Chapter 44: Briena

2335 Words
*Third Person’s POV* Sabay sabay na tinuturuan ng kanya kanyang mga guro ang mga prinsesa habang si Joanna naman ay masyado ring abala sa pag babasa ng mga papel na ipinahiram sa kanya ni Elizabeth. “Iniwan ka na naman nila dito? Kawawang nilalang,” pagpuna ng elemento ng niyebe sa sitwasyon ni Joanna ngayon. “Ayos lang naman sakin, tsaka nag sasanay pa sila kaya naiintindihan ko naman,” sagot naman ni Joanna habang nag binabasa ang papel na hawak hawak niya. “Sa ngayon lang yan, dahil unti unti lang din silang lalayo sayo,” bulong muli ng elemento kaya napa buntong hininga na lamang si Joanna. “Ang laki talaga ng galit mo sa ibang bampira no? Pati mga kaibigan ko pinag iisipan mo ng kung ano,” napapa iling na lamang na sabi ni Joanna. “Dahil yun naman ang totoo at ganun din ang nangyari sa lahat ng mga nakalipas na mga reyna ng niyebe,” bulong muli ng elemento ng niyebe. “Ilang beses ko ba sasabihin sayo na iba ako sa kanila? Kung sila hindi nila kinayang kontrolin ang isang gaya mo, pwes ako, magagawa ko, kailangan ko lang malaman kung ano ba talaga ang nangyari sayo dati,” sagot ni Joanna. “Pwede mo bang sabihin sakin ang totoong nangyari sayo nung mga panahong nabubuhay ka pa?” Pahabol na tanong ni Joanna ngunit wala na siyang narinig na kahit na ano pang sagot mula sa elemento ng niyebe kaya muli na naman siyang napa buntong hininga. “Yan tayo eh, bigla bigla na lang di mag sasalita,” napa irap na lamang si Joanna. Siguro kung sa mundo ng mga tao, iisipin na nilang nababaliw na ko dahil kinakausap ko ang sarili ko dito ngayon. Naisip na lang ni Joanna habang natatawa at napapa iling. Napatingin na lamang ulit si Joanna sa papel na hawak hawak niya. “Wala kang matututunan diyan,” bulong muli ng elemento ng niyebe kay Joanna. “Haays, mukhang tama ka nga, sumasakit lang ulo ko sa pag babasa nito tapos di ko din naman masyadong maintindihan,” sagot din naman ni Joanna at hinilot na lang ang mga sintido nito. “Maka labas na nga muna,” sabi ni Joanna at niligpit na muna ang mga papel na pinahiram sa kanya ni Elizabeth at inilagay ito sa loob ng cabinet niya bago lumabas ng kwarto niya at diretso palabas ng bahay nila. Dire diretso din ang lakad niya papunta sa training grounds kung saan nag sasanay ang iba pang mga prinsesa. Nasa may kalayuan pa lamang si Joanna pero naririnig niya na ang pag sasagupaan ng mga espada at armas na ginagamit ng mga prinsesa para mag sanay. Bakit sila may hawak na armas eh akala ko ba yung pina practice nila ay yung kapangyarihan nila? Nag tatakhang tanong ni Joanna sa isip niya habang patuloy pa rin sa pag lalakad. Pag dating niya sa may puno ay napansin niyang nasa gitna sila ni Andrea at isang may katandaang lalaki at pareho silang may hawak hawak na sibat habang ang ibang prinsesa at mga guro naman ay nasa gilid lamang at nanunuod sa dalawa sa gitna. Sino kaya yang matandang lalaki? Tanong ni Joanna sa sarili niya. Nag lakad na din siya papunta sa likod ni Eryell at nanuod na rin sa pag lalaban ni Andrea at Tatang Gondol. Tuloy tuloy lang ang pag sasagupaan ng dalawa sa gitna hanggang sa bigla na lamang ginamit ni Tatang Gondol ang kanyang kapangyarihan at nag labas ng dalawang tubig na kahawig ng isang ahas at tinuklaw nito ang kamay ni Andrea na nakahawak sa sibat nito. “Ah! Ang daya po nun!” Reklamo ni Andrea habang tinitignan ang mga namamaga niyang mga kamay. “Hahaha mahal na prinsesa sa isang totoong labanan ay wala pong batas na nag sasaad ng kung ano ang patas o hindi, ang importante ay ang mapatay mo ang kalaban mo,” sabi ni Tatng Gondol at inunat ang kanyang likod. “Ahh grabe ang tagal na din ng mag karoon ako ng isang estudyanteng kayang tapatan ang aking bilis sa pag gamit ng sibat,” sabi ni Tatang Gondol ay ngumiti kay Andrea. “Pinahanga mo ako sa iyong bilis at kaalaman sa pag gamit ng sibat, mahal na prinsesa,” sabi ni Tatang Gondol na ikina tuwa naman ni Andrea. Ayos! Mukhang pasado naman ako kay Tatang Gondol! Masayang sabi ni Andrea sa isipan nito. “Oo nga Tatang, ang huling nakasabay sa bilis mo sa sibat ay ang nakaraang reyna ng niyebe eh,” naka ngiti ring sabi ni Bartlette. “Reyna ng niyebe? Nakalaban mo ang nakaraang reyna ng niyebe?” Biglang tanong ni Joanna kaya napunta naman sa kanya ang atensyon ng lahat. “Oh? Kanina ka pa ba diyan Jo? Di man lang kita napansin ah,” sabi ni Eryell ng lumingon siya pero hindi na siya pinansin ni Joanna at lumapit na ito kay Tatang Gondol. “Mahal na reyna,” pag bati ng mga guro sa kay Joanna at yumuko ang mga ito bilang pag bibigay pugay. “Tama po ang iyong pagkaka rinig, mahal na reyna,” sagot ni Tatang Gondol sa tanong ni Joanna. “Ako din po ang nag turo sa nakaraang reyna ng niyebe ng siya ay mapadpad dito sa lugar namin,” dagdag pa nito. “I-Ibig bang sabihin niyan ay ikaw ang nag turo sa kanya kung paano kontrolin ang kapangyarihan niya?” Tanong ni Joanna. “Hindi po mahal na reyna dahil hindi ko po alam kung paano po gagamitin ang elemento ng niyebe o yelo,” sagot ni Tatang Gondol na ikinalungkot naman ni Joanna. “Tanging ang pag hawak lamang po ng armas ang aking naituro sa kanya,” dugtong ni Tatang. “Ganun ba?” Dismayadong pag kakasabi ni Joanna. “Ah pasensya na sa pag istorbo ng pag sasanay niyo, ipag patuloy niyo na ito, manunuod lamang ako dito sa gilid,” sabi ni Joanna at pinilit ang sariling ngumiti ngunit alam ng mga prinsesa na nalungkot ang kaibigan nila dahil alam nilang sobra sobra ang pagka gusto ni Joanna na makontrol ang kapangyarihan nito. Tumalikod na si Joanna at mag lalakad na sana palayo ngunit tinawag siya ulit ni Tatang Gondol. “Mahal na reyna, hindi ko po alam kung makakatulong ito ngunit bakit hindi niyo po subuking kontrolin muna ang elemento ng hangin, bago ang elemento ng yelo at niyebe?” Suwestiyon ni Tatang Gondol kaya napalingon naman si Joanna sa kanya. “Pwede rin pero meron bang pwedeng mag turo sa akin dito kung paano ko makokontrol ang kapangyarihan ng hangin?” Tanong ni Joanna. “Meron po mahal na reyna, meron pong nag iisang aero dito sa loob ng kagubatan,” naka ngiting sabi ni Tatang Gondol kaya ngumiti din naman si Joanna sa kanya, napa ngiti na lang din ang mga prinsesa sa balitang kanilang narinig. “Si Briena, isa siyang aero, ngunit hindi namin siya mahagilap lagi dahil nag aanyong hangin siya kadalasan at hindi rin naman po namin marinig ang kanyang mga salita dahil tanging ang reyna ng niyebe lamang ang may kakayahang kausapin sila,” dagdag pa ni Tatang Gondol. “Ngunit Tatang, masyadong mapanganib si Briena, hindi siya tumutulong kung wala siyang makukuhang kapalit,” sabi kaagad ni Crissia na ikina alarma naman ng mga prinsesa. “Joanna mag hanap na lang tayo ng ibang mag tutu—“ hindi na natuloy ni Andrea ang kanyang sinasabi ng makita niya ang seryosong ekspresyon ng mukha ni Joanna. “Saan nakatira ang Briena na ito? Nais ko siyang makausap,” seryosong saad ni Joanna. “Pero Jo sabi ni Crissia—“ “Dre, wala akong pakialam kung mapanganib man siya o hindi, dahil kung ikukumpara siya sa elementong nasa loob ko ngayon, wala nang mas papanganib pa sa elemento ng niyebe at alam mo yan,” seryosong sagot ni Joanna sa kaibigan nito kaya napatahimik na lamang si Andrea. “Tsaka isa pa, ako ang reyna ng niyebe, ibig sabihin, sa akin lamang din susunod si Briena,” naka ngising dagdag ni Joanna kaya napa buntong hininga na lamang si Andrea. “Kung yun ang gusto mo pero sasamahan ka namin, para masigurado namin ang kaligtasan mo,” sabi ni Andrea kaya ngumiti na lamang si Joanna sa kanya at tumango. “Kung sigurado ka na po sa iyong desisyon mahal na reyna, sundan niyo lamang po ang tubig na ito, at dadalhin nito kayo sa tahanan ni Briena,” sabi ni Tatang Gondol at itinaas ang kanyang kanang kamay at mula dito ay lumabas ang isang bilog na tubig at lumutang ito papunta sa harapan ni Joanna tsaka ito nag paikot ikot sa kanya at bigla na lamang lumutang papunta sa isang direksyon. “Sundan niyo po iyon mahal na reyna,” sabi ni Tatang Gondol at tumango naman sa kanya si Joanna at sinundan na ang lumulutang na tubig. “Bukas na lang ulit tayo mag sanay, sasamahan na muna namin si Joanna,” sabi ni Andrea at tumakbo na ang mga prinsesa papunta kay Joanna at sumabay na sila sa pag lalakad nito habang sinusundan ang bola ng tubig na lumulutang sa unahan nilang anim. “Joanna? Sigurado ka ba dito?” Tanong ni Andrea kay Joanna habang tuloy tuloy lamang ang pag lalakad nila kasunod ng lumulutang na tubig. “May iba pa ba akong choice?” Tanong din ni Joanna pabalik kay Andrea. “Si Briena lamang ang nag iisang aero dito sa Taboo forest, ibig sabihin siya lamang ang may kakayahang mag turo sakin ng kapangyarihan ng elemento ng hangin,” dagdag ni Joanna. “Sana lang hindi ganun kahirap ang kondisyon na hihingiin niya,” bulong ni Andrea. “Kahit ano pa yun Dre, gagawin ko ang makakaya ko para mapapayag siyang turuan ako dahil kailangan kong makontrol ang kapangyarihang meron ako, para makauwi na din ako sa asawa ko,” sabi ni Joanna at kinuyom ang mga palad nito nang maalala si Jason. Jason, hintayin mo ko, babalik ako sa oras na kaya ko nang kontrolin ‘tong kapangyarihang tinadhana para sakin. Isip isip ni Joanna habang patuloy pa rin silang nag lalakad papasok sa medyo masukal na parte ng kagubatan. Nag papalinga linga rin ang mga prinsesa sa paligid upang masigurado na walang aatake sa kanila habang nag lalakad sila at sinusundan ang tubig. Maya maya lamang ay huminto ang tubig kaya napahito din tuloy sila sa pag lalakad. “Jo? Bakit huminto yung tubig?” Pabulong na tanong ni Catliya kay Joanna. “Oo nga Jo, bakit?” Tanong din ni Eryell pero naka tingin lamang si Joanna sa harapan nila, maya maya ay nag salita na si Joanna. “Nandito na tayo,” Tumingin ang mga prinsesa sa harapan nila at sinipat ang nasa harapan nila kaso ang tanging nakikita lamang nila ay mga puno. “Uh wala akong nakikitang bahay Jo,” sabi ni Neca. “Bisita? Hindi ko inaasahan na mag kakaroon ako ng bisita ngayon,” isang babaeng may matinis na tinig ang nag salita ngunit hindi naman nila ito makita at tanging si Joanna lamang ang nakakarinig sa kanya. “Ipakita mo ang sarili mo,” utos ni Joanna. “Alam mo naman siguro kung sino ako, diba, Briena?” Sabi ni Joanna ng naka ngisi. “Oo naman po, mahal na reyna,” halata sa tinig ng babae ang inis pero sinunod niya pa rin ang utos ni Joanna at nag anyong tao ito sa harapan mismo nila Joanna. “Paano niyo po nalaman na dito ako naka tira?” Tanong ng babaeng may itim na mahabang buhok, itim na mga mata, mapuputing balat, mapupulang mga labing naka ngisi at mga kamay nito na naka krus sa harapan nito. “Dahil diyan,” sagot ni Joanna at tinuro ang bola ng tubig na lumulutang pa rin sa harapan nila. “Pakielamero talaga yung matandang yun, sinabihan ko nang huwag akong iistorbohin dito eh,” bulong ni Briena. “Bakit nga ba kayo nandito? Anong kailangan niyo?” Tanong ni Briena habang naka taas ang kaliwang kilay. “Isa kang aero diba? Nais kong turuan mo ako kung paano kontrolin ang kapangyarihan ng elemento ng hangin,” sabi ni Joanna habang naka tingin ng seryoso kay Briena na nakatingin lamang sa kanya at di rin nag tagal ay natawa naman ito. “Hahaha ako? Gusto mong turuan kita? Hahaha hindi ko inaakala na magaling palang mag patawa ang reyna ng niyebe,” natatawang sabi ni Briena. “Seryoso ako Briena,” seryosong sabi ni Joanna kaya napa tahimik naman si Briena at tumingin sa mga prinsesa bago kay Joanna. “At ano naman ang makukuha kong benepisyo sa pag tulong sa’yo, reyna Joanna?” Naka ngising tanong ni Briena. “Ano ba ang nais mo?” Tanong din pabalik ni Joanna na mas ikina ngisi pa ni Briena. “Yang buhay mo,” seryosong sagot ni Briena tsaka nilabas ang isang patalim na gawa sa pilak at di naman nag dalawang isip ang mga prinsesa, agad nilang tinutok ang mga armas na bitbit nila kay Briena. “Hahaha nag bibiro lamang ako mga mahal na prinsesa, alam ko namang hindi ko kakayanin ang patayin ang reyna,” sabi ni Briena. “Ibaba niyo yang mga armas niyo,” sabi ni Joanna kaya napilitan naman ang mga prinsesa na sundin ang sinabi nito. “Briena, sabihin mo kung ano ang gusto mo, gagawin ko ang lahat sa abot ng makakaya ko para maibigay ang gusto mo,” seryosong saad ni Joanna kay Briena. “Pwes iisa lamang ang pinaka gusto kong mangyari, reyna ng niyebe,” sagot ni Briena at tumitig ng diretso kay Joanna. “Gusto kong makalaya dito at makasama ang mga anak ko,” dagdag ni Brena. “Sige, gagawin ko ang lahat para mapalaya ka, kayong lahat dito,” seryosong saad ni Joanna at ngumiti kay Briena.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD