Chapter 35: True or False

2545 Words
*Joanna’s POV* Nag lalakad na kami ngayon papunta sa bahay ni Elizabeth at hanggang ngayon ay hindi na muli nag salita pa si Crissia at hanggang ngayon ay nag tatakha pa rin ako sa sinabi niya na ni minsan ay wala pang naka hawak sa kanya. Binilisan ko ang pag lalakad ko at sinabayan si Crissia sa kanyang pag lalakad. Nang makasabay na ako sa kanya ay napansin ko ang nag tatakha niyang mukha. “May problema ba?” Tanong ko sa kanya kaya nabigla naman siya sa biglaang pag sasalita ko. “Ha? Ah wala,” sabi niya pero tinignan ko lang siya kasi halata namang hindi totoo ang sinasabi niya. “Bakit ganyan ka makatingin?” Tanong niya sakin habang naka kunot ang kanyang noo. “Halata kasi sa ekspresyon ng mukha mo kanina na merong bumabagabag sayo,” sabi ko sa kanya. “Hindi na iyon importante,” matigas niyang sabi kaya napa iling iling na lang ako habang natatawa. “Bakit ka tumatawa?” Tanong niya. “Haha nakikita ko lang kasi ang sarili ko sayo,” sabi ko sa kanya na mas lalo niyang ipinag takha. “Anong ibig mong sabihin? Hindi tayo magka mukha,” sabi niya at binilisan pa ang pag lalakad kaya binilisan ko rin ang pag lalakad ko at muling sinabayan ang lakad niya. “Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin,” sabi ko habang naka tingin lang sa dinadaanan namin. “Ang ibig kong sabihin ay ganyan din ako kapag meron akong iniisip,” sabi ko at humarap sa kanya. “Pilit na nililihim ang mga bumabagabag sa akin,” naka ngiti kong sabi sa kanya pero naka tingin lang siya na para bang hindi niya naiintindihan ang sinasabi ko. “Hindi ko alam yang sinasabi mo,” sabi niya at nauna na mag lakad kesa sa akin. “Jo,” tawag sakin ni Andrea na naka tayo na pala sa tabi ko. “Bakit?” Tanong ko sa kanya. “Anong pinag usapan niyo?” Tanong ni Andrea sakin at naramdaman ko na rin sila Catliya na nasa tabi ko na rin at nag hihintay ng sagot ko. “Wala lang,” naka ngiting sagot ko sa kanila. “Sigurado ka?” Tanong ni Catliya at tumango lang ako sa kanya. “Malapit na tayo,” narinig naming sigaw ni Crissia habang nakatayong nag hihintay sa amin kaya binilisan na lang din namin ang pag lalakad hanggang sa maka lapit na kami sa kay Crissia at mula nga dito sa tinatayuan namin ay kita na namin ang tahanan ni Elizabeth. Nauna akong mag lakad palapit sa tahanan ni Elizabeth at pagka rating sa harap ng pinto niya huminga muna ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses at unti unti ngang nag bukas ang pintuan. Nang tuluyan na itong mag bukas ay una ko kaagad napansin si Elizabeth na naka upo sa may likuran ng bilog na lamesa, gaya ng pwesto niya ng una namin siyang maka usap. “Mahal na reyna, magandang araw,” bati ni Elizabeth sa akin. “Pumasok po kayo,” dugtong niya pa kaya humakbang na ako papasok at dire diretsong naupo sa tapat niya, sunod namang pumasok sila ni Andrea at naupo rin palibot sa may lamesang bilog habang si Crissia naman ay naupo na lamang sa isang sulok. “Ano po ang maipag lilingkod ko sa inyo, mga mahal na kamahalan?” Magalang at naka ngiting tanong ni Elizabeth sa amin. “Nais kong sagutin mo ng totoo at walang pag lilihim ang nga itatanong ko sa iyo,” seryosong saad ko sa kanya at napansin ko naman agad ang pagka wala ng ngiti sa kanyang labi at ang pag titig niya lang din sakin ng seryoso. “May problema po ba, mahal na reyna?” Seryosong tanong niya pero hindi ko siya sinagot at diretso na lamang itinanong ang unang katanungang matagal ko na gustong itanong sa kanya. “Ano ang lugar na ‘to?” Malamig na tonong tanong ko sa kanya. “Ito po ang tahanan ng mga elementis,” diretsong sagot ni Elizabeth sa tanong ko pero napa iling lang ako sa kanya. “Hindi iyon. Ano ang totoo? Sabihin mo samin,” matigas na sabi ko sa kanya pero isang nag tatakhang mukha lamang ang kanyang ipinakita sa akin. “Bakit merong selda na naka palibot sa buong kagubatan?” Tanong kong muli sa kanya. “Selda? Hindi ko po alam ang tinutukoy mo, mahal na reyna,” inosenteng saad ni Elizabeth kaya napa kunot noo naman ako. “Anong hindi mo alam?” Tanong ko sa kanya. “Nakita ko! Merong bakal na selda ang naka palibot sa kagubatang ito! Sabihin mo sakin ang totoong dahilan kung bakit meron nun!?” Sigaw ko sa kanya at napa hampas na lang din ang isang kamay ko sa lamesa. “Joanna!” Sigaw ni Andrea sakin kaya napa tingin naman ako sa kanya na naiinis. “Huminahon ka,” seryosong saad ni Andrea kaya kahit na naiinis man ako sa paligoy ligoy na sagot ni Elizabeth ay huminga na lamang ako ng malalim upang mabawasan ang inis na nararamdaman ko. “Elizabeth,” tawag ni Andrea kay Elizabeth kaya sa kanya naman nabaling ang tingin ni Elizabeth at nanahimik na lamang muna ako. Bakit hindi niya sinasabi yung totoo na meron naman talagang selda na naka palibot sa kagubatan? May inililihim ba siya? “Sigurado ka bang hindi mo alam ang tungkol sa selda na tinutukoy ni Joanna?” Tanong sa kanya ni Andrea. “Nakakasigurado po ako mahal na prinsesa, ni minsan ay hindi ko pa nakita ang sinasabi ng reyna na isang selda,” sagot ni Elizabeth sa kay Andrea. “Kung ganon, bakit hindi ka lumalabas papunta sa palasyo ng mga Hunter?” Seryosong tanong ko ulit sa kanya. “Paumanhin mahal na reyna Joanna, ngunit wala naman po akong dahilan upang mag tungo sa inyong kaharian, hindi po ba?” Sabi ni Elizabeth sa akin. “Oo nga Jo,” segunda naman ni Rhoda sa sinabi ni Elizabeth. “Ano po ba ang wangis ng selda na iyong tinutukoy mahal na reyna?” Tanong ni Elizabeth. “Baka sakaling matulungan ko po kayo,” “Bakal ito na kakulay ng pilak, makapal rin ito,” sagot ko aa tanong niya. “Masyado ring mataas para talunin at matibay ang pagkaka gawa nito kaya hindi kayang siain , idagdag pa ang kakaibang sakit at hapdi na nararamdaman ng kung sino mang hahawak sa ano mang bahagi ng seldang iyon,” dagdag ko pa sa inpormasyong alam ko tungkol sa selda at tumango tango naman si Elizabeth pagka tapos kong ilarawan sa kanila ang itsura ng seldang tinutukoy ko. “Wala pa akong nababalitaang bampirang nakakita ng ganyang uri ng selda,” sambit ni Elizabeth. “Ang mga seldang meron kami rito ay pawang mga gawa lamang sa kahoy, pinag lalagyan namin ito ng mga hayop na maaaring katayin o gawing alaga,” sabi ni Elizabeth. “Ganun ba? Sige, salamat sa pag sagot sa tanong namin,” sabi ni Andrea at tumayo na kaya nag tatakha naman akong tumingin sa kanya. “Tara na, bumalik na tayo sa bahay natin,” seryosong sabi ni Andrea habang nakatingin lang sakin. “Pero Dre,” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mag salita na agad si Andrea. “Tara na, nakaka istorbo na tayo kay Elizabeth,” seryosong sabi ni Andrea kaya tumayo na sila Catliya maliban sakin na naka tingin lamang sa kanya. “Joanna, tara na,” may diing sabi ni Andrea kaya napa buntong hininga na lamang ako at napilitang tumayo na. “Maraming salamat muli sa pag sagot ng aming katanungan. Pasensya na sa abala, aalis na kami,” pag papaalam ni Andrea sa kay Elizabeth. “Ayos lamang po iyon mahal na prinsesa,” sabi ni Elizabeth sa kanya habang naka ngiti. Nag simula na kaming mag lakad palabas pero natigilan sa pag lalakad si Catliya kaya napahinto din tuloy kaming lima. “Bakit Cat?” Tanong ni Neca kay Catliya. “Teka, may nakalimutan ako,” sabi ni Catliya at nag lakad muli pabalik sa harap ni Elizabeth kaya hinintay na muna namin siya. “Elizabeth, ang sabi ni Crissia ay kaya niyang mag kontrol at gumamit ng apoy,” panimula ni Catliya na tinanguan naman ni Elizabeth. Napansin ko ring naka tingin na sa kanilang dalawa si Crissia na kanina pa tahimik habang naka upo lamang sa sulok. “Opo mahal na prinsesa, si Crissia po ay isang elementis kaya may kakayahan siyang mag kontrol ng isang elemento,” sagot ni Elizabeth sa tanong ni Catliya. Ah oo nga pala, mag tatanong pa pala si Catliya kung pwede ba siya g turuan ni Crissia. “Sakto, ako rin kasi ang may hawak sa elemento ng apoy pero hindi ko pa ito masyadong nako kontrol kaya kung pwede sana ay pahintulutan mo si Crissia na turuan ako sa tamang pag kontrol ng kapangyarihan ko,” saad ni Catliya kay Elizabeth habang naka ngiti. Halata sa mukha niya na excited siya. Nginitian din naman siya ni Elizabeth pabalik bago sumagot. “Oo naman po mahal na prinsesa,” sagot nito. “Crissia, iha, halika at lumapit ka rito,” pag tawag ni Elizabeth kay Crissia kaya agad naman itong lumapit sa kanya at naupo sa tabi nito. “Maior natu,” sabi ni Crissia at yumuko sa kay Elizabeth at agad din namang umayos ng pagkaka upo. “Nais kong turuan mo si prinsesa Catliya na kontrolin ang kanyang kapangyarihan,” saad ni Elizabeth na tinanguan lamang ni Crissia. “Sanayin mo siya na maging malakas na elementis at mandirigma,” dagdag pa ni Elizabeth. “Kung iyon po ang iyong nais, Maior natu,” sagot ni Crissia kay Elizabeth at tumingin ng diretso kat Catliya. “Bukas ng umaga, bago sumikat ang araw, mag tungo ka sa lignum acacia (acacia tree), hintayin mo ako doon,” seryosong sabi ni Crissia kay Catliya. “Bakit? Anong meron dun? Tsaka ano yung lignum acacia?” Sunod sunod na tanong ni Catliya kay Crissia. “Nais mong mag sanay hindi ba?” Tanong ni Crissia sa kaibigan ko na tumango lang sa kanya bilang sagot. “Pwes, sisimulan na natin bukas ang iyong pag sasanay,” dagdag na sabi ni Crissia at napansin ko naman agad ang pag lawak ng ngiti ni Catliya, halatang excited sa kanyang pag sasanay bukas ng umaga. “Sige, sige, salamat,” sabi ni Catliya at tumayo na tsaka nag lakad sa papunta samin kaya nag simula na din kami ulit na mag lakad palabas ng bahay ni Elizabeth. “Kita na lang tayo bukas, salamat ulit,” pahabol pang sabi ni Catliya bago kami tuluyan nang umalis sa perte ng gubat na iyon. Habang nag lalakad ay naiinis pa rin ako kay Andrea, bigla na lang kasi nagyaya na umalis na eh hindi pa nga ako tapos mag tanong kay Elizabeth. “Dre, saan tayo pupunta?” Biglang tanong ni Rhoda kay Andrea kaya napabaling naman ang atensyon ko sa kanya. “Naliligaw ka ba Dre? Hindi ito ang daan papunta sa bahay ah,” dugtong pa ni Rhoda. “Kasi hindi naman talaga tayo pupunta sa bahay,” sabi naman agad ni Andrea kaya nag takha ako. “Saan tayo pupunta?” Tanong ko kay Andrea at huminto muna siya sa pag lalakad kaya napa hinto rin kaming lima, tumingin naman siya sakin bago sinagot ang tanong ko. “Pupuntahan natin yung dulong bahagi ng kagubatan kung saan mo nakita yung sinasabi mong selda,” seryosong saad ni Andrea. “Akala ko ba Dre di ka naniniwala sakin?” Tanong ko sa kanya. “Kaya nga tayo pupunta dun eh, para malaman namin kung sino sa inyo ni Elizabeth ang nag sasabi ng totoo,” sabi ni Andrea kaya napa tahimik na lang ako. Tama siya, mas maiintindihan nila ako kung sila mismo ang makakakita ng tinutukoy kong seldan Dire diretso lang kaming anim na naglalakad papunta sa dulong bahagi ng kagubatan kung saan ko nakita yung selda. Kahit na merong mga bumabati samin ay ngini ngitian na lamang namin sila at hindi na muna kinakausap hanggang sa maka rating kami sa tintukoy kong parte ng gubat. “Nandito na tayo,” sabi ko sa kanila. “So nasan yung sinasabi mong selda Jo?” Tanong ni Neca. “Transparent yun Nec kaya mahirap makita,” sabi ko sa kanya kaya nag isip ako ng paraan para makita namin to. “Ah! Alam ko na guys!” Sabi ko sa kanila at napatingin naman sila sakin. “Alin?” Tanong ni Eryell. “Itaas niyo yung isang kamay niyo sa harap, yung parang naka arms forward kayo pero isang kamay lang,” sabi ko sa kanila at itinaas ang kamay ko paharap na para bang meron akong tinuturo at ganun din naman ang ginawa nila. “Ngayon naman mag lakad tayo papunta dun ng dahan dahan hanggang sa mahawakan niyo yung sinasabi kong selda,” sabi ko sa kanila at tumango naman silang lima. “Okay. In 3...2...1,” pag bibilang ko at tsaka kami sabay sabay na nag simulang mag lakad paabante. Mga ilang hakbang din ang ginawa namin bago kaming anim sabay sabay na napahiyaw sa sakit ng mahawakan namin ang selda. “Aray!” “Oww! Ang sakit!” Reklamo ni Rhoda habang hawak hawak ang kanang kamay niya. “Sh*t! Ano yun!?” Tanong naman ni Eryell habang naka hawak rin sa kanang kamay niya. “Grabe, para naman akong nakuryente dun,” sabi naman ni Neca habang iwini wisik wisik ang kaliwang kamay nito. “Ang hapdi sa kamay,” reklamo din ni Catliya habang hinihipan ang kanang kamay niya. “Yun ba yung seldang tinutukoy mo Jo?” Tanong ni Andrea habang naka ngiwi at iniinda ang hapdi ng kaliwang kamay niya. “Oo Dre, yun nga yun,” tuma tangong sagot ko sa kanya habang hawak hawak din ang kanang kamay ko at napatingin na lang sa paanan ko kung saan may nakikita akong anino ng itsura ng selda. “Guys! Tignan niyo!” Sabi ko at tinuro ang anino sa paanan namin kaya napatingin din sila dito. “Yan ang anino ng selda?” Tanong ni Andrea at tumango naman ako sa kanya. “Mataas kasi ang araw ngayon kaya kitang kita ang anino nito,” sabi ko sa kanila. “So totoo nga na merong seldang naka palibot satin,” sabi ni Catliya kaya napatingin ako sa kanya at napansing naka tingin siya sa iba pang parte ng gubat na malapit lang dito samin kung saan may nakikita ring anino ng selda. Inilibot ko rin ang paningin ko sa paligid at nakikita ko nga ang anino nito pero maya maya lamang aya unti unti na itong nawawala. “Bakit nawala?” Tanong ni Eryell. “Baka dahil tapos na ang tanghaling tapat,” sagot sa kanya ni Neca na tinanguan naman ni Rhoda. “Edi iisa lang ang ibig sabihin nito,” sabi ni Andrea kaya napa tingin kaming lima sa kanya ng nag tatakha. “Nag sinungaling si Elizabeth satin,” seryosong sabi ni Andrea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD