Chapter 36: Viridi Pulveris

2443 Words
*Joanna’s POV* “Nag sinungaling si Elizabeth sa atin,” seryosong sabi ni Andrea habang naka tingin sa harapan namin kung saan matatagpuan ang hindi namin maaninag na selda. “Then, ano na ang gagawin natin Dre?” Tanong ko sa kanya. “Kailangan natin maka alis dito,” sabi ni Andrea. “Pero pano? Eh mahawakan pa nga lang natin yang selda, masyado nang masakit, pano pa kaya kung buong katawan na natin yung dumikit diyan,” nag aalinlangang sabi ni Neca. “Oo nga Dre, delikado,” segunda naman ni Rhoda. “Wala na bang ibang daanan?” Tanong ni Catliya. “Sa pagkaka alam ko ay naka palibot ang selda sa buong kagubatang ito kaya mukhang wala na yatang ibang lagusan,” sagot ko sa tanong ni Catliya. “Baka meron pa naman, try nating libutin itong lugar?” Suhestiyon ni Eryell. “Sige,” pagsang ayon namin sa kanya tsaka kami nag simula na mag lakad pakanan mula dito sa kinatatayuan namin. Sa bawat sulok ay sinusubukan naming makalabas sa selda pero nakaka ilang hiyaw at reklamo na kami sa sakit ay wala talaga kaming nahanap na pwedeng daanan palabas kaya tumigil na kami sa pag hahanap ng malalabasan namin at nag tungo na lang sa bahay ni tatang Silas para mag pagamot. Pagkarating namin sa tapat ng bahay niya ay agad na akong kumatok sa pinto. Napapangiwi na lang ako kapag dumidikit ang balat ko sa pinto dahil nakakaramdam ako ng panginginig sa kamay na para bang kinuryente. Naka ilang katok rin ako bago mag bukas ang pinto at dumungaw rito si tatang Silas. “Ano yu,” hindi niya na natuloy ang kanyang sinasabi ng makita niya kaming anim na pare parehong namumula ang mga kamay, braso, paa at binti. “Mahal na reyna! Mga mahal na prinsesa ano pong nangyari sa inyo!?” Tanong ni tatang Silas at nilakihan ang pagkaka bukas ng pinto niya tsaka ako inalalayan makapasok sa loob at maka upo sa upuan sa kanyang salas, sumunod naman sakin sila Andrea na paika ikang nag lalakad at pasalampak na naupo sa isang mahabang upuang yari sa kahoy. “Sandali lamang po,” sabi ni tatang Silas at nag tungo sa isang lamesang may iba’t ibang halaman na nakapatong at meron ring mga papel na nakatumpok sa isang sulok ng lamesa, meron ring mga maliliit na baso at mangkok. Kumuha siya ng isang mangkok at bumalik ulit sa amin. “Mahal na reyna, akin na po ang iyong kamay,” sabi ni tatang Silas habang naka yuko at hawak hawak sa kaliwang kamay niya ang mangkok na may lamang kulay berdeng pulbos. “Ano iyan?” Tanong ko sa kanya. “Ipapahid ko po ito sa inyong mga kamay at paa para mawala po ang pamamaga nito,” sagot ni Silas sa aking tanong kaya tumango na lamang ako sa kanya at inabot sa kanya ang kaliwang kamay ko. “Mahal na reyna, paumanhin sa aking gagawin, ngunit itataas ko po ang inyong manggas,” sabi ni tatang Silas at itinaas ang manggas ng damit na suot suot ko at tsaka pinahid yung green na pulbos. Ba’t siya humihingi ng tawad? Habang pinapahid niya ang pulbos sa aking kamay ay nakatingin lang ako sa ginagawa niya at napansin ko na sa bawat pag dikit ng berdeng pulbos sa aking balat ay kumikislap rin ito, para bang isa itong luster dust kung ibabase sa kataga ng mga mortal. “Akin na po ang kabila,” sabi ni tatang Silas ng matapos niya pahiran ang aking kaliwang kamay at braso tsaka siya lumipat sa kanan ko at katulad ng ginawa niya kanina ay humingi muna siya ng paumanhin bago inangat ang manggas ng damit na suot suot ko tsaka pinahid muli ang pulbos. Pagka tapos niyang pahiran ang kamay ko ay lumapit naman siya sa kay Andrea at ganun din ang ginawa niya. “Uhm, yung binti ko pa, namamaga rin,” pag papaalala ko kay tatang Silas, baka kasi nakalimutan niya eh. “Opo, sandali lamang po at kukuha pa po ako ng mas madaming viridi pulveris,” sabi ni tatang Silas kaya tumahimik na lang ako. Sabi ko nga eh, kukuha pa ng stock. Nang matapos na siya sa pagpapahid nung viridi pulveris sa mga kamay ng mga kaibigan ko ay nag lakad siyang muli pabalik doon sa lamesa niya at maya maya lamang ay bumalik naman siya ulit at lumuhod sa harapan ko. “Paumahin muli mahal na reyna,” sabi ulit ni tatang Silas at tinaas ang palda ng suot kong damit hanggang sa tuhod ko tsaka pinahid ang viridi pulveris sa aking binti. “Saan gawa itong berdeng pulbos?” Tanong ni Andrea habang tinitignan niya ang kanang kamay niya na pinahiran ng viridi pulveris. “Viridi pulveris ang tawag diyan Dre,” pag tatama ko kay Andrea. “Ay, oh edi saan nga gawa itong viridi pulveris na ‘to?” Tanong ni Andrea ulit. “Mula po ito sa tubig na pinaligo ng isang olivia,” sagot ni tatang Silas. Ahh ito yata yung tubig na ginamit niya kanina dun sa olivia na pinaiyak ko. “So marumi ‘to?” Nanlalaki ang mga mata ni Rhoda habang naka tingin sa kamay niyang kumikislap dahil sa viridi pulveris. “Hindi naman po, nasala ko na po ang mga duming napunta kanina sa tubig nito,” sagot ni tatang Silas kaya nagka tinginan naman kaming anim. So madumi nga ‘to!? “Kung inyo pong iniisip na madumi ito, hindi ko po iyong ipagkakaila ngunit ito lamang po ang tanging panlunas sa mga namamaga ninyong kamay at paa,” sabi ni tatang Silas at lumapit naman kay Andrea. “Paumanhin po,” sabi ulit ni tatang Silas at tinaas din ang palda ni Andrea hanggang sa tuhod nito. Oo nga naman, tsaka mukhang epektibo naman ito eh. Sinubukan kong amuyin ang pulbos at namangha ako dahil wala man lang akong naamoy na ano mang malansa o mabahong amoy mula dito. Matapos kami gamutin ni tatang Silas ay kumuha siya ng isa pang upuan at tsaka naupo rito at seryoso kaming tinignan. “Ano pong nangyari sa inyo? Bakit kayo napunta rito ng namamaga ang inyong mga kamay at paa?” Tanong ni tatang Silas samin kaya nagka tinginan kami ni Andrea, ni isa sa aming anim ay walang sumagot kay tatang Silas kaya napa buntong hininga na lamang siya. “Sinubukan niyo po bang lumabas sa selda?” Tanong ni tatang Silas na ikinabigla namin. “Pano mo nalaman yun?” Tanong ni Eryell sa kay tatang. “Dahil sa pagkaka alam ko, tanging ang selda lamang ang nakakapag bigay ng ganyang klaseng sugat sa balat,” sagot ni tatang Silas. “Alam mo ang tungkol sa selda?” Tanong ko kay tatang Silas at tumango naman siya. “Ibig sabihin alam mo din kung bakit merong selda sa paligid ng kagubatang ito?” Tanong ni Andrea kay tatang. “Opo,” sagot ni tatang Silas kaya napa ayos naman ako ng pagkaka upo at tatanungin na sana siya kaso bigla siyang nag salita muli. “Ngunit hindi ko ito maaaring sabihin sa inyo, lalong lalo na sayo mahal na reyna,” “Bakit naman?” Tanong ko sa kanya. “Upang matupad mo po ang iyong kapalaran,” seryosong saad ni tatang Silas na ipinag takha ko. Noong isang araw pa nila sinasabi yang kapalaran na yan ah, ano ba kasi yung sinasabi nilang kapalaran? “Anong kapalaran naman yun?” Tanong ni Catliya sa kay tatang pero umiling lamang siya at nanahimik na. “Hindi mo rin iyon pwedeng sabihin?” Tanong ko kay tatang Silas. “Pasensya na po mahal na reyna,” naka yukong saad niya kaya napa hinga na lang ako ng malalim at napa yuko. Bakit ba kasi hindi na lang nila sabihin sakin? Paano ko magagampanan yung sinasabi nilang kapalaran kung hindi ko ito alam? Siguro mas mabuti nang tanungin ko ng harapan si Elizabeth. Bukas, habang nag sasanay si Catliya, kakausapin ko ng mag isa si Elizabeth. “Huwag kang mag titiwala sa kahit na sino sa kanila,” narinig kong bulong ng elemento ng niyebe kaya nag takha naman ako. “Bakit naman?” Tanonng ko rito gamit ang isip ko pero hindi na ito muling sumagot pa. “Mahal na reyna?” Pag tawag sakin ni tatang Silas kaya lumingon ako sa kanya, napansin ko naman agad ang pag laki ng mga mata niya at ang biglaan niyang pag tayo. “Bakit? May problema ba?” Tanong ko sa kanya. “P-Pasensya na po p-pero umalis na po kayo,” sabi ni tatang Silas at binuksan ang pinto ng bahay niya tsaka nag lakad pabalik sa lamesa. “Tatang Silas, may problema po ba?” Tanong ni Neca sa kanya pero imbes na sagutin si Neca ay para bang walang naririnig si tatang Silas at nag sasambit lang ng mga salitang hindi namin maintindihan. “Me paenitet, non est medium,” paulit ulit niya itong binabanggit pero hindi naman namin siya maintindihan. (I’m sorry, I didn’t mean it) Gusto ko pa sanang tanungin si tatang Silas tungkol sa selda pero mukhang hindi niya na ako masasagot pa kaya tumayo na lamang ako at ganun din naman sila ni Andrea. Nag lakad na kaming anim papunta sa pinto, naunang lumabas sila ni Andrea. Lumingon akong muli kay tatang Silas para sana mag tanong ng isa pang beses pero parang hindi na talaga niya magagawang sagutin ang tanong ko. “Tara na Jo,” sabi ni Andrea kaya lumabas na ako ng bahay ni tatang Silas at sinarado ko na ang pinto tsaka kami nag lakad pabalik sa bahay namin. Habang nag lalakad kaming anim ay napapansin kong umiiwas samin ang mga nilalang na nakakasalubong namin. “Dre, bakit sila ganyan?” Tanong ko kay Andrea at tumingin ako sa kanya pero nanlaki lang ang mga mata niya ng makalingon ako sa kanya. “Bakit?” Tanong ko sa kanya. “Jo, yung mga mata mo,” sabi ni Andrea kaya napahawak naman ako agad sa ibaba ng mata ko. “Bakit? A-Anong nangyayari?” Kinakabahang tanong ko rin sa kanya. “Nag iba na ang kulay, t-tsaka merong puti puti sa iris mo,” sagot ni Andrea sa tanong ko na ikinabigla ko. “Huwag mong sabihing nawawalan na naman ako ng kontrol?” Saad ko sa kanila pero ni isa sa kanila ay walang sumagot kaya ginamit ko na ang bilis ko bilang bampira para makauwi kaagad sa bahay namin at makapasok agad sa kwarto ko. “Ano na namang nangyayari sakin?” Kinakabahang tanong ko sa sarili ko habang pabalik balik ng paglalakad sa loob ng silid ko. “Joanna?” Narinig kong tawag ni Andrea sa akin habang nasa labas siya ng pinto pero hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pagpapakalma ng sarili ko. Pinilit ko ang sarili kong mag focus para makontrol ang kapangyarihan ko at kahit papano naman ay umuubra naman ito kaya pinag patuloy ko lang ang ginagawa ko. “Tandaan mo Joanna, hindi mo maaaring pagka tiwalaan ang mga nilalang sa loob ng kagubatang ito,” narinig kong muli ang boses ng elemento ng niyebe. “Bakit!?” Sigaw ko rito. “Jo! Anong nangyayari!?” Rinig kong sigaw nila Andrea sa labas pero di ko sila pinansin. “tu autem homo mendax,” rinig kong sambit muli ng elemento ng niyebe pero hindi ko naman ito maintindihan. (They’re liars) Ano bang ibig niyang sabihin? Sinubukan ko pang kausapin ang elemento ng niyebe pero ni isang salita ay wala na akong narinig pa mula rito kaya napa buntong hininga na lamang ako. Bakit ba kasi ang dami nilang sikreto? Nag lakad na lamang ako papunta sa pinto kung saan tuloy pa rin ito sa pag kalabog dahil sa kanila Andrea. “Joanna buksan mo ‘tong pinto!” Rinig kong sigaw ni Andrea. “Jo! Anong nangyayari sayo!?” Rinig ko ring tanong ni Catliya kaya napa iling na lang ako at binuksan na ang pinto ng kwarto ko kasunod naman nito ay ang sunod sunod nilang limang pag pasok sa silid ko at pinalibutan nila ko agad at inulan ng tanong. “Anong nangyari?” Tanong ni Andrea. “Okay ka lang ba?” Tanong naman ni Eryell. “May problema ba?” Tanong naman ni Neca. “Patingin nga ng mata mo,” sabi ni Catliya at pinaharap ako sa kanya sabay hila ng mukha ko at tinitigan ng malapitan ang mga mata ko kaya tinulak ko naman ng mahina palayo ang mukha niya sakin gamit ang kaliwang kamay ko. “Bumalik na naman sa normal yung mata mo Jo,” sabi naman ni Rhoda at tumango lang ako sa kanya. “Oo, okay na ko,” sabi ko sa kanila at nginitian sila. “Pasensya na ha, sinumpong lang kasi yung elemento ng niyebe,” pabirong sabi ko sa kanila pero sinamaan lang nila ako ng tingin kaya napakamot na lang tuloy ako sa batok ko. “Promise, okay na ako,” pag kukumbinsi ko sa kanilang lima. “Sigurado ka ha?” Pangungulit pa ni Andrea kaya natawa na lang ako. “Haha oo nga Dre, ang kulit niyo naman eh,” sabi ko sa kanila ng natatawa kaya nag tatakha naman silang tumingin sakin. “Bakit?” Tanong ko sa kanila. “Para kang baliw, kanina halos maiyak ka na sa pag aalala tungkol sa mata mo tapos ngayon tatawa tawa ka naman,” sabi ni Neca kaya natawa na naman ako. “Baliw nga ang g*ga,” rinig kong bulong ni Rhoda kaya mas natawa pa ko. Sa totoo lang hindi ko alam pero natatawa talaga ako sa kanila ngayon. “Putek! Joanna! Umayos ka nga kinakabahan na kami sayo eh,” sabi ni Eryell pero natawa lang ako sa kanya. “Hahahaha sabi ko sa inyo okay na ko eh, kayo lang ‘tong mga ewan kung mag alala diyan eh,” sabi ko sa kanila ng natatawa pa rin. “Malamang! Mahal ka namin eh, t*nga nito!” Sabay sabay na sabi nilang lima kaya mas lalo akong natawa. “Hahahaha may choir kayo?” Pag bibiro ko sa kanila at sinamaan lang nila ko ng tingin at sunod sunod na pinitik sa noo. “Aray!” Reklamo ko sa kanila at hinimas himas yung noo kong pinitik nilang lima. “Masakit yun ha!” Sigaw ko sa kanila pero wala naman silang rekasyon at sabay sabay din nila akong inirapan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD