Chapter 31: Meet Me In Your Dreams

2232 Words
*Third Person’s POV* Pagka labas ni Josephine sa klinika ay nadatnan niya doon sila ni Jasmine at Violet na nag hihintay sa kanya. “Ate, okay ka lang ba?” Tanong ni Violet sa kapatid nito. “Oo, ayos lamang ako,” sagot ni Josephine sa kanya. “Tara na mom, ihahatid na kita sa silid mo,” sabi ni Jasmine at inalalayan ang ina papunta sa hagdanan. “Sige po tita, good night po,” paalam ni Jasmin sa tita nito at humalik sa pisngi nito. “Sige, good night sa inyo, ihatid mo ang mommy mo sa silid niya ha,” paalala ni Violet sa pamangkin niyang tumango naman sa kanya at tsaka sila ni Josephine nag simulang mag lakad papunta sa hagdan. Tumawag muna si Violet ng dalawang kawal para mag bantay sa labas ng klinika bago umakyat papunta sa kanyang silid. Sa kalagitnaan ng pag papahinga ni Jason ay nag karoon siya ng isang panaginip. *Jason’s POV* Where am I? Inilibot ko ang paningin ko sa paligid pero wala akong ibang nakikita kundi puro puti lamang. Nag lakad lakad ako at nag hanap ng kung sino mang maaaring pag tanungan pero wala akong nakita ni isa man lang at hindi ko rin alam pero ang lamig ng pakiramdam ko. “Jason,” narinig kong tawag ng isang babaeng pamilyar na pamilyar sa akin. “Joanna!? Nasan ka!?” Tanong ko at tinignan ang paligid ko ngunit hindi ko siya makita. “Mahal ko,” tawag nitong muli kaya pinilit kong sundan ang boses ni Joanna. “Joanna nasan ka!?” Sigaw kong muli. “Joanna!” Paulit ulit lang ang sigaw ko at tumakbo na papunta sa direksyon ng boses niya pero ni anino niya ay hindi ko makita. “Jason, stop,” sabi ni Joanna kaya huminto ako sa pag takbo pero hindi ko pa rin siya nakikita. “Jason, bakit ka nag punta doon? Alam mong delikado iyon para sayo,” nag aalalang sambit nito pero umiling lang ako sa kanya. “Mas gugustuhin ko pang mapahamak ang sarili ko kesa sa hindi ka makasama,” sagot ko sa mahal kong reyna at napayuko na lamang. Ang bigat ng dibdib ko dahil sa pag pipigil sa emosyong aking nararamdaman, labis labis na akong nangungulila sa kanya, gusto ko na siyang hawakan, halikan, at higit sa lahat gusto ko na muling iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal pero hindi ko magawa dahil wala siya ngayon sa tabi ko at hindi ko alam kung nasaan siya. Habang naka yuko ay ramdam ko ang mga hapdi ng pagkaka sunog ng balat ko dahil sa sinag ng araw mula sa mundo ng mga tao pero hindi ko ito alintana, dahil higit na mas dama ko ang sakit na dulot ng pangungulila sa aking minamahal. “Joanna, paki usap, bumalik ka na,” bulong ko sa hangin at naramdaman ko na lang ang pag haplos ng isang malamig pero pamilyar na kamay sa aking pisngi kaya agad kong inangat ang ulo ko at doon, nakita ko si Joanna na nakatayo at naka ngiting tumitingin sakin. “Mahal ko,” sambit ko at agad siyang niyakap pero nakapag tatakha lamang dahil hindi ko siya mahawakan. “Bakit hindi kita mahawakan? Anong nangyari sayo?” Tanong ko sa kay Joanna. “Huwag kang mag alala, okay lang ako, hindi ko rin alam kung pano to nangyari pero at least kahit sa ganitong paraan, nakita kita muli,” sagot ni Joanna sa tanong ko. “Pero hindi kita mahawakan,” malungkot kong saad sa kanya at napa iling iling na lamang siya. “Jason, makinig kang mabuti sakin,” sabi ni Joanna kaya tumingin lamang ako sa kanya at taimtim na nakinig sa kanyang sasabihin. “Huwag kang masyadong mag alala sakin dahil kung nasaan man ako ngayon, ito ay parte ng tadhanang naka laan sakin,” sabi niya at hinawakan ng dalawang kamay ang mag kabilang pisngi ko. “Hindi ko maipapangakong makakabalik ako agad pero babalik ako at sa oras na mangyari yun, hinding hindi na ko makakapanakit pa ng kahit na sino,” dagdag ni Joanna pero umiling lang ako. “Hindi mo kailangan lumayo, kaya kong harapin ang kapangyarihan ng elemento ng niyebe,” sabi ko sa kanya at pilit na hinawakan ang kanyang mga kamay ngunit tumatagos lamang ang kamay ko na para bang isa siyang hangin na hindi ko mahawakan pero ramdam ko naman. “Oo pero hindi ang pamilya mo, hindi ang mga nasasakupan mo, hindi nila kayang protektahan ang sarili nila laban sakin, laban sa elementong nandito sa loob ng katawan ko,” sabi ni Joanna. “Wala akong pakialam! Paki usap, umuwi ka na,” nagsusumamong sabi ko sa kanya pero umiling lang siya. “I’m sorry alam ko mahirap ‘tong magiging sitwasyon natin pero Jason, alalahanin mo, isa kang hari, marami ang umaasa sayo kaya sana,” sabi niya at humakbang palapit sakin. “Sana unahin mo ang kapakanan mo, alagaan mo ang iyong sarili at ng mga nasasakupan mo, unahin mo sila kesa sakin. Mangako ka, na kahit anong mangyari, uunahin mo ang sarili mo at mga nasasakupan mo kesa sakin,” sabi ni Joanna pero umiling lang ako. “Kung ang kapalit ng pagiging hari ko ay ang mawala ka, pwes handa akong tanggalin ang koronang naka patong sa ulo ko, makasama ka lang,” sabi ko sa kanya. “Jason please! Nahihirapan din ako kaya please, huwag mo na akong pahirapan pa, ito ang naging desisyon ko, ito ang alam kong mas makakabuti sating dalawa at sa mga nilalang na nakapaligid satin, kaya nakiki usap ako sayo,” sabi niya at nakita ko na naman ang mga luha niyang pumatak sa kanyang pisngi. Masakit na malayo sa kanya pero mas masakit makitang umiiyak siya dahil sakin. “Jason, mangako ka na kapag dumating ang araw na kailangan mo kong tapusin para maprotektahan ang mas nakakarami, gagawin mo ito,” sabi niya kaya napatingin ako sa kanya na hindi makapaniwala. Anong ibig niyang sabihin? At bakit ganito siya? Bakit mas pinipili niya pa ang kapakanan ng ibang nilalang na wala namang pakialam sa amin kesa saking asawa niya? “Jason, wala na tayong oras, tandaan mo mahal na mahal kita. Gagawin ko ang lahat para makontrol ang kapangyarihan ng elemento ng niyebe. Gagawin ko ang lahat, sa abot ng aking makakaya para mas maaga akong makabalik sayo. Mahal na mahal kita Jason, higit pa sa buhay ko,” sabi niya at inilapit ang kanyang mukha sakin kaya ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at naramdaman ko ang pag lapat ng kanyang malambot na labi saking labing nangungulila na sa kanyang halik. Pag dilat ko ng mga mata ko ay tanging puting kisame na lamang ang aking nakikita. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at napansing nasa loob pala ako ng klinika dito sa palasyo. Ibig sabihin ay wala si Joanna dito, tanging panaginip lamang ang nakita ko. “Mahal na mahal din kita Joanna. Mag hihintay ako sa muli mong pag babalik,” bulong ko sa hangin at hiniling ko na lamang na maririnig ito ni Joanna. Narinig kong bumukas ang pinto ng klinika pero hindi ko ito pinansin at tumingin lang sa kisame. “Kuya? Oh my! Gising ka na! I have to tell mom!” Narinig ko ang boses ng kapatid ko at ang muling pag bukas ng pinto ng klinika. Maya maya lamang ay bumukas na muli ang pinto ng klinika at rinig ko ang sunod sunod na yapak ng mga paa na papalapit sakin. “Son! Mabuti naman gising ka na! Kamusta ang pakiramdam mo?” Rinig kong tanong ni mom pero hindi ko siya sinagot. “Mom, I think need pa ni kuya ng pahinga,” rinig kong sabi ni Jasmine. “Yes, yes, you’re right,” sagot ni mom sa kapatid kong babae. “Jason, anak, mag pahinga ka na muna ha, mamaya mag hahatid ako ng pag kain mo dito ha at tsaka ikukuha na rin kita ng maiinom,” sabi ni mom pero di pa rin ako sumasagot, iniisip ko pa rin kasi si Joanna. Kahit na anong gawin ko o kahit na anong sabihin niya o ng kung sino man, hindi ko pa rin kayang hindi siya isipin. Kapag nag tagal pa ‘to baka mabaliw na nga talaga ako. “Uhm, sige anak, maiwan ka na muna namin,” sabi ni mom at hinalikan ako sa noo tsaka sila lumabas ni Jasmine. Pagka sarado ng pinto ay pinilit ko ang sarili kong maka upo sa kama, kahit na nanghihina pa rin ay nakaka galaw galaw na rin naman ako. Tinignan ko ang ibang hospital bed na nandito sa loob ng klinika pero wala namang iba pang naka higa dito. Tinanggal ko na rin ang kung anong naka tusok sa kamay ko. Maya maya lang din ay narinig ko na namang bumukas ang pinto ng klinika at ang pag pasok ni mom kasunod ang isang taga silbing bampira. “Paki lagay na lang dito sa lamesa,” sabi ni mom na sinunod naman ng taga silbi at tsaka ito lumabas. “Son, okay na ba ang pakiramdam mo? Heto, kumain ka na muna,” sabi ni mom pero umiling lang ako. “Wala akong gana,” sabi ko na lang sa kanya. “Anak, kailangan mong kumain, kailangan mong maibalik ang iyong lakas,” sabi ni mom. “Anak, paki usap, alagaan mo ang iyong sarili,” sabi ni mom at naalala ko ang sinabi ni Joanna sa panaginip ko. “Sana unahin mo ang kapakanan mo, alagaan mo ang iyong sarili at ng mga nasasakupan mo, unahin mo sila kesa sakin,” Kinuha ko ang kutsara mula sa tray ng pagkain at sinimulan na ang pag kain sa binigay ni mom. Pangako mahal ko, aalagaan ko ang sarili ko hanggang sa makabalik ka na. “Sige anak, ubusin mo yan ha,” sabi ni mom pero di ko siya pinapansin. “At eto pala, kumuha na ako ng stock ng dugo sa vault natin kaya inumin mo ito ha, presko pa ito dahil kakarating lamang nito kahapon,” sabi ni mom. Kahapon? Wala akong maalalang may nag hatid ng stock ng dugo dito sa palasyo bago ako umalis. “Ilang araw ba akong walang malay?” Tanong ko kay mom. “Isang linggo ka ring walang malay anak,” sagot ni mom sa tanong ko. Kaya naman pala. “I see,” mahinang sambit ko na lamang at tinapos na ang pag kain ko. Nang makatapos na ay agad na ring lumabas si mom at hinayaan na akong makapag pahinga. Muli ko na naman naramdaman ang antok at bigat ng katawan kaya hinayaan ko na muna ang sarili kong makapag pahinga na muna pero bago pa man ako balutin ng antok ay muli kong naalala ang asawa ko at napa bulong na lamang sa hangin. Mahal na mahal kita Joanna, ngayon at mag pakailanman. *Joanna’s POV* Mahal na mahal kita Joanna, ngayon at mag pakailanman. “Mahal na mahal din kita Jason, sana tandaan mo ang mga sinabi ko sayo,” bulong ko sa hangin habang naka dungaw sa bintana dito sa kwarto ko. Hindi ko man maintindihan kung paano nangyari na nakapasok ako sa panaginip ni Jason, ay nag papasalamat pa rin ako dahil ngayon nasabi ko na sa kanya ang dahilan kung bakit ako umalis. Habang nakadungaw sa may bintana ay narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya agad akong napalingon dito at nakita ko si Andrea na nakatayo sa may pinto habang may hawak hawak na isang tray ng pag kain. Ngumiti ako sa kanya at ganun din siya sakin. “Kamusta na ang pakiramdam mo?” Tanong niya sakin. “Medyo nanghihina pa pero kaya ko na namang makatayo at makapag lakad lakad,” sagot ko sa tanong niya at tumango tango naman siya. “Eto kumain ka na muna,” sabi niya at inilapag sa lamesa ang tray ng pag kain. “Salamat,” sabi ko at dahan dahang nag lakad papunta sa lamesa at tsaka naupo sa upuan. “Kaya mo na ba yan?” Tanong ni Andrea at tumango naman ako sa kanya. “Oo, nanghihina lang ako pero kaya ko na ‘to,” sagot ko sa kanya at tumango tango naman siya. “Sige sige, maiwan na muna kita,” sabi ni Andrea at nag lakad na palabas ng kwarto. Dahan dahan kong inubos ang pag kaing dala dala ni Andrea kanina hanggang sa naubos ko na ito. Itinabi ko na lamang muna sa ibabaw ng lamesa ang pinag kainan ko dahil hindi pa naman ako maka lakad papunta sa kusina dahil hindi pa ako makatagal sa pag lalakad. Dahan dahan ako muling nag lakad papunta sa kama ko at naupo rito. Medyo nakakaramdam na rin ulit ako ng antok at pagod kaya naman ay ipinuwesto ko na muli ang sarili ko para mahiga at makapag pahinga na muna ulit para mabawi ko na agad ang lakas ko at maka usap na si Elizabeth. Marami akong gustong itanong sa kanya katulad na lamang ng kung anong meron sa kagubatang ito, bakit merong bakal na selda na nakapaligid dito at higit sa lahat, gusto ko siyang tanungin sa mga nalalaman niya tungkol sa elemento ng niyebe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD