Chapter 34: Crissia

2485 Words
*Joanna’s POV* Nakatingin lang ako ng diretso at seryoso kay Ken. Matagal ko na namang alam na meron siyang nararamdaman para sakin dahil dati pa lamang ay sinabi niya na ito sa akin, noong mga panahong hindi ko pa alam ang tungkol sa mundong ito. “Alam niya yun,” dagdag pa ni Ken pero hindi pa rin ako umiimik. “Dati pa lang sinabi ko na sa kanya,” dugtong pa niya. “Ehem,” pag ubo ni Neca. “Pero Ken, alam mo naman diba?” Tanong ko sa kanya at ngumiti lang siya pero pansin ko pa rin naman dito ang lungkot bago siya yumuko at napakamot ng batok niya. “Alam ko no, huwag kang mag alala, didistansya ako,” nakangiting sabi ni Ken. Katulad na katulad ang mga sinabi niya ngayon sa mga sinabi niya sakin noon. *Flashback* *Joanna’s POV* Nag aayos ako ngayon ng mga gamit na dadalhin ko papunta sa isang misyong ibinigay sa amin ni Master Yashida. Ang sabi niya kasi ay mag tatagal kami doon ng tatlong araw hanggang sa isang linggo, kaya kailangan kong mag dala ng mga damit at mga reserbang bala. Masyado akong okupado sa pag aayos ng mga gamit ko ng may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko dito sa may headquarters. “What!?” Sigaw ko at agad namang bumukas ang pinto ng kwarto ko pero wala namang tao sa labas. “U-Uhm, princess Joanna,” rinig ko ang boses ni Ken at kasunod naman nito ay ang pag sulpot ng ulo niya sa pinto, para bang tinatantya niya pa kung papasok ba siya o ano. “Anong kailangan mo?” Malamig na tanong ko sa kanya at kinuha ang baril ko sa gun pocket na nakalagay sa may hita ko. “Uhm aalis kayo ng iba pang prinsesa?” Tanong niya at pumasok na sa kwarto ko kaya napa taas na lang ang kanang kilay ko pero hinayaan ko na lang siya, makapal talaga mukha niyan eh. “Oo, bakit?” Tanong ko ulit sa kanya tsaka naupo sa kama ko at sinimulan na ang pag disassemble ng baril ko, lilinisin ko kasi ito. “Uhh,” rinig kong sabi ni Ken kaya napa angat naman ang tingin ko sa kanya tsaka siya tinaasan ng kilay. “Uhh...may sasabihin sana ako sa’yo,” sabi ni Ken kaya tumango lang ako sa kanya at pinag patuloy na ang pag lilinis ng baril ko. “Uhm,” sabi niya. “Ah eh,” bulong niya ulit na rinig ko naman. Ano ba yung sasabihin niyang hindi niya mabanggit banggit? Kakairita. “Uhm ano kasi eh,” sabi niya ulit. “Uh ano,” “Ano ba kasi yun!?” Inis na sigaw ko sa kanya kaya siguro nagulat din siya at dire diretsong nag salita. “GustokolangsabihinnamaygustoakosayoprinsesaJoanna,” dire diretsong daldal kaya ni isa ay wala akong naintindihan. “Ano?” Tanong ko sa kanya at huminga muna siya ng malalim. “Gusto ko lang sabihin na may gusto ako sayo, prinsesa Joanna,” seryosong sabi niya kaya seryoso lang din akong nakatingin sa kanya. “Uhm, wala ka bang sasabihin?” Tanong niya pero di ko na lang siya pinansin at nag patuloy na sa pag lilinis ng baril ko. Akala ko kung anong importante yung sasabihin, kagag*han na naman pala. “Joanna, gusto kita,” sabi niya at lumuhod na sa harapan ko sabay hawak sa kamay kong busy sa pag lilinis ng armas ko kaya tinignan ko siya ng masama at agad naman siyang napabitaw sakin pero nanatili pa rin siyang naka luhod sa harapan ko. “Lumayas ka na nga dito, namemeste ka na naman eh,” seryosong sabi ko sa kanya pero umiling iling lang siya. “Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo ako sinasagot,” sabi niya. “Bakit, nag tanong ka ba?” Tanong ko sa kanya. Wala naman talaga siyang tinanong eh. “So, gusto mo rin ba ako?” Tanong ni Ken. “Hindi,” diretsong sagot ko sa kanya habang nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata. “Pero,” hindi niya na natapos pa ang sasabihin niya ng sumingit na ako. “Kahit kelan hinding hindi ako magkaka gusto sayo, kaya itigil mo na yang kagag*han na yan kung ayaw mong iputok ko ‘tong baril na hawak hawak ko diyan sa bungo mo,” malamamig na sagot ko sa kanya at nanlaki naman ang mga mata niya tsaka napa yuko na lang. “Oo nga pala, hindi nga pala talaga pwede,” narinig kong bulong niya kaya napa kunot noo ako. Inangat niya ang ulo niya at tumingin sakin ng diretso tsaka ngumiti lang siya pero pansin ko pa rin naman dito ang lungkot bago siya yumuko at napakamot ng batok niya. “Alam ko no, huwag kang mag alala, didistansya ako,” nakangiting sabi ni Ken ng iangat niyang muli ang ulo niya. “Ge, labas na,” sabi ko na lang sa kanya tsaka siya tumayo at nag lakad na palabas habang naka pamulsa kaya pinag patuloy ko na lang ang pag aayos ng baril ko at ng masigurado kong kumpleto na lahat ng kailangan ko ay binitbit ko na ang bag ko at lumabas na ng kwarto. *End of Flashback* “Aww kawawang Ken,” tukso pa ni Eryell kaya binatukan naman siya agad ni Andrea. “So mabalik tayo sa tanong, Ken sino yung babaeng may pulang buhok?” Tanong ni Andrea kay Ken at nag kamot ito ng ulo. “Kababata ko iyon. Si Crissia,” sagot ni Ken. “Bakit parang galit siya sa kanila ni Jason?” Tanong ko sa kanya at diretsong tumingin kay Ken pero iniwas niya lang ang tingin niya at nag kamot ng batok. “Hindi ko rin alam,” sabi ni Ken. “Siguro guys mas mabuti kung si Elizabeth na talaga yung tanungin natin,” sabi ni Catliya at tumango naman sa kanya ang iba. “Oo para masagot na rin lahat ng tanong ninyo,” naka ngiting sabi ni Ken. “Sige, sige,” sabi nila Neca at Eryell. “Joanna, tara na,” sabi ni Andrea at tumayo na kaya tumayo na rin ako at nag simula na kaming mag lakad paalis sa parte ng kagubatan na iyon. Muli kong nilingon si Ken at nakita ko ang pag buntong hininga niya tsaka niya kinuha ang palakol at bumalik na sa pag sisibak. “I’m sorry and thank you,” bulong ko sa hangin at sumabay na sa pag lalakad ni Andrea. *Ken’s POV* “I’m sorry and thank you,” narinig kong muli ang boses ng mahal na reyna kaya napatingin ako sa kanya at nakita siyang kasabay na nag lalakad ni prinsesa Andrea. Napangiti na lang ako ng mapait dahil kasalanan ko din naman kaya ako nasasaktan ngayon eh, dahil dati pa lang alam ko nang hindi pwede, dati pa lang alam ko na hindi ako yung lalaking nakatakda para sa kanya at masaya na naman na ako paa sa kanila ng hari pero meron pa ring parte sakin na hinihiling na sana akin na lang siya, na sana ako na lang. “Lex,” narinig kong pag tawag sakin ni Crissia na kanina pa nasa may itaas ng puno. Sa totoo lang ay kanina ko pa kasama si Crissia dito pero hindi man lang siya napansin ng mga prinsesa at ng reyna. “Ayos ka lang ba?” Tanong ni Crissia at tumango naman ako sa kanya. “Oo naman,” sagot ko sa kanya at nag sibak na muli ng kahoy. “Sigurado ka ba?” Tanong niya pero tumango na lang ako sa kanya. “Ba’t ba kasi siya pa yung inibig mo? Eh alam mo namang siya ang tinakdang maging reyna dito at alam mo rin siguro ang magiging kapalaran niya,” seryosong sabi ni Crissia kaya napahinto ako sa pag sisibak at tinignan siya ng masama. “Hinding hindi siya matutulad sa mga naunang reyna, makakaya niyang kontrolin ang elemento ng niyebe,” seryosong saad ko rin sa kanya pero nagkibit balikat lang siya. “Sana nga, para makalabas na tayo dito,” sabi ni Crissia at nag lakad na rin pabalik sa sentro ng kagubatan kung nasaan ang aming mga tahanan ay naka tayo. Napa buntong hininga na lang ulit ako. Sana nga, sana lang talaga makontrol ni Joanna ang elemento ng niyebe, ayokong matulad siya sa mga naunang reyna kaya gagawin ko ang lahat para matulungan siyang kontrolin ito. Kahit na hindi niya na ako mahalin pa pabalik, basta ang importante ay masaya lang siya kasama ang minamahal niya. *Joanna’s POV* Tuloy tuloy lang kaming anim sa pag lalakad papunta sa tahanan ni Elizabeth, buti nga at natatandaan pa ni Andrea ang daan papunta doon eh. “Dre malapit na ba?” Tanong ni Rhoda kay Andrea. “Kakalabas lang natin dun sa mapunong parte ng gubat kaya tumahimik ka,” saway ni Andrea kay Rhoda. “Sabi ko nga eh malayo pa,” napapa kamot na lang si Rhoda sa batok niya. Tuloy lang kaming anim sa pag lalakad nang may tumawag sa pangalan ko. “Joanna!” Sigaw ng isang babae kaya napalingon naman ako kaagad at nakita ko ang babaeng may pulang buhok na kababata ni Ken, si Crissia, na nag lalakad palapit sakin. “Teka, anong sabi mo?” Tanong ni Rhoda ng makalapit na samin si Crissia at naka kunot noo namang naka tingin sa kanya si Crissia. “Hindi mo ba alam yung salitang respeto? Reyna yang kinakausap mo, hindi lang siya basta bastang si Joanna,” matigas na sabi ni Rhoda. “Rhod, hayaa—,” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang nag salita si Crissia. “Wala akong pakialam kung siya man ang reyna o hindi,” matigas na sagot ni Crissia kaya napatingin kaming anim sa kanya. “Aba’t!” Susugurin na sana siya ni Rhoda kaso pinigilan ko na agad siya. “Rhoda,” malamig na sambit ko kaya agad namang napatigil si Rhoda at masama na lang tinignan si Crissia na wala namang paki sa kanya. “May kailangan ka ba sakin?” Tanong ko kay Crissia. “Meron,” sagot nito. “Ano yun?” Tanong ko ulit sa kanya. Bakit di na lang kasi diretsuhin. “Siguraduhin mong makokontrol mo ang kapangyarihan mo,” seryosong saad ni Crissia. “Para hindi masayang ang lahat ng sakripisyo ni Lex,” dagdag pa nito kaya tinaasan ko siya ng kilay at napa iling iling na lang ako sa kanya. “Kahit hindi mo na ako sabihan tungkol sa bagay na yan,” seryosong saad ko rin sa kanya at humakbang palapit sa kanya. “Kasi gagawin ko talaga ang lahat para makontrol ang elemento ng niyebe,” sabi ko. “At sa oras na mangyari yun, huwag kang mag alala, hinding hindi na tayo mag kikita pang muli. May nais ka pa bang sabihin?” Tanong ko pa sa kanya. “Layuan mo na din si Lex, ngayon pa lang sinasabi ko na sayo, hindi ka karapat dapat para sa kanya,” seryosong saad ni Crissia kaya napa ngisi na lang ako. Sabi na nga ba, ito talaga ang pakay niya. “Yun ba? Kahit na layuan ko si Ken o Lex, siya pa rin ang kusang lumalapit sakin dahil ako ang reyna niya,” sabi ko at napansin ko naman ang pag sama ng tingin niya sakin. Haha nakakatawa ‘tong isang ‘to. Tinapik tapik ko siya sa balikat niya at napansin ko agad ang pagka gulat sa mga mata niya. “Huwag ka mag alala sapagkat wala akong nararamdaman para kay Ken. Mahal na mahal ko ang asawa ko kaya kahit na anong mangyari, hinding hindi ako magkaka gusto sa kahit na sino mang lalaki,” naka ngiting sabi ko sa kanya. “Sige, alis na kami ha, may pupuntahan pa kasi kami eh,” sabi ko na lang sa kanya at nginitian siya bago tumalikod na at nag simula na mag lakad. “Sandali!” Sigaw muli ni Crissia kaya napa hinto naman kami sa pag lalakad. “May kailangan ka pa ba?” Tanong ko sa kanya at lumapit naman siya sakin. “Pano mo nagawa yun?” Tanong niya sakin kaya nag tatakha naman akong tumingin sa kanya. “Ang alin?” Tanong ko. “Pano mo ko nahawakan?” Tanong niya na mas ipinag takha ko pa. “Uhm kasi may kamay ako?” Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya. “Hindi, hindi eh, simula ng mapadpad ako sa kagubatang ito ay wala pang nakaka hawak sa akin,” hindi makapaniwalang saad niya kaya napa tingin naman ako kay Andrea na nag tatakha na rin sa sinasabi niya. “Bakit naman wala?” Tanong ko sa kanya. “Dahil sa kapangyarihan ko, dahil sa apoy na dumadaloy mismo sa dugo ko,” sabi ni Crissia kaya napatingin naman kami kay Catliya. “Apoy? Apoy ang kapangyarihan mo? Ibig bang sabihin nun ay kaya mong kontrolin ang apoy at mag palabas nito mula sa palad mo?” Sunod sunod na tanong ni Catliya sa kay Crissia na tumango naman sa kanya. “Oo ganun nga, bakit mo naitanong?” Tanong din ni Crissia sa kanya at napatingin naman si Catliya samin ng naka ngiti bago nilingon muli si Crissia. “Pwede mo ba kong tulungan at turuan sa pag sasanay ko para makontrol ang elemento ng apoy?” Tanong ni Catliya kay Crissia na tinanguan naman namin. Magandang ideya yun para mas matutunan ni Catliya ang pag kontrol sa kapangyarihan niya. “Itatanong ko muna sa Maior natu ang tungkol sa bagay na yan,” sabi ni Crissia. “Sakto! Pupunta rin kami sa kay Elizabeth, may mga itatanong rin kasi kami sa kanya,” sabi ni Catliya. Mukhang magkaka sundo yata ang dalawang ito. Napa ngiti na lang ako sa naisip ko. “Sabay sabay na lang tayong pumunta dun tutal pareho lang naman ang patutunguhan natin eh,” sabi ko sa kanila at tumango naman ang mga kaibigan ko. “Sige, sumunod na lang kayo sakin, baka maligaw pa kayo diyan,” sabi ni Crissia at nauna na mag lakad kesa samin kaya agad naman kaming sumunod sa kanya. “Sana pumayag si Elizabeth na mag sanay ako kasama si Crissia,” bulong sakin ni Catliya kaya ngumiti ako sa kanya. “Panigurado papayag yun,” sabi ko sa kanya at ginantihan lang ako ng ngiti ni Catliya. Halata sa kanya ang excitement ng malaman niyang merong isang bampirang kagaya niya ay nakaka kontrol rin ng kapangyarihan ng apoy. Pano naman kaya ang sa elemento ng niyebe? Meron bang ibang nilalang na kayang mag kontrol ng kapangyarihan nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD