Chapter 37: Ignis Elementis

2666 Words
*Joanna’s POV* Kinabukasan ay maaga ako nagising, mga alas kuwatro pa lang siguro ay gising na ako, yun kasi ang napag usapan naming pras ng pag gising eh, sasama kasi kami sa pag sasanay ni Catliya pero hindi talaga yun ang pakay ko. Mag hihintay lang ako ng tiyempo kung saan wala sa akin ang atensyon nila Andrea para maka alis ako at mapuntahan ko si Elizabeth. Marami akong gustong itanong sa kanya at kahit na alam kong hindi ko siya pwedeng pagka tiwalaan ay alam ko ring tanging siya lamang ang makaka sagot sa mga nais kong itanong, tungkol sa sarili kong kapalaran at sa elemento ng niyebe. Kinuha ko na ang tuwalya ko at ang undergarments ko tsaka lumabas sa kwarto ko para maligo kaso sakto naman pag labas ko eh siya ring pag labas nila Andrea, Catliya, Rhoda, Eryell at Neca. Nagka tinginan pa muna kami bago sabay sabay na natawa. “Haha sige na, mauna na kayo,” sabi ko sa kanila. “Cat, ikaw na mauna, ikaw naman magpa practice eh,” sabi ni Andrea kay Catliya at tumango naman kami sa kanya. “Sige, sige, bibilisan ko na lang,” sabi ni Catliya at nauna nang mag tungo sa banyo kaya kaming lima naman ay nag punta na muna sa may salas at naupo sa upuang gawa sa kahoy. “Mag titimpla na muna ako ng kape, gusto niyo rin?” Sabi ni Andrea at tsaka tumayo, nag taas naman ng kamay sila Neca at Eryell bilang sagot habang naka pikit pa, halatang antok pa sila eh. “Sige, kukuha na rin ako ng mga tinapay,” sabi ni Rhoda at tumayo na rin tsaka sila nag lakad ni Andrea papuntang kusina. “Inaantok pa ko,” sabi ko sa kanila Neca. “Matulog ka muna diyan, wala pa naman sila eh,” sabi ni Eryell kaya tumango na lang ako sa kanya at nahiga na sa upuan. Ginamit kong unan ang tuwalyang dala ko at naka baluktot na naka higa sa upuan kasi naka upo rin sa dulo si Eryell at Neca. Siguro dahil sa sobrang antok kaya ako agad naka tulog. *Third Person’s POV* Mahimbing na muli ang pagkaka tulog ni Joanna habang ang mga prinsesa naman ay sunod sunod sa pag hikab at nag hihintay pa rin na matapos si Catliya sa pag ligo. Maya maya lamang ay lumabas na sa banyo si Catliya habang naka tapis ng tuwalya sa katawan. “Ye, ikaw na dun sa CR,” sabi ni Catliya ng madaanan sila ni Neca na naka upo na sa sahig at naka subsob ang ulo sa lamesa habang si Eryell naman ay humihikab na kinuha ang twalya ang ilang damit niya tsaka nag lakad na parang patay papunta sa banyo, at si Joanna na mahimbing pa ring natutulog sa upuan. Tumakbo na si Catliya papunta sa kanyang silid ng bumalik na sila Andrea at Rhoda sa salas habang may dala dalang tray ng limang baso na may lamang kape at isang baso na may lamang mainit na gatas, alam kasi nilang hindi nag kakape si Joanna. “Neca, umayos ka muna, ilalagay namin ‘tong pagkain,” sabi ni Andrea at umayos na muna ng pagkaka upo si Neca bago nila pinatong ang pagkaing gawa nila tsaka kumuha ng tig isang baso ng kape at kumain ng tinapay. “Nasan si Eryell?” Tanong ni Rhoda. “Handuhn,” sabi ni Neca habang may nginunguyang tinapay. “Lunukin mo kaya muna yan,” saway ni Andrea sa kanya na agad namang sinunod ni Neca. “Nandun na siya sa CR, tapos na kasi si Catliya eh,” sabi ni Neca na tinanguan lang nila Rhoda at Andrea. “Pag katapos pala ni Eryell, ako na susunod ha,” pahabol ni Neca na tinanguan lang ulit ng mga kaibigan niya. “Sige, pagkatapos mo ako naman,” sabi ni Rhoda. “Eh pano yan?” Tanong ni Rhoda at tinuro si Joanna na natutulog pa rin sa upuan habang naka baluktot. “Mamaya na lang natin siya gisingin, pag tapos na ko maligo,” sabi ni Andrea na tinanguan naman nila. Habang nag uusap sila ay lumabas na si Catliya sa silid nito at kumuha na rin ng maiinom niya at tinapay. Nasasabik na siya sa kung anong mangyayari sa unang araw ng kanyang pag sasanay at kung ano ano ang mga matututunan niya. “Tapos na ko!” Narinig nilang sigaw ni Eryell kasunod ang pag lagabog ng pintuan ng silid nito. “Okay, ako naman maliligo,” sabi ni Neca at inisang subo ang natitira niyang tinapay at agad na ring inubos ang kape niya tsaka nag punta sa banyo bitbit ang twalya nito. Tahimik lamang na kumakain ang mga prinsesa at nag hihintay ng kanilang oras para makaligo na rin. Mabilis lang rin namang natapos sila Neca at Rhoda sa pag ligo kaya nag tungo na rin si Andrea sa banyo at dali daling naligo pagkatapos niya ay tsaka nila ginising si Joanna na agad naman silang sinamaan ng tingin. “Sorry na Jo pero need mo na maligo kasi male late na tayo,” sabi ni Catliya kay Joanna kaya kahit na inaantok pa ay tumayo na ito at nag punta sa banyo at naligo na rin. Pagka labas nito ay tsaka inisang lagok ni Joanna ang gatas na malamig na dahil kanina pa ito tinimpla, kumuha na rin siya ng tinapay at kinain ito habang hawak hawak ang twalyang nakapalibot sa katawan nito at nag lakad na papunta sa kwarto niya. Maya maya lamang ay tapos na sila mag ayos at lumabas na ng bahay nila. “Teka Cat, saan ba yung meeting place?” Tanong ni Andrea kay Catliya. “Sabi ni Crissia sa may lignum acacia daw eh,” sagot ni Catliya. “Saan yun?” Nag tatakhang tanong naman ni Eryell. “Hindi ko rin alam eh,” sabi ni Catliya sa kanila habang napapakamot na lamang ng batok niya. “Mag tanong na lang muna tayo,” sabi ni Neca na tinanguan naman nilang lahat maliban kay Joanna na parang wala sa sarili dahil sa antok. “Jo okay ka lang ba?” Tanong ni Andrea kay Joanna pero tumingin lang ito sa kanya ng masama at nag tuloy sa pag lalakad. Sabi ko nga eh antok ka pa. Napa iling iling na lamang si Andrea habang nag lalakad sila. “Magandang umaga po mga mahal na maharlika,” bati sa kanila ng isang ginang na may dala dalang palayok na nakapatong sa ulo nito. “Magandang umaga rin po,” bati ng mga prinsesa sa babae. Napatingin naman ang babae sa reyna nila na parang wala sa katinuan dahil panay hikab ito at papikit pikit ng mata. “Pasensya na po kayo, inaantok pa po kasi,” sabi ni Andrea sa ginang na nginitian na lamang sila. “Ay alam mo po ba kung saan yung lignum acacia?” Tanong ni Andrea sa ginang. “Opo, ayun po oh, ang punong may kulay dilaw na mga bulaklak,” sagot ng ginang at tinuro ang isang malaking puno na meron ngang dilaw na mga bulaklak at mag isa lamang itong naka tayo sa timog kanlurang bahagi ng kagubatan. “Maraming salamat po,” pag papasalamat ni Andrea sa ginang at tsaka sila nag lakad palapit dito. Malapit na rin sumikat ang araw kung kaya ay binilisan na nila ang pag lalakad papunta sa punong sinabi ni Crissia. Pagka rating nila doon ay nakita na nila si Crissia na naka tayo na sa ilalim ng puno. “Nahuli kayo,” seryosong saad ni Crissia. “Hindi pa naman sumisikat ang araw,” sabi ni Catliya kaya tinaasan siya ng kilay ni Crissia pero nag kibit balikat lamang ito kaya napa ismid na lamang si Crissia at nag lakad na palapit sa mga kahoy na naka tumpok sa isang gilid, sumunod naman sa kanya ang mga prinsesa at si Joanna. “Bakit pati kayo nandito?” Tanong ni Crissia sa kanila Andrea. “Uhm mag oobserba lang,” sagot ni Andrea sa tanong nito. “Doon na lamang kayo sa may puno, baka tamaan pa kayo rito,” sabi ni Crissia kaya napa tango tango na lamang ang mga prinsesa maliban kay Catliya. “Good luck Cat,” sabi ni Andrea at tinapik tapik ang balikat ng kaibigan, ganun din ang ginawa ng ibang prinsesa maliban kay Joanna na diretso lang nag lakad papunta sa puno at naupo sa may paanan nito tsaka sumandal at pinikit ang mga mata. “Cat,” pag tawag ni Rhoda sa kay Catliya. “Kung pwede sunugin mo na rin yang babaeng yan, nakaka bwisit eh, masyadong maattitude,” nanggigigil na saad ni Rhoda sa kaibigan kaya natawa na lamang si Catliya sa kanya. “Hahaha pumunta ka na nga dun, mag papractice pa ko eh,” sabi ni Catliya at pinag tulakan na si Rhoda pabalik sa may puno kung saan nanunuod ang iba pa nilang kaibigan. “Mag sisimula na ba tayo o ano?” Tanong ni Crissia sa kanila. “Oo eto na!” Sagot ni Catliya sa kanya habang pinipigilan si Rhoda na sugurin ang tagapag sanay niya. Nag lakad na lamang si Rhoda pabalik sa kanila Andrea at napa salampak ng upo sa tabi nito. “Chill lang Rhod,” sabi ni Andrea at tinapik tapik ang likod ng kaibigan na masamang naka tingin kay Crissia. “Jo? Ayaw mo manuod?” Tanong ni Eryell kay Joanna na nakapikit lang habang naka sandal sa puno. “Okay, sabi ko nga eh tulog ka,” sabi na lang ni Eryell at nanuod sa pag sasanay na ginagawa ni Catliya. Nanuod na lamang muli si Eryell sa pag sasanay na ginagawa ni Catliya. *Joanna’s POV* Kanina pa ako nag papanggap na tulog dito, hinihintay ko kasi na mawala ang atensyon nila sa akin. Naririnig ko ang mga sinasabi ni Crissia habang nag bibigay siya ng mga instructions sa kay Catliya. “Crissia bago tayo mag simula, anong tawag sayo?” Rinig kong tanong ni Catliya kay Crissia. “Ang ibig kong sabihin ay kung bakit kaya mong mag kontrol ng apoy, anong klaseng nilalang ka?” Tanong muli ni Catliya sa kanyang guro. “Isa akong bampira pero nahahanay ako sa mga elementis,” sagot ni Crissia sa kanya. “Elementis? Ano yun?” Tanong muli ni Catliya. “Mga bampirang may kakayahang kumontrol ng mga elemento sa paligid, tulad na lamang ng hangin, tubig, lupa at apoy,” sagot ni Crissia sa kanya. “Ahh so doon ka sa apoy nabibilang,” rinig kong sabi ni Catliya. “Ang tawag doon ay Ignis elementis,” pag tatama sa kanya ni Crissia. “Mag sisimula na ba tayo o mag tatanong ka na lang buong araw?” Rinig kong tanong ni Crissia na halatang naiinip na. “Sabi ko nga mag sisimula na,” rinig ko ring sagot ni Catliya sa kanya. “Tsk! Unang una mong kailangan gawin ay damhin ang init ng katawan mo,” sabi ni Crissia. “Pati ang init ng hanging binubuga mo palabas ng iyong ilong,” dagdag pa nito pero hindi na ako nakinig pa sa kanila at dahan dahan ay iminulat ang mga mata ko at sinilip ang mga kaibigan kong nanunuod lamang kay Catliya at nakikinig sa mga sinasabi ni Crissia. Nang masigurado ko na na hindi nila ako napapansin ay unti unti akong tumayo at dahan dahang nag lakad palayo sa puno ng lignum acacia. Nang makalayo layo na ako ay tsaka ko na lamang ginamit ang bilis ko bilang bampira at tumakbo papunta sa direksyon ng bahay ni Elizabeth. Nung una ay medyo naligaw ligaw pa ako dahil sa pagkaka pareho ng mga puno dito pero di kalaunan ay nahanap ko na din naman ang bahay niya pero bago pa man ako makalapit sa bahay ay nakita ko na ang pag bukas nito kaya dali dali akong nag tago sa likod ng isang may kalakihang puno at doon na muna nag matyag. Mula dito sa pinagtataguan ko ay nakita kong lumabas si tatang Silas mula sa bahay ni Elizabeth habang naka yuko at hawak hawak ang kanang pisngi nito. “Huwag na huwag mo akong papangunahan Silas! Hindi mo alam kung ano ang sinakripisyo ko upang makalabas na tayong lahat dito!” Rinig kong sigaw ni Elozabeth mula sa loob ng kanyang bahay kaya nag tatakha naman ako habang naka tingin lamang kay tatang Silas na naka yuko pa rin pero ngayon ay naka harap na siyang muli sa loob ng bahay. “Patawad po muli Maior natu, patawad po,” paulit ulit na sambit ni tatang Silas na naririnig ko pa mula dito sa kinatatayuan ko, tahimik kasi ang paligid kung kaya ay rinig talaga ang kahit na maliit lamang na ingay. “Umalis ka na!” Sigaw muli ni Elizabeth. Ano bang ikinagagalit niya? Tsaka bakit niya sinisigawan si tatang Silas? Isinarado na ni tatang Silas ang pinto ng bahay ni Elizabeth at mag lalakad na sana paalis ng mapa tingin siya sa direksyon kung nasaan ako nakatayo kaya agad akong nag tago at hindi na umimik pa. Hinintay ko na lang din na maka alis at mawala ang presensya ni tatang Silas dito sa paligid bago ako muling lumabas sa aking pinag tataguan. Dahan dahan ay nag lakad ako palabas sa punong tinaguan ko at muling tinanaw ang daang tinahak ni tatang Silas pabalik siguro sa kanyang tahanan. Ano kayang nangyari? Bakit siya pinapagalitan ni Elizabeth? Napa iling na lamang ako. Wala rin naman akong makukuhang sagot kung tatayo lamang ako dito, ang mabuti pa ay pumasok na lamang ako sa loob at komprontahin na mismo si Elizabeth. Nag lakad na ako palapit sa bahay ni Elizabeth at hindi na nag abala pang kumatok. Pagka bukas ko ng pinto ay nakita ko si Elizabeth na nakahawak sa kanyang noo at napapa iling iling na lamang. “Elizabeth,” pag tawag ko ng atensyon niya at agad namang napa angat ang tingin niya sa akin na para bang hindi niya inaasahang nandito ako ngayon sa harapan niya. Nag lakad ako palapit sa kanya at naupo sa harapan niya habang napapagitnaan naming dalawa ang bilog na lamesa. “Mahal na reyna, ano po’t nandito kang muli? Hindi ba’t may pag sasanay ngayon ang iyong kaibigan?” Tanong ni Elizabeth sakin pero umiling lang ako sa kanya. “Mag tapat ka nga sakin,” panimula ko na ipinagtakha naman niya. “Bakit hindi mo sinabi sa mga kaibigan ko ang totoo?” Tanong ko sa kanya. “Ano pong totoo ang iyong tinutukoy mahal na reyna?” Tanong niya sakin. “Na alam mo ang tungkol sa seldang nabanggit ko kahapon,” sabi ko sa kanya. “Paumanhin mahal na reyna, hindi ko talaga alam ang tungkol doon,” sagot niya na mas ikinainis ko. “Tsk! Huwag ka na mag maang maangan pa, narinig kita dati, ang sabi mo huwag kong hahawakan ang selda, kaya alam kong alam mo ang tungkol doon,” sabi ko sa kanya. “At kelan ko po iyon nabanggit?” Tanong niyang muli. Naikuyom ko na lamang ang palad ko dahil sa pag titimpi ng inis at nag bubtong hininga na lamang. Kumalma ka Joanna, mukha ngang wala naman siyang balak na sabihin ang tungkol sa selda at isa pa, kailangan mo ng mga kasagutan. “Nevermind that,” pabulong kong saad at napansin ko naman ang pag kunot ng noo niya. “Ano po iyon mahal na reyna?” Nag tatakhang tanong ni Elizabeth sakin pero umiling lamang ako sa kanya. “Sana naman itong susunod kong itatanong ay masagot mo na ng totoo,” seryosong sabi ko kay Elizabeth at tumango naman siya bilang sagot. “Ano ang kapalarang nag hihintay para sakin?” Tanong ko sa kanya at tumingin lamang siya sakin ng seryoso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD