Chapter 17: Hit the Can Part 1

2442 Words
*Joanna’s POV* “G*ga! Halika na nga dito, ako naman susunod!” Sigaw ni Eryell na nakatayo sa likuran naman ni Rhoda. “Inggit ka kamo!” Sigaw naman ng pawisang si Neca sa kay Eryell habang naglalakad papunta sa amin, yung mga kidlat naman sa katawan niya ay nawala na. “G*ga! Ba’t ako maiinggit sayo eh mas maganda naman yung akin no,” sabi naman ni Eryell habang nag lalakad papunta dun sa kinatatayuan ni Neca kanina. “Hoy umayos nga kayo!” Sigaw ni Andrea sa kanilang dalawa kaya tumahimik naman na sila agad. Umupo na si Neca sa tabi ni Rhoda at pinanuod na din si Eryell. “Oh tubig,” sabi ni Catliya at inabutan ng tubig si Neca na pawis na pawis. “Thanks,” sabi naman ni Neca kay Catliya at pinanuod na namin si Eryell sa gitna ng training grounds. Habang nakatayo si Eryell sa gitna ay nararamdaman ko ang pag init ng paligid at maya maya lang ay ang pag liwanag na rin nito na para bang nandito sa loob ang araw kaya tinakpan ko ang mga mata ko at nakakasilaw talaga ang liwanag. “Kaya ayoko pag si Eryell nag papractice eh, ang sakit sa mata ng sinag ng araw,” rinug kong bulong ni Rhoda habang nakatakip ang kaliwang kamay sa mga mata nito. “Kay Eryell galing yung nakakasilaw na liwanag?” Tanong ko sa kanila. “Oo,” sabay sabay din nilang apat na sagot. Habang nakatakip ang kamay ko sa mga mata ko ay bigla na lang din bumalik sa normal na liwanag ang pakigid kaya napakurap kurap naman ako dahil nag aadjust pa muli ang mga mata ko. “Oh kita niyo! Mas maganda talaga ‘tong kapangyarihan ko!” Rinig naming sigaw ni Eryell. “G*ga! Wala kaming nakita, nakakasilaw kasi eh, ang sakit sa mata,” reklamo sa kanya ni Rhoda. “Ano ba yan! Ang ganda na nung presentation ko eh,” reklamo niya samin habang lumalakad pabalik dito sa pwesto namin pero natawa na lang kami. “Sorry Ye, masakit kasi sa mata kapag tinignan directly yung liwanag pero amazing pa rin,” sabi ko na lang sa kanya para di na siya mag tampo. “Hmph!” Rinig kong reklamo niya. “Hahaha sige ako na next,” sabi ni Rhoda at tumayo na tsaka nag punta dun sa gitna. “Rhod! Request ako ng isang apple please!” Sigaw ni Catliya kay Rhoda kaya nag takha naman ako. “Apple?” Tanong ko kay Catliya. “Hahaha basta panuorin mo na lang,” sagot niya sakin kaya itinuon ko na lang ang atensyon ko sa kay Rhoda. Kagaya nila Neca at Eryell at nakapikit din siya ngayon para mag concentrate. Habang nakatingin kay Rhoda at nakita ko ang parang mga ugat na dumadaloy sa katawan niya papunta sa kamay niya hanggang sa itinaas niya ang kamay niya, kapantay nung lata sa harap niya at lumabas sa kamay niya ang isang mahabang vine na tumuhog naman sa lata sa harap niya. “Nice!” Komento ko naman sa ginawa ni Rhoda na naglalakad na pabalik samin habang naka todo ngisi pa. “Nasaan na yun apple ko?” Tanong ni Catliya sa kanya. “Kumuha ka na lang dun sa kusina, ang dami daming pagkain dun eh, ginawa mo pa kong prutasan,” reklamo sa kanya ni Rhoda at natawa na lang ako sa kanila. Kahit kailan talaga puro kalokohan lang ang alam eh. “Psh, sige na nga ako naman,” sabi ni Catliya at pumunta na rin sa gitna. “Teka cat!” Sigaw ni Rhoda kay Catliya kaya napatingin naman ito sa kanya. “Bakit!?” Tanong ni Catliya kay Rhoda. “Huwag mo masyado painitin dito ha, baka may masunog na namang upuan eh,” sabi ni Rhoda sa kanya kaya napatingin ako sa kay Catliya na nagkakamot ng batok niya. “Oo na, oo na,” sabi ni Catliya kay Rhoda. “Nasunog na upuan?” Tanong ko sa kanila ni Andrea. “Eh yan kasing si Catliya masyadong nag pabida, nilakihan masyado yung apoy na ginawa niya kaya ayun nasunog pati yung bench na pinatungan ng ibang lata nung nakaraang araw,” sumbong sakin ni Andrea kaya natawa na lang ako at pinanuod si Catliya. Nakapikit na rin siya at mula dito sa kinauupuan namin ay kita ko ang pag apoy ng dulo ng buhok niya pati na rin ang ibang parte pa ng katawan niya at gumapang naman ang mga apoy papunta sa kamay niya itinaas ni Catliya ang kamay niya at binuksan ito at namuo doon ang isang bolang apoy na kasing laki lang ng kamao niya. Maya maya lang din ay itinapat niya na ito sa lata sa harap niya at agad na lumipad ang bolang apoy papunta sa lata kaya naman ito ay natunaw dahil sa initat nagkaroon din ng maliit na apoy sa upuan. “Hala!” Sigaw ni Catliya at dali daling pinatay yung apoy sa upuan. Nang maapula na niya yung apoy ay bumalik na siya sa tabi namin. “G*ga talagang susunugin mo na naman yung upuan ha,” reklamo sa kanya ni Andrea. “Sorry na haha di ko alam may tumalsik dun eh,” sabi ni Catliya sa kanya. “Ikaw na nga dun,” dagdag pa ni Catliya at hinila si Andrea patayo tsaka ito tinulak tulak papunta sa gitna. “Oo na! Oo na!” Sigaw ni Andrea at naglakad na papunta sa gitna. Habang si Catliya naman ay naupo na sa upuan ni Andrea kanina, which is sa kanan ko. Tahimik naming pinanuod si Andrea na nakatayo lang sa gitna at hindi man lang nakapikit. “Ano na Dre!? Tulala!?” Naiinip na sigaw ni Eryell sa kanya. “Shut up! Nag fofocus ako!” Sagot ni Andrea. “Eh hindi man lang nga nakapikit eh,” rinig kong bulong ni Catliya habang patuloy pa din kami sa panunuod sa kay Andrea. Habang pinapanuod ko siya ay napansin ko ang unti unting pagbasa ng buhok niya pati na din ang pagdaloy ng tubig mula sa braso niya papunta sa kamay niya, ganun na din sa paa niya. Nababasa na nga rin ang damit niya pati ang sandal na suot suot niya. Hanggang sa meron nang isang maliit na kumpol ng tubig sa paanan niya. Nang itaas na ni Andrea ang kaliwang kamay niya ay kasabay din nitong umangat ang tubig sa paanan niya at humurma bilang isang panang gawa sa tubig. “Wow!” Sambit naming lima habang pinapanuod si Andrea. Itinuro niya ang lata sa harap niya at kasunod nun ay ang pag lipad ng panang gawa sa tubig papunta sa lata at ang pag tuhog rin nito sa gitna ng lata. “Hooo!” Rinig naming sabi ni Andrea at pinunasan ang namamasa niyang noo at tsaka na nag lakad pabalik sa amin. “Ang galing nun Dre,” nakangiting sabi ko sa kanya at ginantihan niya naman ito ng ngiti. “Pano yun Dre?” Tanong ni Rhoda sa kay Andrea. “Focus lang ang kailangan,” sagot ni Andrea sa kanya. “Gano kadaming focus pa ba kailangan namin?” tanong naman ni Neca. “Mga limang kilo, ganun,” pabalang na sagot naman ni Andrea sa kanya kaya agad naman siyang binatukan ni Neca. “G*ga! Nag tatanong ng maayos eh,” bad trip na sabi ni Neca kay Andrea kaya napailing na lang ako sa kanila. “Oh sige Jo, ikaw naman,” sabi ni Andrea kaya napakunot noo naman ako. “Ako ang alin?” Tanong ko sa kanya. “Ikaw naman ang mag practice,” sabi niya sakin kaya tumayo na ko at naglakad na din sa gitna ng training grounds. “Ganito gawin mo,” naputol ang sasabihin ni Andrea ng mag bukas ang elevator dito sa projectroom namin kaya napatingin naman kaming anim doon at nakita namin ang mga mate namin na may dala dalang tig isang bag. Lumapit si Jason sakin at hinalikan ako sa labi. “Anong meron?” Tanong ko sa asawa ko pagkatapos ng halik. “May kailangan kaming puntahan siguro mga isa or dalawang araw kami doon,” sabi ni Jason kaya nag takha naman ako. “Saan naman?” Tanong ko sa kanya. “Uhm basta, importante kasi yun eh kaya hindi ko pwedeng sabihin kahit kanino,” sagot niya at iniwas ang tingin sakin. “Sobrang importante ba yan na pati sakin na asawa at reyna mo eh hindi mo pwedeng sabihin sakin?” Naka taas kilay na tanong ko sa kanya at napakamot na lang siya ng batok niya. “I’m sorry babe, but don’t worry, I promise I’ll be back as soon as possible,” sabi niya naman sakin at muli akong hinalikan sa labi. “Baka babae kamo pupuntahan niyo dun,” sabat naman ni Eryell kaya napatingin kaming lahat sa kanya. “Bakit?” Inosenteng tanong niya pero di ko siya pinansin at masama lang ang tingin sa asawa ko. “I swear, it’s not like what your friend said,” sabi ni Jason habang nakayakap sakin mula sa likod ko. “Nope,” sagot naman ni Andrew. “Luh di ako playboy no,” sabi naman ni Rence. “Wala naman yatang chikababes dun eh,” rinig ko namang komento ni Nicolo at ang pagdaing niya, “Ugh aray,” “I’m a faithful boyfriend,” sambit naman ni Aldrin. “Naloloka na nga ko sa isang mujer diyan tapos dadagdagan ko pa, kaloka,” maarteng pagkakasabi naman ni Kevin. “Siguraduhin niyo lang,” sabay sabay na sabi naming mga babae kaya nagkatinginan naman kaming anim at natawa na lang. Hinalikan ko si Jason sa labi at niyakap siya. “Mag iingat kayo dun ha at siguraduhin mo lang na wala kang ibang babae or else I will kill you myself,” seryosong bulong ko sa kanya pero alam ko naman sa sarili ko na hindi ko magagawa yun, mahal ko siya eh, mahal na mahal. “I’d rather die than cheat on you,” sabi ni Jason sakin kaya napangiti na lang ako sa kanya at hinalikan siyang muli sa labi. “Hooo PDA,” pagpaparinig ni Nicolo sa amin kaya napatingin kami ni Jason sa kanya. “Aba makareklamo ka kala mo hindi ka nag PDA ah no?” Tanong sa kanya ni Eryell at nakita namin ang pag kakamot niya ng batok niya. “Dati pa naman yun eh, huwag na natin balikan yung nakaraan,” seryosong sabi ni Nicolo habang nakatingin kay Eryell. “Ano na bang status niyong dalawa?” Naitanong ko na lang sa kanila ni Eryell at Nicolo. Minsan kasi parang sila pero minsan naman parang mortal na mag kaaway, pero halata naman sa kanila na may gusto sila sa isa’t isa. “Anong status?” Nagtatakhang tanong ni Nicolo. “In a relationship na ba kayo o hanggang ngayon ay nagkukunwari pa rin kayong hindi niyo gusto ang isa’t isa? Alin don?” Tanong ko ulit sa kanilang dalawa. “Oo nga, umamin na kasi, huwag na torpe,” dagdag naman ni Neca habang naka ngisi. “Eh si Eryell lang naman ang may ayaw eh,” sabi naman ni Nicolo kaya napataas ang kilay ko kay Eryell. “Haay naku, huwag kayong maniniwala diyan sa malanding lalaking yan,” sabi ni Eryell. “Tsaka isa pa, ayokong mapunta lang sa isang lalaking hindi naman kayang makuntento sa isang babae lang,” seryosong sabi ni Eryell at namewang sa harap naming lahat. “Psh sabi na ngang nagbago na eh, ayaw mo naman kasi maniwala,” seryosong sabi naman ni Nicolo kay Eryell. “Nag bago neknek mo, eh nung isang araw lang na pumunta tayo sa bayan, may nakasalubong ka lang na higad tuwang tuwa ka na eh,” sabi ni Eryell at inirapan si Nicolo kaya napa kamot na lang ng ulo ang isa. “Haays, bahala ka kung ayaw mo maniwala,” sabi ni Nicolo at tumalikod kay Eryell. “Talaga!” Mapride namang sagot ni Eryell sa kay Nicolo at eto kami, nanunuod lang sa kanilang dalawa. “Mga mapride ‘tong dalawang ‘to,” bulong ko sa asawa ko. “You’re right,” pagsegunda naman ni Jason sa sinabi ko. “I’m sorry wife, we need to leave now,” pahabol na sabi ni Jason at kumalas na sa pagkakayakap sakin. “Sige, ingat kayo dun ha,” sabi ko at tumango naman siya. “Huwag ka rin mag papagutom,” dagdag ko pa at tumango lang siya ulit. “Dala mo ba yung espada mo?” Tanong ko sa kanya at tinignan sa likod niya pero wala ito doon. “Nandun na sa kasamahan naming kawal,” sabi naman ni Jason kaya tumango na lang din ako sa kanya. “Okay, ano pa ba?” Tanong ko sa kanya at inisip pa yung mga hindi niya dapat kalimutan. “Yung singsing natin suot mo ba?” Tanong ko sa kanya at narinig ko naman ang mga impit na tawa ng mga kasama namin kaya napatingin naman ako sa kanila. “Bakit?” Tanong ko. “Hahaha kulang na lang kamo Jo sabihin mo na huwag na umalis si Jason hahaha,” natatawang sabi ni Andrea kaya ang iba ay natawa na din tuloy. “H-Hindi naman sa ganun, gusto ko lang masigurado na magiging okay siya dun,” sabi ko sa kanila kaya mas lalo pa silang natawa kaya napanguso na lang ako. Waaah mali bang mag alala sa asawa ko? “Haha don’t worry wife, I’ll be fine,” sabi ni Jason at hinalikan ako sa noo. “Sure ka?” Tanong ko sa kanya at tumango naman siya. “Take care of yourself while I’m gone, okay?” Sabi ni Jason at tumango naman ako sa kanya. “Alright, we’ll go now,” sabi ni Jason at sa hinalikan ako muli sa labi tsaka umalis na sila. “Ayun na nga sila, umalis na nga,” sabi ni Rhoda. “Oo nga, okay ka lang ba Jo?” Tanong ni Catliya sakin. “Oo naman, tsaka ilang araw lang naman yun,” sagot ko sa kanila. “Pfft pero kanina parang ayaw paalisin ang asawa eh,” sabi ni Eryell. “Tse! Tara na nga, turuan niyo na ko ulit,” sabi ko sa kanila. “Okay, back to training,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD