Chapter 19: Tragedy

2510 Words
*Joanna’s POV* Kahit na medyo nahihilo ay dali dali akong lumapit sa upuan at sinilip ang likuran nito at nakita ko ang latang ginamit ko bilang target kanina na may isang butas sa gitna at ang mga dulo nito ay may mga yupi kaya napangiti ako. Nagawa ko! Masaya kong kinuha yung lata at tinignan ito sa malapitan. “Congrats Jo!” Bati nila sakin ng magawa kong kontrolin ang kapangyarihan ng elemento ng hangin. “Salamat,” sabi ko sa kanila. “Isa pa,” dagdag kong muli at napatingin naman silang lima sakin na para bang hindi makapaniwala. “Bakit?” Tanong ko sa kanila. “Gusto mo pa mag practice?” Tanong ni Eryell sakin at tumango naman ako sa kanya. “Oo naman, hindi ko pa naman masyadong kontrolado talaga ang kapangyarihan ng elemento ng hangin eh,” sagot ko sa kanya. “At tsaka, meron pa kong dalawang elementong kailangan kontroli,” dagdag kong saad sa kanila at nag katinginan naman sila. “Bakit? May problema ba sa pag sasanay ko?” Tanong ko sa kanila. “Huh? Wala naman Jo, ang amin lang eh baka mapagod ka ng sobra,” sagot ni Andrea sa tanong ko. “Don’t worry about me Dre, kaya ko ang sarili ko,” pag-papapanatag ko sa loob nila, lalo na kay Andrea na parang hindi pa rin kumbensido sa sinabi ko. “Sige, ganito na lang, para di ako masyadong mapagod then salitan na lang tayong anim sa pag sasanay,” suhestiyon ko sa kanila at sabay sabay naman silang napaisip. “Sakin okay lang,” sabi ni Neca. “Sakin din, ikaw Cat?” Sabi ni Rhoda sabay tanong kay Catliya. “Sige pero kukuha muna ko ng makakain natin kasi hapon na din eh, para may meryenda tayo,” sabi ni Catliya at tumango tango na lang kami sa kanya. “Sige, ayos din sakin yan,” sabi ni Neca kaya napatingin naman kaming lima kay Andrea na ngayon ay nakatingin pa rin sakin ng may pag aalala kaya ngumiti ako sa kanya at napa buntong hininga na lang siya. “Okay, sige, pero huwag natin masyadong gamitin ang kapangyarihan natin ha baka kasi mawalan tayo ng kontrol eh, wala pa naman ang mga mate natin dito,” seryosong sabi ni Andrea kaya tumango naman kaming lima sa kanya pero sa totoo lang kinabahan din ako dun sa sinabi niya, kaya siguro nag dadalawang isip siya kung papayag ba siya or hindi, kasi baka nga mawalan na naman ako ng kontrol. Pero hinding hindi ko hahayaang masaktan ko sila. “Talaga lang ha,” narinig kong sambit ng elemento ng niyebe pero hindi ko na lang siya pinakinggan at nag focus na sa pag sasanay at pagkontrol ng kapangyarihan ng elemento ng hangin. Kailangan kong kontrolin ang tatlong elemento sa katawan ko at uumpisahan ko ito sa alam kong pinaka madali at kayang kaya kong kontrolin. “Jo? Okay ka lang?” Tanong ni Andrea sakin. “Huh? Oo naman,” sagot ko sa kanya. “Sino mauunang magpractice ulit?” Tanong ko sa kanila. “Sige, ako na lang ulit,” sabi ni Neca kaya nag lakad na kaming lima pabalik dun sa mga upuan na inuupuan namin kanina habang si Neca ay nasa gitna na ng training ground at nag fofocus na sa pag kokontrol ng kapangyarihan niya. Ilang ulit kaming nag sanay ng nag sanay, siguro umabot na ng gabi ang pagsasanay namin. “Grabe nakakapagod nga pala talaga ‘to,” sabi ko sa kanila habang naka upo sa sahig. “Oo sobra,” sabi ni Andrea na nakahiga na rin sa sahig. “Tsaka nakakagutom,” dagdag na sabi din ni Neca. “Sobra,” pag sang ayon naman ni Rhoda. “Hapunan na naman... yata.... maya maya,” hinihingal na sabi ni Catliya, kakatapos niya lang kasing tamaan yung pag anim na lata niya. “Tara kumain na tayo,” sabi ko sa kanila habang naka yuko at kita ko ang pagtulo ng pawis ko mula sa noo ko. “Sandali, pahinga muna,” sabi ni Catliya at pinikit na ang mga mata at nahiga sa sahig na para bang matutulog na siya dun. Nakahiga na silang lahat kaya nahiga na lang din ako sa matigas at malamig na sahig pero wala na akong pakialam dun, nakakapagod talaga ‘tong araw na ‘to pero at the same time eh masaya din ako, kasi kahit papano ay kontrolado ko na ang kapangyarihan ng elemento ng hangin, siguro bukas naman mag sasanay naman ako para kontrolin ang kapangyarihan ng elemento ng yelo sa katawan ko. Pinikit ko na rin ang mga mata ko at dinama ang lamig ng sahig na kinahihigaan naming anim. Nang dahil na rin siguro sa sobrang pagod ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. *Jason’s POV* “Tol malapit na ba?” Tanong ni Rence, kanina pa yan eh tanong ng tanong kung malapit na ba kami sa Taboo forests. “Just keep running,” sagot ko sa kanya habang tumatakbo kaming anim papuntang hilaga. “Tol malapit na mag gabi kailangan na nating makarating dun, delikado na dito kapag inabutan tayo ng gabi,” rinig kong sabi ni Andrew. “I know so run faster,” sabi ko sa kanila at mas binilisan na namin ang pag takbo namin hanggang sa makatapat kami sa mga nag lalakihang mga puno kaya huminto kaming anim sa pag takbo. “Eto na ba yun?” Tanong ni Kevin. “I guess,” sagot naman ni Nicolo sa kanya. “We should camp here for tonight, bukas na natin icheck ang paligid nitong gubat.” Sabi ni Aldrin at sumang ayon naman kaming lima sa kanya. Kinuha na namin ang mga dala dala naming tent, tig isa kaming anim pero dahil kailangang merong isang magiging tagamanman sa paligid ay limang tents lang ang magagamit namin. “Ako na mag babantay ngayon,” pag prisinta ko sa sarili ko. “Sige mamayang hating gabi, gisingin mo na lang ako, salitan tayo sa pagbabantay,” sabi ni Andrew at inayos na nila ang mga tents nila, nangolekta na rin ako ng mga kahoy na gagamitin kong panggatong at inilagay ito sa tapat ng Taboo forest. “Teka, tol,” sabi ni Rence at lumapit sakin tsaka nilabas yung lighter niya at kinontrol ang apoy mula dito at unti unti itong pinalaki at nilagay sa mga panggatong na kahoy hanggang sa mag karoon na ng maliit na bonfire dito. Tumango naman ako sa kanya bilang pasasalamat. “Eto oh,” sabi ni Aldrin at inabutan kami ng tinapay. “Eto na muna ang hapunan natin ngayong gabi,” dagdag pa nito. “Kulang pa to sakin eh,” rinig kong reklamo ni Rence. “Here, I have no appetite,” sabi ko at inabot kay Rence ang isang pirasong tinapay na binigay ni Aldrin. “Yown! Salamat!” Masayang sabi niya at nilantakan na yung mga tinapay sa magkabilang kamay niya. Pagkatapos kumain ay nagsipasok na sila sa mga tent nila habang ako naman ay nag matyag lang sa paligid. My wife, my queen, good night, I love you so d*mn much, please take care of yourself. *Kinabukasan* *Joanna’s POV* “Uhm...a-aray,” reklamo ko kasi nananakit ang likod ko, panong hindi eh dito pala kami nakatulog sa priject room namin, ni hindi na namin nagawang makalipat pa sa kwarto namin. “Good morning,” bati ni Andrea habang inii-stretch ang katawan. “Morning,” bati naman ni Catliya habang nag kukusot pa mata at bumangon na din sila Eryell at Neca. “Ang sakit ng likod ko girls,” reklamo ni Rhoda at tumango lang kami sa kanya bilang pag sang ayon. “Same,” sabay na sabay naming sabi. “Tara kain na tayo,” sabi ko sa kanila at tumayo na at sumunod naman na sila. Sabay sabay na kaming anim nag punta ng kusina at kumain. “Saan kayo nagpunta kahapon Joanna? Bakit hindi kayo kumain ng hapunan?” Tanong ni mom samin. “Ah pasensya na po mom, nakatulog na po kami sa sobrang pagod eh, nandun po kami sa project room namin,” sagot ko sa kanya at sumubo ng isang buong ham. “Mukha ngang pagod na pagod at gutom na gutom kayong anim,” sabi naman ni Tita Violet at sabay sabay kaming anim na tumango sa kanya. “Mamaya ba mag sasanay kayong muli?” Tanong ni mom samin at tumango lang ulit kami sa kanya dahil puno pa rin ang bibig namin. Patuloy lang kami sa pagkain hanggang sa matapos kami at nag paalam na sa kanila mom at tita Violet na magsasanay na kami ulit. Naglakad na kami pabalik sa project room namin papunta sa training ground. Katulad ng line up namin kahapon, nauna pa rin ngayong mag sanay si Neca pero ngayon sinusubukan niya na ding gawing hugis pana ang kapangyarihan ng elemento ng kidlat, medyo nahihirapan siyang patamaan ang lata sa harap niya kahit na naka ilang subok na siya kaya naman ay nakabusangot siya ng maglakad papunta sa amin. “Okay lang yan Nec, practice lang tayo ng practice,” pagpapalakas ko ng loob niya at ngumiti naman siya sakin tsaka tumango. Nagsalitan kaming anim sa pag sasanay hanggang sa abutin na ng tanghali at nagbukas lang ang elevator dito sa project room namin kaya napatingin naman kami doon kaagad at nakita ko si mom na may mga kasamang mga babaeng bampirang taga silbi na may bitbit na tig isang tray ng pagkain. “Kumain na muna kayo,” sabi ni mom at ngumiti samin kaya ngumiti din kami pabalik sa kanya at kumain na nga. Nang matapos kaming kumain ay agad na kinuha ng mga taga silbi ang mga pinag kainan namin at lumabas na sila kasama si mom kaya nag patuloy na kami sa pagsasanay hanggang sa umabot na naman ang gabi. “Girls, okay lang ba kung ang kapangyarihan ng elemento ng yelo naman ang ipractice ko?” Tanong ko sa kanila. “Oo naman,” sagot naman ni Rhoda sakin at tumango naman ang iba sa kanila kaya ngumiti naman ako sa kanila bilang pasasalamat at nag punta na sa gitna ng training ground. Kinakabahan ako kasi baka di ko makontrol to kaya tumingin ako sa mga matalik kong kaibigan at nakita silang nakangiti sakin at pumapalakpak, naririnig ko din ang mga cheers nila kaya huminga ako ng malalim at pinikit na ang mga mata ko. Kaya ko ‘to. Nag concentrate ako ng todo, kinlaro ko ang mga nasa isipan ko at hinayaang maramdaman ng katawan ko ang mga namumuong lamig o yelo sa bawat parte ng katawan ko, lalong lalo na sa kaliwang palad ko. Wala na rin akong naririnig na kahit na anong ingay dahil nga nag fofocus ako ng maigi. Itinaas ko ang kaliwang kamay ko at kahit na nakakaramdam na ako ng pagkahilo at panghihina sa tuhod ay tinuloy ko pa rin ang pagsasanay. Nang masigurado ko nang matatamaan ko ang lata ay tsaka ko lang pinakawalan ang kapangyarihang namuo sa kaliwang palad ko at dinilat ang mga mata ko. Nahihilo man at nanghihina ay pinilit kong makapunta sa upuan at tignan ang latang tinamaan ko. Nababalot na ito ngayon ng yelo at meron pang mga yupi sa gilid kaya napangiti na lang ako. “Nagawa mo Jo! Ang galing! Magagawa mo nang kontrolin lahat ng elemento sa katawan mo,” masayang sabi ni Andrea sakin at tumango naman ako sa kanya. “Isa pa Jo! Kaya mo yan,” sabi nila at kahit na nanghihina na ay sinubukan kong muli, gusto ko rin namang mag sanay pa para makontrol na ng tuluyan ang kapangyarihan ko. Pumikit na akong muli at nag focus, maya maya lamang ay ramdam ko na ang lamig sa paligid ko, pati na rin ang pamumuo ng mga yelo sa katawan ko. “Go Jo!!!” Rinig kong pag cheer nila at maya maya lang ay ang pag bukas din ng elevator pero hindi ko ito pinansin at nag focus pa lalo sa sarili ko. “Mga mahal na prinsesa, pinapatawag na po kayo ng dating reyna para sa hapunan,” rinig kong sabi ng isang babae. Umiling ako at isinawalang bahala ang mga nilalang sa paligid ko at mas nag focus pa. “Jo! Kakain na daw mamaya na ulit yan!” Sigaw ni Andrea sakin kaya napadilat tuloy ako pero nag tatakha ako bakit hindi pa rin nawawala ang malamig na pakiramdam sa paligid at mas lalo pa itong lumalamig ng lumalamig. H-Hindi kaya... “D-Dre,” mahinang sambit ko sa pangalan ni Andrea ng makatingin ako sa gawi nila at kita ko naman ang pag tatakha sa mga mukha nila. “Jo, ano na? Tama na yan! May bukas pa naman eh!” Sigaw ulit ni Catliya sakin at tumayo na silang lima at naglakad na palapit sakin. Huwag! “Jo? Okay ka lang ba?” Tanong ni Neca pero di ko magawang sumagot. “Ang lamig,” rinig kong sabi ni Rhoda habang nakatingin pa rin ako ng diretso kay Andrea. Dre...takbo...umalis na kayo! Umalis na kayo, bilis! Hangga’t kaya ko pang pigilan ‘to! “Hahahaha pano mo mapipigilan ang kapangyarihan ko kung masyado ka nang nanghihina?” Narinig kong tanong ng elemento ng niyebe at tama siya, nahihilo na ako at nanghihina na rin ang katawan ko. “Joanna okay ka lang ba?” Tanong ni Eryell sakin habang papalapit na sila at nakita ko naman ang babaeng taga silbi na mukhang natatakot na kaya dali daling naglakad palabas ng project room. Muli na naman akong nakaramdam ng sobrang panghihina na para bang kinukuha ang lakas ko kaya naman ay hindi ko na napigilan at nakontrol ang kapangyarihan ko nang tuluyan na akong matumba sa sahig. Mula sa kinahihigaan ko ay kitang kita ng mga mata ko kung paano nilipad ng sobrang lakas na hangin ang mga kaibigan ko, nagtalsikan din ang mga upuan, lamesa at kung ano ano pang gamit dito sa loob ng project room. Narinig ko rin ang sigaw nilang lima ng tumama sila sa pader ng silid na ‘to. “Aaaaaaaaaahhhhhhh tulooooooooonggggg!!!!!!” Sigaw ng isang babae, iyon yata ang babaeng taga silbi kanina. “D-Dre,” bulong ko sa hangin at pilit na inaabot ang mga kaibigan ko pero sobrang hina ko na at kita ko mula dito na wala na silang malay at ang unti unting pamumuo ng yelo sa paligid ng silid na ito kaya naman ay tuloy tuloy na ngang tumulo ang mga luha kong nagiging niyebe. “Sabi ko sayo eh, hindi mo ko kayang kontrolin pero pinilit mo pa rin yang pagsasanay mo, kaya ayan, ikaw na mismo ang nanakit sa mga kaibigan mo,” rinig kong bulong ng elemento ng niyebe sakin pero sobrang nanghihina na ako at wala na akong lakas na natitira pa sa katawan ko. I’m sorry. I’m sorry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD