesa at ni Ken kaya nag katinginan naman ang mga ito at agad na lumapit kay Elizabeth. “Nasan si Joanna?” Sabay sabay na tanong ng mga prinsesa at agad namang humarap ang tigre sa direksyon ng kinaroroonan ni Joanna. “Dito po mga mahal na prinsesa, sundan niyo po ako,” sagot ng tigre sa kanila at nag simula nang tumakbo kaya sumunod naman sa kanya ang mga prinsesa, pati na rin sila Ken at Elizabeth, nasa likuran naman nila ang iba pang nilalang. Tuloy lang sila sa pag takbo hanggang sa makarating sila sa dulong bahagi ng kagubatan at doon nga nila natagpuan si Joanna na nakahandusay na sa lupa at walang malay. “Joanna!” Sigaw ng mga prinsesa at agad nilapitan ang kanilang kaibigan at sinubukan itong gisingin pero hindi ito umuubra. Kinuha ni Neca ang espada ng kaibigan na nakita niyang nakalapag lang din sa lupa. “Dalhin na muna natin siya sa kanyang silid at doon na lamang siya gagamuntin ni Silas,” sabi ni Elizabeth kaya nag lakad naman palapit si Ken sa mga prinsesa. “Ako na po ang mag bubuhat sa kanya,” pagpi prisenta ni Ken kaya tumango naman sa kanya ang mga prinsesa at nag bigay daan sa kanya para mabuhat na si Joanna pabalik sa kanilang tahanan. Binuhat ni Ken si Joanna at nag lakad na siya pabalik sa bahay na pinag lalagian ng mga prinsesa at ng reyna. Sumunod naman sa kanya ang mga prinsesa at si Silas. “Magsi balik na kayo sa inyong mga tahanan, kami na ang bahala sa reyna,” pag uutos ni Elizabeth sa mga nilalang na kasama nila sa loob ng kagubatan at agad naman silang sumunod sa utos ng kanilang Maior Natu. Pagkatapos masigurado na umalis na ang lahat ng mga nilalang na naki masid kanina ay sinuri ni Elizabeth ang selda na nakapalibot sa kanila. Sinubukan niyang hawakan ito pero kagaya ng nangyari kay Joanna ay nakaramdam lang siya ng sakit at paghapdi sa palad niya kaya agad niyang tinanggal ang kamay niya sa pagkaka hawak sa selda. “Mukhang hindi na rin makakalabas pa ang mahal na reyna at ang mga prinsesa, isa na rin sila sa amin,” sambit ni Elizabeth sa sarili. Katulad ng mga pangitain ko sa aking panaginip. Lalaya na nga kami. Malapit na mahal na reyna, basta huwag mo lang tatakasan ang kapalarang nag hihintay sayo. Sa isa pang pagkakataon ay pinagmasdan ni Elizabeth ang selda bago nilisan ang lugar at nag tungo na rin sa bahay na tinutuluyan ng mga maharlika. Pag karating niya sa tahanan nila Joanna ay agad nang pumasok sa loob si Elizabeth at napansin niya agad ang mga prinsesa na naka upo sa upuang yari sa kawayan sa kanilang salas. “Kamusta na ang mahal na reyna?” Tanong ni Elizabeth kaya napunta naman sa kanya ang atensyon ng lahat nang naroroon sa salas. “Ginagamot pa rin po siya ni tatang Silas,” sagot ni Ken sa tanong ni Elizabeth. “Ganoon ba? Sige, mag hintay na muna tayo rito,” sabi ni Elizabeth. “Maior Natu, maupo po muna kayo rito,” sabi ni Ken kay Elizabeth kaya agad namang naupo si Elizabeth sa upuang binigay ni Ken sa kanya at tsaka na lamang nawala ang pag ilaw ng kanyang noo. “Salamat,” pag papasalamat ni Elizabeth kay Ken at tahimik lang silang nag hintay na matapos ang pag gagamot sa kanilang reyna. Makalipas ang isang oras ay lumabas na si Silas sa silid ni Joanna at nag tungo sa salas kung nasaan tahimik at nag aalalang nag hihintay ang mga prinsesa, kasama sila ni Ken at Elizabeth. Pag kalabas ni Silas ay napansin siya agad ni Andrea kaya napatayo naman si Andrea at tinanong agad ang matandang lalaki. “Kamusta na siya? Kamusta na ang lagay ni Joanna?” Sunod sunod na tanong ni Andrea. “Sa ngayon po ay napagaling ko na po ang mga sugat sa kanyang katawan, lalong lalo na ang namamaga niyang mga kamay pero hindi ko pa po masasabi kung kelan magigising ang reyna,” sagot ni Silas sa tanong ni Andrea. “Panong hindi alam? Eh diba may kakayahan kang makapag pagaling ng kahit na ano mang sugat o sakit?” Tanong ni Ken sa kay Silas. “Oo Lex ngunit mas higit na makapangyarihan ang epekto ng selda kesa sa kakayahan ko,” sagot ni Silas sa kay Ken na ipinag takha ng mga prinsesa. “Selda?” Nag tatakhang tanong ni Catliya. “Wala iyon mahal na prinsesa,” biglang sagot ni Elizabeth kaya napatingin naman sa kanya ang mga prinsesa. “Pero kakasabi niya lang,” hindi na natapos ang sasabihin ni Eryell ng muling mag salita si Elizabeth. “Uunahin pa ba natin iyong sinabi ng matandang lalaking iyan kesa sa kapakanan ng ating reyna?” Malungkot na tanong ni Elizabeth sa mga prinsesa kaya napatahimik naman silang lahat. “Sa ngayon ay hayaan na muna nating makapag pahinga ang mahal na reyna, baka masyado lamang siyang napagod o nasaktan sa mga sugat na kanyang natamo,” sabi ni Elizabeth at muli na namang umilaw ang bilog sa kanyang noo, kasunod nito ay ang pag lutang niyang muli papunta sa pinto ng bahay ng mga maharlika. “Mga mahal na prinsesa, bukas na lamang po namin ulit gagamutin ang mahal na reyna. Sa ngayon ay paki bantayan na lamang po muna siya,” sabi ni Silas sa mga prinsesa at tumango naman ang mga ito sa kanya. “Sige, kami na ang bahala,” sabi ni Neca at yumuko naman sa kanila si Silas bilang senyales ng respeto. “Babalik na lang din po ako bukas,” pag papaalam ni Ken at tsaka tumayo na mula sa pagkaka upo. “Sige, salamat sa pag dala kay Joanna dito,” sabi ni Rhoda sa kay Ken na yumuko lang sa kanila at nag lakad na rin papuntang pinto, naka sunod naman sa kanya si Silas. Pagka labas ni Silas ay sinarado na ni Eryell ang pinto at tsaka ito nilock at naupo muli sa upuan. “Bakit kaya nandun si Joanna?” Tanong ni Eryell sa mga kaibigan nito. “Hindi ko rin alam eh pero dala dala niya yung espada niya kanina,” sabi ni Rhoda na tinanguan naman ni Neca. “Oo, nilagay ko na ulit yun sa loob ng cabinet niya,” sabi ni Neca. “Nakapag tatakha lang,” sabi ni Andrea kaya napa tingin sa kanya ang mga kaibigan niya. “Ang alin Dre?” Tanong ni Catliya. “Kanina, yung sinabi ni Silas,” sabi ni Andrea “Yung selda?” Pag kukumpirma ni Rhoda at tumango naman sa kanya si Andrea. “Oo nga no, tsaka napansin ko din,” sabi ni Catliya kaya napunta naman sa kanya ang atensyon ng lahat. “Parang iniiwasan ni Elizabeth ang topic na yun,” dagdag pa nito. “Diba Dre ang ibig sabihin ng selda ay cage or prison?” Tanong ni Neca at tinanguan naman siya ni Andrea. “So ibig bang sabihin nun ay nasa loob tayo ngayon ng isang cage?” Tanong ulit ni Neca kaya napatingin sa kanya ang mga kaibigan nito. “Aalamin natin yan pero sa ngayon, hintayin na lang muna nating magising si Joanna at tsaka tayo mag iimbistiga,” sabi ni Andrea na tinanguan naman ng iba pang prinsesa. “Sa ngayon, bumalik na lang muna tayo sa pag papahinga,” dagdag na sabi ni Andrea. “Sige sige,” sabi ni Eryell at tumayo na, sumunod naman sa kanya si Rhoda. “Good night girls,” paalam naman ni Catliya at tsaka humikab. “Ako din balik na muna ko sa kwarto ko,” sabi ni Neca at nag lakad na din papunta sa kwarto niya. Bago bumalik sa kwarto niya ay dinouble check muna ni Andrea ang lock ng pinto at mga bintana. Pag katapos ay dumaan na din muna siya sa kwarto ni Joanna at inayos ang kumot ng kaibigan. “Magpa galing ka lang diyan Jo, nandito lang kami,” sabi ni Andrea sa natutulog nitong kaibigan at lumabas na ng silid nito. Dahan dahan niyang sinarado ang pinto ng kwarto ni Joanna at nag punta na sa kwarto niya. Pagka pasok sa loob ay agad nang nahiga sa kama si Andrea at pinikit ang mga mata. Ano kaya yung tinutukoy nilang selda? Habang ang mga prinsesa ay nag papahinga nang muli sa kani kanilang mga silid ay hindi nila napapansin ang isang nilalang na nag mamasid sa kanilang reyna. “Ikaw ang dahilan kung bakit kami nandito ngayon,” rinig sa bawat salita ng nilalang ang galit na kanyang nararamdaman. “Dahil sayo, dahil sa kasalanang ginawa mo, pati kami nadadamay,” muling sambit nito habang nakatingin ng masama sa reynang natutulog. “Sino yan?” Tanong ng isang nilalang na napadaan sa bahay ng mga maharlika kaya agad namang umalis ang nilalang na nag mamatyag sa reyna. Sinilip ng napadaang nilalang ang lugar kung saan siya may narinig na kaluskos pero wala siyang nakita doon kaya isina walang bahala niya na lang ito at nag tuloy na sa pag lalakad papunta sa tahanan nito. Sa kabilang dako naman ng mundo nila ay matatagpuan ang palasyo ng pamilya Hunter, ang kaharian ng Venandi. “Mom, bakit wala pa po sila ni kuya?” Tanong ng bunsong anak ni Josephine, si Jasmine. “Hindi ko rin alam anak, pero baka maya maya ay nandito na din sila,” pagpapa kampante ni Josephine sa anak nito at hindi nga nag tagal ay dumating na ang mga kawal na kanilang inutusan upang kunin ang mga prinsipe at ang kanilang hari sa mundo ng mga tao. Dali daling lumapit sila Jasmine at Josephine ng makita nila si Jason na walang malay habang buhat buhat ng dalawang bampirang kawal. Nakita nila ang pag usok ng balat nito pati na rin ang iilang sugat nito sa kamay. “Dalhin niyo sila sa klinika, ngayon din,” utos ni Josephine sa mga kawal at agad naman nila itong sinunod. Nang mailagay na sa mga kamang nakalaan para sa pasyente ang mga prinsipe at hari ay agad na silang ginamot ng mga manggagamot sa palasyo. Sinigurado din ng mga ito na malilinisan ang mga sugat nito at mawawala ang bakas ng sinag ng araw sa mga katawan nito. Nasa labas lang nag hihintay sila Jasmine at Josephine habang si Violet naman ay pababa pa lamang sa hagdan. “Ate, kamusta na sila?” Tanong ni Violet sa kapatid nito. “Nasa loob pa po sila sa ngayon at ginagamot,” sagot naman ni Jasmine sa tanong ni Violet dahil hindi na makasagot pa si Josephine ng dahil sa pag aalala sa anak nito. Maya maya lamang ay lumabas na ang mga manggagamot mula sa klinika kaya agad namang lumapit si Josephine sa mga ito. “Kamusta na ang hari?” Tanong ni Josephine sa manggagamot. “Nag hilom na po ang mga sugat niya ngunit hindi ko pa po alam kung kelan siya magigising,” sagot nito sa kay Josephine. “Ganun ba, eh ang mga prinsipe?” tumatango tangong sabi ni Josephine. “Kailangan lang po nila ng pahinga pero wala naman po silang natamong sugat o sunog sa katawan,” sagot ng isa pang manggagamot. “Sige po salamat po,” sabi ni Jasmine sa mga manggagamot. “Sige po mga mahal na maharlika, aalis na po kami,” sabi ng isa sa mga manggagamot na tumingin at gumamot sa kanila ni Jason. “Sige po, salamat,” sabi ni Violet sa kanila. “Ihahatid ko na kayo palabas,” dagdag pa ni Violet. “Maraming salamat po,” sabi ng mga manggagamot at sumunod na nga sila kay Violet palabas ng palasyo. “Mom, don’t worry, ligtas na po sila ni kuya,” sabi ni Jasmin sa ina para gumaan ang loob nito. “I know, I know,” sabi na lang ni Josephine. “Pupuntahan ko lang ang kuya mo sa loob,” sabi ni Josephine at tumango naman sa kanya si Jasmine. Pumasok na si Josephine sa loob at nakita niya ang anak niyang naka higa ngayon sa kama at walang malay, napapagitnaan ng mga kamang hinihigaan nila Andrew at Rence, habang sila ni Nicolo, Kevin at Aldrin naman ay nakahiga sa mga katapat na kama. Inayos ni Josephine ang mga kumot na nakapatong sa mga anak niyang lalaki. Kahit na hindi niya talaga kadugo ang limang prinsipe ay tinuturing niya pa rin itong mga anak niya. Nang masigurado niya nang maayos na ang pagkakahiga at mga kumot ng mga prinsipe ay lumapit naman ma si Josephine sa anak nito, ang haring si Jason. “Anak, alam kong nalulungkot ka ngayon sa pag alis ng iyong asawa ng walang pasabi, ngunit huwag mo sanang pabayaan ang iyong sarili at ang responsibilidad mo bilang hari,” bulong ni Josephine sa anak habang hinahaplos haplos ang buhok nito. “Mag pagaling ka muna anak, ako na muna ang bahala sa kaharian, pero kailangan mong magising, bago pa man dumating ang sugo ng mga Vampiros Reales de Antaño,” bulong ni Josephine sa anak nitong wala pa ring malay hanggang ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD