Chapter 18: Hit the Can Part 2

2370 Words
*Joanna’s POV* “Okay, back to training,” sabi ko at tumayo na sa gitna ng training grounds. “So anong gagawin ko?” Tanong ko sa mga kaibigan ko na nanunuod lang doon sa may kinauupuan namin kanina nang naka focus lang ang tingin sa lata sa harapan ko pero nag takha ako bakit walang sumagot sa tanong ko kaya lumingon ako sa kanila at nakita silang nag uusap usap kaya napataas ang kilay ko. Akala ko ba tuturuan nila ko? “Hoy! Ano na gagawin ko!?” Sigaw ko sa kanila at agad naman sila napatingin sakin. “Mag focus ka!” Sabay sabay na sigaw nilang lima. “Mga g*gang ‘to hindi ko nga alam ang gagawin eh,” bulong ko sa sarili ko ay napakamot na lang sa batok ko. “Wala bang steps!?” Tanong ko ulit sa kanilang lima. “Yun nga ang first step, mag focus ka!” Sabay na sigaw ulit nilang lima kaya inirapan ko na lang sila at nag concentrate na lang sa sarili ko. Ipinikit ko na ang mga mata ko at pinilit ang sarili na mag focus pero imbes na yung kapangyarihan ko ang maramdaman ko ay mas lalo ko lang naririnig ang ingay ng pag uusap nilang lima kaya hindi tuloy ako makapag focus at napadilat na lang ulit. “Hoy! Ang ingay niyo! Hindi ako makapag focus!” Sigaw ko sa kanilang lima kaya napatingin naman sila sakin, pag katapos nilang tumingin sakin ay nag kumpulan naman sila at nag bulungan kaya napasapo na lang ako ng noo ko. Naglakad ako palapit sa kanila kaya narinig ko na ng mas klaro ang pinag uusapan nila. “Tingin niyo saan kaya sila pupunta?” Tanong ni Rhoda. “Siguro may mission?” Patanong na sagot naman ni Neca sa kanya. Mission? Posible nga yun. “Oo baka nga, pero bakit ayaw nilang sabihin satin?” Tanong naman ni Catliya. “Baka kasi iniisip nila eh sasama tayo sa mission nila,” sagot naman ni Andrea sa kay Catliya. “Ganun ba nila ka ayaw maagawan ng misyon?” Tanong naman ni Neca. “Hindi naman siguro,” sagot ko sa tanong niya kaya napalingon naman silang lima sa akin at sabay sabay silang napatingin dun sa lata sa training grounds na kaharap ko pa kanina. “Di mo pa natamaan Jo oh,” sabi ni Andrea. “Oo nga Jo,” sabi naman ni Catliya. “Ulitin mo Jo,” sabi ni Rhoda. “Try mo mag focus,” sabi ni Eryell. “Oo kasi yun ang unang step talaga,” sabi naman ni Neca at sabay sabay silang lima na tumango sakin kaya napasapo na naman ako ng noo ko. “Paano ako makakapag focus kung ang ingay ingay niyo?” Gigil na tanong ko sa kanila. “Nagbubulong na nga lang kami eh,” sagot naman ni Neca. “G*ga! Bampira ako kaya naririnig ko kahit maliit lang na ingay niyo,” sabi ko sa kanya tsaka siya binatukan sa ulo since nasa harap ko lang naman siya. “Aray naman,” reklamo niya. “Tumahimik na muna kayo para makapag focus ako,” sabi ko sa kanila. “Sige, sige,” sagot nilang lima kaya tinaasan ko nga ng kilay. “Oo nga, promise,” sabay nilang sabi at itinaas pa ang kanang kamay nila na para bang nanunumpa sa watawat ng Pilipinas. “Huwag na maingay ha,” paalala ko ulit sa kanila habang nag lalakad na pabalik sa gitna ng training ground. “Opo nanay,” sabay sabay nilang limang sagot kaya lumingon ako ulit sa kanila at sinamaan sila ng tingin kaya sabay sabay din silang nag takip ng bibig nila. Mga abnormal talaga. Tumayo na ko sa gitna at tinignan muli ang lata sa harapan ko at huminga ng malalim. Sa ikalawang pagkakataon ay pinikit ko ang mga mata ko at nag focus pa lalo, hindi ko na rin naririnig ang ingay ng mga kaibigan ko kaya mas lalo akong nakakapag focus. “Nais mo ba talagang kontrolin ang kapangyarihan ko?” Tanong ng elemento ng niyebe sa akin. “Oo, at kakayanin ko yun,” sagot ko sa kanya gamit ang isipan ko. “Nandito rin ang elemento ng hangin, sa tingin ko ay mas magugustuhan mo kapag siya ang nakontrol mo,” suhestiyon ng elemento ng niyebe kaya napaisip ako. Oo nga no, ni minsan hindi ko pa naramdaman ang kapangyarihan ng hangin. “Jo pakiramdaman mo yung kapangyarihan mo para malabas mo to sa katawan mo,” narinig kong sigaw ni Andrea kaya ginawa ko nga ito. Dinama ko ang hangin na nararamdaman ko paligid ko, pati na rin ang hangin na nilalanghap ko at hinihinga ko palabas. Habang nakapikit ay nararamdaman ko sa balat ko ang pag lakas ng hangin sa paligid, pati na rin ang pag lipad ng buhok ko na para bang nakasakay ako sa isang sasakyan na nakabukas ang bintana. Habang palakas ng palakas ang nararamdaman kong hangin sa paligid ko ay biglang nag bukas ang elevator dito sa project room namin kaya nawala tuloy ako sa focus at nawala na din yung pakiramdam na malakas ang hangin sa paligid. “Sorry, mukhang naka istorbo yata ako,” sabi ni ate Jasmine, siya pala yung pumasok dito nung nagsasanay pa ko. “Okay lang ate,” sabi ko sa kanya at naglakad papalapit sa kanya. “Bakit ka po pala nandito?” Dagdag na tanong ko sa kanya. “Magpapaalam lang sana ako sa inyo,” sabi niya samin kaya nag takha naman ako. “Paalam? Aalis ka te?” Tanong ni Andrea sa kanya. “Oo eh,” sagot naman ni Ate Jasmine sa kanya. “Saan ka pupunta te?” Tanong ni Eryell. “Pinapapunta kasi ako ngayon ni mom sa Japan,” sagot naman ni Ate Jasmine sa tanong ni Eryell. Japan? Bakit kaya? “Bakit daw te?” Tanong Neca sa nais ko sanang itanong. “Hindi ko rin alam eh, bigla na lang yun sinabi ni mom sakin kanina,” sagot niya sa tanong ni Neca. “Eh mga ilang araw ka naman po dun?” Tanong din ni Catliya sa kanya “Sabi ni mom mga at least six months daw akong mag stay muna dun,” sagot ni ate Jas sa tanong ni Catliya. “Pero ate, hindi ba delikado?” Tanong ko sa kanya. “Huh? Anong ibig mong sabihin?” Tanong din ni ate sakin. “Yung araw, hindi ba delikado sayo yun?” Tanong ko ulit sa kanya “Oo nga pala, bampira ka ate, baka masunog at maging abo ka kapag naarawan ka,” sabi ni Rhoda sa kanya. “Ahh haha, huwag kayong mag alala, gabi naman yung flight ko, mga 6 pm so makakarating ako dun mga hating gabi o madaling araw kaya ayos lang, hindi na yun masyadong mainit,” sagot niya sa tanong ko at ngumiti sakin. “Eh pano po yung titirhan mo dun?” Tanong ni Rhoda sa kanya. “May kamag anak kami doon actually, sila ni Grandma and Grandpa so dun na muna ako sa kanila makikituloy, nasa bundok naman yung bahay nila kaya wala masyadong napapadpad na tao dun,” sagot ni Ate Jasmine sa tanong. “Sige po, basta mag iingat ka po dun ha,” sabi ko sa kanya at nakipag beso sa kanya, ganun din ang ginawa nila ni Andrea. “Oh siya, aalis na ko, pakisabi na lang kay kuya Jason ha?” Pag papaalam ni ate Jasmine at tumingin sakin kaya tumango naman ako sa kanya. “Opo, ako na po ang magsasabi sa kanya,” sabi ko at tumango na lang siya sakin bilang pasasalamat. “Sige ate, ingat ka po,” sunod sunod na sabi ng mga kaibigan ko at naglakad na nga palabas si ate Jasmine. “Pati si ate Jasmine umalis na rin, tayo na lang yung naiwan dito sa palasyo,” nakabusangot na sabi ni Rhoda. “Wala naman kasing misyon na binigay satin eh tsaka nagsasanay pa tayo oh,” sambit naman ni Andrea at tumango ako sa kanya bilang pagsang ayon. “Tara balik na tayo sa pagsasanay,” sabi ni Catliya at nag lakad na pabalik sa kinauupuan nila kanina, sumunod naman sa kanya sila ni Rhoda, Eryell at Neca. “Sige Jo, balik ka na ulit dun sa gitna, ipagpatuloy mo lang yung ginawa mo kanina,” sabi sakin ni Andrea at tinapik tapik ang kaliwang balikat ko tsaka naglakad papunta kanila Catliya. “Okay,” sagot ko sa kanya at naglakad na din pabalik sa gitna ng training ground. Ipinikit kong muli ang mga mata ko at dinama ang hangin sa paligid ko, ang hanging hinihinga at nilalanghap ko, pati na rin ang hangin sa paligid ko. Naramdaman ko namang muli ang pag lakas ng hangin sa paligid. “Yan sige lang Jo, tuloy lang sa pag concentrate,” rinig kong sabi ni Catliya kaya mas lalo pa ko nag concentrate. “Ayan! Unti unti mo itaas yung kamay mo Jo paharap sa lata,” narinig ko ring sabi ni Rhoda kaya unti unti ay itinaas ko ang kamay ko kaso biglang humina ang hangin sa paligid ko kaya inulit ko ang pag concentrate. Nakakapagod at nakakagutom pala ‘to. Inulit ulit ko ang pag concentrate hanggang sa tuluyan ko nang maiangat ang kamay ko na kapantay ng lata na medyo may kalayuan sakin. “Ngayon, i-visualize mo yung hangin mula sa buong katawan mo papunta sa kamay mo na nakataas,” rinig kong sabi ni Eryell kaya ginawa ko nga ito. Habang iniimagine ko ang pag lakbay ng hangin mula sa katawan ko papunta sa kamay kong nakataas ay ramdam ko din ang pagkahilo, pero hindi ko ito pinansin at pinag patuloy lang ang pag eensayo. Nang ramdam ko na ang hangin na nasa kamay ko na ay narinig ko si Neca na nag salita, “Irelease mo yung hangin Jo, i-visualize mo na papunta ito sa lata,” sigaw ni Neca kaya ginawa ko naman ito at naramdaman ko nga ang hangin mula sa kamay ko na para bang tumalsik papunta sa harapan ko at narinig ko rin ang tunog ng latang natumba. “Ayun!!!” Masayang sigaw ng mga kaibigan ko na nanunuod saking pag sasanay kaya idinilat ko ang mga mata ko at tinignan ang lata sa harap ko pero wala na ito. “Nasan na?” Tanong ko sa sarili ko. “Tignan mo sa likod ng upuan,” sabi ni Andrea na nasa tabi ko na pala kaya lumapit ako sa upuan at sinilip ang likuran nito, at doon ko nakita ang lata na tinamaan ko. Napangiti ako dahil sa saya na naramdaman ko. Nagawa ko, nakaya kong kontrolin ang kapangyarihan ng elemento ng hangin. Tinignan ko rin ang iba pang latang nasa likod ng upuan. Nandun yung mga latang tinamaan din nila kanina. Yung latang tinamaan ni Neca kanina ay parang nasunog din pero yung sa itaas na parte lang ng lata. Yung lata naman ni Eryell ay unti unti pa ring nalulusaw at sa sobrang init nito ay pati yung katabing lata nila Neca at Rhoda ay unti unti ding nalulusaw. Yung lata naman ni Rhoda ay nabalot na sa vine na puno ng tinik habang unti unting nalulusaw dahil napapagitnaan ito ng lata ni Eryell at Catliya na hanggang ngayon ay umaapoy pa rin at unti unting nilalamon ng apoy ang lata. Yung lata naman ni Andrea ay basang basa habang may butas pa ito sa gitna ng lata. Hindi ko maiwasan mainggit sa kanila dahil nakakaya na nilang gamitin ang mga kapangyarihan nila para protektahan at ipagtanggol ang sarili nila, samantalang yung lata na ginamit ko ay wala man lang kahit ni isang yupi sa gilid, sadyang natumba lamang ito dahil na rin sa hangin. Kinuha ko yung lata ko at iniayos muli ang pagkakatayo sa ibabaw ng upuan. “Isa pa, magsasanay ako ulit,” sabi ko sa kanila kaya napatingin naman sila sakin. “Uhm, sige,” sabi ni Andrea kaya naglakad na sila ulit pabalik dun sa kinauupuan nila kanina habang ako ay naglakad pabalik dun sa kinatatayuan ko kanina at muli na namang pinikit ang mga mata ko. Ginawa ko ulit yung mga sinabi nilang steps. Damhin ang kapangyarihan ko. I-visualize ang pag labas ng kapangyarihan ko sa katawan ko. Unti unting itaas ang kamay ko paharap sa target ko. I-visualize ang kapangyarihan ko mula sa buong katawan ko patungo sa kamay kong nakataas. I-visualize ang pag release ng kapangyarihan ko mula sa kamay ko papunta sa target nito. “Nice!” Rinig kong komento nila kaya minulat ko na ang mga mata ko at tinignan ang lata. Kahit papano ay nagkaroon na ito ng yupi sa gilid pero masyado pa rin itong maliit. “Isa pa,” sabi ko sa sarili ko. “Jo, mamaya naman ulit, mag pahinga ka na muna,” sabi ni Andrea. “Sandali, last na ‘to promise, gusto ko lang mabutas yung lata,” sabi ko kaya nag isip ako ng paraan para magawa yun at naalala ko yung ginawa ni Andrea kanina sa tubig, yung ginawa niya itong parang isang pana pero purong tubig lang naman ito. “Dre! Pano mo ginawa yung kanina!?” Pasigaw na tanong ko sa kay Andrea. “I-visualize mo muna bago mo i-release tsaka sobrang lalim na focus ang kailangan mo!” Sigaw din ni Andrea pabalik kaya tumango naman ako sa kanya. Pinikit ko nang muli ang mga mata ko at dinama ang kapangyarihan sa katawan ko hanggang sa maramdaman ko na ang pag labas nito at ang pagdaloy nito papunta sa nakataas kong kamay paharap sa lata. Ginawa ko muna ang sinabi ni Andrea at vinisualize muna ang hangin sa kamay ko na maging isang pana rin hanggang sa nirelease ko na ito papunta sa lata. Minulat ko ang mga mata ko at kahit na medyo nahihilo na ako ay dali dali akong lumapit sa upuan at sinilip ang lata ko sa likod nito. Nakita kong meron na itong isang butas sa gitna at ilang yupi sa gilid kaya napangiti na lang ako. Nagawa ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD