Chapter 10: Mörker Palace

2172 Words
*Joanna's POV* Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makalabas na ko sa gubat tsaka na ko unti unting nag lakad na lang, palinga linga din ako sa paligid ko, baka kasi may nakakita ng nagawa ko sa ilog, kahit pa na sabihin nating hindi ko ito sinasadya, Pagkalabas ko doon ay wala pa din akong nakikitang kahit ni isang bahay man lang o nilalang, pero siguro mas mabuti na yun, at least walang makakakita sa akin at di ko na rin pa kailangang isipin na baka may masaktan ako o may mangyari na namang hindi maganda gaya nung nangyari sa may ilog. Tuloy tuloy lang ako sa pag lalakad hanngang sa nakarating na ko sa may parang palengke sa di kalayuan at kahit nag dadalawang isip ay tumakbo pa rin ako papunta sa palengke at doon ko nga nakita ang iba’t ibang klase ng paninda at sari saring mga nilalang na namimili pero karamihan sa kanila ay mga bampira. Tumigil na ko sa pagtakbo at naglakad na lang habang pasimpleng pinupunasan ang mga luha sa mata ko at naka yuko, hanngang ngayon kasi ay naka suot pa din ako ng hood kaya di masyadong kita ang mukha ko. Nang masiguro ko nang wala ng bakas ng pag iyak ko sa mukha ko ay tinanggal ko na rin ang hood ng cloak na suot suot ko tsaka nag-simula nang mag-lakad palapit sa mga estante ng mga paninda. Habang tumutingin tingin ay naalala ko ang sinabi ni Aling Rona na merkado sa likod ng kagubatan. Ito na yata yung sinasabi ni Aling Rona na merkado. Habang nag iikot ikot ay napansin ko rin ang mga babaeng bampira na hawak hawak ang kanyang anak kaya napaisip ako. Magagawa ko rin kayang hawakan ang magiging anak ko kung di ko magawang kontrolin ang sarili kong kapangyarihan? Si Jason? Mahahawakan ko pa ba siya? Dahil sa pag iisip ko ay di ko napansing tumutulo na pala muli ang mga luha sa mata ko. "Ate batit ta po naiyak? (Bakit ka po naiyak?)," biglang may humila hila sa cloak ko at narinig ko ang tanong ng isang batang babae sa may kanan ko kaya napalingon naman ako dun at nakita siyang nakatingin sakin habang merong nagtatakhang expression sa mukha niya at naka turo ang hintuturo niya sa kanyang baba. "Huh?" tanong ko at dun ko lang rin napansin na patuloy pa rin pala sa pag-luha ang mga mata ko kaya agad naman akong napatingin sa paanan ko, napa atras pa nga ako para tignan kung may nabuo din bang yelo dun pero buti na lang at walang ano mang bakas ng yelo o niyebe doon kaya naka hinga naman ako ng maluwag. "Ah wala 'to, napuwing lang ako," sagot ko sa bata at ngumiti sa kanya, lumuhod na rin ako sa harapan niya para mapantayan siya. "Sinong kasama mo? Ba't nag-iisa ka lang dito?" tanong ko sa batang babae. "Andun po shi ina," sagot naman niya sa tanong ko at tinuro ang isang tindera na masyadong abala sa pag bebenta ng mga gulay at prutas. "Ganun ba? Tara ihatid na kita dun baka mamaya mawala ka pa dito, ang dami pa namang mga nilalang na nandito, baka mapano ka pa," sabi ko sa kanya at tumango naman ang batang kausap ko sabay hawak sa kanang kamay ko tsaka ngumiti sakin at kita ko na ang isa sa mga ngipin niya ay nabungi kaya napangiti na rin ako sa kanya, ang cute niya kasi. Hinatid ko na siya sa tindahan ng nanay niya baka kasi mawala pa siya eh. Pag lapit namin sa nanay niya ay agad siya bumitaw sa pagkaka hawak sa kamay ko at niyakap ang binti ng nanay niya, hanggang dun lang kasi ang abot niya. "Ay ano ka bang bata ka, saan ka na naman ba galing ha?" tanong ng nanay ng bata at pinunasan ang mukha ng anak niya, tsaka tinignan ang buong katawan nito, siguro ay chinecheck niya kung may sugat ba ito o galos sa katawan. "Shama ko ti ate (kasama ko si ate),” sabi niya sa nanay niya sabay turo sakin at napatingin naman sakin ang tindera kaya ngumiti ako sa kanya. "Pasensya ka na iha ha, naabala ka pa ng anak ko," malambing na sabi niya pero umiling lang ako. "Ayos lang po yun. Sige po, mauuna na po ko," paalam ko na lang sa kanila at nag-simula ng maglakad paalis ng tindahan nila. "Palam ate hihi (paalam ate hihi),” rinig ko pang sigaw ng bata kaya lumingon ako sa kanya at nakita siyang kumakaway sakin kaya kumaway din ako sa kanya pabalik. Nag-ikot-ikot na muna ako dito sa may merkado at kanina ko pa napapansin na parang hindi nila ako kilala, kasi kanina ko pa tinanggal ang suot kong hood tsaka idagdag mo pa yung may nakausap na akong tindera kanina pero wala pa ring nakakakilala sakin. Bakit kaya? Hindi ba nila alam na ako ang reyna? Baka naman dahil sa may kalayuan na itong lugar ay kaya di nila alam ang mga balita sa palasyo. Sa sobrang pag iisip ay di ko napansin ang isang lalaki kaya nabangga ko tuloy siya. "Aray," sabi ko ng may biglang bumangga sakin na isang lalaking may bitbit na dalawang kahon. "Ay pasensya na iha di kita napansin eh pasensya na talaga," sabi niya at nag-tuloy-tuloy sa paglalakad. Hindi ko na lang pinansin pa at nag-patuloy na lang rin sa paglalakad. May nakita akong tindahan ng mga damit kaya lumapit ako rito at tumingin-tingin sa mga paninda nila. Marami ring mga bampira ang tumitingin sa mga paninda nila dito at halos karamihan sa kanila ay mga dalaga at binata pa. Habang tumitingin sa mga paninda ay nakita ko ang isang sweater na nakadisplay sa gilid ng tindahan, naka sampay ito sa isang hanger na gawa sa kahoy, nilapitan ko 'to at sinuri ng maigi, hinawakan ko ito para masuri ang klase ng tela na ginamit sa pag gawa nito. Makapal ang tela ha, sakto siya kung malamig ang panahon. "Gusto mo ba yan iha? Mura lang yan, bagay na bagay sa nobyo mo," sabi ng lalaking tindero kaya agad kong binitawan ang damit at tumingin sa tindero. "Ah hindi po ako bibili, wala po kasi akong dalang pera dito," sabi ko sa kanya at ngumiti sa kanya. "Ay ganun ba? Naku pasensya na pero hindi kami nagpapa utang dito, pumunta ka na lang dun sa ibang tindahan subukan mo baka pumapayag sila sa utang," sabi ng tindero at di na ako pinansin. Napataas naman ang kilay ko sa inakto ng tindero. Ang bilis namang mag-bago ng ugali ng bampirang 'to. Umalis na lamang ako sa tindahan na yun at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa iba pang estante ng mga paninda. Merong nag bebenta ng mga damit, prutas, gulay, tela, alahas, sapatos, mga kagamitan sa bahay na yari sa kahoy o metal, meron ding nag bebenta ng mga alagang hayop kagaya ng manok, pato at baboy, tsaka may napansin din ako sa kabilang parte ng mga estante na may nag bebenta ng mga maliliit nilalang na umiilaw ang katawan, siguro kasing laki lang nila ang mga hamster sa mundo ng mga tao, bilog ang hugas ng nilalang na ito tapos iba iba ang kulay nila, mukha silang mga laruan, meron din silang mahabang buntot tapos ang dulong bahagi ng buntot nila ay umiilaw din ng katulad sa katawan nila, kung may pera lang sana ako ngayon baka bumili na ako kaso wala akong dala eh, siguro babalik na lang ako kapag meron na akong naipon. Ang gaan ng pakiramdam ko dito, yung tipong di ko na naaalala ang mga nangyari sakin nitong mga nakaraang araw. Sana ganito na lang lagi. Nag patuloy ako sa pag lalakad hanggang sa makarating na ako sa may dulong parte ng merkado, konti na lang ang mga tindahan at namimili rito. Halos mga bakante na ang ibang estante at ang ibang estante naman ay nag bebenta ng mga armas at may nakita din akong babaeng tindera na naka upo lamang sa isang lamesa sa loob ng isang estanteng walang lamang paninda. “Kaawa awang nilalang, ni hindi man lang nabawi ang kanyang pinuhunan sa kanyang negosyo,” rinig kong sabi ng isang babaeng tindera. “Haha mabuti nga yan sa kanya, napaka yabang kasi akala mo kung sino eh baguhan lang naman dito,” sabi naman ng isa pang babaeng tindera kaya napa kunot noo naman ako. “Hoy! Anong sabi mo bruha!” Sigaw nung babaeng naka upo sa lamesa at sinugod yung babaeng tindera, dali dali na lang akong umalis dun at ayoko na lang sila awatin pa, baka madamay pa ako sa gulo o di kaya ay mapahamak pa sila sa akin. Nag tuloy na lang ako sa pag lalakad hanggang sa pinaka dulo at napansin ko ang isang tindahan na walang bumibili kaya lumapit ako dito at tinignan ang mga paninda niya. Pagkalapit ko pa lang ay napansin ko na agad na hindi pangkaraniwan ang mga binebenta niya, dahil mga mukha itong anting-anting at mga antique na mga bato. Kumuha ako ng isang bato at tinignan 'to. "Iha," tawag sakin ng isang lalaki kaya binalik ko agad ang bato sa lalagyan nito tsaka tumingin sa kanya. Nakita ko ang isang matandang lalaki na may mahabang puting balbas at kilay, siya yata ang may ari nitong tindahan. "Ah pasensya na po, nagtititingin lamang ako, hindi po ako bibili," sabi ko sa kanya at tatalikod na sana ng tinawag niya ko ulit. "Iha, sandali lamang," sabi niya kaya binalik ko ang tingin ko sa kanya at nakita na may inaabot siya sakin. "Eto, sayo na 'to," sabi niya at inaabot sakin ang isang kahon. "Ah hindi po, wala po kong pambayad sa inyo," sabi ko sa kanya habang umiiling pero pilit niya pa ring inaabot sakin ang kahon. "Huwag kang mag-alala, para talaga sayo yan," sabi ng matanda kaya napakunot-noo naman ako. Para sakin? Inabot ko na lang ang kahon at binuksan ito. Nakita ko sa loob ang isang kwintas na may snowflake na desenyo. Aanhin ko 'to? Marami na kong kwintas eh. "Manong pasensya na po pe~" ibabalik ko pa sana ang kwintas sa tindero kaso nung pag-angat ko ng ulo ko ay wala na ang tindero, pati na rin ang tindahan niya. What the hell? Tinignan kong muli ang kwintas at nandito pa nga 'to sa loob ng kahon. Inilagay ko na lang 'to sa loob ng bulsa ko, mabuti na lang at nagkasya. Dali-dali na rin akong umalis sa lugar na yun at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa mapadpad ako sa isang bangin. Mula dito sa itaas ng bangin ay kitang kita ko ang high mountain at ang Taboo Forest. Napansin ko rin na sa likod ng high mountain at ng Taboo Forest ay may mga lupain pa pala doon. Hindi pa yata ako nakakarating sa lugar na yun at gusto kong mapuntahan yun, hindi ko alam pero parang may himihila sakin papunta sa lugar na yun. Sobra akong nacu-curious sa mga nilalang na makikita dun at sa mga bagay na madidiskubre ko pa dun. Nakatitig lang ako sa bahagi ng lupa na yun at parang wala na akong pakialam sa paligid ko. "Mörker palace" naibulong ko na lang sa hangin. "Joanna!" narinig kong sigaw sa likuran ko kaya napabalik ako sa reyalidad at napalingon doon. "Jason," bulong ko ng makita ang pinakamamahal kong asawa. Dali-dali akong lumapit sa kanya at yayakapin ko na sana siya ng maalala ko na naman na hindi ko pa kayang kontrolin ang kapangyarihan ko kaya unti unti akong umatras palayo sa kanya pero bago pa man ako tuluyang makahakbang palayo sa kanya ay hinila na niya ang kamay ko palapit sa kanya at niyakap ako. Sa simpleng yakap na yun ay nakaramdam ako na ligtas ako, na kaya kong lagpasan ang mga pag subok na darating sa buhay ko. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at naiyak na lang ulit sa bisig ni Jason. "Jason, I'm sorry," naiiyak kong sabi sa kanya. “I’m sorry,” paulit ulit kong bulong sa kanya. "Shh, hindi mo kasalanan yun. Alam kong kaya mong kontrolin ang kapangyarihang meron ka, may tiwala ako sa'yo," bulong ni Jason sakin habang sinusuklay ng kamay niya ang buhok ko at hinigpitan ang yakap sakin. Tumango ako sa kanya habang nakasubsob pa rin ang mukha ko sa dibdib niya. Tama siya. Kaya ko. Kaya kong kontrolin ang sarili kong kapangyarihan. "Let's go home, my Queen?" tanong niya sakin. "Yes, my King," sagot ko sa kanya at bumitaw na kami sa yakap namin at hinawakan namin ang kamay ng isa't isa at nagsimula na maglakad pabalik ng palasyo. Tama. As long as nandito si Jason, kakayanin ko kahit na ano pa mang pagsubok ang dumating. Kakayanin ko lahat. *Someone's POV* "Malapit na prinsesa, malapit na ang itinakdang oras," bulong ko sa hangin habang tinitignan ang mag-asawa na naglalakad paalis sa may bangin. "Konting panahon na lang, mapapalaya mo na kami, kaming mga itinakwil nila,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD