Chapter 43: New Teachers

2443 Words
*Third Person’s POV* “Ikinagagalak po namin na makilala kayo, mga mahal na prinsesa,” sambit ng babaeng naka suot ng asul na damit. “Ganun din kami...uhm, ano nga ulit ang pangalan niyo?” Tanong ni Andrea sa dalawang bampirang kasama ni Bartlette. “Ang pangalan ko po ay Acasia,” sagot ng Aqua elementis. “Ako naman po ay kilala sa ngalang Solomon,” sagot din naman ng Sol elementis. “Acasia, Solomon, eto si Prinsesa Andrea at si Prinsesa Eryell, sila ang may hawak sa elemento ng tubig at araw,” pagpapa kilala ni Bartlette sa mga prinsesa sa mga kaibigan nito. “Alam ko,” seryosong saad naman ni Acasia kay Bartlette na napakamot na lamang ng batok nito. “Uhm Acasia at Solomon may itatanong sana kami sa inyo,” sambit ni Eryell at tumango naman si Andrea sa kanila habang naka ngiti na para bang excited sa kung ano man ang maaari nilang isagot. “Ano po iyon mahal na prinsesa?” Tanong ni Solomon. “Maaari niyo rin ba kaming sanayin at turuan tungkol sa mga kapangyarihan na taglay namin?” Tanong ni Eryell. “Oo naman po, wala naman pong kaso sa akin kung mag papaturo kayo,” sagot ni Solomon na ikinatuwa naman ni Eryell. Yes! Salamat naman at pumayag siya. Isip isip ni Eryell habang naka ngiti ng todo sa mga bampira sa harapan nila. “Paumanhin,” sagot ni Acasia at yumuko lamang. “H-Hindi ba pwede?” Dismayadong sambit ni Andrea kaya napatingin naman sa kanya si Acasia. “Patawad mahal na prinsesa, ngunit wala po akong sobrang oras para ilaan sa pagtuturo,” sabi ni Acasia na ikinalungkot na talaga ni Andrea. “G-Ganun ba? Sige, ayos lamang yun, pasensya ka na kung naabala ka pa namin,” naka ngiting sabi ni Andrea pero alam ng mga kaibigan nito na gustong gusto na rin ni Andrea na mag sanay. “Ngunit meron po akong kakilala, susubukin ko po siyang kumbinsihin na siya na lamang po ang mag turo sa inyo. Magaling din po siya at siya po ang nag sanay sa akin kung kaya’y masisigurado ko na mas magaling siyang guro kumpara sakin,” sabi kaagad ni Acasia. “Talaga? Sige, sana pumayag siya para makapag sanay na din si Andrea,” sabi ni Catliya at ngumiti kay Acasia, ganun na din ang ginawa ng ibang mga prinsesa. “Sige po, kakausapin ko na po siya para makapag simula na din po kayo ng pag sasanay bukas ng umaga,” sabi ni Acasia at yumuko sa harap ng mga prinsesa upang mag bigay galang bago ito umalis at nawala sa harapan nilang lahat. “Ah eh, pasensya na po sa inasal ni Acasia, hindi po kasi talaga siya mahilig makisalamuha sa iba,” paghingi ng paumanhin ni Bartlette. “Ayos lamang yun, salamat pa rin sa pag tawag sa kanya,” sabi ni Andrea at tumngin kay Solomon na nakatingin lamang sa araw kaya napatingala na din si Andrea kaso sumakit lamang ang mata niya ng tumingin siya ng direkta sa araw. Aray! Di ba siya nasisilaw? Tanong ni Andrea sa isip nito. Sol elementis siya Dre, kaya mukhang hindi siya nasisilaw sa sinag ng araw, gaya ko. Sagot naman ni Eryell kay Andrea gamit ang isip nito. Ah oo nga pala, sorry nakalimutan ko. Sagot din naman ni Andrea at naupo na lang ulit sa kinauupuan nila kanina. “Okay ka lang Dre?” Tanong ni Neca at umupo din sa tabi ni Andrea. “Oo naman, bakit?” Sagot ni Andrea at tumingin kay Neca. “Wala lang, baka kasi nalulungkot ka about sa sinabi ni Acasia,” sagot ni Neca sa kanya. “Hindi naman sobra kasi sabi naman niya eh maghahanap siya ng bampirang pwedeng mag turo sakin eh, diba?” Naka ngiting sabi ni Andrea na tinanguan naman ni Neca. “Prinsesa Rhoda, paumanhin po ngunit tatapusin ko na po muna ang pag sasanay natin ngayong araw, may kailangan pa po kasi akong puntahan eh,” narinig nila Andrea na sabi ni Bartlette kay Rhoda. “Ganun ba? Sige, sige, salamat, bukas na lang ulit,” sabi ni Rhoda at kumaway sa kanyang guro bilang pag papaalam. “Solomon, bukas ng umaga dadaanan kita dun sa bahay mo ha, sumabay ka na din sakin sa pag punta dito para sanayin si Prinsesa Eryell,” sabi ni Bartlette sa kaibigan nitong Sol elementis. “Sige, walang problema sa akin yun,” sagot ni Solomon kay Bartlette. “Aalis na po kami mga mahal na prinsesa,” sabi ni Bartlette at yumuko na silang dalawa ni Solomon sa mga prinsesa bago umalis gamit ang mga bilis nila bilang mga bampira. “Well, I guess tapos na ang klase ngayong araw,” sambit ni Rhoda at lumapit na sa kanila Andrea tsaka naupo sa tabi nito at sinandal ang ulo nito sa balikat ni Andrea. “Haay grabe nakakapagod,” sabi ni Catliya at sumandal na din sa puno. “Sa bahay na lang kayo mag pahinga,” sabi ni Andrea at ginalaw galaw ang balikat niya kung saan naka hilig ang ulo ni Rhoda. “Epal naman nito, nagpapahinga pa ko eh, kapagod kaya,” sabi ni Rhoda at hinampas ang balikat ni Andrea. “Eh ang bigat ng ulo mo eh,” sagot din nito habang natatawa at ginalaw galaw ulit ang balikat niya. “Mabigat pala ha,” Sabat naman ni Rhoda kaagad at dinambahan si Andrea hanggang sa natumba na din ito sa lupa at dinadaganan na siya ngayon ni Rhoda habang natatawa. Natatawa na lang din sila Catliya, Neca at Eryell sa kanila. Maya maya lamang ay dumagan na din si Neca, kasunod niya ay si Eryell at si Catliya. “Put*ng*na! Ang bigat niyo! Hoy!!!” Sigaw ni Andrea na naiipit na sa ilalim nilang apat. “Ah mabigat pala ha,” sabay sabay na sabi ng apat na prinsesa at kiniliti na si Andrea. “Mga bwisit kayo hahaha tama na tama hahahaha na!!!!” Sigaw ni Andrea hanggang sa tumigil na nga ang apat niyang mga kaibigan pero nakadagan pa rin sa kanya. “Grabe nagugutom na ko,” sabi ni Rhoda kasunod nito ay ang pag tunog ng tiyan niya. “Ako rin,” sabi ni Catliya at tumunog din ang tiyan nito at sunod sunod na nga ang pagkulo ng mga tiyan nilang lima na tinawanan na lamang nila. “Hahaha tara na nga, bumalik na tayo sa bahay, baka naghihintay na si Joanna dun eh,” sabi ni Eryell at tumayo na. “Oo nga baka gutom na din yun, di pa naman marunong mag luto yun,” sabi ni Catliya at tumayo na din. “Pag narinig ka nun lagot ka talaga,” sabi naman ni Rhoda habang natatawa at tumayo na rin. “Haha bilisan na lang natin,” sabi ni Neca at tumayo na din bago tinulungan si Andrea na makatayo. “Argh grabe sakit ng likod ko sa inyo,” reklamo ni Andrea at inunat unat ang likod niya. “Hahaha sabi mo mabigat kami eh,” natatawang sabi ni Rhoda. “Hoy, paunahan tayo pabalik sa bahay?” Nakangising sabi ni Neca sa mga kaibigan na ngumisi na lang din sa kanya at hinanda ang mga sarili. “Sige ba,” sagot ng mga ito. “Isa...Dalawa...Tatlo, Go!!!” Sigaw nilang lima at sabay sabay na naglaho sa kinatatayuan nila. Nauuna sa kanilang lima si Neca, kasing bilis niya ang liwanag. Kasunod lamang ni Neca si Eryell at kasunod naman nito ay si Andrea ar Catliya, nasa hulihan naman si Rhoda. Pagkarating nilang lima sa tapat ng pinto ng tinitirhan nilang bahay ay nakangisi lamang si Neca sa kanilang apat. “Oo na, sige na, ikaw na mas mabilis,” sabi na lamang ni Andrea at napairap na lamang tsaka tinulak ng bahagya ang naka ngising mukha ni Neca bago pumasok sa loob ng bahay nila. Una kaagad na pinuntahan ni Andrea ang kwarto ni Joanna at sinilip ang kaibigan sa loob. Nakita niya si Joanna na naka higa sa kama nito habang hawak hawak ang mga papel na binigay sa kanya ni Elizabeth. “Hanggang ngayon tulog ka pa rin? Huy! Joanna, gising na! Tanghali na oh,” sabi ni Andrea at kahit na alam niyang magagalit si Joanna kapag inistorbo ang pag tulog niya ay kailangan niya na talagang gisingin ang kaibigan kasi sobra sobra na ang tulog nito. “Maya na Dre, antok pa ko eh,” ungol ni Joanna at tumalikod lang kay Andrea. “Ah hindi! Bangon na! Kakain na tayo!” Sigaw ni Andrea kaya napilitan na lamang si Joanna na bumangon at mag lakad na parang wala sa katinuan papuntang kusina at diretso naman siyang umupo sa upuan niya. “Luh, kakagising mo lang Jo?” Nagtatakhang tanong ni Neca na kakapasok lang ng kusina. “Good morning,” sagot ni Joanna at humikab. “Hoy teh, afternoon na,” sabat naman ni Rhoda sa kay Joanna. “Good afternoon,” sagot naman ni Joanna at tinukod ang mga kamay nito sa lamesa bago yumuko at muling babalik na naman sa pag tulog nito. “Hoy! Huwag kang matutulog sa hapag kainan!” Sigaw ni Catliya kaya agad naman napa ayos ng upo si Joanna at humikab. “Napaka antukin talaga nito,” komento na lamang ni Eryell habang natatawang naka tingin kay Joanna na pasuray suray ang ulo dahil sa antok. “Anong oras ka na naman ba natulog kagabi ha?” Parang nanay na tanong ni Andrea kay Joanna habang nakapameywang pa. “Madaling araw na kasi nagbabasa pa ko eh,” sagot naman ni Joanna. “Mag puyat ka pa ulit mamaya diyan sa mga binabasa mong papel, susunugin ko na talaga yan,” pananakot ni Andrea kay Joanna na agad namang sumama ang tingin sa kay Andrea. “Epal ka? Sunugin kita diyan eh,” mataray na sagot ni Joanna na ikinabigla naman ng mga kaibigan nito. “Aba’t anong—“ pagsasabihan pa sana ni Andrea si Joanna pero pinigilan na siya ni Catliya na nag lapag na ng kanin. “Okay! Eto na ang kanin, kakain na tayo kaya mamaya na kayo mag away diyan,” sabi ni Catliya pero bago pa man siya makaupo ay may narinig silang kumatok sa pinto kaya nag lakad naman si Catliya papunta doon at binuksan ang pinto. “Ano po yun?” Tanong ni Catliya sa isang babaeng bampirang mukhang nasa edad trenta na. “Ulam niyo po mahal na prinsesa,” sabi ng babaeng bampira at binigay ang isang malaking mangkok ng sabaw at gulay. “Ay salamat po,” sabi ni Catliya at kinuha ang ulam. Yumuko na ang babaeng bampira at naglakad na paalis kaya pumasok na si Catliya sa loob ng bahay nila at inihain ang binigay na ulam sa kanila. Lumipas ang isang oras at muli na namang bumalik si Joanna sa pag babasa niya kaya hinayaan na lamang nila Andrea ang kaibigan hanggang makatapos na silang kumain ng hapunan. “Joanna matulog ka ng maaga ha, hindi umaga,” paalala ulit ni Andrea kay Joanna habang naka dungaw sa pinto nito. “Opo,” sagot naman ni Joanna habang binabasa pa rin ang nasa papel na hawak hawak niya. Napa buntong hininga na lamang si Andrea at isinarado na ang pinto ng kwarto ni Joanna bago pumunta sa kwarto niya at natulog. Kinabukasan ay maagang nagising ang mga prinsesa, maliban kay Joanna na mahimbing pa ring natutulog sa kwarto nito. “Dre, iiwan natin ulit si Joanna dito?” Tanong ni Eryell kay Andrea na kakalabas lang ng kwarto ni Joanna para sana gisingin ang kaibigan kaso kahit na anong yugyog nito sa balikat ni Joanna ay hindi pa rin ito magising gising. “Oo, ayaw magising eh,” sabi na lang ni Andrea. “Nag iwan na lang ako dun ng ulam at kanin para may kainin siya pag gising niya,” sabi ni Catliya na kakalabas lang galing sa kusina. “Tara na, baka mamaya malate pa tayo, masigawan pa ko ni Crissia eh,” dagdag pa ni Catliya habang napapakamot ng ulo. “Hahaha sige tara na,” sabi ni Andrea at lumabas na nga silang lima ng bahay, nag lakad lamang sila papunta sa training grounds sa loob ng Taboo forest. Pag dating nila doon ay wala pa ang mga guro nila kaya naka hinga naman ng maluwag si Catliya. Nag unat unat na din sila ng mga katawan nila para hindi mabigla ang katawan nila sa buong araw na pag sasanay. Makalipas ang kalahating oras ng pag iinat nila ay dumating na nga ang mga guro nila kasama ang isang may katandaang lalaking na nakasuot ng asul na balabal at isang pares ng tsinelas na bakya. “Magandang umaga, mga mahal na prinsesa,” sabi ng matandang lalaki. “Uhm, magandang umaga din po, uhh,” bati rin ni Rhoda. “Tatang Gondol po ang tawag nila sa akin,” sagot ng matandang lalaki. “Magandang umaga po, Tatang Gondol,” bati ng mga prinsesa at ngumiti sa kanilang mga guro. “Prinsesa Andrea, si Tatang Gondol po ang magiging guro mo, siya po ang mag sasanay sayo para makontrol mo ang kapangyarihan mo,” pag bibigay alam ni Bartlette habang naka ngiti ng todo. “Ikaw na po ang bahala sakin Tatang Gondol,” naka ngiting sabi ni Andrea sa kanyang guro. “Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya upang maturuan kayo ng tama at mas mapagaling pa po kayo sa larangan ng pakikipag laban,” sabi ni Tatang Gondol na ipinag takha ng mga prinsesa. “Ah napag isip isip din po ni Tatang na turuan din po kayo kung paano kami makipag laban dito gamit ang mga armas na napili namin,” pag kaklaro ni Bartlette. “Ahh sige, ayos lang samin yun,” sabi ni Neca ng naka ngiti. “Bago po ang lahat, nais ko po sana munang malaman kung nasaan po ang mahal na reyna? Nais ko din po sana siyang makilala sa personal,” tanong ni Tatang Gondol. “Ah si Joanna? Ayun sa bahay, tulog na tulog kaya iniwan na lamang namin siya dun,” sagot ni Catliya. “Ah ganun po ba? Siguro sa susunod na lamang po ako magpapakilala sa reyna,” sabi ng matandang lalaki na tinanguan naman ng mga prinsesa. “Sa ngayon, maaari na po ba nating simulan ang inyong pag sasanay?” tanong ni Tatang Gondol habang naka ngiti sa mga prinsesa na agad namang ngumiti at tumango pabalik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD