Chapter 33: Questions

2420 Words
*Joanna’s POV* “Ken, tapatin mo nga ko, ano ‘tong lugar na pinag dalhan mo samin?” Tanong ko sa kay Ken na napahinto naman sa pag sisibak ng kahoy. Tumingin siya sakin bago nag buntong hininga at kinuha ang mga kahoy na nasibak na niya. “Ken,” tawag ko muli sa kanya pero di siya lumingon o sumagot man lang bagkus ay binuhat niya ang mga kahoy na sinibak niya at inilagay sa isang karitong gawa sa kahoy. “Mahal na reyna, hindi na po importante kung ano itong lugar na ‘to, ang mahalaga naman po ay makapag sanay ka sa pag kontrol ng kapangyarihan mo, hindi ba?” Tanong ni Ken kaya mas lalo lang akong naintriga tungkol sa kagubatang ito. “Ken! Sagutin mo ang tanong ko! Ano ang meron sa kagubatang ‘to!? Bakit may nakita akong selda!?” Pasigaw na tanong ko kay Ken at napansin ko agad ang pagka gulat niya ng mabanggit ko ang salitang selda. “Hindi ko alam ang sinasabi mo,” matigas niyang sagot sa tanong ko kaya lumapit ako sa kanya. “Sasagutin mo o bubugbugin pa kita?” Malamig na tanong ko sa kanya kaya napayuko naman siya. “Mahal na reyna, hindi ko po talaga alam, hindi ko rin alam kung tama bang ako ang tanungin mo sa mga bagay bagay tungkol sa kagubatang ito,” seryosong sagot ni Ken kaya napa buntong hininga na lang din ako. “Pwes sabihin mo na lang sakin kung paano mo nalamang ako ang itinakdang maging tagapag mana ng elemento ng niyebe?” Tanong ko sa kanya. “Ang totoo niyan mahal na reyna, ay hindi ko talaga alam na ikaw ang nilalang na tinutukoy sa akin ng Maior natu, inutusan niya lamang akong lumabas ng kagubatan at mag tungo sa mundo ng mga mortal,” sagot ni Ken at naupo sa isang malaking sanga ng kahoy na hindi niya pa napuputol kaya nag lakad din ako palapit sa kanya at naupo sa tabi niya. “Inutusan ka lang ni Elizabeth?” Tanong ko sa kanya at tumango naman siya. “Paano mo nalaman na nadoon ako sa mafia?” Tanong ko ulit sa kanya. “Sa tulong ng isang almas azules,” sagot ni Ken. “Ibig bang sabihin ay kontrolado ni Elizabeth ang mga almas azules?” Tanong ko kay Ken pero umiling lang siya. “Hindi mahal na reyna, ang tanging kaya lamang kontrolin ng isip ni Elizabeth ay ang mga bagay sa paligid natin, kung sa mundo ng mga tao pa ang tawag sa kakayahan niya ay Telekinesis,” sagot ni Ken sa tanong ko kaya tumango tango naman ako sa kanya. “Ibig sabihin, kusa kang tinulungan ng almas azules?” Tanong ko muli. “Opo, at dahil sa nilalang na yun ay mas napabilis ang pag hahanap ko sayo,” sabi ni Ken. “Nung mga panahong nakarating ako sa mundo ng mga mortal ay hindi ako masyadong naapektuhan ng init ng araw dahil nag bago ako ng anyo at ginaya ko ang anyo ng isang tao,” sabi ni Ken kaya nakinig lang ako sa kanya. “Isa akong kalahating bampira at kalahating nilalang na may kakayahang makapag bago ng anyo o shapeshifter, base sa tawag ng mga mortal,” sabi ni Ken. “Kaya pala kaya mong makapag palit ng anyo?” Tanong ko sa kanya at tumango naman siya sakin habang naka ngiti. “Kahit na anong anyo?” Tanong ko sa kanya ulit. “Kahit na sino,” pag tatama niya sa sinabi ko. “So kaya mo ring mag palit anyo bilang ako?” Tanong ko sa kanya. “Uhm kailangan ko lang ng isang parte ng katawan mo at tsaka ko ito kakainin,” sabi niya habang nag kakamot ng batok kaya nag takha naman ako. “Uhm pwede na yung daliri, balat, buhok, o laway,” sabi niya kaya tumingin naman ako sa kanya ng nandidiri. “Hahaha bakit ganyan ang ekspresyon ng mukha mo?” Natatawang tanong niya sakin. “Malamang, sinong di mandidiri kung kakain ka ng balat, daliri at buhok? Idagdag mo pa yung laway,” nandidiring sabi ko. “Ganun kasi ang paraan para makopya ko ang pisikal na anyo ng gagayahin ko,” sabi ni Ken. “Pero pano yung boses? Yung kilos? At ugali?” Tanong ko kay Ken. “Hmm kung pati yung boses, kailangan ko na yung dugo na mismo ng nilalang na gagayahin,” sagot ni Ken. “Yung sa kilos at ugali naman hindi ko iyon magagaya pero pwede akong mag panggap,” dagdag pa ni Ken kaya tumango na lang ako sa kanya. “Sige sige. So sabihin mo na sakin pano mo nalamang ako nga ang tagapag mana?” Tanong ko ulit sa kanya. “Dahil diyan sa marka sa may ibaba ng leeg mo sa likod,” sagot ni Ken na ipinag takha ko. “Marka? Anong marka?” Tanong ko sa kanya. “Hindi mo man lang ba napansin yun kapag naliligo ka o nag bibihis?” Tanong ni Ken. “T*nga, pano ko makikita yun eh nasa likod ko nga diba?” Sabi ko sa kanya kaya napa kamot naman siya ng ulo. “Sabi ko nga eh,” sabi na lang niya. “Anong itsura nung marka?” Tanong ko sa kanya. “Isang simpleng snowflake lang,” sagot niya. “Pero ang kinaibahan lang nito ay meron itong mga bilog na kaparehas ng kulay sa langit kaya naman ay agad ko itong napansin pero di ito napapansin ng mga normal na tao lang,” dagdag pa ni Ken kaya napatango tango ako sa kanya. “Kaya pala di ito napapansin nila Andrea dati,” sabi ko sa kanya at tumango naman siya. “Opo, dahil mga tao pa kayo dati pero ngayon hindi na,” sabi ni Ken. “Then bakit di nila ako sinabihan nung naging bampira na kami, di pa rin ba nila ito nakikita?” Tanong ko kay Ken. “Nakita na namin,” biglang sagot ng isang babae kaya napalingon naman kami doon agad ni Ken at nakita namin sila ni Andrea, Catliya, Rhoda, Eryell at Neca na kasama sila ni Elon, Quinn at Quenie. Ngumiti sakin ang tatlong bata kaya ngumiti rin ako sa kanila pabalik. “Salamat sa pag hatid samin dito ha,” sabi ni Catliya sa mga bata. “Walang anuman po,” sabay sabay na sabi ng tatlong bata at umalis na. “Kanina ka pa namin hinahanap Jo, nandito ka lang pala,” sabi ni Eryell kaya ngumiti ako sa kanila. “Pasensya na di ko na kayo ginising pa,” pag hingi ko ng tawad sa kanilang lima. “So anong pinag uusapan niyo?” Tanong ni Neca. “Kung pano nalaman ni Ken na ako ang tinakdang mag mana ng elemento ng niyebe,” sagot ko sa tanong niya kaya lumapit samin sila Andrea at naki upo din sa tabi namin. Kumuha naman sila Rhoda at Neca ng isa pang sanga ng kahoy para maupuan at inilagay ito sa tapat namin tsaka sila naupo doon kasama si Catliya. “Mabalik tayo sa pinag uusapan niyo, matagal na naming nakita yung sa may likod mo Jo, kaso di lang namin sinabi sayo kasi akala namin di naman na yun importante o baka nagpa tattoo ka lang,” sabi ni Rhoda. “Bakit sa inyo wala naman?” Tanong ko sa kanila. “Yun ang hindi namin alam,” sabi ni Eryell kaya tumingin ako kay Ken. “Pasensya na mahal na reyna pero di ko rin alam kung bakit,” sabi ni Ken kaya napa tango na lang kami. “Siguro mas okay kung tatanungin natin si Elizabeth,” sabi ni Catliya. “Siguro nga,” pag sang ayon ko rin sa kanya. ”Bakit ka nga pala inutusan ni Elizabeth?” Tanong ko ulit kay Ken pero nag kibit balikat lamang siya. “Eh ano naman yung selda?” Tanong ko ulit sa kanya pero napakamot na lang siya ng ulo niya. “Selda?” Sabay sabay na tanong nila Andrea kaya napatingin naman ako sa kanya. “Oo Dre, may nakita akong bakal na selda na nakapalibot dito sa kagubatan,” sabi ko sa kanya na ipinag takha naman nila. “Wala naman kaming nakikita,” sabi ni Catliya na tinanguan naman ng iba ko pang kaibigan. “Hindi niyo talaga ‘to agad agad mapapansin kasi parang invisible yun eh,” sabi ko sa kanila na mas ipinag takha nila. “Invisible pero nakita mo?” Naka taas kilay na tanong ni Eryell kaya napa kamot na lang din ako sa batok ko. “Hindi naman siya totally invisible, parang transparent lang, ganun,” sabi ko sa kanila. “Sabi mo kasi invisible eh,” sabi ni Neca kaya napasapo na lang ako ng noo ko. “Naalala niyo ba yung nakita ko si Jason? Diba namaga yung kamay ko dun?” Tanong ko sa kanila, pilit na pinapaalala yung nangyari sakin sa may dulo ng kagubatan. Nag isip isip muna sila at maya maya lang ay tumango tango na. “Oo, naaalala ko na,” sabi ni Andrea at tumango naman sila ni Catliya. “Namaga yung kamay ko kasi nahawakan ko yung selda,” sabi ko sa kanila. “So kapag nahahawakan yung selda eh namamaga ang parte ng katawan mo?” Tanong ni Rhoda at tumango naman ako sa kanya. “Mga mahal na prinsesa, mahal na reyna, pasensya na pero sa tingin ko ay mas makakabuti kung ang Maior natu mismo ang tatanungin niyo ukol sa bagay na iyan,” singit ni Ken sa usapan naming anim. “Mamaya ko siya kakausapin,” seryosong sabi ko kay Ken na napakamot na lang ng ulo. “Ikaw po ang bahala,” sabi na lang ni Ken. “Ah oo nga pala, ang sabi mo ay inutusan ka ni Elizabeth na mag punta sa mundo ng mga tao, tama?” Pagku kumpirma ko sa sinabi ni Ken at tumango naman siya. “Tama po,” sabi ni Ken. “Pwes pano ka nakalabas ng selda?” Tanong ko sa kanya. “Oo nga no? Pano ka nakalabas Ken eh diba kapag nahahawakan yung selda na sinasabi ni Joanna eh mamamaga ang parte ng katawan mo?” Tanong ni Rhoda kay Ken. “Gaya ng sabi ko, may kakayahan akong mag palit ng anyo,” panimula ni Ken. “At dahil sa kakayahang iyon ay nagawa kong mag anyong hangin,” sabi ni Ken kaya napa kunot noo na lamang ako. “Kumain ka ng aero!?” Malakas na tanong ko kay Ken pero agad naman umiling iling si Ken kaya napa hinga naman ako ng maluwag. “Hindi po mahal na reyna,” sabi ni Ken. “Hindi po isang aero ang kinain ko kundi isang caeli,” sagot ni Ken. “caeli? Ano yun? Tanong ni Eryell. “Isa po itong uri ng nilalang na anyong hangin at bulaklak,” sabi ni Ken kaya napatingin ako sa kanya. Hangin at bulaklak? Kabilang ba sa tinutukoy niya si Azalea? “Isang nilalang na sa unang tingin ay mukha lamang itong normal na pananim o namumulaklak na tanim sa gubat, ngunit kapag ito ay nagimbala ay nagiging isa itong hangin. Kapag nag lalakbay ito ay mistulang isang grupo ng mga talutot ng bulaklak na nililipad ng hangin,” pag papaliwanag ni Ken sa nilalang na tinatawag na caeli. “Nakakapag salita ba ang caeli?” Tanong ko kay Ken at umiling lamang siya bilang sagot. “Ang tanging paraan nila upang makipag usap ay ang pag gamit sa mga bulaklak nila upang maka buo ng mga salita o pangungusap,” sabi ni Ken. So tama nga ako, si Azalea ay isang caeli. “Teka Ken ang sabi mo kumain ka nung caeli? Ibig sabihin ba nun ay pumatay ka ng isang inosenteng nilalang?” Tanong ni Andrea kay Ken at napansin ko na napayuko na lamang si Ken. “Opo, ganun na nga po,” mahinang sabi ni Ken na para bang pinag sisisihan niya ang ginawa niya. “Ken,” pag tawag ko sa lalaking pinag pipilitan na matalik ko siyang kaibigan. “Bakit po mahal na reyna?” Tanong niya sakin at pansin ko sa mga mata niya ang pag aalinlangan na kausapin kami, lalong lalo na ako. “May gusto lang akong itanong sayo,” sabi ko kay Ken. “Ano po iyon?” Tanong niya. “May nililihim ba kayo tungkol sa gubat na ‘to?” Tanong ko kay Ken at agad naman niyang iniwas ang tingin niya. “So meron nga,” sabi ko na lamang at napakamot na lang siya ng batok niya. “Mahal na reyna, ang dami niyo naman po kasing tanong,” sabi ni Ken kaya tinaasan ko naman siya ng kilay. “Bakit? May reklamo ka?” Tanong ko kay Ken pero agad naman siyang umiling iling. “Sabi ko nga po, ayos lang na mag tanong kayo,” sabi niya. “Yun naman pala eh,” sabi ko na lang din sa kanya. “Pero, sasagutin ko lamang po ang mga tanong na pwede kong sagutin, yung iba po ay itanong niyo na lamang sa Maior natu,” sabi ni Ken ng seryoso kaya tumango tango na lamang kaming anim sa kanya. “Meron pa po ba kayong itatanon?” Tanong ni Ken sa amin kaya nag isip isip na muna ako at naalala ko yung babaeng may pulang buhok. “Ako may itatanong pa ko,” sabi ko. “Madami ka naman po laging tanong eh,” rinig kong bulong ni Ken kaya sinamaan ko siya ng tingin at agad niya namang itinaas ang mga kamay niya sa ere. “Sino yung babaeng may pulang buhok? Yung kasama mo noong isang araw malapit sa may sapa?” Tanong ko sa kay Ken. “Oo nga Ken, girlfriend mo ba yun?” Tanong ni Andrea kay Ken. “Hindi po mahal na prinsesa,” sagot ni Ken sa tanong ni Andrea, akala ko ay tapos na siya mag salita kaya tumango tango na lang ako sa kanya pero nagulat ako sa sunod niyang sinabi. “Alam niyo naman pong iisang babae lang ang mahal ko,” sabi ni Ken. “At yun ay ang nag iisang reyna ko,” dagdag ni Ken habang naka tingin sakin. Sabi na nga ba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD