Chapter 32: Elementis

2360 Words
*Joanna’s POV* Buong araw lang akong nag pahinga sa aking silid, pati na rin ang pagkain ko ay hinahatid na lang din nila Catliya at Andrea, salitan lang silang dalawa sa pag hatid at pag kuha ng mga pinag kainan ko, habang nag papahinga ay pansin ko ring mas mabilis akong naka bawi ng lakas ng binigyan ako ni Andrea ng isang baso ng dugo, hindi ko nga lang alam kung saan galing ang dugong iyon pero sabi niya eh ligtas naman daw ito kaya ininom ko ito ng tatlong beses kahapon kasabay ng pag kain ko. Nanatili lang ako sa loob ng silid ko at doon nag papahinga hanggang sa tuluyan na ngang bumalik ang lakas ko. Sa ngayon ay maaga akong nagising at naligo. Sa kasalukuyan ay nag bibihis na ako sa isang dress na kulay kayumanggi, abot ito hanggang sa talampakan ko tsaka ako nag suot ng isang sandalyas. Nais ko kasing puntahan si Ken para makapag simula na akong mag tanong ng mga bagay bagay tungkol sa lugar na ito at sa mga impormasyong alam niya tungkol sa elemento ng niyebe. Pagkatapos mag bihis ay agad na akong lumabas ng silid ko at nadaanan ko pa ang mga kwarto nila Andrea na nakasarado, siguro ay tulog pa sila kaya hindi na ako nag abala pang mag paalam sa kanila at tuloy tuloy na lang na nag lakad palabas ng bahay na tinitirhan namin. Pagka labas ko ng bahay ay agad na sumalubong sa akin ang presko at sariwang hangin na dulot ng mga nag lalakihang punong naka palibot sa amin. Ang sarap sa pakiramdam ng hanging humahaplos sa aking balat. Inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar at napansin ko na marami na sa mga taga rito ang gising at nag lilinis na ng kapaligiran. Meron na ring mga batang naliligo sa may sapa at ang iba naman ay nag hahabulan pa. “Magandang umaga, mahal na reyna,” narinig kong bati ng mga nilalang sa aking kanan kaya napalingon ako sa kanila at nakita ang tatlong menor de edad na bampirang naka yuko habang naka harap sa akin at naka tayo naman sa labas ng kahoy na bakod na hanggang bewang ko lamang. “Magandang umaga rin sa inyo,” bati ko rin sa kanila at tsaka lamang nila inaangat ang kanilang ulo at ngumiti sa akin kaya ngumiti rin ako sa kanila pabalik. Aalis na sana sila ng tawagin ko silang muli. “Sandali,” sabi ko at napa hinto naman sila sa pag lalakad at humarap muli sakin. “Alam niyo ba kung nasaan si Ken?” Tanong ko sa kanilang tatlo at nag tatakha naman silang nagka tinginan. “Paumanhin mahal na reyna, ngunit wala po kaming kakilalang ken,” sabi ng isa sa mga nilalang na kausap ko. Hindi nila kilala si Ken? “Uhm...ah! Oo tama, tama, si Lex pala ang aking tinutukoy,” sabi ko sa kanila. “Ahh si frater (kuya) Lex,” sabay sabay nilang sabi habang tumatango tango pa, kaya kahit hindi ko man naintindihan yung prater na sinabi nila ay tumango na lang din ako sa kanila. “Nandoon po siya sa may kakahuyan, mahal na reyna, nag sisibak po siya ng kahoy,” sagot ng lalaking kasamahan ng mga nilalang na kausap ko. “Ganun ba? Maaari niyo ba kong samahan papunta doon? Hindi ko pa kasi kabisado ang buong lugar na ito,” sabi ko sa kanila at sabay sabay naman sila ulit tumango. “Opo, mahal na reyna,” sabay sabay nilang sagot at nag simula na mag lakad kaya sumunod naman ako sa kanila. Habang nag lalakad kami ay nag uusap usap din kami at pinakilala na din nila ang kanilang mga sarili. Una ay ang nag iisang lalaki sa kanilang tatlo, si Elon. Isa siyang bampirang nasa edad kinse na at meron siyang kakaibang bilis kung ikukumpara sa ibang bampira. Ang sumunod naman ay si Quinn, siya naman ay nasa ika labing apat na taong gulang na at kaya niya namang mag patubo ng mga gulay. At ang panghuli naman ay ang kakambal ni Quinn, si Quenie, mag kasing edad lamang sila ni Quinn at halos magka pareho lang din ang kakayahan nila pero ang kay Quenie naman ay prutas. “Nasan ang mga magulang niyo?” Tanong ko sa kanila at sabay sabay silang napa yuko at napansin ko rin ang pag bagsak ng mga balikat nila. Mukhang mali yata na itinanong ko pa ito. “Uhm pasensya na. Huwag niyo na lamang itong sagutin,” sabi ko sa kaagad sa kanila at inilihis ang pinag uusapan namin. “Pwede niyo ba kong ilibot sa buong lugar? Nais ko sanang mas makilala pa ang lugar na ito,” sabi ko sa kanila at nagka tinginan na naman sila muli at tsaka sabay sabay na lumingon sakin at ngumiti. “Sige po,” masiglang sabi nilang tatlo at ngumiti kaya napangiti na lang din ako. Kahit na may iniinda silang problema ay hindi nila ito hinahayaang maging balakid sa pagiging masaya nila, nakakamangha lang. Habang nag lalakad kami papunta sa kakahuyan ay para rin silang mga tour guide ko kasi tinuturo nila sakin ang mga tawag sa mga lugar na nadadaanan namin. “Mahal na reyna, eto po ang scholae, ito po ang paaralan namin dito,” sabi ni Elon at itinuro ang isang may palapag na bahay na gawa rin sa kahoy. “Anong grade na ba kayo?” Tanong ko sa kanila kaya nag tatakha naman silang tumingin sakin. “Ge...reyd? Ano po iyon mahal na reyna?” Tanong ni Quinn kaya napakamot na lang ako sa batok ko. Oo nga pala, magka iba nga pala dito at sa mundo ng mga tao. “Ahh haha wala yun, huwag mo na yun isipin,” sabi ko na lang sa kanya kaya tumango tango na lamang siya at nag patuloy sa pag lalakad. “Eto naman po ang tahanan ni tatang Silas,” sabi ni Quenie at tinuro ang isang bahay na napapaligiran ng mga halaman pero hindi naman ito namumulaklak. “Ang dami niya namang halaman,” puna ko sa mga nakikita kong halaman, pati nga rin sa loob ng bahay niya ay may naaninag pa akong mga halaman eh. “Ganoon po talaga si tatang Silas, isa po kasi siyang manggagamot dito,” sabi ni Quenie sakin kaya napatango na lamang ako. Kaya pala siya lagi ang gumagamot sakin. “Ibig sabihin ay may kakayahan siyang makapang gamot?” Tanong ko sa mga batang kasama ko. “Opo mahal na reyna,” sabay nilang sagot sakin. “Mahal na reyna, magandang umaga po,” narinig kong bati ng isang lalaki at pag lingon ko ay nakita ko si Silas na may dala dalang halaman na gumagalaw galaw pa sa kanyang kamay. “Uhm,” nasambit ko na lamang habang tinitignan ang halamang nag pupumiglas mula sa pagkaka hawak niya. “Ah isa po itong Oliva, ginagamit ko po ito para maka gawa ng gamot sa pangangati sa balat,” pagbibigay alam ni Silas kaya tumango na lamang ako sa kanya. “Papatayin mo ba yan?” Tanong ko kay Silas at napansin ko naman ang pagka bigla ng halamang hawak hawak ni Silas at maya maya lamang ay umiyak na ito kaya agad din naman akong humingi ng tawad. “P-Pasensya na hindi ko alam ang aking sinasabi. Pasensya na talaga,” paulit ulit kong sinasabi habang pinapatahan ang umiiyak na halaman. “Huwag kang mag alala mahal na reyna, hindi ko po papatayin ang munting nilalang na ito, papaliguan ko lamang po siya at ang tubig na ginamit ko pampaligo dito ay ang ginagamit ko upang panggamot,” sabi ni Silas kaya naka hinga naman ako ng maluwag at tumahan na din ang munting halaman. Tumingin ako sa halaman. “Patawad sa aking nasabi munting Oliva,” sabi ko rito, ngumiti ako sa kanya at napansin ko naman ang pag takip niya ng kanyang mukha gamit ang kanyang mga dahon. “Haha mukhang nahihiya pa siya sa iyo mahal na reyna,” sabi ni Silas. “Mukha nga po hehe,” sabi ko na lang. “Ah oo nga pala, kamusta na ang pakiramdam mo?” Tanoni ni Silas sa akin. “Mabuti na ang pakiramdam ko ngayon. Maraming salamat sa pag gamot sakin,” sabi ko sa kanya at ngumiti. “Sige aalis na muna kami at hahanapin ko pa si Ken, ay este si Lex,” pag papaalam ko kay Silas. “Sige po tatang Silas, alis na po kami,” sabay na sabi ng mga bampirang kasama ko at nag simula na mag lakad kaya sumunod na din ako sa kanila. “Mag iingat kayo mahal na reyna,” pahabol na sabi sa amin ni Silas kaya lumingon muna ako sa kanya at tumango. Nag patuloy kaming apat sa pag lalakad hanggang sa madaanan namin ang isang bakanteng lote na may kalayuan na sa mga bahay rito. “Dito naman po kami nag sasanay mahal na reyna,” sabi ni Quinn. “Nag sasanay? Nag sasanay ng kapangyarihan niyo?” Tanong ko sa kanilang tatlo at tumango naman sila. “Opo, dito po kami nag sasanay para malayo layo po sa mga tahanan namin at tsaka mas malaki po ang espasyo dito kaya pwede pong mag sanay ang lahat, pati na rin po ang mga bampirang elementis,” sagot ni Elon sa tanong ko. “Elementis? Ano ‘yun?” Tanong ko sa kanila. “Mataas na uri po sila ng bampira. Mga bampirang may kakayahang makakontrol ng mga elemento, kagaya na lamang po ng lupa, apoy at tubig,” sagot ni Quinn sa tanong ko. “Opo, kagaya po namin ng kambal ko, elementis din po kami pero nasa mababang uri lamang po ng elementis,” sabi ni Quenie. “So ibig sabihin eh may ranggo din pala sa mga bampira?” Tanong ko sa kanila pero sa tingin ko ay hindi nila ulit naintindihan ang sinabi ko. “Ah wala, huwag niyo na intindihin yung sinabi ko. Puntahan na lang natin si Ke~ ay hindi, si Lex pala,” sabi ko sa kanila at tumango naman silang tatlo sakin tsaka nag simula ulit mag lakad. Habang nag lalakad ay naririnig ko rin ang usapan nilang tatlo. “Naintindihan niyo ba yung ibang salita ng mahal na reyna?” Rinig kong tanong ni Elon sa mga babaeng bampirang kasama niya. “Hindi nga rin eh, nakakapag takha kung saan nanggaling ang mga salitang kaniyang binibigkas,” sabi ni Quinie kaya napangiti na lang ako. Hindi pa nga pala nila alam ang iba’t ibang klase ng lengwaheng ginagamit sa mundo ng mga tao, lalong lalo na ang English. “Nais kong matutunan yun kaso paano kaya? Eh hindi naman tayo makalabas dito eh,” sabi ni Quinn. Hindi makalabas? Yan din ang sinabi sa akin nung babaeng may pulang buhok na kasama ni Ken noong isang araw, pero ang hindi ko maintindihan ay bakit hindi sila makalabas. Dahil ba yun sa bakal na selda na nakita kong nakapalibot sa buong kagubatan? Pero bakit nga ba may bakal na selda? Kulungan ba ang lugar na ‘to? Napakadami kong katanungan ngayon at alam kong tanging sila ni Ken at Elizabeth lamang ang makakasagot nito kaya kailangan ko na talaga silang makausap. Patuloy lang kami sa pag lalakad hanggang sa makapasok na kami sa may kakahuyang parte ng tahanan nila. Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa may marinig na akong hampas ng isang bagay, mukhang malapit na nga kami sa kinaroroonan ni Ken. “Malapit na po tayo mahal na reyna,” nakangiting sabi ni Quinn sakin ng lumingon siya kaya ngumiti rin ako sa kanya at humarap na siya ulit sa dinaraanan niya. Maya maya lamang ay nakita ko na si Ken na nag sisibak nga ng kahoy sa di kalayuan. “frater (kuya) Lex!” Sigaw ng mga batang kasama ko kaya napa hinto naman sa pag sisibak ng kahoy si Ken. “Oh anong ginagawa niyo rito?” Tanong ni Ken sa mga bata, mukhang hindi niya pa ako napapansin. “Hinatid lang po namin dito ang mahal na reyna,” sagot ni Quinie sa tanong ni Ken at tsaka ako tinuro. “Ayun po siya oh,” sabi ni Quinie kaya napunta naman sakin ang tingin ni Ken. “Good morning,” bati ko sa kanya ng naka ngiti at pansin ko naman ang pagka tulala niya. “Hoy Ken!” Sigaw ko sa kanya kaya napailing iling naman siya at ngumiti rin pabalik. “Magandang umaga mahal na reyna,” bati rin ni Ken sakin. “Sige po, aalis na po kami, baka hinahanap na po kami ng iba naming kasamahan,” sabi ni Elon. “Sige, maraming salamat sa pag hatid sa akin dito ha, mag iingat kayo,” pag papasalamat ko sa kanilang tatlo na sinuklian naman nila ng ngiti at nag lakad na nga pabalik sa mga kasamahan nila. Nung una ay nag lalakad lamang sila ng normal hanggang sa isang kurap lang ay nawala na sila sa paningin ko, malamang ay ginamit na nila ang bilis nila bilang bampira. “Mahal na reyna, bakit ka nag punta dito?” Tanong ni Ken at kinuha muli ang palakol na ginagamit niya sa pag sisibak ng kahoy. “Gusto sana kitang maka usap Ken, I mean, Lex,” sabi ko. “Nalilito na ko. Ano ba ang totoo mong pangalan?” Tanong ko sa kay Ken o Lex o kung ano mang pangalan niya. “Lex ang totoo kong pangalan pero Ken ang pangalang ginagamit ko sa mundo ng mga mortal,” sagot niya at hinati ang isang putol na sanga ng kahoy. “Pero pwede mo pa rin naman akong tawaging Ken kung doon ka mas komportable,” sabi ni Ken kaya tumango na lang ako sa kanya. “Sige sige,” sabi ko sa kanya. “Ken, tapatin mo nga ko, ano ‘tong lugar na pinag dalhan mo samin?” Tanong ko sa kay Ken na napahinto naman sa pag sisibak ng kahoy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD